webnovel

01

***

"Celine!" Tawag sakin ni Jelina, classmate ko at kaibigan na rin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagsign muna sya ng wait dahil hinihingal syang tumigil sa harap ko.

San ba nanggaling ang isang to bakit parang pagod na pagod?

"Pwede ka ba bukas?" Hinihingal nyang tanong sakin.

Bukas?

Sabado?

Wala naman akong lakad.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya bago ako pumayag sa gusto nya. Ganyan kase yan si Jelina kapag umoo ka sa una nyang tanong hindi ka na pwede huminde kapag sinabi nya sayo ang dahilan. Kahit labag sa loob mo ay mapapa-oo ka na lang talaga dahil ibablack mail ka nya.

"Kailangan kase namin bukas ng mag-partner may gagawin kase kaming experiment something ganun. Pero pa documentary style sya. Payag ka bang ikaw na lang yung girl?" Nagmamakaawang tanong nya.

"Eh. Ayoko nga."

"Dali na... Please Celine?"

Nagpuppy eyes pa sya sa harapan ko.

"Oh sige, let's have a deal. Ililibre kita kahit ano pero wag masyadong mahal ha?"

"Hmmm.. Kahit ano? Sure?" Nakangiti kong paninigurado sa kanya.

"Oo. Pero wag masyadong mahal! Kinakabahan ako sa ngiti mo eh!"

"Hindi naman mahal yung ipapalibre ko eh." Natatawa kong sabi sa kanya.

***

Beep

***

Celine! Nandito na kami sa labas ng bahay nyo. Labas ka na.

***

"Ma! Alis na po ako!"

Paalam ko kay mama. Ala una pa lang ng madaling araw ngayon. Hindi ko alam kung anong trip nila Jelina at madaling araw kami aalis. At hindi ko malaman kung paano nya napapayag si mama. Kakaiba talaga ang powers nung isang yun.

"Osige nak. Ingat kayo sa pupuntahan nyo ha?"

Humalik ako sa pisngi ni mama saka lumabas. Naabutan kong nakatayo sa labas si Jelina kasama si Joe, Niel, at Jero.

"Ano ba trip mo at madaling araw tayo aalis?" Masungit kong sabi.

"Eh kase gagawa tayong film di ba? So naisip namin yung 24 hours challenge."

"Oh ano naman yung 24 challenge?"

"Mag-eexperiment kami ng grupo namin pero kayo ng partner mo yung gagamitin namin."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. "Ano?! Tao gagamitin nyo?! Uuwi na lang ako!" Kinuha ko na yung mga gamit ko sa likod ng kotse.

"Wait nga! Ano ba Celine! Hindi namin kayo gagawan ng masama! Jusko!" Naiiritang sabi nya na nagpatigil sakin sa pagkuha ng gamit ko.

Eh ano pala?

"Ano bang gagawin namin ha?"

"Basta. Dun ko na lang ieexplain pagdating natin. Para isang explain lang nakakapagod magsalita!"

"Ayusin mo Jelina ah! Ayusin mo! Uuwi talaga ako!"

Natulog na lang ako kesa magisip pa sa kung anong trip ni Jelina.

"Celine nandito na tayo." Tinapik-tapik pa ni Jelina ang pisngi ko. "Uy! Gising na! Kahit kelan talaga ang hirap mong gisingin!"

"Gising na ako." Tumingin ako sa labas ng kotse. Umaga na pala. Tinignan ko kung anong oras na. 7 A.M. na pala. Ang haba naman ng biyahe namin. Nasa park kaming parang perya. Pero mukhang mamahalin ang mga ginamit ditong materials para mabuo ito.

Wow! May ganito pala dito sa pinas pero bakit hindi nafifeature sa mga social media's? Kahit maaga pa lang ay marami ng tao ang nakapila sa labas ng gate nitong park na parang perya na ewan na ito dahil talagang nakakaakit ang itsura nito at maraming exciting na games sa loob nito dahil sa naglalakihang poster sa labas.

"Saang lugar to?" Tanong ko kay Jelina na busy sa kakapindot ng cellphone nya.

"Basta." Maiksing sagot nya.

Iginala ko na lang ang paningin ko sa paligid. Ang sarap ng simoy ng hangin nakakarelax. Ang ganda ng paligid dahil puro berde lang ang makikita. Shet! Parang gusto kong magpaiwan dito.

"Celine! Nandito na raw sila! Makakapagsimula na tayo!" Masayang sabi niya.

"Sinong sila?"

"Yung makakapartner mo!"

Hindi na lang ako sumagot. Nagcheck na lang ako kung may message ba sa phone ko pero wala. Nag-earphones na lang ako at nakinig ng music.

"Jelina!" Tawag ng isang lalaki mula sa kararating lang din na van. Agad itong bumaba at tumakbo papunta kay Jelina saka ito niyakap.

"Ivan! Bakit ang tagal nyo?!"

"Na-flat yung gulong namin eh."

"Eh nasan na yung makakapartner nito?" Turo sakin ni Jelina.

"Oh? Sya pala yung partner. Hi cutie!" Nakangiti ito at hindi na rin makita ang mga mata nya dahil sa pagkakangiti nya.

"Hi." Maiksing bati ko.

"Nasan na ba yung partner nito at ng makapag-umpisa na tayo."

"Nasa van. Ano ba yan bakit ang tagal nila bumaba?!" Napakamot sa ulo si Ivan at naglakad papunta sa van.

Humarap na lang ako sa park na ewan na to. Nakaka-amaze talaga yung itsura nito tapos ang fresh pa ng hangin tapos hindi pa ganon kainit. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ayoko ng umuwi. Kung sabihin ko kaya kay Jelina na magpaiwan na lang ako? Kakalbuhin siguro sya ni mama. Hahaha!

"Celine! Nandito na yung partner mo! Dali ipapakilala kita!" Sigaw ni Jelina. Pabalik na sana ako ng mapansin kong hindi nakasintas yung isa kong sapatos.

"Wait lang Jelina!" Sigaw ko saka lumuhod at nagsintas.

"Celine!"

"Ito na!" Tumakbo ako sa kanila. Nakita kong mas nadagdagan kami. Naging siyam na kami. Bakit parang ang daming kailangan para dito sa film chuchu na ito?

"Celine, meet Roman." Pakilala nya saka humarap yung lalaking may kausap sa phone kanina.

Wait Roman? Bakit sa dinami dami ng name yun pa.

Humarap na yung lalaking partner ko raw. Nanlaki yung mata ko ng makita ko sya. Bakit sya? Damn! Ano ba to si Jelina!

"Jelina?! Bakit sya?!" Bulong ko.

"Sya yung nakuha nila Ivan eh. Bakit may problema ba?" Bulong nya rin.

"Ayoko na. Magku-quit na ako. Maghanap na lang kayo ng iba."

"Ano ba Celine! Anong quit jan!"

"Ayoko na Jelina! Bahala kayo jan."

"Bakit ba kayo nagbubulungan jan?" Tanong ni Ivan samin. Nakatingin na pala silang lahat samin.

"Ah wala... Wait lang kakausapin ko lang tong isang to." Hinila nya ako papunta sa kung saan.

"Bakit ba nagququit ka dyan ha?"

"Ayoko na nga kase."

"Bakit? Anong problema?"

"May emergency sa bahay." Pagsisinungaling ko. Shet! Sana kumagat naman. Ayokong matuloy tong film na to. Kasama yung lalaking yun.

Kinuha ni Jelina ang phone nya saka nagdial.

"Hello Tita? May emergency daw po sa inyo sabi ni Celine?" Shet! Napahawak nalang ako sa noo ko. "Yun po kase yung sabi nya.... Ah... Sige po... Bye po..."

"So ano ba talagang problem? Nung makita mo si Roman nagkaganyan kana. Ano ba Celine?"

Hindi ako sumagot. Dapat bang sabihin kong ex ko si Roman na makakapartner ko ngayon sa film na to? Aish! Mas mabuting hindi na lang para hindi rin sila magkaproblema.

"Tara na nga. Wala."

"Ang gulo mo! Sinasayang mo yung oras natin." Saka kami bumalik sa mga kasama namin.

"Okay na ba?" Tanong agad ni Ivan pagkalapit namin.

"Oo. Itong si Celine ang weird kase bigla ng makita si Roman."

"Baka naman crush ni Celine to si Roman!" Pang-aasar ni Niel.

"Yieeee kaw Celine ah." Jero.

"Kaya pala binubulungan mo si Jelina kanina ah." Jeo.

"Aish! Tumigil nga kayo. Hindi ko sya crush!" Pasimple akong tumingin sa gawi nya. Hindi nya rin siguro alam ang irereact ngayon. Mga mapang-asar pa naman tong mga kasama ko.

"Talaga?"

"Oo nga. Kelan ba tayo magsisimula? Anong oras na oh?" Tanong ko.

"Guys! Staph na! Hahahaha! Kinikilig na si Celine kaya kailangan na nating magsimula." Mapanuksong tumingin to saken.

Hays. Kung alam nyo lang talaga kung bakit ayaw ko. Baka kayo pa ang ma-awkward sa set up ngayon. Pero ayoko namang masayang ang efforts nila dahil grades ang nakasalalay nila ang nakasalalay dito. Pero sana pagkatapos nito walang masamang idulot sakin. Please sana wala....

Sana...

Inexplain na sa amin ni Jelina ang gagawin namin. Kailangan lang daw namin magsamang dalawa sa lugar na to ng 24 hours. Hindi daw kailangan ng acting skills. Natural way lang daw at wag daw namin isipin na may camera sa bawat galaw namin. Tapos interviewhin daw kami about sa mga pagsasama naming dalawa.

Habang nagseset up ng mga kasama namin. Naghahanda na rin kaming dalawa ng dadalhin namin sa loob ng park. Bawal na daw kase kami lumabas mamaya.

"Celine..." Nagulat ako sa pagtawag nya. Tumingin lang ako sa gawi nya. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Hindi na kailangan."

"Bakit?"

"Ayoko. Masasayang ang effort nila dito. Saka grades nila ang nakasalalay." Sabi ko na nakatuon ang paningin sa mga nag-aayos ng gamit. Mas mabuti na ring hindi nila alam. "At wag mo na rin sabihin."

Naglalakad na kami papasok sa park. Nakabili na rin sila ng ticket naming lahat para sa entrance pero yung samin lang ni Roman ang ride-all-you-can ticket. Dahil kami lang naman daw ang gagamit.

Pinatay ko muna ang mic na nakakabit sa akin saka ko tinuro yung kanya na patayin din bago ako magsalita. "Wag mong ipapahalata na may alam na tayo sa isa't-isa. Let's just pretend na ngayon pa lang tayo nagkakilala at nagkita okay?" Sabi ko sa kanya. Hindi na ako naghintay ng sagot nya ay tumalikod na ako.

"San mo gusto?" Tanong nya. Casual lang. Natural. Hindi sya naiilang sakin. Eh ganun naman talaga dapat Celine! Be natural lang! Kaya mo yan!

"Hmmm..." Inilibot ko yung mata ko sa paligid pero wala akong mapili. Hindi ko na rin makita sila Jelina. Paano nila kami makukunan? Paano yung short film nila? Nagliliwaliw din ba sila? O baka alam talaga nilang may something samin dati kay hinayaan na lang kaming dalawa? O baka wala talagang short film? Aish ba----

"Walang mapili?" Biglang tanong nya. Napalingon tuloy ako sa likod ko at sobrang lapit ng mga mukha namin pero ngumisi lang sya saka tumayo ng ayos. "Tara!" Hindi nya na ako hinintay pang sumagot dahil kaagad nya akong hinila papunta kung saan. "First time mo sa ganito di ba?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko na mas ikinangiti nya. "Hoy! Bakit ang laki ng ngisi mo ha? May balak ka no?!"

"Ako? Wala ah." Pero mas lalong lumaki ang ngisi nya.

Pag itong kulugo na to may ginawang hindi ko nagustuhan lagot talaga to sakin!

Huminto kami sa isang ride na parang hindi ko alam kung buhay pa ba ako kapag sumakay ako.

"Tara.." Naka-ngiti sya. Alam nyang takot ako sa heights eh pero bakit nya ako dinala dito? Nang aasar talaga to eh.

"Wag na dyan!" Lumingon ako sa kung saan at may nakita akong rides na pwede na sakin. "Dun na lang!"

"Ano ba yan! Walang thrill dyan. Dito na lang."

"Ayoko"

"Bakit?" Nakangisi sya. Bwiset!

"Takot ako sa heights..." Nakayuko kong sabi. Alam mong takot ako!

"Takot ka?" Parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya. Galing ng acting skills nito ah.

"Oo nga. Kaya wag na kase dyan! Sa iba na lang!"

"Ah takot ka..." Saka nya ako hinawakan ng mahigpit sa wrist ko at hinila papunta sa pila.

"Oy! Roman! Ayoko kase! Sa iba na lang please! Huy!" Hinihila ko pabalik ang kamay ko pero hindi ko kaya.

"Huy! Roman! Please!"

Pero parang wala syang narinig at patuloy lang sya sa paghila sakin.

"Celine? Umiiyak ka ba?"

Hindi ako sumagot.

"Celine.."

"Uy.."

"Celine..." Hinawakan nya yung baba ko at itiningala nya yung ulo ko.

"Uy sorry na..."

"Alam mo namang takot ako sa heights eh. *sniff* hinila mo pa ako dito *sniff* kanina pa ako nakikiusap nasa iba na lang tayo magrides eh. *sniff* "

Natawa sya.

Potek tinatawanan pa ako nito. Nanginginig na nga ako sa takot eh.

"Para kang bata. Alam mo minsan mas magandang harapin yung mga kinakatakutan mo." Pinunasan nya ng panyo yung luha ko. "Hindi yung habang buhay kinukulong mo yung sarili mo na takot ako sa ganyan ganito ng habang buhay. Face your fears Celine."

"Hindi mo alam na kapag hinarap mo yung bagay na akala mo hindi mo kaya eh may maganda pa lang maiidulot sayo."