webnovel

Isang Kamatayang Hindi Kanais-Nais!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Alinman sa mga tanong ay hindi madali.

Sa pagkakataong iyon, ang mga tingin na ipinupukol kay Xinghe ay nahahaluan ng awa.

Nakatakda siyang mabigo ngayong araw na ito.

Sana, ang mga hamong ibinigay ng dalawang propesor ay hindi ganoon kalupit na masisira nila ng tuluyan ang kumpiyansa niya sa sarili. Hindi tulad ni Ruobing, ayaw nilang masira ang kanyang kalooban.

Sinurpresa silang lahat ni Xinghe sa pagsasabi ng, "Ang susunod na katanungan pa, pakiusap."

"Mukhang naging mapusok ang desisyon niya ngayon," isa sa mga taong nag-oobserba ang nagsalita ng may laman.

Ito rin ang iniisip ng bawat isa na naroroon. Sapagkat hindi niya masagot ang kahit ano sa mga tanong ay minarapat na yata niyang ipasulat ang lahat ng mga ito.

Baka naman ang huling propesor ay maawa sa kanya at magbigay ng isang simpleng tanong…

Hindi na ikinagulat ng lahat ng si Professor Wong na nagpakita ng sobrang pagkainip ang nagbigay sa kanya ng simpleng math problem para sagutan.

"Siguro naman ay alam mo na ito," sabi ni Professor Wong habang ibinababa ang yeso.

Sinamantala ni Ruobing ang oportunidad para idagdag na, "Propesor Wong, masyado ka namang mabait."

Sa ibang salita, pinagagalitan niya ito sa pagiging mabait kay Xinghe!

Ngumiti ng bahagya si Xinghe at sinabi, "Nagpapasalamat ako sa kunsiderasyon ni Propesor Wong, ang tanong na ito ay talagang napakasimple."

Mukhang ito lamang ang alam niyang sagutan!

Inulan ng mapanghamak na tingin si Xinghe. Ang lahat sa kanila ay alam ang solusyon sa problemang ito.

"Pero, para maging patas sa lahat, Propesor Wong, pakiusap ay ibigay na ninyo ang tunay na katanungan," biglang sambit ni Xinghe, na ikinagulat ng lahat.

Nagkamali ba sila ng dinig sa kanya? Bakit niya ito ginagawa?

Hindi kaya talagang mas maabilidad siya kaysa sa kanilang inaakala?

Hindi sumasang-ayon na sumabat si Ruobing, "Xia Xinghe, importanteng malaman ng isang tao ang kanyang limitasyon. Inaalala ka lamang ni Propesor Wongh para hindi ka masyadong mapahiya kaya itigil mo na ang pag-arte. Ang makakuha ng isang tamang sagot sa isang tanong ay sapat na kaysa sa walang nakuhang tamang sagot, tama?"

"Pinapunta mo ang mga propesor dito dahil gusto mo akong bigyan ng pinakapatas na hamon, hindi ba? Dahil ito naman ang kaso, walang rason para gawin mo ito ng hindi buo ang pagsusumikap mo!" Malinaw na sagot ni Xinghe.

Ngumisi sa galit si Ruobing. "Isa kang hangal na matigas ang ulo! Professor Wong, ang konsiderasyon mo ay hindi pinahahalagahan kaya naman maaari mo ng isulat ulit ang iyong tanong."

Ang pasensya ni Professor Wong ay malapit ng maubos.

Dahil hindi naman pinahahalagahan ni Xinghe ang kabaitan niya… sige na nga.

Humarap itong muli sa pisara para isulat ang isang napakahirap na tanong.

Ang lahat ay nababanaag ang inis na nagmumula kay Professor Wong.

Ang tanong na ibinigay niya ay mas higit na mahirap kaysa sa dalawang nauna rito!

Nagulantang ang lahat ng naroroon. Maski ang dalawang propesor ay kakailanganin ang ilang oras bago pa sila makaisip ng isang solusyon.

Hinahanap ni Xinghe ang kamatayan niya, at ang kamatayan niya ay hindi kanais-nais!

"Ayan na, ang tatlong tanong tulad ng gusto mo. Umakyat ka na at sagutin ang lahat. Tulad ng isang kasabihan sa aklat, nauuna ang kayabangan sa pagkawasak. Young lady, ang kaunting pagpapakumbaba ay malayo ang nararating. Sa tingin mo ay ang matematika ay isang napakadaling subject?" Pinagalitan ni Professor Wong si Xinghe.

Hayagang tinuya siya ni Ruobing, "Xia Xinghe, tulad ng iyong kahilingan, nakuha mo na ang tatlong katanungan sa pisara. Gawin mo na at pahangain mo kami. Pero kung hindi mo kaya, inaabisuhan na kita na magligpit na at lumayas, inaksaya mo na ang marami sa aming mahalagang oras!"

"Pumupusta akong hindi niya alam kung saan magsisimula," tuya ng mas matangkad na inhinyero na sumusunod kay Ruobing.

Siya at ang isa pang mas maliit na inhinyero ay parang ang kaliwa at kanang kamay ni Ruobing, inuulit ang bawat salita nito.

Ang mas maliit na inhinyero ay umayon ng may pag-ismid, "Dapat ay nagligpit na siya at umalis ng nabigyan siya ng pagkakataon, at iniligtas ang sarili sa sobrang kahihiyan. Pero ang isang mayabang na tulad niya ay karapat-dapat lamang na mabigyan ng leksiyon!"