Celestine's POV
Another day Another Cup of Coffee!
Nasambit ko sa sarili ko habang hawak ang tasa ng kape ko.
Eto na ang araw na pinakahihintay ko.
Magkikita na kami ulit ni Vienne
(Ang matalik kong kaibigan.)
Nag plano ako ng leave sa trabaho
for two weeks para makasama siya sa kaniyang kaarawan. She is currently working at Manila at heto ako nagwowork sa Pampanga.
Nanggaling ako sa mahirap na pamilya. Pero buong buhay ko nagsikap ako para marating ang kinatatayuan ko ngayon. I'm only 25 years old pero ngayon owner na ng isang Kilalang cake and coffee shop dito sa probinsya namin.
I named my shop CAKE's and COFFEE's.
Laging dinudumog ang Shop ko.
Madalas din kaming may mga orders lalo na ng mga cakes. Bukod kasi sa masarap ang mga ginagawa naming cakes at coffees ay abot kaya din ang presyo. Masaya ako dahil naabot ko na ang pangarap ko sa murang edad pa lamang.
Maaga akong nakapag aral at nakaapak ng kolehiyo. Kaagad kong natapos at nakuha ang diploma ko for Professional Pastry arts.
Dahil na din sa tulong ng mga scholarships ay nakasali ako sa
The Specialty Coffee Association para matuto lalo at ma enhance ang kaalaman ko sa pag gawa ng iba ibang flavors ng mga Kape at mga Tea.
Siyempre katulong ko sa lahat ang aking mga butihing magulang.
Sila ang pinaka importanteng parte ng buhay ko. Hindi ko makakamit lahat ng ito kung wala ang suporta nila sakin. Ako na ang nagpapaaral sa kambal ko na mga kapatid na parehas nasa kolehiyo. Breadwinner ako ng pamilya, alam ko napakahirap pero hindi pinaramdam sa akin nina Mama at Papa ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Ginawa nila lahat para mapatapos ako ng kolehiyo. Sinuportahan nila ang kurso na gusto ko. Naalala kopa nung unang suweldo ko hindi nila kinuha ang suweldo ko. Kung ano man daw ang maibigay ko ay masaya na sila at hindi sila nanghihingi ng kapalit sa pagaalaga at pagpapalaki sakin. Kaya napakuswerte ko sakanila. Ngayon na nakakaangat na ako ay kasama sila sa pag asenso ko. Masaya ako na napaparanas kona sakanila ang mga bagay na deserve nilang parehas.
Ring! Ring!
Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.
"Hello? O Bessy buti gising kana?
Maaga kang nagising ngayon a himala." natatawang sabi ko sa best friend ko na nasa kabilang linya.
"Bessy! Anong oras ba biyahe mo? Anong oras ka aalis diyan? Baka ma traffic ka niyan! Umalis kana kaya ngayon!" Sagot niya
"Agad agad? E madami pako inaasikaso. Madami pakong kailangan ibilin sa mga staff namin remember
2 weeks akong mawawala. Gusto ko lang makasiguro na magagawan ng paraan lahat ng pending orders at mamamanage nila lahat ng maayos bago ako bumiyahe." Mahabang sagot ko
"Gets ko naman yun bessy! Pero ayaw mo naman kasi gamitin sasakyan mo gusto mo kasi mag-commute kapa pa-Manila. Edi mas matagal pa na oras bago tayo magkita!" Reklamo niya
"Alam mo namang ayaw ko nagmamaneho ng masyadong malayo at hindi ko kabisado yang Maynila alam mo iyan! Mas gusto ko padin mag commute at mag bus para makapag isip isip at makapagrelax ako kahit papano. Susunduin mo naman ako once na nasa Babaan nako e." sagot ko
"Osige na nga! Basta update moko ha kapag nakaalis kana ng bahay ninyo. Pakiss nalang ako kina Tito at Tita." masayang sagot niya
"Okay bessy! See you later." Sagot ko bago pinatay ang tawag niya.
"Celestine anak, tapos kanaba mag impake ng mga dadalhin mo?" tanong ng Mama ko habang pababa ng hagdanan ng aming bahay.
"Opo Mama. Kakatapos ko lang pong kausapin si Vienne. Pinapamadali na nga po ako ay sobrang kulit po talaga niya." kamot ulong sagot ko
"Aba'y siyempre namimiss kana niya.
ang tagal niyong hindi nagkita sa sobrang busy ninyo parehas sa trabaho. Dapat nga naliligo at nagbibihis kana ngayon e.
Masyadong malayo ang biyahe mo anak." paliwanag ng aking Ina.
"E ang dami kopa pong kailangan ayusin Ma. Ayaw ko kasing iwan sainyo lahat ng kailangan ibilin sa mga empleyado lalo napo dalawang linggo ako mawawala dito. May mga pending orders papo kasi na hindi kopa po na aapprove." paliwanag ko
"Naku anak agyu minayan. (Kaya na namin iyan ibig sabihin sa kapampangan.)
Kailangan mo din mag relax at mag day off sa trabaho. Kailangang kailangan mo na ng bakasyon anak. Kahit isang buwan kapa magbakasyon sa maynila e kayang kaya namin nina Papa mo at ng mga kapatid mo. Lalo na Online class pa din naman sina Cassey at Marga. (Kadenang ginto yarn? bati sila nandito guys hahaha!)
Paliwanag ng aking ina.
"Sure kaba Ma? Okay lang po sainyo na kayo napo ang mag check po ng mga pending orders at magpaalala sa mga empleyado po natin? Basta Ma tawagan ninyo ako kapag may problema po ha? Nag aalala kong tanong.
"Celestine anak kayang kaya na namin ng Mama mo iyan. Alam mo naman na bukod sa napaka ganda e napakatalino't napakasipag ng Mama mo. Diyan nga kayo nagmana anak e." Biglang sabat ng aking Papa na may hawak ding tasa na kape na galing sa aming kusina.
"Aysus. Paglokwan mu naku nanaman Ernesto. (Niloloko/Binobola mo nanaman ako sa kapampangan.)
Natatawang sagot ng aking Ina sa aking Ama.
"Totoo naman hindi ba Celestine? Akala ata niya ay nagbibiro ako." natatawa din sagot ni Papa
"Oo nga naman Mama e siyempre sainyo ako magmamana. Tiyaka basta kapampangan masanting at malagu la. (Guwapo at Maganda sa kapampangan.)
"Pinagtulungan ninyo nanaman akong mag ama. Basta Celestine magbihis kana at maagang umalis. Kayang kaya na namin magmanage ng CAKE's and COFFEE's habang wala ka anak.
Deserve mo din mag pahinga at magbakasyon anak." nakangiting sabi ni Mama
"Oo nga naman at mas masaya kung uuwi ka dito na may kasama kanang manliligaw o boyfriend anak." natatawang dagdag ni Papa
"Ayy agree ako saiyo diyan Ernesto!
Mas mainam nga may kasama siyang uuwi dito pagkatapos ng bakasyon niya." Dagdag ni Mama
"Ay! Ayan nanaman kayo e. Pinagtulungan niyo pa ako bigla. Masyado po akong busy para magkaroon ng boyfriend. Tiyaka pano pako magboboyfriend e sainyo palang kumpletong kumpleto na ako?." masayang sagot ko
"Alam namin iyon anak. At laking pasasalamat namin kasi napakasipag at napakabuti mong anak. Alam namin na mahal na mahal mo kami pero siyempre gusto din namin na may ibang magpasaya saiyo at magmahal din sayo ng mas higit pa sa pagmamahal namin saiyo."
"Kung Will po ng Lord Ma. Buong puso kong tatanggapin. Pero sa ngayon e kayo muna ang uunahin ko at mamahalin." Masayang sagot ko bago yumakap sakanilang dalawa
Napaka suwerte ko talaga na sila ang magulang ko. Wala na akong ibang mahihiling pa. Thank you Lord for this wonderful family I have.
HELLO! It's my first time writing my own story here in wattpad.
I've been reading stories since 2015. Now I have earned the courage to try and write a story. Hopefully magustuhan ninyo at suportahan ninyo ako.
I'm a big fan of Arthur Nery
Lalo na ng mga songs niya.
Napaka unique kase ng voice niya at tumatagos sa puso mga kanta niya!
Kaya inspired ang story na to sakaniya.
Note: This is a romance fan fiction only.
All details and scenes written in this story are all based on my own ideas and thoughts only.
You can imagine yourself as the leading character sa story na to. Enjoy po!
*Please be kind with your words din po.
Baguhan palang po akong writer
*Positive feedbacks can boost my confidence
~NO COPYING OF STORIES PLEASE.
THANK YOU/DAKAL A SALAMAT PU.
~MiSSAKKiN