Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!
"Dana, I thought you want to be an engineer?"
Napa-buntong hininga ako habang nagme-make up sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Naglagay pa muna ako ng cheek tint at lip tint bago ako tumayo.
"I changed my mind, Mom. I want to be an accountant." Tumingin ako sa kanya sa salamin habang nakasandal siya sa may pinto nitong kwarto ko.
Si Mommy lang lagi ang mahilig magtanong kung ano ang kukunin ko ngayong senior high school kasi si Daddy ay kung ano 'yung gusto ko ay suportado niya lang. Kaya lumaki akong Daddy's girl dahil ganon siya sa akin. He wants me to do what I want. Hindi tulad ni Mommy na ang daming limit.
"Is your Dad know this?" She asked, I nodded and stopped right in front of her.
"Of course. He always know what my decisions are," sabi ko at lumabas na nang tuluyan sa kwarto ko. I love my Mom but I love my Dad more and she knows it. Alam kong pinipilit na ni Mommy ang kanyang sarili na pabayaan na ako sa mga gusto ko dahil baka naiisip niya na sigurong nagrerebelde ako sa kanya. But no, I won't do that to her. She's my mother after all.
Paglabas ko sa bahay ay agad akong sumakay sa sasakyan na naghihintay sa akin sa labas. I have a driver dahil hindi pa naman ako pwedeng mag-drive dahil wala pa ako sa tamang edad.
Agad nag-drive si Manong papunta sa bagong school ko. Medyo malayo 'yon sa bahay kaya matagal kami bago nakarating doon.
"Text ko na lang po kayo kapag tapos na klase ko," sabi ko kay Manong bago ako bumaba sa kotse. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at naglakad papunta sa building kung saan nandoon ang magiging room ko.
Alam ko na 'yon dahil doon tinuro 'yon sa akin nung teacher nung mag-enroll na ako. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok at naupo sa isang tabi. Medyo awkward pa ang atmosphere sa loob ng room dahil hindi pa kami magkakakilala. Wala rin akong kaibigan na kaklase ko kaya nahihirapan pa ako mag-adjust.
Hindi ako tahimik na tao, kaya kapag nakilala na ako nitong mga magiging kaklase ko ay baka magulat sila sa totoong ako.
Hindi matatahimik ang buhay mo kapag ako ang kasama mo.
Char.
"You're Dana, right?" Isang babae ang lumapit sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako kahit nagtataka ako kung bakit niya ako kilala.
"Yes," tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at umupo siya sa tabi ko. "And you are?"
"Jean," sagot niya at ngumiti pa sa akin. Her name is not familiar. Nakita niya yata 'yung mukha ko na nagtataka kaya napatawa siya nang mahina. "We're schoolmates back in elementary, medyo sikat ka sa school non kaya halos kilala ka ng iba like me."
Napatango ako nang marinig ko ang paliwanag niya.
"Really?" Mahina akong natawa. Ganon na ba ako kadaldal nung elem?
"Uhuh," she said while nodding. Ngumiti pa siya sa akin na parang bata. Mukhang makaka-vibes ko 'tong si Jean.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating na ang teacher namin sa first subject. Syempre, dahil first day pa lang naman ng school year ay puro pagpapakilala pa lang ang nangyari. Nang ako na ang sunod ay mabilis akong tumayo at pinakilala ang sarili ko.
"Dana Flores," mabilis kong sabi at naupo na. Wala naman na akong ibang sasabihin kaya 'yon lang sinabi ko. Well nakangiti naman ako nung sinabi ko 'yan para naman hindi ako masabihan na masungit. Hell no, wala sa vocubulary ko ang pagiging masungit 'no.
Mabilis lang natapos ang umaga at 'yon na nga, tanghali na. Oras na para mabigyan ng pagkain 'tong mga halimaw sa tiyan ko.
"Tara sa canteen," aya sa akin ni Jean pagkatapos niyang ayusin 'yung gamit niya. Ako rin naman nag-aayos pero mas nauna nga lang ako na natapos.
"Okay," sumama na lang ako sa kanya dahil hindi ko pa alam kung saan ang daan papuntang canteen.
"Clyde, bro! Tara na, nagugutom na ako!" Napatingin ako sa lalaking sumigaw sa labas nung kabilang classroom namin, napasilip tuloy ako ng wala sa oras kung sino 'yung tinawag niya.
I saw a man sitting right in front of the teacher's desk while not giving any attention to the one shouted his name.
Pinauna ko na lang tuloy si Jean at sinabing susunod na lang ako sa kanya kahit hindi ko alam 'yung daan. Pwede naman akong magtanong-tanong na lang dyan, makarating lang doon.
"Clyde fucking Ian, stand the fuck up." Naiinis na sabi pa rin nung lalaki sa labas ng classroom nila. Siguro tropa niya 'to pero hindi lang niya pinapansin.
I smiled to myself, hmm interesting.
The man sitting remained silent while chewing a gum. "Ang ingay mo, Evan."
"Gago," mura niya rito. Nakasandal lang ako sa may railings habang pinapanood silang dalawa.
"Tara na kasi! Punyeta ka talaga," naiinis pa rin na sabi nung Evan. Ewan ko ba kung bakit rinig na rinig ko 'yung usapan nilang dalawa siguro dahil nasigaw 'yung Evan habang 'yung Clyde naman ay kalmado lang pero sapat na 'yung lakas ng boses niya para marinig ko.
"Bakit ba hindi ka makakain ng wala ako?" Pagsuko nung Clyde at tumayo na sa upuan niya, napatalon naman sa tuwa 'yung Evan nang makitang tumayo ito.
"Bobo, kaya ko naman kumain ng wala ka. Sadyang ibinilin ka lang sa akin ni Tita na samahan kang kumain dahil baka sa iba mo na naman daw gastusin 'yang pera mo," sabi niya rito habang natatawa pa. Lumabas na 'yung Clyde sa classroom nila at sumunod naman sa kanya 'yung Evan.
I remained silent while watching them until he glanced at me for a moment. He raised his eyebrows when our eyes met.
I smirked, I'm getting hype.
"Hi," bati ko kaya napatigil sila nung Evan sa paglalakad. He didn't even avoid our eye contact!
"Hi," Evan greeted. "Do you need help?"
"Yes, do you know where the canteen is?" I asked while smiling. Geez, sana hindi ako mukhang creepy sa harapan nila ngayon. Naka-iwas na rin ang tingin ko doon sa Clyde dahil kay Evan na 'yon nakatuon.
"Oh we're heading there. Do you want to come?" Hindi pa rin nagsasalita 'yung Clyde sa tabi niya kaya sumulyap ulit ako sa kanya.
"If it's okay to him," I said, pertaining to Clyde.
Siniko siya ni Evan kaya napatingin siya dito. "The fuck?"
"Okay lang ba na sumama siya sa atin papuntang canteen? She doesn't know the way," Evan asked for his permission. Tumango lang 'yung Clyde kaya napasayaw ako sa utak ko.
Let's start.
"Let's go," aya ni Evan at naglakad na. Sumabay ako sa kanya kahit pinagtitinginan na kami rito. Wala akong pakialam, ang pakialam ko ay nandito sa kasama ni Evan.
"I'm Evan, by the way," Pakilala niya sa akin kahit alam ko naman na. Hindi ko na lang 'yon sinabi at ngumiti na lang sa kanya.
"Dana," bumaling ulit ako doon sa katabi niya na tahimik lang na naglalakad.
"Oh, and he's Clyde. He's a quiet person," pakilala na lang din niya dahil mukhang walang balak magpakilala sa akin si Clyde.
"Dana, dude," sabi ko na lang. Muntik pa akong mapasapo sa noo ko dahil sa sinabi ko. Really, Dana? Dude?
Narinig kong tumawa ng mahina si Evan pero hindi lang nagsalita. Patuloy pa rin kaming naglalakad papuntang canteen at maya maya ay nakita ko na 'yung isang pintuan at may nakalagay sa taas noon na 'Canteen'.
"Thanks," mahina kong pasalamat at nauna nang pumasok sa kanilang dalawa. Agad kong hinanap si Jean at nakita ko siyang naka-upo na sa may bandang gitna.
Pagkaupo ko sa harap niya ay mayroon na doon na pagkain. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at nagsimula nang kumain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain hanggang sa matapos kami. Iniwan na lang namin doon 'yung pinagkainan namin dahil may mga lumilibot naman para ayusin 'yon.
Dumating ang afternoon class at wala lang din halos nangyari, kaya natapos ang hapon na 'yon na walang thrill ang nangyari sa akin. Hindi ko na rin naman na naabutan sa classroom nila si Clyde kanina dahil mas nauna yata ang uwian nila kesa sa amin. Baka hindi pa pumasok 'yung teacher nila kanina kaya maaga lang silang pinauwi.
Kinabukasan, maaga akong nag-ayos ng sarili ko at naabutan ko sila Mommy na nakain na sa may dining. Humalik ako sa pisngi nila ni Daddy bago maupo sa harap ni Mommy.
"How's your first day?" Mommy asked. I stopped eating and answered her question.
"It's fine, Mom. Nothing to worry,' sinubo ko na 'yung pagkain na nadelay kong kainin dahil sa pagtatanong niya.
"Are you okay with your school, anak?" Daddy asked, worry was evidence in his voice.
"Yes, Dad. My school's fine," ngumiti ako sa kanya para mas maconvince siyang okay lang ako sa school ko ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay hinintay ko si Daddy dahil siya daw ang maghahatid sa akin ngayon. Hindi na lang ako nagreklamo at hinayaan siya sa gusto niya, pabor lang din naman sa akin.
"Goodluck," he said and kissed me on my forehead.
"Thanks, Dad. See you! Ingat po kayo," I smiled while waving at him. Tinanaw ko munang makaalis ang sasakyan bago ako naglakad papunta sa building namin. Pagpasok ko doon ay nakita ko na kaagad si Jean kaya umupo na ako sa tabi niya.
"Anong chika natin today?" Bungad ko kaagad sa kanya, hindi na binigyan pa ng pagkakataon na batiin ako.
"Ang chika natin today, sis, ay 'yung kumakalat ngayon na may kasama raw na babae sila Evan kahapon noong lunch break." Sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko, mukhang ako 'yung tinutukoy nila.
"And what about her?" Nagkunwari akong hindi ko kilala 'yung babae para lang malaman kung ano 'yung mga sinabi nila kahapon.
"Wala lang, naiinggit lang 'yung ibang babae dahil hindi nila malapitan ng ganoon sila Evan pero 'yung babae kahapon parang close pa raw sila Evan kasi katabi nilang maglakad."
What? We're not close!
"Close agad? Hindi ba pwedeng nagtanong lang?" Depensa ko sa sarili ko. Ano ba naman 'yan, kung ano-ano na lang ang kumakalat. Ang fa-fake news naman ng mga tao rito.
"Ewan ko, 'yun ang sinabi nila. Hindi ko rin naman nakita dahil nasa canteen na ako noon." She said, "Ikaw ba? Hindi mo nakita?"
"I don't even know them," sabi ko na lang.
"Right," hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang sa board.
Hindi ko na lang 'yan poproblemahin pa, ang gusto ko ngayon ay kung paano ako papansinin netong si Clyde. I was challenged by his personality. Well, he's the completely opposite to me.
I am loud and he's quiet.
Opposite attract.
"Bye, sis!" Kumaway lang ako kay Jean nang makalabas na siya sa classroom. Lunch na ulit kaya naman pagkatapos kong ayusin 'yung gamit ko ay lumabas na ako sa room para abangan ang paglabas ni Clyde.
Hindi kasi dito kakain si Jean ng tanghalian kaya ako lang mag-isa ang kakain ngayon. Plano ko sanang makisabay na lang kila Evan kaso baka maissue na naman ako, iba pa naman na mga tao ngayon. Konting galaw mo, issue na agad. Buhay nga naman.
"Hi, Clyde!" Bati ko sa kanya nang makitang nakalabas na siya sa classroom nila. He glanced at me and started walking away. Sumunod lang naman ako sa likod niya pero hindi niya talaga ako pinapansin. "Pst!"
"Pansinin mo naman ako." Pangungulit ko sa kanya. "Kahapon rin, hindi mo ako pinapansin. Hindi naman ako invisible para hindi mo pansinin ah."
Kinalabit ko na rin siya pero wala talaga, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Pinagtitinginan na ulit kami ng tao sa paligid pero wala talaga akong pake.
"Alam mo ba, hindi ko pa rin alam kung saan 'yung daan papuntang canteen." Lies, I know it already. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang classroom. Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang strand.
STEM-11
Oh.
"Where's Evan?" Napatingin ulit ako kay Clyde nang magtanong siya sa lalaki doon sa loob ng classroom. Tumingin sa akin 'yung lalaki bago binalik kay Clyde 'yung tingin na parang nang-aasar.
"Girlfriend mo?"
"No. Just answer my question, Kurt. Where's Evan?" Naiirita na sabi ni Clyde, hindi pa rin ako naalis sa tabi niya habang sinasabi niya 'yon.
Duh, makapal ang mukha ko 'no.
"He's with someone, I think you know it already." Kurt shrugged his shoulder and put his attention on me.
"Your name, please?" Nakangiting tanong sa akin ni Kurt. Sasagot na sana ako pero bigla na lang humarang sa harapan ko si Clyde at tinulak papasok si Kurt.
"Samahan mo 'ko kay Evan," he said. I saw Kurt's laughing his ass off while he is being pushed by Clyde.
_______________________________________________________________________________________________________________
.