webnovel

Ikatlong Sampal (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Napuno ng usok ang labas ng Lin Palace. Isang malaking grupo ng Rui Lin Army ang nagtipon sa pintuang daan ng Palace. Sa harap nila ay ang sampung delegado ng Qing Yun Clan.

"Ang sabi ko ay 'wag tayong magsayang ng oras. Walang saysay ang inyong pagmamatigas, kaya ibigay niyo na ang Soul Jade para isalba ang inyong sarili sa sakit at kahihiyan." Humarap aang isang Qing Yun Cln disciple at paulit-ulit na pinapaikot ang palapulsuhan nito. Ang isang pares ng itim na guwantes ay nakabalot sa kamay nito.

Tumingin ito ng diretso sa isang sundalo ng Rui Lin Army na nakaharang sa pintuang daan ng Lin Palace.

Sa likod nito ay ang tatlo pang disipulo na nakasuot ng pagkakakilanlan sa Qing Yun Clan. May anim pang nakausot ng kaswal na kasuotan na halatang mga dala ng Qing Yun Clan para sila y samahan dito sa Qi.

Ang mga nahihintakutang mga tao ay nagtipon sa gilid. Ang gulo ay nagsimul pa kahapon nang nagsimulang atakehin ng Qing Yun Clan ang Lin Palace. Kung hindi dumating sa oras ang rui Lin Army, paniguradong napasok na sila ng mga ito.

Dumami pa lalo ang bilang ng mga sundalo ng Rui Lin Army sa harap ng Lin Palace, daan-daan na ang bilang ng mga ito. Ngunit ang Rui Lin Army na mas nakararami sa bilang ay nasasakal ng grupo ng Qing Yun Clan.

Sa loob lang ng kalahating araw, mas dumami pa ang bilang ng mga sugatan habang sa Qing Yun Clan naman ay wala pang nasasaktan.

Sa oras na iyon, nandidilim ang ekspresyon sa mukha ni Jun Xian habang pinagmamasdan ang nangyayari. Nakikipaglaban ang apat na delegado ng Qing Yun Clan habang ang anim ay nanunuod lamang sa tabi.

Ang apat na nakikipaglaban ay nasa edad trenta o higit pa. Lahat 'yon ay nasa green level spirit o mas mataas pa.

Kung pagbabasehan ang kalidad ng inangkat ng Qing Yun Clan na mga tao, sinadya nila ito dahil nais talaga ng mga itong mapasakamay ang Soul Jade.

"Ama, hayaan niyo akong gawin ito." Nakaupo lang ito sa wheelchair at pinagpatuloy ang pagpapanggap bilang lumpo. Hindi niya na kayang tiisin ang galit na kaniyang nararamdaman.. Buong araw ay wala siyang nagawa kundi pagmasdan lang ang mga sundalo ng Rui Lin Army na nasasaktan at nasusugatan dahil sa Qing Yun Clan. Umiiksi na ang kaniyang pasensya at anumang oras ay sasabog na siya.

Sumusobra na ang Qing Yun Clan!

Nanatiling tahimik si Jun Xian aat nakatitig lamang sa mga tauhan ng Qing Yun Clan.

Sa anim na nasa gilid, ang pinakabata sa mga ito ay nasa kalahating siglo pa lang sa mundo, ang ilan sa kanila ay mukhang mas matanda pa sa kaniya. Nanatili sila sa gilid hindi dahil sila ay matanda na kundi dahil kaya na ng Qing Yun Clan's disciple na kontrolin ang sitwasyon at hindi na kailangan ang tulong ng anim na iyon.

Sigurado si Jun Xian na malalakas din ang anim na iyon at mas malakas ang mga ito sa kaniya!

Nasa green level spirit si Jun Xian, kung makikipagtulungan siya sa Bone Corroding White Owl, posibleng maging pantay siya sa Qing Yun Clan's discliple, subalit….

Ang anim na iyon ay tatapaktapakan lamang maging si Jun Qing.

Nakahawak lamang si Jun Xian sa likod ni Jun Qing sa buong pangyayari. Masakit sa kaniyang damdamin na napapahamak ang kaniyang Rui Lin Army sa mga kaganapan. Sigurado din siyang kung silang mag-ama ay sumali, malamang ay lalaban din ang anim na iyon.

Base sa kaniyang kalkulasyon, ang pinakamahina sa mga ito ay nasa blue spirit lamang. Gayunpaman, pag lumaban lahat ng ito, sila ay matatalo.

"Ano? Hindi pa rin kayo sumusuko?" Mayabang na saad ng lalaking nakasuot ng itim na guwantes. Ang guwantes nito ay siya ring contractual spirit nito. Kaya nitong magpatumba ng isang liyon sa isang suntok lamang. Hindi kakayanin ng mga ordinaryong sundalo lang ang suntok na iyon!

"Ang maliit na Lin Palace ay hindi na dapat sumasalungat sa aming taga-Qing Yun Clan, kung magmamatigas kayo, ipapatikim namin sainyo ang aming galit." Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang nauubusan ng pasensya ang Qing Yun Clan.