We didn't know and we cannot choose the right people for us. We didn't know when the exact time for us to settle down. We cannot force someone to stay in our life. Two people don't have to be together right now, in a month or in a year. If those people are meant to be, then they will be together somehow at something in life.
THE FIRST LOVE
Have you ever met someone and wish to stay that person forever in your life?
The love that gives you everything; a complete happiness.
The story that brings you happiness and pain.
How long will it takes?
---
Kasalukuyan kong sinusuri ng maigi ang gamit ko sa loob ng bag habang hinihintay na magliwanag sa labas. Alas singko palang ng umaga ay nakabihis na ko kahit na mamayang alas siyete pa ang pasok ko. Nasanay kasi ako na maagang naghahanda lalo na tuwing unang pasukan. 4th year high school na ako ngayong pasukan at medyo nae-excite sa mga pwedeng mangyari.
Mabilis ang takbo ng oras at kinailangan ko nang umalis ng bahay. Na-double check ko naman na ang mga gamit ko at sigurado akong wala na akong naiwan. Bago ako lumabas ng bahay ay huminga muna ako ng malalim, "Goodluck, Arya!"
Nakarating ako sa eskwelahan ng 6:00 am kaya naman kakaunti palang ang mga makikita mong studyante. Sa tatlong taon na pag-aaral ko sa eskwelahan na ito ay sanay na sanay na ako sa mga kaganapan. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa bagong room ko ngayong taon nang biglang may lumapit sa akin na lalaki. Maputi ito at mas matangkad ng kaunti sa akin. Napatitig ako sandali sa mukha niyang tinalo and mukha ko dahil wala manlang kabakas-bakas ng pimples o pimple marks.
"Hi! Pwede ba magtanong? Alam mo ba kung saan yung room ng X-Humility?" Tanong nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sakanya.
"Sabay ka na sakin." Sabi ko sakanya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Agad naman itong kumilos at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Saan school ka ba galing at bakit ka lumipat?" Tanong ko sakanya.
"Actually, dito rin ako nag-aral last year." Sandali akong napatingin sakanya ng nakangunot noo.
"Eh bakit hindi kita nakikita tsaka bakit hindi mo alam ang mga rooms? Nagpapapansin ka ba—Joke lang." Pabirong tanong ko sakanya. Ngumiti lang ito sa akin at ganon din ang ginawa ko sakanya.
"Grade 8 ako dito last year." Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o hahayaan nalang. Pinaglololoko ata ako nito eh o sadyang nagpapapansin lang. Umiling-iling nalang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Accelerated student ako." Sabi nito. Napahinto ako sa paglalakad at napatitig sakanya. Hindi ba 'to nagbibiro?
"Wow! Hindi nga?!" Ngumiti ito at tumango-tango.
"Gaano ka katalino? Paano mo napasa? Anong pakiramdam maging matalino? Paano ba tumalino?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya habang naglalakad.
"Hindi ko rin alam eh haha basa-basa lang." Maiksing sagot nito sa mga tanong ko.
"By the way, My name is Eriol." Pagpapakilala nito. Itinaas nito ang kanang kamay niya at naghihintay.
"Arya." Banggit ko sa pangalan ko. Inabot ko ang kamay niya atsaka nakipag shakehands. Ngumiti ito at nginitian ko lang din siya.