webnovel

lab eksperiments

Naipapaliwanag lahat ng sensya, Pero pasensya. Hindi ako siyentista, Hindi ko maintindihan yung mali. Kung may mali, Ako ba yung mali? O ikaw? Oo, ikaw. Kaya ito, Isang eksperimento. Pipilitin kong alamin, Paggugulan ng panahon. Ikaw, nanaman. Pero hindi ikaw, Hindi lang ikaw. Isang eksperimento, Ko. Para sa akin. Baka ako pala yung mali. Mali ako. Namali sayo.

astroNOT · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
17 Chs

eksperiment labing-lima

Kaharap kita,

Sa harap niya.

Mukha akong tanga,

Pero sinulit ko muna.

Nakatulala,

Umakap siya.

Nakakahiya,

Kaya isang baso ang tinungga.

Hinintay kitang kumanta ng mahal ko o mahal ako,

Pero naalala ko, hindi ka pala si KZ.

Kase?

Hindi mo kailangang pumili,

Sa pagitan ng mahal mo at mahal kita.

Kase?

Mahal ka niya.

Mahal ka rin niya.

Kaya sino ang pipiliin ko?

Ikaw ba o ang puso ko?

Syempre hindi na malilito,

Kase yung mahal mo ay hindi ako.