webnovel

1

IN ANOTHER WORLD

"Wala na siya Ningum, ano na ang gagawin mo ngayon?" tanong ng isang nilalang na naka-puting roba't may wizard hat sa ulo, bukod pa rito'y mayroon din siyang fake mustache at ang tindig niya'y karespe-respeto.

"Hindi ho ako sigurado sa magiging hakbang ko, Punong Ministro, ngunit sa ngayon, ang mainam ay huwag munang kikilos. Tiyak na malulungkot na naman ang amo ng aking kakambal," turan ng isang nilalang na naka-military suit.

Space Time /2/4/0/0/Sy/

Planet Nirnyaw

Somewhere along the Great Center, Center Ville, Center of the Planet

Sa madilim na eskinita'y may naglalakad na katulad rin ng karamihan ay naka-military suit. Uso ngayon ang mga naka-military suit sa mga kabataang nasa planetang ito kaya naman walang kaduda-duda sa mga kilos nitong naglalakad.

Sa isang banda, may naka-hilig sa isang poste na ang ilaw ay pundido-- patay-sindi ang gawa nito pero hindi naman gustong mag-retiro. Naka-military suit din ito kaya naman ay walang pagdududahan at kung meron man, baka sabihin lang ng iba na may saltik ka lang o 'di kaya'y may tama sa ulo.

Mabilis namang kumaripas ng takbo ang mga nakakasalubong ng isang 'to kung kaya't pasikretong napangisi itong naka-military suit. Gustong-gusto niya talaga ang mga mukha ng nakasasalubong niya tuwing siya'y lumalabas. Hindi naman siya 'yung tipo na mukhang halimaw pero kasi, kakaiba siya kaysa sa mga kabataang nandirito sa planetang ito at 'yun ay pinagpapasalamat niya.

--Sa isang bakanteng lote--

Naghihintay ang naka-military suit na nilalang at pasulyap-sulyap siyang tumitingin sa holographic screen niya. Ilang segundo na lang, aniya sa kan'yang sarili. Tatlong pigura ang naaaninag niyang papunta sa kinaroroonan niya. Lihim siyang napangiti dahil alam niyang ngayong gabi'y magsisimula na ang plano.

Unang dumating ang isa sa mga naka-military suit na siyang kaparehas ng kan'yang suot. Bilang pagkilala'y nag-bow ito sa kan'ya na siya namang malugod na tinanguan.

"Anong maipaglilingkod namin sa iyo, Primero?" Tanong ng dumating sa kan'ya.

"Magandang gabi, Primero!" Masayang bati no'ng ikalawang dumating sa tinatawag nilang Primero. Tinanguan lamang siya nito't hinihintay pa ang ika-tatlong panauhin sa gabing ito.

Hindi naman nagtagal ay dumatiing na rin ang ika-tatlong panauhin sa gabing iyon. Hindi katulad no'ng una't ikalawa ay isang ngisi ang naka-plastar sa bibig nito't aakalain mong may tama sa ulo. Katulad no'ng nauna'y tinanguan lamang siya ni Primero.

Nang sila'y nakapalibot na ay saka nagsalita itong si Primero, "Panahon na…."

Umaliwalas bigla ang mukha no'ng ikalawang dumating at saka naman nakipag-apir sa una na siya ring may ngit sa kan'yang labi. Lumawak naman ang ngiti no'ng pangatlo't sumulyap sa mga kasama niya.

Panahon na! Sa wakas!

----

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

Story by ©camsyyy

Started writing the said story by year 2018 and hopefully the author can finish this soon :D

Chương tiếp theo