webnovel

Death's Shadow (TAGLISH)

"If he is death himself then I'll be his shadow... and I will be the one to destroy him." A girl named Erica Thana Fleas from Tenebrae—Kingdom of Darkness or also known whereas monstrous creatures resides, is the holder of the forbidden element called 'Dark Arts'. As the person who's destined to die, she decided to changer her fate by stepping on the ground of Lumiere—Kingdom of Light. In order to fulfill her goal, her search for the Lost Crystal begas as she enroll in Light Academy and meet Kei Delvin Synivia.

Nikisamaaa · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 6

Chapter 6: Another Message

"You won't talk?" May halong banta sa boses ni Kei. Malakas niyang itinulak ang matanda dahilan para sumubsob sa kahoy na sahig. "Suit yourself."

Nakakatakot ang mga mata ni Kei. Nakahinga ako ng maluwag dahil binitawan na ni Kei ang matanda. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa mga lalaking napasukan sa loob. They were wearing armors and the Royal Symbol was carved into their chest, doon sa suot nila. Palagi

"Captain," one of the knights saluted.

Kei gave the knight who saluted a small nod before letting the knights drag the old man to somewhere Kei knows.

Slowly, his eyes turned into black again while watching the man disappeared from our sight.

Isang kawal muna ang lumapit kay Aqua at may binigay na sobre. Umkyat din sa ikalawang palapag iba pang kawal at pagbaba nila, dala na nila si Zed.

"Sa'n sila dadalhin?" Tanong ko kay Blaze.

"Sa dungeon siguro." Sagot ni Blaze.

Sumunod na bumaba galing sa itaas si Rai, nakakunot ang noo at naguguluhan sa nangyayari. Bahagyang bumuka ang bibig niya pero isinara niya rin ulit. May sasabihin ba siya?

"Anong nakasulat?" Sinubukang tumingin ni Blaze sa sobreng hawak ni Aqua at lumapit sa kaniya. Wala sa sariling humakbang palayo si Aqua nang makita ang pagitan nila.

Ibinigay nalang ni Aqua ang sulat mula sa sobre kay Blaze bago kami hinarap, "The Headmistress said we should go back now."

"Wait, that fast?" Rai said, confused.

Aqua nodded as an answer, "The Officials are on their way to investigate. It's fine for us to head back now, we should leave this case in their hands. We're not in the position to meddle anymore."

Pagkasabi ni Aqua, umakyat na rin agad siya sa taas.

"Kei." Tawag ko. Agad din naman siyang napatingin at magkadikit ang kilay.

Sana maging isang linya na ang kilay niya. Nahiya pa, e.

Nagtaka ako nang sabay-sabay na tumingin sa'kin ang mga tao tila ba may sinabi akong ipinagbabawal na salita.

"What?" Iritang tanong niya.

"Pa'no mo nalaman n—"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang magdere-deretsyo siya palabas at tila walang narinig. Wow! Ano bang meron at ganyan ang ugali niya?!

Kung hindi lang ako marunong magpigil baka kanina pa siya walang buhay.

"Did you just call him Kei?!" Blaze gasped.

"Bakit?" I questioned.

"Well, it's sort of a rule to never call the Captain by his name. Of course, not when you're introducing him."

"So did I just a break a rule?" There was a hint of sarcasm in my tone. "I don't mind breaking the rules. I don't like his attitude."

Hindi na ako naghintay ng sunod na sasabihin ni Blaze dahil nag-iinit na naman ang ulo ko. Kapag nababanggit na ata ngayon ang pangalan ni Kei ay automatic na iinit ang ulo ko.

Umakyat kami ni Blaze para mag-ayos ng gamit at habang nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ay sinabihan kaming dumating na pala ang karwahe.

"Ano ba 'yan. Akala ko magtatagal pa tayo dito," nakangusong wika ni Blaze habang nilalagay isa-isa ang gamit sa suitcase niya.

"Sigurado na bang sila ang may gumagawa no'n" Tanong ko nang maalala ang mga miyembro ng Town Office.

"Ako pa tinanong mo, wala nga akong kaalam-alam sa mga nangyayari." kinamot ni Blaze ang likurang bahagi ng ulo niya at mapagpasensyang ngumiti.

Pa'no kung mali-mali naman si Kei? Susulpot siya tas ngayong umaga tas poof! Tapos na. Case closed.

Tinulungan kami ni Rai na buhatin ang mga dalang gamit namin.

Automatikong nagsalubong naman ang kilay ko nang makita sa loob ng karwahe si Kei. Nakalagay ang palad sa pisngi at nakatingin sa labas ng bintana.

"Faster," uots ni Kei para gumalaw kaming mabilis.

Bigla namang nagmadali si Rai at Blaze na para bang may humahabol sa kanilang kung ano. Tahimik naman si Aqua at naupo nalang sa loob nang matapos siya.

Bali ako ang katabi ni Aqua at katabi ni Aqua si Rai. Si Blaze ay kaharao ni Rai na katabi si Kei pero kitang-kita ang distansya nilang dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin ng pamumutla ni Blaze at ang pagiging tahimik niya. Gano'n na lang ang takot na binibigay sa kaniya ni Kei.

Hindi naalis ang pagdikit ng kilay ko dahil naiirita ako sa mukha ni Kei. Nagsalubong naman ang mata namin pero una niya ring inalis.

"Can't you stop staring?" Anas niya.

"Anong paki mo?" Inis kong sabi sa kaniya.

I could feel everyone's eyes at us. Napatingin ako kay Blaze na gulat ang ekspersyon.

"Hypocrite," he sneered.

"Showoff," I whispered.

Wala nang nagsalita pa sa'min matapos ang nangyari. Napasinghap nalang si Rai habang si Aqua ay wala pa ring paki, palagi naman.

Pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag nandyan si Kei. Gusto ko na umalis dito. Ang tagal ng oras. Baka ilang minuto pang kasama siya ay mapatay ko na siya. Sa kasamaang palad, buong byahe pa na siya ang kaharap ko.

Ilang oras na pagdurusa ang naramdaman ko hanggang sa marating na naman ang Academy. Ako ang unang bumaba at kinuha ang gamit ko sa likurang bahagi.

Hindi ko na hinintay si Blaze kasi makikita ko pa ulit si Kei. Hangga't maari ay ayoko siyang kausapin.

"Teka lang, Thalia!" Tawag sa'kin ni Blaze.

Hindi ko siya hinarap at patuloy sa pagpunta ng headquarters dahil sabi ng Headmistress ay do'n kami magkikita pagka-uwi namin.

"Ang bilis mo naman," Blaze catched up to me.

Nag-scan ako ng fingerprint ko at bumukas ang pinto ng headquarters. Hindi na nagscan si Blaze dahil sumabay siya sa pagbukas ng pinto at nadatnan namin ang Headmistress sa loob na naghihintay sa pagdating namin.

"Good work." Sabi niya nang makumpleto kami sa loob. "Hindi ko pinatagal ang misyon niyo sa lugar na 'yon dahil delikado. Sinabihan na kami ni Kei kung ano ang nangyari. Siguraduhin niyong walang makakalabas tungkol sa markang nakita niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Dagdag pa niya. Mas nakakatakot siya kapag nagtatagalog.

Lahat naman kami ay tumango at pagkatapos no'n umalis na rin kami para ulit mag-ayos ng gamit.

"Pa'no kaya nalaman ni Kei 'yon 'no? Ang galing niya." Hindi makapaniwalang sabi ni Rai pagkalabas namin.

"May makarinig sa'yo," Blaze scolded. "Baka marinig ka ni Captain."

"Hindi naman niya tayo maririnig. Wala naman 'yon dito. Ang bilis nga nawala kanina, parang multo." Ani Rai.

"Zed had the mark on his arm and his only accompliance will be the members of the Town Office. It's either he threatened them or offered them with gold to gain their cooperation. They already know every corner in Enchanted City which made it easier." Biglang nagsalita si Aqua.

May point nga. O kaya naman miyembro rin si Zed ng Town Office at dahil alam niya na ang bawat dulo ng Enchanted City, mas madaling kumilos. May otoridad pa sila dahil sila ang namamahala sa Enchand City.

Pero sa palagay ko hindi lang 'yon.

Halos pareho lang kami ng nakita ni Kei. O baka naman talagang perfect nga kasi siya kaya gano'n. Hindi pa naman sigurado kung sila nga o hindi. Let's not jump into conclusions.

Excused kami ngayong araw para sa klase kaya bukas na ulit kami magsisimula. Bumalik na kami sa dorm para makapagpahinga.

Habang inaayos ko ang gamit, pumasok sa isip ko ang libro kaya tinignan ko 'yon sa ilalim ng kama at nando'n pa naman.

Binuklat ko 'yon para makita kung may bago nang nakasulat pero blanko ulit.

Pansamantala ko muna itong nilagay sa gilid ng aking kama at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit. Nahiga ako sa kama at natulog.

Nagising nalang ako dahil may naririnig akong kumatok pero hindi galing sa pinto kundi galing sa bintana.

At hindi ko nagustuhan ang tumambad sa'kin do'n.

Umirap nalang ako at nagtalukbong ulit ng kumot, kunwaring hindi ko nakita si Kei. Manigas siya jan. Gusto kong damahin niya kung ano feeling ng ginagawa niya. Hindi ako magpapatalo.

Napatanggal nalang ako bigla sa kumot ko nang makarinig ako ng basag. Pagtingin ko sa bintana ko, wala na do'n ang salamin at pumasok sa loob ko si Kei.

"Sup?" Kei smirked. Agad nanlaki ko dahil sa nagkalat na bubog sa sahig. Nahihibang na ba siya?!

I groaned. Basag na 'yung salamin! Inis nalang akong nagtalukbong ulit para hindi siya pansinin. Kahit basagin niya lahat ng gamit dito wala akong pakielam. Hindi ko naman kasalanan 'yon!

"Thalia okay ka lang ba? May narinig akong nabasag jan sa kwarto mo?" Kumatok si Blaze. Napatingin ako kay Kei na binigyan ako ng kibit-balikat.

Nagisip ako ng maaring isagot. Inalis ko ang kumot at masamang tumingin kay Kei na walang emosyon ang mukha.

"Okay lang ako! Wala namang akong narinig. Baka sa kabilang kwarto!" I shouted my answer.

Kei scoffed at my lies. Hindi rin naman nagtagal 'yon dahil kinuha niya na ang librong nakalagay sa gilid ng kama ko.

Inilipat niya 'yon sa pahina kung sa'n blanko pa rin. Bigla namang nagiba ang mukha niya at humigpit ang hawak sa libro.

"It's writing.." he said.

Napatayo ako para tignan ang libro dahil sa sinabi ni Kei.

'As winter dies, spring will bloom. He have already acquired the power he needs as he prime the world's ruin.'

"As winter dies, spring will bloom.." Kei repeated.

The message didn't last long and disappeared, leaving us with confusion. Was it connected to the last message? It was still talking about power, but what power?

"He?" I asked.

"I need a paper," luminga-linga pa siya, naghahanap.

"I don't have any," I said.

"So where do you write your lectures? On your palm?"

"Oo."

I saw him rolled his eyes, "Nevermind, what do I even expect."

"Okay na 'di ba? Nabasa mo na? Pwede ka na lumayas?" I was so irritated.

"You know you're really something.."

"Why? Have I caught your interest now, Captain?" I emphasized the word 'captain'.

"No." He closed the book, placing it on my side table. "You're making my head ache. Are you aware that you've broken many rules?"

"Like what? Rules about disrespecting you? Adressing you by name? Kasali pala 'yon sa patakaran dito pero okay lang.." I scoffed, "..I don't regret it." Binigyan ko siya ng matalik na titig.

His eyes turned serious and he smirked. Nagulat ako nang bigla niya akong lapitan. Humakbang naman ako palayo at 'di namalayang napaupo nalang ako sa kama. He inched the gap between us. Mas nakita ko pa kung ga'no kakinis ang mukha niya.

My heart was beating so loud. It never happened before. It's beating so fast, I could feel my heart bursting!

"Alam mo naman pala.." Ngumiti siya, 'yung ngiting hindi umabot sa mata. "..pero pinili mo pa ring gawin. Papansin ka ba?"

Ngumisi ako, "I don't need your attention, you fucking monkey. Get the hell out of my room!" I pushed him. Nagulat ata siya sa ginawa ko pero ginamit ko lahat ng lakas ko para itulak siya sa bintana.

Nasa may bintana na kami pero hindi ko na siya natulak dahil hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago ako binulungan, "Careful. You might hurt yourself."

Ngayon ko napansin na naka-paa nga lang pala ako at may mga bubog nga pala sa sahig.

"Wow, are you worried?" I laughed sarcastically.

"No," he let go of my pulse and jumped out of the window like it was the exit to my room. So window is the new door. Way to go.

Bumaba ang mata ko sa nagkalat ang bubog sa sahig at nagpatulong ako ang naglinis no'n. Nagpasama naman ako kay Blaze nang pumunta ako sa office para magreport sa nabasag na bintana. Nagtataka pa nga sila kung anong nangyari kaya sabi ko natamaan ko lang pero mukhang nagduda sila. Buti nalang lumusot.

"Akala ko ba walang nabasag?" Blaze asked on our way back to our room. Galing kami sa office at napagbihis pa ako ng 'di oras. 'Di ko rin inakalang gabi na pala. Napahaba ang tulog ko. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako mamaya.

"'Yung akin pala 'yon. Tulog kasi ako. Nagising lang. Akala ko rin kasi sa kabila." Pagdadahilan ko. Iba 'yung sinabi kong dahilan sa office. Ako lang naman ang pumasok sa loob, naiwan sa labas si Blaze para maghintay sa'kin.

"Ba't naman kaya mababasag 'yon?" Mahinang bulong ni Blaze pero hindi ko pinansin.

Hindi na nagtanong pa si Blaze at inaya akong kumain nalang pagkapasok namin sa room. Hindi ko alam kung papaniwalaan ni Blaze ang dahilan ko dahil ang daming butas sa pagsisinungaling ko.

Dumeretsyo din kami sa kaniya-kaniyang kwarto pagkatapos. Nag-unat pa siya at humikab bago ako sinabihan na antok na siya. Inaasahan ko na hindi ako makakatulog at mukhang tama ako do'n.

Nahiga ako sa kama ko para matulog pero kaht sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, ayaw matulog ng utak ko.

Tinititigan ko nalang ang orasang tumatakbo habang nakahiga na ako sa kama ko. Tumatakbo nga ba? Ang bagal kasi kapag pinapanood ko.

Nililipad pa tuloy ang kurtinang nakaharang sa bintana dahil sabi ng office bukas pa raw mapapalitan ang salamin nito.

Isang tanong naman ang dumaan sa isip ko.

Open pa kaya ang library?

Gusto kong malibang para antukin ako. Hindi rin nagtagal nang magdesisyon akong tumayo at lumabas sa kwarto ko, nakasuot ng kaswal na damit.

Tinahak ko ang daan patungo sa silid-aklatan. May ibang estudyante pa akong nakikita pero kakaonti nalang 'yon, mabibilang pa nga sa kamay. Dahil siguro ay malapit ng sumapit ang hatinggabi.

Nang marating ko ang library, hinihintay kong bumukas ang pinto dahil automatiko naman itong nagbubukas kapag may tao kaso hindi siya bumukas.

"Gabi na ah."

Balak ko na sanang umalis pero nagpakita si Cale. Nakasuot pa rin siya ng uniporme namin at may hawak na record book. Anong ginagawa niya dito?

"Pasok ka na sa dorm niyo. Gabi na, bawal lumabas ang estudyante," sabi pa niya habang may binabasa sa hawak niyang libro.

"Hindi ako makatulog," mahina kong sambit. Ngayon ko naramdaman ang lamig dito sa labas dahil open ang hallway. Kapag papunta lang sa dorm at headquarters 'yung may bintana sa hallway.

"Gusto mo sumama? Lilibutin natin 'yung buong school. Maglilista tayo ng mga violators."

Naguguluhan ako kung bakit siya ang naglilista no'n, baka parte siya ng student council pero wala naman akong naririnig na may gano'n dito.

"Prefect." He figured that I was in confusion.

Nginitian niya lang ako bago nagsimulang maglakad muli kaya sumunod nalang ako. Hindi nga siya salita lang. Nilibot namin ang buong school. Mapa-banyo, hall, headquarters, office, lahat.

"Huwag kang mag-alala. Apat kaming prefect pero nagddouble-check lang ako. Kadalasan laging nasa Stellar Tower ang mga tumatakas."

Buti nalang ay kinakausap niya ako habang naglalakad kami. Napahawak at niyakap ko ang braso ko dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat.

"Gusto mo puntahan?" Tanong niya sa'kin.

"Alin?" I drew my brows together.

He only smiled before gently pulling me to somewhere. Marami kaming nadaanan na corridor at palalim na nang palalim ang gabi. Hindi ko alam kung pa'no niya nakikita ang daan na tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay ilaw.

Siguro sanay na siya. Hindi nalang din ako tatanggi dahil mukha namang walang masamang balak si Cale.

Napunta kami sa tower na puro hagdan ang nakita ko. Hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. Nalula ako sa itaas nito pero hindi rin naman kami natagalan sa pag-akyat kahit mukhang matagal dahil mahabang tignan.

"Walang estudyante ngayon dito, ah." Sabi pa ni Cale nang madatnan ang lugar na walang tao.

May mga halaman pa sa gilid at walang bubong ang pinuntahan namin. Nasa ituktok kami ng kung ano at nakita ko pa dito ang bayan, nakita ko rin ang palasyong halos katabi lang ng eskwelahan namin.

"This is the Stellar Tower. The best place to admire the stars." Cale gazed up. "Kapag hindi ka makatulog pwede ka pumunta dito ulit. Hindi kita ililista, sagot kita."

Tumingin din ako sa langit. Kitang-kita ko ang mga bituin na minsan ay hindi ko nakita sa Tenebrae. Iba ang lugar dito pero mukhang mababait naman ang mga tao dito.

Tinaas ko ang kamay ko, nagbabakasakaling maabot ko ang mga bituin. Hindi ko namalayang ngumiti ako nang ikuyom ko ang kamao ko, kunwaring hinuli ang bituin.

"Beautiful isn't it?" I heard Cale asked.

It was the first time I felt calm ever since I got here. Suddenly, the cold wind was replaced by warmth from Cale's coat. I was stunned for a second. Is he really like this to others?

"Malamig. Baka magkasakit ka." Aniya.

Tipid akong ngumiti bago inayos ang pagkakalapat nito sa mga balikat ko.

"Nagustuhan mo ba 'yung libro?"

Naalala ko na siya ang nagrekomenda ng librong nagpapausbong ng kuryosidad ko. Alam niya kaya 'yon?

"Maganda." Hindi ko alam ang sasabihib ko.

"Sayang 'di nahihiram 'yon. Sabihan mo ako kapag tapos ka na para ako naman magbabasa." He chuckled.

Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nanatili pa kami ng ilang minuto bago napagdesisyunang umalis. Hinatid niya pa ako sa dorm.

"Hindi ba bawal ang lalaki dito?" Tanong ko nang marating na namin ang hallway papunta sa kwarto ko.

"Pwede naman kapag prefect."

Huminto na kami sa tapat. Inalis ko na ang coat niya na nakapatong sa balikat ko. "Thank you."

"Pleasure. See you in class tomorrow." He smiled.

I frowned.

"Classmate tayo sa Potions Class at sa Academic Class. Nagkaroon kayo agad ng mission kaya na-excuse kayo." Aniya. "I'll go ahead. Good night."

"Thank you," I smiled and said thanks for the second time. Tumalikod naman na siya at umalis.

Bumalik na ako sa kwarto ko upang magpahinga para bukas.