webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
133 Chs

I Love You Since Then

Ayradel's Side

"Woah! Teka! Miss Entrep na ba yung kanina?! Taray mo te! May bonggang lines ka pa bago umexit!" tatawa-tawang sabi ni Lea pagkalayo namin sa classroom. Dito muna kami sa Linear tumambay, isang mahabang catwalk kung saan overlooking ang isang ilog.

"Naku! Buti na lang umalis agad si Charles kundi jombag talaga 'yung mga malalandi na yon dahil inaaway nila si Ayra!"

Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman 'yon gagawin ni Charles? Hay.

Actually hindi ko rin inasahan ang sarili kong sasagot kay Sheena kanina, karaniwan noong highschool ay tatahimik lang ako o kaya naman ay yayayain ko ang kaibigan kong umalis nang walang sinasabi. Napangiti ako sa freedom na nararamdaman ko sa dibdib, masarap rin pala sa feeling kapag nasasabi mo yung nararamdaman mo. Kapag hindi puro utak mo lang ang kinakausap mo.

Lumipas pa ang linggo at Entrep Week na. This is a week long event, na bubuksan ng mga varsity ng course namin. Nagkaroon ng opening sa West Wing para opisyal na simulan ang Entrep Week. Maraming mga nagperform, maraming sumayaw, nagtula, nagtalk ang dean ng aming college...

Halos lahat ng mga entrep ay nakatayo at nanonood dito ngayon. Yung iba pa nga e sumisigaw na akala mo nasa concert, pero hindi nakawala sa paningin ko ang lalaking grabe kung makangisi mula sa malayo. Kasama niya ang mga kapwa niya nakapang-basketball, habang parang nagtatawanan.

Agad na umusbong ang inis sa loob ko habang pinagmamasdan siya. Lee-ntik ka talagang lalaki ka! Tss.

"Te, look at those varsities o!!! Kyaaa!"

Syempre kung nasaan ang mga gwapo, nandoon ang tilian. Parang mas tinitilian pa sila kesa sa nagpeperform.

"Gawd, ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti at tumawa si Richard! Grabe sobrang gwapo!!!" sabi pa nung isa.

Yung atensyon tuloy nila Lea, Blesse at Rocel ay napunta na rin sa mga basketball players. Nasa gilid kami habang nanonood sa stage, samantalang sila ay nasa bandang gitna. 10am pa lang at talagang nangaagaw atensyon yung suot nilang black, red and white jersey.

Medyo gumapang ang kaba sa dibdib ko nang marealize na mamayang 6pm na ang pagaent. Dala ko na rin ang mga damit at make up na gagamitin ko. Maya-maya rin ay darating sina besty, Ella, at Niña dito upang suportahan ako, pero sa ngayon ay itong opening event muna ang pinagkaabalahan ng lahat.

"OMG! Ang gwapo ni Charles sa jerseyyyyy!!!"

Naantala ako sa sigaw ni Rocel.

"Hanggwapo nilang lahat! Omgeee mylabs Richard Lee!" Blesse.

"Tara lapitan natin si Charles hihihihi!"

Akmang hihilahin ako nina Lea nang agad akong magpanic at umalma.

"WAG!!!" muntik na akong mapapikit kasi ang OA ng pagkakareact ko.

"Anong WAG!!!! ka diyan te? Lalapitan lang!"

"K-kayo na lang." hindi ko alam kung bakit ako binalot ng kaba. Agad akong napalingon sa lalaking wagas kung makangisi ngayon habang nakikipagkwentuhan pa rin sa mga kaibigan niya. Ano masaya ka ha? Masaya ka?! TSS!

Sa kakatitig ko sa kanya ay hindi ko napansing katabi niya lang pala si Charles. Napatingin sa direksyon ko si Charles at agad na umaliwalas ang mukha! Gusto ko sana siyang pigilan, pero wala na, nasigaw na niya ang pangalan ko.

"AYRA!" aniya kaya naman napadpad sa akin ang atensyon ng lahat ng naka-jersey including Richard.

Agad akong napatungo upang hindi magtama ang paningin naming dalawa. Naasiwa ako sa suot ko, naka-shorts lang ako at naka-white fitted shirt para sa mamayang pagaent. Nakapusod ang mahaba at itim kong buhok, at ang hikaw ko ay mahaba at kumikinang.

This was besty's idea, since mas kikay 'yon sa akin. Kung wala nga siyang klase ngayong umaga e malamang nandito na 'yon para suportahan ako.

"Teka lang pre, puntahan ko lang si Ayra ah!" narinig kong paalam ni Charles mula sa malayo. Nagkantyawan ang mga kaibigan niya, samantalang sina Lea naman ay naninisay na yata sa kilig.

"Girlfriend mo pre? Ganda a!"

"Naks naman Lizarde, iba ka!"

"Hahahaha!" Hindi sumagot si Charles kundi halakhak lang hanggang sa tuluyan na siyang pumunta sa pwesto namin.

Muli kong sinulyapan si Richard na diretso ang tingin ngayon sa mga mata ko. Bwisit, anong tinitingin tingin mo?

Sa sobrang inis ko ay inirapan ko siya. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya dahil sa pagtataray ko. Tss, nagtaka pa siya huh.

"Ayra, tulungan na kitang dalhin 'yan." sabi ni Charles pagkalapit, kaya naman sina Lea ay mas lalong nanisay sa kilig.

"Okay lang." sabi ko pero kinuha niya pa rin yung mga bag na dala ko. Sabay-sabay naming nilagay yung mga gamit sa room na para sa mga contestant ng Miss Entrep, mabuti na lang at wala pa doon sina Sheena. Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa West Wing para ipagpatuloy ang panonood sa opening event.

Nanatili sa tabi namin si Charles.

"Salamat, Charles. Baka kailangan ka na doon sa team niyo." sabi ko habang sina Lea ay may ibang pinaguusapan.

"Okay lang, opening event pa lang naman. Mamaya pa ang practice at bukas yung laro." aniya.

"Hmm." tumango tango ako. Napatingin ako sa stage nang mapansing nagkagulo ang mga kababaihan. Maging itong sina Lea, Rocel at Blesse ay napatalon sa kilig.

"OMGEEEE!!!" ani ni Lea. "Si wait... Richard?"

"Tangek si Jayvee 'yan!!! Bulag ka ba?"

"Ay oo nga no! Magkahawig kasi sila e!"

Napatingin ako sa stage kung saan nandoon na si Jayvee at may hawak na Mic habang may live band sa kanyang likuran. Nalaglag ang panga ko sa lakas ng dating niya, maging dito sa kolehiyo e grabe pa rin ang epekto niya sa stage.

"Tss. Kumakanta pala ang gunggong na yan?" komento ni Charles sa tabi ko.

"Hmm, nagbabanda siya noong highschool."

Napangisi ako dahil naalala ko ang sarili kong tumatakbo noon para lang makipagsiksikan sa mga taong nagkakagulo para kay Jayvee. Ipinagsiksikan ko ang sarili ko para lang mapansin niya.

(Buwan by JK Labajo)

Ako'y sa iyo, ikaw ay akin

Ganda mo sa paningin

Ako ngayo'y nagi-isa

Sana ay tabihan na

Tumitindig pa rin ang balahibo ko sa boses niya, pero alam kong paghanga na lang ito at hindi dahil may gusto ako sa kanya.

Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan

Nakangiti ako at nakatitig kay Jayvee nang mapadpad ang mata ko sa isa sa mga tao sa dulo ng crowd. Kahit maraming tao ay sobra akong naapektuhan ng mataman niyang pagtitig.

Ayokong mabuhay ng malungkot

Ikaw ang nagpapasaya

At makakasama hanggang sa pagtanda

Halina't tayo't humiga

Pagkatapos naming magtitigan ay siya ang umiwas. Umalis siya sa pwesto niya saka masungit na naglakad palayo.

Kumalabog ang dibdib ko pero hindi ko maiwasang magtaka. Wow! Ngayon siya pa ang galit? Wow, just wow!

"Ayra, goodluck mamaya." napatalon ako sa gulat dahil nakalimutan ko na nasa tabi ko lang pala si Charles.

"Ah... oo... salamat!"

Pagkatapos ng event ay nabusy na ang mga tao sa mga booths na naglipana sa buong West Wing. Napansin ko rin yung booth ng Edukasyon Planner, 'yong company ni Richard, pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa room para maghanda na for Miss Entrep.

Nandoon na sina Sheena, pati si Denise, yung mabait na lumapit sa akin n'ong pre-pagaent. Ginreet lang ako nila Owa, at inassign na sa isang make up artist. Maya-maya pa ay dumating na rin sina besty.

"My gawd! Ayraaaa! Ang ganda mo!" anila habang niyayakap ako.

"Tss! Totoo ba? Baka binobola niyo lang ako?"

Pinasadahan ko pa ng tingin ang suot kong dark blue dress. Backless ito na umaabot hanggang kalahati ng likod ko. Hapit na hapit naman sa katawan ko yung mismong dress.

Hindi talaga ako confident sa itsura ko, pero mabuti na lang nandito sina besty para supportahan ako.

"Ayra, goodluck!" lumapit sa akin si Denise. Sina besty ay panay ang picture.

"Salamat! Goodluck rin!"

Gumapang ang boltaheng kaba sa buong sistema ko nang magsimula na ang mga host sa pagoopen ng event. Ilang sandali pa ang lumipas at isa-isa na kaming lumabas ng stage. Pangatlo ako sa dulo at mas mauuna sa akin si Sheena.

Grabe ang palakpakang dala ni Sheena. Hindi naman kasi talaga maipagkakaila ang ganda at hubog ng katawan niya, kaya hindi na ako magtataka kung siya ang mananalo sa gabing ito.

Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay binanggit na ang pangalan ko.

"Another beauty from 1-1D, Miss Ayradel Bicol!"

Agad kong nilagyan ng ngiti ang labi ko bago humarap sa napakaraming tao! Sobra akong nasilaw sa ilaw na lumalapat sa mukha ko at halos wala akong makita noong magsimula na akong rumampa... ang naririnig ko lang ay ang napakalakas na hiyawan.

Kahit na sobrang nangangatog ang tuhod ko ay sinikap kong gandahan ang pagrampa sa stage. Naalala kp kung paano gumalaw noon si Jae Anne at sinikap kong gayahin iyon. Nang nasa harapan ako ay binigyan ko silang lahat ng matamis na ngiti, na siyang nagdulot ng mas malakas pang sigawan.

"WITWIW! ANG GANDA MO AYRA!"

Mas lalo akong ngumisi habang patuloy na nagpo-pose sa harapan. Hindi ko kailanman inimagine na magagawa ko 'to, pero sinubukan kong mag-flying kiss sa audience kaya naman ang ilan sa kanila ay mas lalo pang sumigaw.

Nang matapos ako rumampa't nakarating sa likod na bahagi ng stage ay doon lang ako nakaramdam ng  sobra sobrang kaba. Parang nanghihina yung tuhod ko na ewan. Ni hindi ko alam kung tama ba yung pinaggagagawa ko. Ni hindi ko na rin inintindi yung natanaw kong irap ni Sheena noong nakatabi ko siya. I just pose again and smiled.

Kasalukuyan ko nang nasusuyod ang crowd dahil medyo hindi gaanong mailaw sa likurang bahagi ng stage. Nakita kong nagthumbs up sa akin sina besty na talon ng talon habang may hawak na banner ng pangalan ko. Isa siguro sila sa maingay sumigaw kanina! Haha!

Sunod kong natanaw ay si Jayvee at Charles na nasa likuran nina besty. Si Jayvee ay simple lang na pumapalakpak, samantalang si Charles naman ay todo ang halakhak kasama yung mga kapwa niya basketball player.

Hindi pa nakukuntento ang mata ko. Sinuyod ko pa ang mga tao saka ko natanaw si Richard Lee na prenteng nakasandal sa pader habang busy sa sarili niyang cellphone. Nag-ugat na naman ang inis sa ulo ko. Ni hindi niya nga yata ako pinanood kanina... Sabagay, ayaw niyang sumali ako dahil tingin niya hindi ako bagay dito. Tss.

"Another intermission number before we proceed to Q and A!" ani ng host.

Pumasok ulit kaming lahat sa backstage upang magpalit ng damit. Ang theme ngayon ay pang-business woman o pang-entrepreneur attire.

"OMGEE SHEENA YOU ARE THE PRETTIEST!" dumagsa ang apat na alagad ni Sheena sa backstage. Nagyakapan silang lima habang pinapaulanan ng puri si Sheena.

Sina besty kasi ay sinabihan kong huwag muna pumasok ng backstage habang on going ang contest, baka maraming maabala katulad ng ginagawa ng apat na ito ngayon. Maliit lang ang backstage kaya naman nakakasikip sila, idagdag mo pa ang sobra nilang kagaslawan.

"I'm sure you gonna win tonight!"

"I know right!" maarteng saad ni Sheena sabay pasada ng tingin sa akin. Nagsisimula na akong magbihis.

"And oo nga pala sis! You know Richard Lee right?"

Agad na naagaw nila ang atensyon ko.

"He's looking at you aaaall the tiiiime! I think he's into you!!!" naninisay sa kilig yung kaibigan niyang nagkwento.

"R-really?"

"Yes!!! OMG. Bitawan mo na 'yang Charles na 'yan! We heard Richard Lee's more big time!"

Inis na iniwan ko na sila doon upang sumunod sa sinasabi ng organizer.

Kaya pala hindi niya ako magawang tignan? Kay Sheena pala?

Tss. Ano naman? Magsama silang dalawa! Kainis!

"CR lang ako." sabi ko kay Owa, tumango naman siya dahil dalawang intermission muna bago ang Q and A.

Pagkalabas ko ng CR ay may agad na humila sa akin. Tumama agad sa mata ko ang nagbabaga niyang mata.

"What was that?" matalim ang titig niya sa akin na para bang galit na galit.

Kumalabog ang dibdib ko pero sinikap ko pa ring umirap.

"Ano? Pagkatapos mong tumingin sa iba titignan mo ako ng ganyan kasama ngayon?"

"What?" kunot ang noo niya. "Bakit sa akin mo binabalik ngayon? E ano yung ginawa mo sa stage? Ayradel, hinayaan kitang sumali sa Miss Entrep na 'yan hindi para magpaulan ng halik!"

Napahilamos siya sa mukha at bahagyang napatalikod.

"Hindi ko kailangan ng pahintulot mo para sumali! Baka nakakalimutan mong hindi na tayo! Ikaw ang tumapos ng tayo noon! Ikaw ang umalis! Damn you! Kaya huwag kang umastang sa'yo ako!"

Rinig ko na ang puso ko habang patuloy na tinititigan siya ng masama. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa sobrang inis ko. Tumingin ako sa gilid pero nahagip pa rin ng paningin ko ang paglunok niya.

"I--- Hindi kita iniwan..." aniya na parang nahihirapan. "I just did that for us. Para maging tayo pa rin sa huli."

Napalunok ako nang hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Nanghina ang tuhod ko, lalo nang makita ang lungkot sa mga mata niya.

"Galit ang mama mo sa akin, and I discovered why. Malaki ang atraso ng mommy kong si Dianne sa kaniya at sa kanila ng nanay niya."

Nanginig ang kalamnan ko. Ibig sabihin... alam niya na?

"Yes, alam ko na noon pa man... Nakausap ko ang lola ko. Buong buhay kong tinanim sa utak ko na Mommy ko ang mommy ni Jayvee... pero nagkamali ako. Patay na ang mommy ko, patay na talaga si Dianne... si Vivian, si Vivian ang kambal ni Mommy." yumuko siya. "But my daddy didn't know. Never niyang nalaman na may kakambal si mommy."

Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi, parang nagkanda-buhol buhol ang tiyan ko't gusto ko siyang yakapin.

"And I don't want you to choose between me and your Mom. Ayoko... my grandma told me to let you go that time."

Parang nagkanda wasak-wasak ang puso ko. Parang nagpira-piraso. Naalala ko ang lahat ng sinabi niya sa akin noon at sinabi ko sa kanya.

"B-Bakit hindi mo sinabi?" halos hininga na ang boses ko. Humalakhak siya pero halatang may sakit.

"Paano ko sasabihin e n'ong oras na 'yon ay nakapagdesisyon ka na ring iwan ako para sundin ang mama mo."

Kinuha niya ang isang kamay ko upang ilagay iyon sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya, kasing bilis rin ng akin. Halos matunaw na ako sa kinatatayuan ko.

"Pero I will always be okay with that. Kahit may kahati ako sa puso mo, kahit isa lang ako sa mga options mo, kahit bitiwan mo pa ako isang araw basta ba pulutin mo ako ulit ay okay lang... dahil... You feel my heart? It never stop beating for you. I have loved you since then. And I'll never stop... It will never stop."