webnovel

Divine Sealer of Cultivation World (Filipino/Tagalog)

Tác giả: SwallowedPhoenix
Kỳ huyễn
Đang thực hiện · 33.8K Lượt xem
  • 30 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Sa edad na anim ay namulat ang musmos na batang si Li Xiaolong sa hirap ng kanilang buhay dulot ng masahol at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sakop ng kanilang angkan. Noon na masasabing nasa masagaanng pamumuhay ay ngayon na nasadlak sa kaharian. Makakaya kaya ng batang si Li Xiaolong ang hamon ng buhay maging ang sistema ng mundong kinabibilangan niya? Samahan ang ating bida sa paglalakbay sa mundo ng Cultivation. Makakaya niya kayang umakyat sa pinakatuktok o mananatili lamang siya nasa ibaba at sumuko sa kaniyang pangarap.

Chapter 1Chapter 1

Ang Kontinente ng Hyno ay kilala sa tawag na Land of Mystery. Kilala ang lugar na ito na may pinakamasukal na kagubatan na pumapalibot sa alinmang direksyon. Sagana sa likas na yaman ang bawat parte ng kontinenteng ito ngunit ang pangunahing suliranin nila ay ang malalakas na lebel ng kapangyarihan ng  iba't ibang uri ng mga Martial Beasts na pagala-gala dito.

Napakaganda ang bawat araw at gabi sa mundong ito. Mula sa malalaki at makakapal na mga ulap na sinisinagan ng apat na buwan pati ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.

Sa loob ng kontinenteng ito ay maraming mga kuru-kuro at mga kwento ng mga matatanda patungkol sa mga Heavenly Bodies/Objects na makikita sa araw o gabi man kagaya na lamang ng mga bituin,buwan, araw at iba pa.

Ang kwentong ito ay mga bantog lalong lalo na sa mga musmos na mga kabataan ng maliit na kontinenteng ito.

Nakakatakot ngunit nakakamangha para sa lahat ng makakarinig nito. Napakaimposibleng isipin ngunit halatang naguugstuhan ng mga batang musmos pa lamang.

Pinaniniwalaang noon pa man, ang mga bituing nakikita natin sa sa napakadilim na kalangitan ay kulungan ng mga demonyo. Paano nila nasabi? Ayon sa kanila mga ninuno na ikinulong daw noon sa loob ng mga nagkikislapang mga kristal na makikita sa langit ang bawat isang demonyong nagkasala at nagpapakita lamang kung gabi ang mga mga kumikislap na kristal kung saan ay nagpapahiwatig na sila ay nagpapalakas kung gabi. Ang nagkikislapang mga kristal na ito ay nagmistulang nagniningning kung saan ay humihigop ang mga demonyo ng kapangyarihan ng kadiliman.

May matatanda ding nagsabi na ang bituin ay mga malalakas na mga nilalang o mas kilala bilang Celestial Beings. Sinasabing sila ang tagapangalaga ng bawat mundong kinalalagyan ng mga Martial Artist o Cultivator. Sila ang liwanag sa mga taong naliligaw ng landas sa paglalakbay.

Ang mas nakakamanghang kwento tungkol dito ay ang bituin daw ay isang sandatang kayang pumatay sa isang makapangyarihang immortal. Noong unang panahon daw ay may dalawang immortal na magkapatid ang namuhay ng mapayapa sa mundong ito. Natagpuan nila ang batong nagkikislapan na animo'y kristal na babasagin.

Bilang immortal ay nakayang gawing sandata ang mga batong ito sa anyong espada ng nakatatandang kapatid. Sa paglalakbay nila sa mundong ito noon ay unti-unting nagbago ang ugali ng nakababatang kapatid, kinasusuklaman nito ang kanyang nakakatandang kapatid. Nagulat na lamang ang nakakatandang kapatid nang may dumating na isang makapangyarihang halimaw sa himpapawid. Nakipaglaban ang nakakatandang kapatid gamit ang buong lakas ngunit hindi nito mapatay-patay ang nasabing nilalang bagkus ay natamaan ng misteryosong nilalang ang nakakatandang kapatid ng sarili nitong sandata at sa pagdaan ng araw ay naapektuhan ang kondisyon ng  katawan ng nasabing immortal na nakakatandang kapatid. Huli na ng dumating ang nakababatang kapatid lalo pa't halos bawian na ng buhay ang kanyang kapatid. Buong lakas niyang itinarak ang kanyang espada sa nasabing Misteryosong nilalang.

Bigla na lamang namatay ito ngunit kasabay din nito ang pagkapira-piraso ng espadang pinanday mismo ng nakatatandang kapatid sa kanyang nakababatang kapatid. Huli na ng magsisi ang nakababatang kapatid.

Mapunta naman tayo sa Kwento patungkol sa buwan, kilala ang buwan sa isa sa napakalaking bagay na makikita palagi sa pagsapit ng gabi.

Ang buwan daw ay sinasabing tirahan ng mga immortal. Ang napakagandang anyo nito tuwing gabi ay nagpapahiwatig daw ng kanilang paggabay at pagbabantay mula sa malayo. Ang immortal at mortal daw ay hindi pwedeng magsama o pagsamahin at hahantong lang ito sa malalaking unos sa sangkatauhan.

Ang apat na buwan na nakikita sa kalangitan ay simbolo daw ng Iba't-ibang  direksyon (Hilaga, Silangan, Timog at kanluran) kung saan pinanatili ng mga immortal ang kasyusan at balanseng takbo ng buhay ng mga nilalang sa kalupaan maging ng mga nilang sa katubigan at iba pa.

Marami pang kwento ang narinig nila mula sa matatanda ngunit walang patunay na ebidensya. Walang makapagsasabi at makapagpapatunay kung totoo ba ito o hindi.

May isang tao ba na buhay ngayon ang makakaalam ng tunay na pangyayari na ito?

IMPOSIBLE, ito ang nasa isip ng lahat maging ng mga matatandang nagkukuwento kung saan maging sila'y hindi pa alam ang katotohan patungkol sa mga ipinasang kuwento ng kanilang mga ninuno.

Bạn cũng có thể thích

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
đã thích
Mới nhất

HỖ TRỢ