webnovel

Chapter 1

Kagat labi akong nakayuko haba naglalakad patungo sa classroom ng aking pinsan.

Ayoko talaga na tinitingnan ako. Hindi ako mapakali kapag tinitingnan ako o minamasdan. Pakiramdam ko kasi makakagawa ako ng pagkakamali.

Tulad nalang ngayon, bawat classroom na daanan ko ay tinitingnan ako ng mga estudyante. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Pakiramdam ko tuloy madadapa ako kahit na naglalakad ako.

Bakit ba sila nakatingin sa akin. Baka naman may dumi ako sa mukha. Oh gosh!baka naman bukas ang zipper ng aking palda.

Dahil sa naisip ko agad kong hinawakan ang aking zipper.

Salamat naman at hindi bukas.

Aray!huhuhuhuhu ayan kasi Amber. Tatanga-tanga ka kasi. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Nabangga ka tuloy sa pader. Nakakahiya.

"Okey ka lang?"

Huh! Kailan pa nakakapagsalita ang pader.

Mula sa pagkakayoko ay napaangat ang mukha ko.

Isang nag-aalalang mukha ang aking nakita. Ay mali pala. Isang gwapong nilalang na nag-aalala ang aking nakita.

"Bata, okay ka lang ba?"tanong ulit nito.

Grabe naman si kuya kong makatawag ng bata. 12 years old na po ako. Hindi nga lang halata.

"Okay lang po ako." Sagot ko rito't sinabayan ko pa ng tango.

"First year ka ba?"

"Oo."

"Anong sadya mo rito sa ika apat na palapag. May kakilala ka ba rito?"

Sa ika apat na palapag kasi ang classroom ng mga fourth year high school. Samantala ang first year ay sa first floor.

"Hinahanap ko ang ate Kristal ko."

"Robles ba ang apelyedo ng ate mo?"

"Oo."

"Kaklase ko siya. Gusto mo bang samahan kita?" Nakangiti niyang wika sa akin. Agad naman akong tumango.

Magaan ang loob ko rito. Hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa mga estranghero  dahil hindi ako komportable pero iba ang lalaking kaharap ko. Napakaamo ng mukha at malumanay kung magsalita. Maaliwalas ang mukha na parang laging may handang ngiti sa mga labi at may mga matang parang nagsasabing pagkatiwalaan ito dahil wala itong gagawing ikakapahamak mo. Hindi naman ako 5 years old pero habang kinakausap ako ay parang nakikipag-usap ito sa 5 years old.

Napangiti ito ng makitang tumango ako. Hinawakan ako sa kamay at hinila.

Lalo kong iniyoko ang aking ulo. Lalo yatang dumadami ang nakatingin sa akin. Hindi tulad nong kanina. Yung iba sa mga babae na estudyante ay matatalim na tingin ang ibinabato nila sa akin. Yung iba ay naka ismid habang nakatingin sa kamay ko na hawak-hawak ng lalaking sinusundan ko.

Bigla itong huminto sa paglalakad kaya napahintonrin ako.

Nagtatakang tiningnan ko siya.

Nakangiti itong nakatunghay sa akin.

"Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Jacob. Jacob Talavera. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Amber. Amber Robles." Nakayokong  sagot ko rito. Hindi ko matagalan ang makipagtitigan sa mga tao lalong lalo na sa mga lalaki.

"Ang cute mo talaga." Pinisil nito ang pisngi ko gamit ang kabilang kamay nito. Yong kabila niton kamay ay nakahawak pa rin sa aking kamay.

Matapos nitong panggigilan ang pisngi ko ay nagpatuloy na ito sa paglalakad. Hila -hila na naman ako.

Para tuloy siyang tatay na ipinapasyal ang kanyang anak. Maya-maya ay pumasok na kami sa isang classroom.

"Kristal may naghahanap sayo." Tawag ni kuya Jacob  kay ate kristal.

Feeling close ba ang pagkakasabi ko ng kuya... ganun talaga. Turo sa akin ni mama ay gumalang sa nakakatanda. 

Mula sa kumpulan ng mga ito ay nakangiti lumapit sa akin si ate kristal. Hindi lang si ate kristal ang lumapit maging ang mga kasama nito.

"Kristal, sino siya? Tanong ng isa sa mga kasama ni ate kristal sa kanya habang nakatingin sa akin.

Naaasiwa ako sa mga tingin ng mga kasama ni ate kristal. Parang nagtu twinkle ang mga mata ng mga ito.

" siya si Amber. Pinsan ko siya. First year siya." Nakangiting  pagpapakilala sa akin ate Kristal.

" Anong section mo? Tanong ng lalaking kaklase ni ate.

" Third section." Mahina kong sagot rito. Nahihiya ako kasi si ate Kristal ay matalino laging nasa first section samantalang ako ay hindi. Aware na aware akong mas matalino si ate Kristal kay sa akin dahil laging ipinagmumukha sa akin ng mga kakilala ng pamilya namin ang pagkakaiba naming dalawa. Laging ikinukumpara ng mga ito sa akin si ate Kristal.

"Ang cute ng pinsan mo kristal." Wika ng babaing kaklase nito na naka bangs. Pinipisil naman nito ang pisngi ko. Sa tingin ko namumula na ang pisngi ko dahil sa pagpisil nito sa akin.

Bakit ba kasi laging ang pisngi ko ang agad hinahawakan ng mga ito. Hindi naman chubby ang pisngi ko. Slight lang.

"Pwede bang e uwe ko sa bahay ang pinsan mo" wika naman ng isang kaklase ni ate kristal na babae. kikay kong kumilos.

" Kim, tao ang pinsan ko. Hindi manika."

"Pero para siyang manika." Nakangusong wika nito. Ang cute nito.

"Sigurado, paglaki nito marami itong paiiyaking lalaki." Wika naman nong isa na agad na ikinapula ng mukha ko. Kung saan-saan nalang napupunta ang usapan ng mga ito. Kagat labing napayuko na lang ako dahil sa mga naririnig ko.

"Huwag mo nalang silang pansinin. Doon ka umupo sa upuan ko. May pag-uusapan pa kami ng mga kaklase ko." Wika ni ate kristal sa akin. Napansin siguro nitong nahihiya na ako dahil sa usapan ng mga kaklase ng nito. Agad ko namang sinunod ang sinabi nito sa akin. Tahimik akong umupo sa upuang itinuro nito sa akin.

Mula sa pagkakayuko ay iniangat ko ang aking paningin at iginala ko ang aking mga mata sa paligid.

Kanina ko pa nararamdaman na may nagmamasid sa akin.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng magtama ang mata namin ng isang lalaki. Nakatitig ito sa akin. Kakaiba kung tumitig.

Hindi man lang ito umiwas ng titig sa akin ng mahuli kong nakatitig sa akin. At dahil di ko matagalan ang titig niya ay agad kong iniiwas ang tingin ko rito.

Hala! Bakit ka ba tumitibok ng napakalakas. Heart, tama na!

Habang busy ako sa puso kong hindi mapakali ay nakarinig ako ng ingay.

"Miguel, para nga pala sayo."wika ng babae sabay abot ng kahon sa lalaking tumititig sa akin kanina.

Hindi nito kinuha ang kahon na iniaabot rito. Inilapag ng babae ang kahon sa mesa nito. At kinikilig na umalis ang babae.

" Ito rin para sayo." Wika rin ng isa sa mga babae.

Anak ba ito ng may-are ng school?anak ng Presidente ng bansa? modelo? artista?

Ang daming nagsidatingan na mga babae at bakla. Kung anu-ano ang iniaabot ng mga ito rito.

Tulad ng unang nagbigay ng kahon. Ibinababa ng mga ito ang mga dala ng mga ito sa mesa at parang kiti-kiting umaalis.

"Ito oh. Chocolate." Abot sa akin ni kuya jacob ng chocolate.

Nagtatakang napatingin ako rito.

"Kanina ka pa nakatingin sa mga iniaabot na mga chocolate kay Miguel. Kaya heto. Ito nalang ang kunin mo." Nakangiting iniaabot nito sa akin ang hawak nitong chocolate.

Akala yata ni  kuya Jacob naiinggit ako sa mga chocolate na natatanggap ng lalake mula sa mga babae.

Agad akong napa iling.

" hindi naman po ako naiinggit sa chocolate."

"So, hindi ka ba kumakain ng chocolate?"

"Kumakain po."

Favorite ko nga po ang chocolate.

"Yun naman pala. Kunin mo na."

Kaysa humaba pa ang usapan kinuha ko na. Kahit nakakahiya.

"Kuya jacob, bakit po nila binibigyan ng gift yang tinatawag mong Miguel. Birthday po ba niya ngayon?"

"Binibigyan nila ng gift si Miguel dahil may gusto sila sa kanya."

"Di po ba ang babae ang dapat na makarecieve ng gift mula sa lalake?"

"Kahit babae pweding magbigay ng gift sa lalaking gusto nito. Kahit babae, bakla, tomboy o lalake ay maaring magpakita ng nararamdaman. Malaya ang bawat tao na ipakita ang nararamdaman. Hindi lang lalake ang pwedeng magbigay ng gift. Lahat ng tao ay nakakaramdam. Naiintindihan mo ba ako."

Isang tango ang isinagot ko.

"Pero, kuya. Nakakahiya po na ang babae ang magpapakita ng enteres sa isang lalake."

"Hindi naman nakakahiya ang magkagusto sa isang tao. As long as wala kang nasasaktang tao ay okay lang. Ikaw, wala ka bang nagugustuhan na lalake? May crush ka na ba?" Agad na ikina- init ng mukha ko ang tanong ni kuya jacob. Kahit hindi ako manalamin ay sigurado akong nagkukulay kamatis ang mukha ko.

Dumako ang mga mata ko sa nagngangalang miguel. Agad akong napayuko dahil nagkasalubong na naman ang mga mata naming dalawa.

"Ang cute mo talaga." Pinanggigilan naman ni kuya jacob ang pisngi ko.

Kunti nalang maniniwala na ako na cute ako. Ang dami kasing nagsasabing cute daw ako pero pag tumitingin naman ako sa salamin Hindi naman.

Aalisin ko na sana ang kamay ni kuya jacob na nakahawak sa pisngi ko pero naunahan ako ng eraser na lumipad sa mukha ni kuya jacob. Agad nitong nabitawan ang pisngi ko at agad na hinarap ang may kagagawan ng paglipad ng eraser.

"Miguel." Gulat na gulat si kuya jacob. Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa may sala.

Hindi lang si kuya jacob ang nagulat. Lahat ng nasa loob ng classroom na nakasaksi ay gulat na gulat.

"Lumabas ka ng classroom. Naiinis ako sa pagmumukha mo." Utos pa nito kay kuya jacob. Parang wala lang rito ang ginawa nito.

Dahil lang naiinis ito. Nambabato na ito...

May tililing yata ang miguel na'to.

Chương tiếp theo