webnovel

LISC 1

SABRINA'S Pov

"SABRINA" sigaw ni Severina. Kakambal ko.

"Bakit ba? Kelangan talaga sumisigaw?"

"Tawag ka kasi ni mom at dad" tsk. panigurado may pagagawa nanaman sila sa akin.

"Bilisan mo bumaba ka na" Pahabol nya.

Tsk. Nagmamadali? May lakad? May laka--"Aray. Sh*t naman"

"Oh? Ano may nahuli ka naman bang isda? Ilan? HAHAHAHA" Makatawa wagas. Parang di nadapa nung bata.

"Hoy Sev wala kang nakita hah" Pinanlakihan ko sya ng mata.

Ang sakit ng paa ko. Feeling ko nabali buto ko parang 'di na ata ako makakalakad pag 'di na ako nakalakad pano ako sa kasal? ayoko maging lumpooooo. 'De joke matagal pa yon.

"HOY! SABRINA" Aray. ah. Sakit naman sa tenga ng kakambal kong 'to.

"BAT BA SIGAW KA NG SIGAW? HINDI NAMAN AKO BINGI. ARAW BA NG SIGAWAN NGAYON?"

"Hindi. Sorry naman. Hehe" Kahit kailan talaga tong si Sev.

"Mom, dad tawag nyo daw po ako?"

Ano ba yan kahit magulang ko sila natatakot ako sa kanila. Pag kasi kasama mo sila parang makakaramdam ka ng pagiging masunurin. Yung tipong lahat ng sasabihin nila gagawin mo kahit ayaw o gusto mo.

"Sabrina, Anak magpapasukan na may napili ka na bang paaralan na papasukan nyo ni Sev?" Akala ko naman kung ano eh school lang na-

"SCHOOL? KAMI NA PO MAMIMILI NG PAPASUKAN NAMIN?" Masayang tanong ko kina mommy.

Simula kasi nung nag-aral kami dito lang kami sa bahay. Homeschooled. Kaya ayan di masyadong expose sa outside world.

"Oo Sab, bilang panganay ikaw na lang pumili ng school na gusto nyo ni Sev." Dagdag ni daddy.

"Sige po mommy kakausapin ko na po si Sev tungkol dito" Lalakad na sana ako ng bigla ulit akong tinawag ni Daddy.

"Sab, malaki na kayo ni Sev ha. Alam nyo na dapat ang tama at mali. Binibigyan ko kayo ng kalayaan pero huwag nyong lubusin. Tatlong pagkakamali lang mag ho-homeschool ulit kayo"

"Opo daddy. Thank you po" sabay yakap ko sa kanila.

YES! Sa wakas hindi na kami makukulong dito sa bahay. Mararanasan na din namin gumala, magkaroon ng kaibigan at mag-cutting. 'Di joke lang bawal mag-cutting bad yon.

Ang lame ng simula ko pero itutuloy ko parin ung sinimulan ko.

This is my first ever story so guys pagpasensyahan nyo na. Ibibigay ko ung best ko para hindi maging cliché ung story.

nelleternallycreators' thoughts
Chương tiếp theo