Si V ng BTS ay member ng isang sikat na k-pop boy group sa South Korea na Bangtan Seonyeondan o mas kilala bilang BTS. Ngunit maniniwala ka rin ba kung sabihin kong, siya ang Ama ng anak ko?
"Miss Rainelle, mauna na po kami." Paalam sa akin ng isa kong kasamahan sa boutique.
"Okay, ingat!" Ngiting paalam ko rin sa kanila.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa boutique dahil sa pagbabasa ng mga contracts at trabaho na inooffer sa amin, gano'n rin ang pagche-check ng mga dine-deliver na stocks dito. Isa akong make up artist at stylist. May boutique na rin ako ng mga cosmetic products sa iba't ibang lugar sa South Korea. Pero ang main ay dito sa Seoul kung saan ako nagtatrabaho ngayon.
Half-Pinay ako at half-korean. My parents both passed away noong binubuntis ko pa lamang ang nag-iisa kong anak. Namatay sila sa isang car crash sa Pilipinas. That was very painful for me. Pero unti-unti ko na siyang natatanggap ngayon.
After kong basahin ang isang kontrata ay nilapag ko na muna ito sa table ko at nag-stretching nang kaunti. Maya-maya pa ay tumayo na ako at naghanda na para sa pag-uwi. Sinuot ko ang trench coat ko at kinuha ang bag ko. Kumuha rin ako ng payong sa isang gilid ng boutique dahil malakas ang ulan sa labas. Matapos kong masigurong naka-lock ang boutique ay dumiretso na ako sa kotse ko at nag-drive pauwi.
Pina-andar ko ang radyo ng kotse ko upang makinig sa music. Pero natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses.
Oeroumi gadeukhi
Pieoissneun i garden
Gasituseongi
I moraeseonge nan nal maeeosseo
Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga iyon. Ang kantang tumutugtog ngayon ay isa sa mga kanta ng sikat na boygroup ngayon sa Korea. Ang BTS.
Neoui ireumeun mwonji
Gal gosi issgin hanji
Oh, could you tell me?
I jeongwone sumeodeun neol bwasseo
Saktong red light kaya tinigil ko ang pagtakbo ng sasakyan. Umangat ang tingin sa billboard sa kabilang kalye. Picture iyon ng BTS na ini-indorse ang isang product.
And I know
Neoui ongin modu da jinjjaran geol
Pureun kkocheul kkeokkneun son
Jabgo sipjiman
Napangiti nalang ako at tinitigan ang nakangiting mukha ni Taehyung o mas kilala ngayon bilang V sa billboard na iyon.
Nae unmyeongin geol
Don't smile to me, lie to me
Neoege dagaseol su eopseunikka
Naegen bulleojul ireumi eopseo
Kita mo nga naman, parang dati lang sabay tayong nangarap. Pero ngayon halos hindi na kita maabot. Kamusta ka na? Masaya ka ba? Natatandaan mo pa ba ako? O baka naman hindi na, kasi marami ka nang nakilala at kaibigan ngayon na tulad mo rin ang estado.
You know that I can't
Show you me, give you me
Chorahan moseub boyeojul sun eopseo
Tto gamyeoneul sseugo neol mannareo ga
Pero kung ano pa man ang lagay mo ngayon. Manatili ka nalang sana diyan. H'wag mo na sana kaming guluhin ng anak mo.
But I still want you
Pagkarating ko ng bahay namin ay nag-doorbell ako sa gate. Agad naman akong pinagbuksan ng isang katulong. Tatlo ang katulong ko sa bahay na puro pa Pinay. Isa sa kanila ay si Nanay Edith na siyang nagtagal sa akin at tinuturing ko nang pangalawang ina sa bahay. Siya rin ang nag-aalaga sa anak ko. Kaya kadalasan akong nagtatagalog sa bahay.
"Good evening, Miss Rain." Bati sa akin ni Elisa nang makababa ako sa kotse. Isa siya sa mga katulong ko.
"Good evening, Elisa. Si Taehyun?" Tanong ko.
"Nasa dining po, Miss. Pinapakain ni Nay Edith."
"Okay, thank you."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa dining. Doon ko naabutan si Nanay Edith na pinapakin si Taehyun habang kinukulit-kulit ito.
"Good evening everyone!" Bati ko.
"Mommy!" Sigaw ni Taehyun nang makita ako.
Parang napawi ang pagod ko at napangiti nang todo nang makita si Taehyun. Siya ang anak ko and he's a boy. Yes, pinangalan ko siya kay Taehyung. Para kahit manlang sa simpleng bagay na iyon ay may alaala parin siya sa anak niya.
"Hello baby." Sabi ko sabay lapag ng mga dala ko at nilapitan siya para buhatin at halikan sa pisngi.
"Kamusta ang trabaho, nak?" Tanong ni Nanay Edith.
"Okay naman po, Nay. Medyo stressful lang." Sagot ko habang pinapahilig sa balikat ko si Taehyun.
"Kung bakit ba kasi ikaw ang nagpasan ng lahat ng responsibilidad diyan kay Taehyun?" Pangaral ni Nanay Edith habang nililigpit ang pinagkainan ni Taehyun.
Bumuntong-hininga ako at ibinaba si Taehyun.
"Nay, alam mo naman na kahit ano ang mangyari ay hinding hindi ako hihingi ng tulong sa taong 'yon. Ni hindi nga niya alam na may anak siya." Pagpapaliwanag ko habang binibigay kay Taehyun ang donut na hiniling niya sa akin kanina.
"Nak, kahit bali-baliktarin man ang mundo. Ang taong iyon parin ang Ama ng anak mo. May responsibilidad parin siya kay Taehyun."
"Nay, alam mo naman na ang sitwasyon niya ngayon di'ba? Hindi na siya ordinaryong tao ngayon. Isa na siyang sikat na idol na hinahangaan ng milyong-milyong tao. Ayaw kong mapahamak at masaktan ang anak ko sa kaguluhan, oras na malaman ng lahat ang tungkol sa existence niya buhay ni Taehyung. Mas mabuti na yung ganito, tahimik." Rason ko.
"Rain, hindi mo maitatago ang katotohanan habang-buhay."
Muli akong huminga nang malalim at tinanguan si Nanay Edith.
"Alam ko po." Tumigil ako at tinignan si Taehyun na walanv kamalay-malay sa pinag-uusapan namin ngayon.
"Huwag lang muna ngayon, hangga't hindi pa ako handa." Dagdag ko pa.
Pagkatapos kong magdinner ay nagprisinta na ako kay Nay Edith na ako na ang magpapa-half bath at magbibihis kay Taehyun. After kong gawin iyon ay pinatulog ko na siya. Hindi ko na muna siya hinihiwalay ng kwarto dahil hindi pa siya sanay. Saka nalang kapag malaki-laki na siya.
Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng piano version ng mga kanta ng BTS. Fan si Taehyun ng BTS kaya minsan ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanilang dalawa ni Taehyung. Hindi maipagkakaila na mag-ama nga sila. Magkamukhang-magkamukha sila ni Taehyung sa mga baby pictures niya. May nunal rin si Taehyun sa ilong tulad ni V.
Nang tuluyang makatulog si Taehyun ay ako naman ang naghalf bath at nagbihis. Pagkatapos kong tanggalin ang make up ko at maghilamos ay bumalik na ako sa tabi ni Taehyun at nahiga na rin upang matulog.
Kahit dim na ang lights ay nakikita ko parin ang mukha ng anak ko. Bigla kong naalala si Taehyung na nakahiga sa tabi ko rin four years ago. Napailing nalang ako at hinalikan si Taehyun sa noo.
"I love you baby." Bulong ko sa kanya bago tuluyang pumikit.