webnovel

IIBIGIN KA NG PALIHIM (koleksyon ng mga tula ni tsokobaternat)

Tác giả: Tsokobaternat
Hiện thực
Đang thực hiện · 17.3K Lượt xem
  • 4 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Koleksyon ng mga tula na may sensetibong paksa (LGBTQA+ themed poems) kung hindi ka kumportable sa paksang ito, humanap ka na lang muna ng ibang libro!!!

Thẻ
2 thẻ
Chapter 1Para ito sa’yo (mensahe mula kay tsokobaternat)

PARA ITO SA'YO

Sa'yo na palihim na umiibig sa isang tao

Sa'yo na natatakot maglabas ng nararamdaman dahil natatakot na mahusgahan

Sa'yo na nakakulong sa rehas ng pusong takot masaktan

Sa'yo na naguguluhan

Sa'yo na isinusuka ng mundong hindi ka maintindihan

Sa'yo na umiibig sa kaparehang kasarian

Ako si tsokobaternat, isang bisekswal na patuloy na nakatago sa loob ng taong mas magugustuhan ng mundo, takot akong ipagsigawan ang aking nararamdaman, takot mahusgahan, at takot masaktan kaya patuloy na nagmamahal ng palihim, sapagkat sa dilim kung saan hindi ko kailangan matakot na may makakita, kung saan hindi ko alam kung may nakarurinig, at kung saan hindi ko nararamdaman ang sakit ng bawat salita na binibitawan ng iba, di ko man maipakita ay mas nagagawa kitang mahalin.

Kung ikaw ay na nagbabasa ay sitwasyon na katulad ko, sasamahan kita sa dilim, sasamahan kitang magtago hanggang sa tanggapin tayo ng tuluyan ng malupit na mundo.

Sa ngayon patuloy tayong magtago sa dilim at ang mga koleksyon ng tula na ito ang makakasama natin, magkakahalong saya, lungkot, at sakit ang maaari mong maramdaman, isipin mo na lang na ito ay pagsasanay bago ka lumaya sa rehas at lumabas sa dilim.

-Tsaokobaternat

Bạn cũng có thể thích

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
Ôi! Bạn sẽ là người đánh giá đầu tiên nếu bạn để lại đánh giá của bạn ngay bây giờ!

HỖ TRỢ

empty img

Sắp ra mắt