webnovel

Being Unwanted Princess of the Heartless King of Ardiania Kingdom

Sa isang kaharian na nagngangalang Ardiania Kingdom ay may isang reyna na nanganganak ng isang prinsesa.

"Mahal na Reyna ire ka po ng malakas at palabas na po ang mahal na prinsesa" babaylan. At lumabas na nga ang munting prinsesa ngunit unti unti naman nalalagutan ng hininga ang mahal na reyna. Bago mawalan ng hininga ang mahal na reyna ay pinalapit niya ang mahal na hari upang sabihin na "alagaan mo ang ating munting prinsesa at mahalin mo katulad ng pagmamahal mo sa akin" sabi ng reyna bago mawalan ng buhay. "Hindi ko mapapangako na mamahalin ko siya ng tulad ng pagmamahal ko sayo aking mahal na reyna sapagkat siya ang naging dahilan kung bakit ka nawala sa akin" ang sabi ng mahal na hari. Nung namatay na ang mahal na reyna ay naging mahigpit at malupit ang hari sa iba kahit ang munting prinsesa ay ayaw niya rin makita. Kaya ang babaylan na nagpaanak sa reyna ang nag alaga sa munting prinsesa at tinuring na nito na tunay na anak ang prinsesa. Ang tanging nagmamahal lang sa mahal na prinsesa ay ang babaylan na nag aalaga sa kaniya. Kahit ang mahal na hari na kaniyang sariling ama ay hindi siya magawang mahalin. Siya si Princess Angel demonice Ardiana na isang prinsesa na tinaguriang Unwanted princess.