3 Chapter 2

Chapter II

DELGADO

~Jhae's PoV

Nakatayo ako ngayon sa upper deck ng Yate namin at mula dito ay napagmamasdan ko ang buong Isla Reaño. Totoo ngang nakalabas na ko sa Islang yun. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at pumikit para damhin ang sariwang hangin.

'Ano na? Ano na nga ba ang kailangan kong gawin?'

Napamulat ako ng marinig ko ang mga yapak na papalapit sakin.

"Napakagaling ng ipinakita mo Jhae, talagang sinanay ka ng mabuti ng iyong Master", sabi ng Chairman sa akin.

"Handa ka na talaga para pamahalaan ang buong Organisasyon", aniya pa.

Nanatili lamang akong tahimik. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga papuri niya.

"Mamaya ay ipapakilala na kita sa buong organisasyon", sabi niya na hindi ko na ikinagulat. " Anyway Milejhae maligayang kaarawan. Ngayong labing walong taong gulang ka na ay maging mas responsable at lagi kang maging handa sa lahat ng mga mangyayari sa paligid mo".

"Maraming salamat, Chairman", sagot ko sa kanya ng hindi ngumingiti.

Nang makababa kami sa Yate ay may sumalubong agad sa aming isang tauhan ng Chairman at agad siyang inalalayan nito pasakay sa isang Helicopter.

Sumunod naman ako sa kanya at hindi na nagpaalalay dahil hindi ko naman kailangan ng tulong mula sa iba.

"Dederetso na tayo sa Hotel La De McBria. Doon naghihintay ang magaayos sa iyo. Mamayang alas otso magsisimula ang Seremonya kaya naman mas magandang gumamit ng helicopter para mapabilis ang ating byahe", pagpapaliwanag ng Chairman sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa bintana.

~Jairus' POV

"Hi, I'm Rita, Rita Johnsons and you are?", pakilala ng isang babae sakin habang nakalahad ang kanyang mga kamay sa harapan ko.

"I'm Jairus", walang gana kong pakilala sa kanya.

"Mind if I join you here?" Simpleng tango lang naman ang iginawad ko sa kanya.

"So, tell me about yourself Mr. Jairus ".

"I'm not applying a job. Your question seems like an interview question huh?" I grinned as I look at her.

"Tss, Fine I'll do it?" Sabi niya pa sakin. Nangunot naman ang noo ko habang naghihintay sa kung ano pa ang sasabihin niya. Hindi niya ba nahahalatang wala ako sa mood para makipagflirt ngayong gabi?

"Again, Im Rita Johnsons, 19, taking up Bachelor of Science in Business Administration and the future owner of Johnson's Corporation. Well, Kung Hindi ka nag-aapply ng job, maybe I can do it. Pwede bang ako ang mag-apply sayo Mr. Jairus Delgado?" Wala akong naaalalang sinabi ko sa kanya ang last name ko.

"Mr. Delgado will you be my boyfriend?" Napatawa ako sa sinabi niya. Ganito na ba talaga ang mga babae?

Napailing nalang ako atsaka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Sorry, but I'm not interested in women like you. It'll be an insult to my family's name if I accept you as my girlfriend and besides I hate commitments. Always remember that ", deretsang sabi ko sa kanya.

"What? A-anong sabi mo? How dare you talk to me like that! " Nang-gagalaiting sigaw niya sa akin. Halatang nagalit siya sa sinabi ko dahil sa pamumula ng kanyang pisngi at pagkibot ng kanyang mga labi. Nakakuha pa tuloy siya ng atensyon mula sa ibang tao ng dahil sa pagiging eskandalosa niya.

"Mind If I excuse myself here", biglang singit naman ni Vard sa usapan namin. May binulong siya sa akin na siyang nakapagpainit ng ulo ko.

Oh c'mon! Not that one. Tumayo ako at agad agad na umalis. Narinig ko pang nagwawala yung applicante ko, pero hindi ko nalang pinansin at seryosong naglakad patungo sa kulay itim kong Volvo.

***

Pagkapasok ng bahay ay agad kong inilabas ang mga salitang gusto kong itanong sa kanya.

"WHAT? Paanong nangyari yun? Pumayag na silang makipagkontrata sa atin. Bakit biglang... " hindi ko na naipagpatuloy pa ang sinasabi ko dahil biglang pumasok si Dad. Kagaya ng lagi niyang ayos ay fix na fix nanaman ang pagkakaayos ng kanyang kulay itim na buhok ngunit ang porma ng kanyang suot ay malayo sa pormal na nakasanayan kong nakikita. Nakasuot siya ng kulay pulang polo shirt at khaki shorts. Mukhang may kinalaman ang Mom ko sa bagay na iyon. Pero may isa pa akong bagay na mas hindi ko inaasahan. Pagkatingin ko sa kanya ay sinalubong ako ng kalmado niyang reaksyon.

Alam na kaya niya ang problema namin sa mga Takashi? Agad akong tumayo at nagbigay galang agad sa kanya. Magsisimula palang ako sa pagtatanong ay pinutol na niya ako kaagad.

" About that contract nagkaroon lang ng medyo maliit na misunderstanding pero sa tingin ko ay maaayos din natin ang lahat. So, ang gusto ng mga Takashi ay magkaroon tayo ng salo-salo bukas ng Alas Otso ng gabi sa Hotel La De McBria ", nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong may magagawa pa ako. Matagal na kasi naming pinagtatrabahuhan ni Dad ang kontratang yun sa mga Takashi. Dugo't pawis ang inilaan ko para sa kontratang yun. Kaya naman hindi katanggap tanggap kung hindi kami mananalo dito.

" Kumusta na ang mga armas naipadala niyo ba ng maayos sa mga Argon? " Tanong ni Dad sa amin ni Vard.

" Naipadala na namin at binayaran na nila iyon ng buo kahapon. "

"Mabuti naman kung ganun", sabi niya atsaka prenteng naupo sa sofa.

" Pipirma po ulit sila ng kontrata sa atin sa susunod na buwan Chairman dahil kakailanganin pa daw nila ng madaming armas", sabat naman sa amin ni Vard.

"Mukhang sasabak sa gyera ang mga Argon".

"Kung gayon nga ay mukhang mas masaya iyon Chairman".

"Tama, Tama, wag lang silang magpapatumba sa kanilang mga kaaway para hindi tayo mawalan ng customer. Aba'y isa ata ang mga Argon pinakamalalaki nating customer sa buong mundo. Kapag nawala ang mga yan ay malaking pera din ang mawawala sa atin," aniya pa.

Kinumusta pa ni Dad ang iba pa naming katransaksyon at mas humanga pa siya dahil sa magagandang ibinalita namin ni Vard. Napagusapan din namin ang tungkol sa porma niya ngayon at tama nga ang hinala ko na si Mom ang dahilan kung bakit siya nakasuot ng ganun. Aniya pay napilitan lang daw siyang magsuot ng ganun pero makikitang mas komportable siya ngayon.

Matapos makipagkwentuhan sa amin ng Chairman ay dumeretso na ako sa aking silid.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa biglang pagbabago ng Isip ng mga Takashi, kaya alas sais na ng umaga ng makatulog ako.

***

Nakatayo ako ngayon sa salamin at tinitignan kung maayos na ba ang suit ko ng tumawag sakin si Mom.

"Hello Jairus! Where are you? Galit na galit na ang dad mo. It's already 7 o'clock, and by 8 pm ay darating na ang mga kabusiness meeting niyo ng dad mo".

"Alright Mom, alright, I'm on my way and I promise that I won't be late," pagsisiguro ko kay Mom.

"Alright! Keep safe, see you in a bit," sabi niya pa sakin.

"Yes Mom," sagot ko atsaka ibinaba ang linya. Kailanman ay hindi ako nalate sa mga Business Meetings ko. Ngayon ata ang una at ang mas malala ay sa mga Takashi pa.

Masyadong preoccupied ang utak ko kagabi. Tsk! Sh*t! Bakit ba kasi ako nakatulog kanina? Ni hindi manlang ako ginising ni Vard.

Bumaba na rin ako agad pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko ay nagdrive na ako papunta sa Hotel La De McBria.

Pagdating ko dun ay nagtungo ako sa Information desk at inassist nila ako kung nasaan sila Dad. Ngayon ay nagiinit nanaman ang ulo ko dahil antagal tagal bumukas ng elevator, idagdag mo pa yung kanina pang pagba-vibrate ng phone ko. Sa huli ay ako din ang sumuko at sinagot ang tawag ni Mom.

"Where are you?" Tanong ng malaking boses sa kabilang linya. Napapikit nalang ako ng mariin bago siya sagutin.

"Nandito na po ako sa 3rd Floor Dad," mahinahong sagot ko.

"Hurry Up! Nakakahiya sa mga ka meeting natin Jairus," habang kausap ko si Dad saktong bumukas naman ang pintuan at bumungad sa akin ang isang pamilyar na pigura ng babae.

"Hello Jairus? Are you still there? Jairus?" Hindi maaari. Tila napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Wala akong paglagyan ng mga salita. Napakurap kurap pa ako at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sir? Tara na po?" Pagkasabi ng hotel clerk na kasama ko ay doon palang ako bumalik sa aking ulirat.

"Jairus", rinig kong sabi sa kabilang linya.

"Hello dad sige po nakasakay na po ako sa elevator. Malapit na po ako," sabi ko atsaka ibinaba ang linya.

Katabi ko siya ngayon at kahit na alam kong ramdam niya ang paninitig ko ay hindi ko pa din inaalis ang mata ko sa kanya. Ang kurba ng kanyang mukha, ang maliit ngunit matangos niyang ilong, ang kulay at hugis ng kanyang mga labi. Ang imaheng nananatili sa isipan ko kahit na ilang taon na ang nakalipas.

Akmang hahawakan ko na ang kanyang mukha ng biglang siyang humarap sa akin.

"Stop staring at me," sabi niya at unti unti siyang lumingon sa akin.

Doon ko nakita ang kanyang mga mata na siyang nakapagpahinto ng aking mundo. Kumabog ng napakalakas at napakabilis ang puso ko. Nakapanlalamig ang mga tinig niya. Lalong lalo na ang kanyang mga tingin. Hindi siya kakikitaan ng ibang emosyon sa kanyang mga mata.

Parang pinapasok niya ang kaluluwa ko. Ilang segundo, ilang segundo din kaming magkatitigan at sa sandaling iyon ay nagawa niyang paglaruan ang isip at damdamin ko.

" M ," mahinang sambit ko.

'Ting'

Pagbukas ng pintuan ay agad agad siyang lumabas at hindi na ako muling tinapunan ng tingin. Pagsara noon ay doon lang ako bumalik sa katotohanan. Malaking kalokohan ang naiisip ko.

Namamalikmata lang ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na nagkakamali lang ako. Na imposible ang mga assumptions ko pero hindi nakisama ang utak at puso ko dahil natagpuan ko nalang ang sarili kong nagmamadaling lumabas ng elevator at tinungo ang ibabang palapag para sundan at hanapin ang babaeng iyon.

avataravatar
Chương tiếp theo