1024 Mapanganib na Piging (3)

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang malaman ni Xiong Ba na nagpadala ng imbitasyon si Qu Xin Rui kay Jun Xie, agad itong sumabog sa galit. Agad itong sumugod sa silid ni Jun Wu Xie at pwinersang buksan iyon. "Hindi ka pwedeng dumalo sa kaarawan ni Qu Xin Rui!"

Si Jun Wu Xie naman na parang malayo ang iniisip ay agad na natauhan dahil sa sigaw na iyon ni Xiong Ba.

"Bakit?"

"Kilala ko ang Qu Xin Rui na iyon. Sigurado akong may maitim siyang binabalak at hindi iyon makakabuti sa'yo." Sariwa pa sa alaala ni Xiong Ba ang mga ginawa noon ni Qu Xin Rui. Naalala niya noong unang dumating si Qu Xin Rui sa Thousand Beast City, hindi pa siya ang Clan Chief ng Fiery Blaze Clan noon. Siya ang Deputy Clan Chief noong panahong iyon at labis na nirerespeto ang kanilang Clan Chief noon.

Ngunit noong dumating si Qu Xin Rui dito, hiniling niyang tulungan siya ni Qu Wen Hao sa pag-iimbestiga sa Heaven's End Cliff. Walang nakakaalam kung anong mayroon sa Heaven's End Cliff. Ang Grand Chieftain ng Thousand Beast City at ang apat pang Clan ay nirespeto at sumunod kay Qu Xin Rui. Nagtiwala sila sa babaeng iyon. Nagtiwala silang walang gagawin ang babaeng iyon na ikakapahamak ng mga taga-Thousand Beast City.

Kaya naman, ang Grand Chieftain at ang apat na Clan Chief ay tinulungan si Qu Xin Rui.

Ngunit matapos ipadala ang unang grupo sa Heaven's End Cliff, wala ni isa sa kanila ang nakauwing buhay. Nagpunta ang libo-libong taong iyon dala-dala ang respetong mayroon sila kay Qu Xin Rui. 

Nagulantang ang buong Thousand Beast City dahil ang grupong iyon ay naglalaman ng mga malalakas at may katayuan sa Thousand Beast City. Nabigo ang puso ng Grand Chieftain maging ang apat na Clan Chief. Ngunit ayaw pa ring sumuko ni Qu Xin Rui, pinilit niyang magpadala muli ng tao sa Heaven's End Cliff. Inuto niyang baka buhay pa ang mga naunang nagpunta doon at nangangailangan lang ng tulong.

Dahil doon, muling nagpadala ang Thousand Beast City ng panibagong grupo. Sa oras na iyon ay doble ang bilang ng grupong iyon kaysa sa nauna.

Subalit katulad ng isang batong lumubog sa karagatan, hindi na muling natagpuan ang mga taong iyon.

Simula noon ay napagtanto ng mga taga-Thousand Beast City na ang Heaven's End Cliff ay ang pinaka-mapanganib na lugar sa buong mundo. Kaya naman hindi na muling pumayag ang Grand Chieftain na magpadala ng mga tao sa Heaven's End Cliff.

Doon ipinakita ni Qu Xin Rui ang kaniyang tunay na pagkatao. Ang tunay niyang pagkatao na tuso at ganid.

Dinala niya ang kaniyang apat na tauhan at dinakip ang apat na Clan Chief at dinala iyon sa gate ng Grand Chieftain's Residence. Naalerto ang buong lungsod at sa harap ng lahat ng tag-Thousand Beast City, pinatay ang apat na Senior Clan Chief!

Galit na galit ang buong Thousand Beast City at tuwing may magtatangkang gumanti, sasabihin ni Qu Xin Rui na hawak nito ang kamag-anak ng mga ito at nakasasalay ang kanilang buhay sa kaniyang kamay. Kung hindi sila tutupad sa kaniyang kahilingan ay papatayin nito ang kamag-anak ng mga pamilyang iyon.

Maraming inosente ang nawalan ng buhay, sunod-sunod din ang patayan. Pinapatay lahat iyon ni Qu Xin Rui sa harap ng Grand Chieftain's Residence.

Ginamit ni Qu Xin Rui ang pinaka-brutal na paraan para mahawakan niya ang kontrol sa buong Thousand Beast City!

avataravatar
Chương tiếp theo