webnovel

Badboys Bring Heaven

Tác giả: SeirinSky
Thành phố
Đang thực hiện · 15.1K Lượt xem
  • 31 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

An Erotic/Romance Story by: Seirinsky Akisha De luna is a beautiful young lady. She's born with a silver spoon in her mouth, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera lang sa lalakeng matagal na niyang minamahal. Ang ate kasi niya ang gusto nito kaya napakalabo na magustuhan siya nito. Dito niya nakilala si Light isang makulit at simpatikong lalake na una pa lang ay nagpakita na ng interes sa kanya. Araw-araw ay sinusundan siya nito kahit saan siya magpunta kaya lagi siyang naiinis dito pero sa paglipas ng araw ay unti-unti niyang nakikilala ang lalake at nagsimula na rin na mahulog ang loob niya dito. Hangang sa isang sirkumtansya ang nangyari sa kanilang pamilya at nagsama sila sa iisang bubong ng binata, nong una ay masaya at walang problema hangang sa isang katotohanan ang malalaman niya na makakapagpabago sa pagtingin niya sa lalake. At isang lihim ang matutuklasan niya sa kanyang pagkatao na dahilan ng unti-unting pagkakalayo nila ng binata sa isa't isa.

Chapter 1Chapter one

Nakapangalumbaba ako sa isa sa mga lamesa dito sa isang fastfood chain sa isang mall habang hinihintay ko ang bakla kong bestfriend.

Malapit na naman akong tamaan ng inis sa baklang iyon.

Napatingin ako sa mga lalakeng pumasok dito at lahat sila ay naka damit na jersey mukhang kagagaling lang nila sa basketball game at pawis na pawis sila lahat.

At dahil malapit lang ako sa pinto kaya nakita ko sila at isa pa ay bakante ang isang mahabang lamesa na nasa bandang likod ko lang.

Napailing na lang ako dahil mukhang mga college student lang sila pero matatangkad masyado, ang ingay pa nila kaya napasimangot ako at nag-scrool na lang sa facebook ng mga boring na shared post ng mga so called friend ko.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at lalo akong napasimangot ng mga fifteen munites na pala akong naghihintay kay Kari.

"Baka mag-reklamo ang cellphone mo sa inis mong pagpindot diyan miss ganda." Napatingala ako mula sa pagkakayuko ng may mag-salita at isang pares ng kulay chokolateng mga mata ang tumambad sa akin.

Napalunok ako ng malapit pala ang mukha nitong lalakeng nasa harap ko at base sa suot niya ay kasamahan siya ng mga lalakeng pumasok kanina lang.

Masasabi ko na napaka gwapo niya pero mukha siyang badboy lalo na sa hikaw niya sa kaliwa niyang tenga at ang paraan ng pagkakatitig niya ay may kaunting pilyo.

"Pakialam mo naman cellphone ko naman ito." Medyo mataray ko na sabi sa kanya pero lalo lang siyang ngumiti kaya napairap ako.

"Maganda ka pero mataray." Muli niyang sabi kaya inis ko siya ulit na tinignan nakaupo na siya sa harap ko at nakangiti ng malapad.

"May uupo diyan mister." Sabi ko sa kanya napatingin ako sa mga kaibigan nito na nagkantyawan dito.

"Mukhang hindi mo siya nakuha sa pa-charming mo Light." Sabi ng isa sa kanila na nasa kabilang upuan lang at lahat sila nakatingin sa amin.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatugtog na lang ng music, kinuha ko ang earpod ko at isinuot ito.

Linakasan ko na lang ang sound para wala akong marinig, another fifteen munites pa at aalis na talaga ako dito at wala akong pakialam sa baklang iyon na pinaghintay talaga ako ng kalahating oras.

"Miss anong pangalan mo?" Narinig ko pa rin ang sinasabi ng lalakeng ito kaya mas linakasan ko ang sound medyo masakit na sa tenga pero tiniis ko at nagpatuloy na mag-scroll ng kung ano-ano lang sa social media.

"My name is Light Davidson, fourth year college student, twenty one years old." Napatigil ako sa pagtipa sa cellphone ko at tinignan siya.

"Wala akong pakialam." Madiin ko na turan sa kanya kaya napangisi lang siya at napailing.

Mayamaya pa ay bumalik na sa upuan niya ang lalake kaya nakahinga ako ng maluwag sa wakas wala na rin na makulit.

Hininaan ko na ang sound at inis na tumingin ulit sa oras at malapit na talaga akong umalis dito.

"Akisha sorry na late ako." Napatingin ako sa kaibigan ko at halata ang kaba sa mukha ng tingnan ko siya ng masama.

"You let me wait here a half an hour Kari!" Mahina pero madiin ko na turan sa kanya.

"Sorry na please may nangyari kasi sa bahay kaya na late ako." Sabi niya na nakita ko ang pagod sa mukha at napansin ko rin ang pasa sa mukha niya.

Dito ako kumalma at medyo na-guilty mukhang may problema na naman sa bahay nila.

"Anong nangyari sa pisngi mo?" Hinawakan ko ito pero napaigik lang siya.

"Did your father slap you again?" Tanong ko sa kanya sa mahinang boses kaya napatingin siya sa akin at naiyak na ng tuluyan.

Kinuha ko gell lotion sa bag ko at binigay sa kanya nagpasamat siya at pinahiran niya ang bahagi ng may pasa niyang pisngi.

I feel so sorry for Kari eversince na sinabi niya sa pamilya niya na bakla siya ay hindi na ito natanggap pa ng kanyang ama kaya na nanakit na ito maging ang mommy niya ay nasasaktan na rin nito.

"I'm sorry too bessy hindi ko alam." Malungkot ko na turan sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"It's okay Akisha sanay na ako." Mapait niyang turan hindi na ako nagsalita pa at hiningi ko na lang sa kanya ang report.

At dahil nga may report ako na hinihintay ay binigay na niya ito sa akin at tinignan.

Napatango ako sa mga proposal kaya napangiti ako lalo na at kumalma na rin si Kari.

I am working as marketing manager on my fathers company and Kari is my personal secretary.

Mag-kasabay kami na naka-graduate at sabay rin na nag-apply sa magkaibang kumpanya two years ago pero buwan lang ang itinagal namin dahil sa mag-kaibang rason.

Kaya napilitan ako na mag-trabaho sa kumpanya ni daddy at kinuha ko agad si Kari as my PS.

Mag-kapitbahy rin kami sa condo na tinitirhan ko at dahil nga lunes ngayon ay umuwi kahapon si Kari and to my dismay this happens to her.

"Bessy yong batang lalake kanina pa nakatingin sayo." Sabi ni Kari pero inirapan ko lang siya.

"He is college student Kari ano ba." Saway ko sa kanya na na tinapik ko siya sa kamay.

"Alam mo hindi ka naman pagkakamalan na twenty-three tignan mo sarili mo parang seventeen lang." Natatawa niyang turan kaya napailing na lang ako.

"Hi beautiful ladies." Napatingin ako sa lalake ng lumapit siya sa amin kaya napatawa ng mahina si Kari.

"Hi handsome." Bati rin ni Kari kaya napailing na lang ako.

"Can i join here?" Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting inis.

"Sure." Nakangiti na tawa ni Kari na napatingin sa akin pero sinamaan ko lang siya ng mga mata pero napailing lang siya.

"By the way my name is Light nagpakilala na ako sa kaibigan mo." Sabi niya kaya napatingin sa akin si Kari.

"My name is Kari and this my bestfriend Akisha." Pakilala rin ni Kari dito talagang sinabi niya talaga ang pangalan ko.

"Mataray ang kaibigan mo." Komento ng lalake kaya napatawa si Kari kaya tinapik ko siya binti.

"May ginagawa kami mister kaya pwede ba bumalik ka na sa mga kaibigan mo." Sabi ko sa kanya na seryoso itong tinignan pero nagkamali ako dahil nakatingin rin pala siya at ang lakas ng tibok ng puso ko ay dumoble.

Ano bang problema ng lalakeng ito napaka kulit.

"Pasensya ka na dito sa kaibigan ko." Narinig ko na turan ni Kari sa lalake natawa lang ito ng irapan ko siya.

"Saan ang university niyo?" Tanong nito bigla kaya napatingin ako dito iniisip ba nito na mga college student pa lang kami.

"Oh no Light two years ago when we graduate in college." Natatawa na turan dito ni Kari kaya gulat itong napatingin sa akin saka napatawa ng malakas.

"Akala ko talaga college student lang kayo." Sabay tawa nito at mura ng mahina kaya napangisi ako.

"So dapat tumigil ka na sa pagpapa cute mo mister dahil matanda ako ng dalawang taon sayo." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Mas maganda nga dahil pwede kitang ligawan." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito.

Seriously this man gosh! Napailing na lang ako at parang gusto kong maasar kay Kari dahil tumawa lang ito.

"Excuse me may boyfriend na ako." Bigla kong sabi dito kaya natigil ito at napatitig siya sa akin.

"Then i will get you out of him try me." Seryoso niyang turan kaya kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya kahit si Kari ay napatingin dito at halatang nagulat.

"My god! Nanonood ba ako ng korean novela?" Hinampas ko si Kari sa balikat at agad akong tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng fastfood chain at diretso sa sasakyan ko.

Nang makapasok ako ay saka lang ako huminga ng maluwag at napahawak ako sa dibdib ko.

Ano bang problema ng lalakeng iyon at ganun ito magsalita samantalang hindi ko naman siya kilala at hindi ako makapaniwala na makakatagpo ako ng ganung kahambog na lalake.

Nagulat ako ng may kumatok sa bintana at nakita ko si Kari kaya binuksan ko ang driver side para makapasok siya.

"Anong ibig sabihin ng pag walkout mo?" Nakangisi niyang tanong kaya inirapan ko siya.

"Ang hangin ng lalakeng iyon kaya hindi ko matiis." Mataray ko na turan sa kanya pero tumawa lang siya ng malakas.

Sabay kaming mapatingin sa harap ng kainan at lumabas doon yong mga kasamahan ng mahangin na lalake at nagtatawanan pa sila.

Nakasunod lang dito ang tingin ko at napalunok ako ng lumapit ito sa isang bigbike at nagsuot ng itim na jacket at kinuha ang itim rin na helmet.

"Wow! Ang gwapo talaga niya." Napatingin ako kay Kari na nakangisi sa akin kaya inirapan ko siya.

"Anong silbi ng Blue Samañiego mo kung may Light ka?" Pagpaparinig niya kaya inirapan ko lang siya saka ko pinaandar ang kotse ko.

Hindi na ako nagsalita pa dahil patuloy lang ako na aasarin ng kaibigan ko na makulit.

Pumasok kami ng opisina kahit malapit ng mag-tanghalian wala naman iyong problema dahil alam naman sa opisina na mala-late kami.

Maghapon ay nasa opisina lang kami ni Kari at maraming paperworks pero nakaya pa rin namin.

Dumating ang hapon at nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy na umuwi ako at may dinner sa bahay kaya wala akong nagawa kundi ang umoo na lang.

"Uuwi ka?" Napatingin ako kay Kari ng magtanong ulit siya sa pangatlong beses kaya napahinga ako ng malalim.

"Oo nga ang kulit mo talaga." Sabi ko sa kanya.

"Ilang buwan na kasi mula ng umuwi ka kaya nakapagtataka." Sabi niya kaya napahilot na lang ako ng noo ko.

Naghiwalay kami ni Kari at tumuloy na ako sa kotse ko at nag-drive ng almost thirty-two munites pauwi sa bahay namin.

Medyo malayo pero hindi ko ito halintana dahil after a months ay makakauwi rin ako.

Lagi naman kasing wala dito sa bansa ang mga magulang ko kaya pabor ito sa akin.

Nang makarating ako sa mansyon ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan kaya kinabahan ako.

Nandito na siya ang lalakeng mahal ko kaya napangiti ako at excited na bumaba ng kotse ko matapos ko itong mai-park.

"Magandang hapon po señorita nasa lanai po sila." Sabi ng isa sa mga katulong na sumalubong sa akin kaya tumango lang ako.

Wala naman gaanong nagbago sa bahay kaya hindi ko ito pinagtuunan pa ng pansin.

Nasa bungad pa lang ako ay naririnig ko na ang tawanan nila pero nawalan ako ng gana ng marinig ko ang nakakairita na boses ng kapatid ko.

"Akisha my baby your here already." Sinalubong ako ni mommy kaya napangiti pa rin ako my super sweet mother pero dahil may bisita kami kaya ganito ito ngayon.

Sumabay na rin si daddy na hinalikan ako ng mariin sa noo kagaya ng lagi niyang ginagawa kaya napangiti ako.

"Akisha long time no see." Napatingin ako sa boses ng lalake na matagal kong hindi narinig pero nawala ito ng makita ko na magkahawak kamay sila ni Ate Alana.

I really can't believe it what is happening right now nakakainis at parang gusto kong magwala dahil sa sama ng loob.

Natapos na ang napaka awkward namin na hapunan matapos nilang ibalita sa akin na may relasyon na si ate at si Blue kaya wala akong gana sa buong durasyon ng hapunan.

Nakahiga na ako dito sa kwarto ko dahil ayaw akong pauwiin ni mommy sa condo ko kaya napilitan na lang ako na dito matulog.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ko na may nag- friend request sa akin sa social media.

Light Davidson napabangon ako dahil hindi ako makapaniwala na mahahanap niya ang account ko.

Hanggang sa naalala ko kung sino ang posible na nagbigay nito sa lalakeng iyon.

Humanda talaga sa akin bukas si Kari makukurot ko iyon sa singit.

Wala sa loob na tinignan ko ang profile ng lalake at puro litrato lang nito ang naka post at ilang mga kotse at bigbike. Nakita ko kung gaano ito ka famous dahil sa dami ng mga likes at comment nito.

Hindi ko sinasadya na mapindot ang accept button kaya napahiyaw na lang ako sa unan ko dahil sa ginawa ko.

Bạn cũng có thể thích

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Thành phố
4.8
423 Chs

I GO TO KOREA TO FIND MY FATHER BUT I FOUND A LOVE (TAGLISH)

SI YEJIN KIM AY ISANG HALF FILIPINO AND HALF KOREAN NA NAGPUNTA SA KOREA PARA HANAPIN ANG KANYANG AMA NA BUMALIK SA KOREA AT DI NA NAGPAKITANG MULI. NGUNIT NABAGO ANG PLANO NANG MAKLALA NYA SI CHOSEON NAM TURN OUT NA ANG IDOL PALA NYANG SI CHAE JANG JOON. DAHIL SA ISANG MISUNDERSTANDING NAPAGKAMALAN SYA NITONG GIRL FRIEND NI CHOSEON. KAYA IMINUNGKAHI NI CHOSEON NA SIYA AY MAGTRABAHO SA KANYA MUNA BILANG ISANG KATULONG PUMAYAG NAMAN ITO KESA NASABAHAY LANG SYA NG ATE NYA AT TUTAL WALA PA NAMAN SYANG PINAGKUKUNAN NG INCOME. NGUNIT SADYANG ANG KAPALARAN AY MAPAGBIRO DAHIL SA ISANG PANGYAYARI "NAHULOG SYA SA HAGDAN AT NASAMBOT NI CHOSEON" THAT TIME DI RIN SINASADYANG MAKUNAN NG CAMERA "NAKAON PALA AT TUMAPAT SA KANILA", TAPOS ANG FEMALE LEAD AY NAPABALITANG BUNTIS THAT TIME THEY NEED A FEMALE TO BE LEADING LADY AND THEY DECIDES THAT YEJIN WILL BE DAHIL SA PAGKAHULOG LANG NG HAGDAN...SIMULA NOON NABAGO NA ANG TAKBO NG BUHAY NI YEJIN. AT DAHIL DIN SA PAGDATING NI YEJIN NAGING UPSIDE DOWN ANG BUHAY NI CHOSEON. MGA TAUHAN... FL~YEJIN KIM-DAE GIWU/ YEOJA1BABAE2GIRL3 ML~BAEK JANGMUL/ CHOSEON NAM/ CHAE JANG JOON-LEE JOON GI INA: LORAINE DIAMANTE 56 yrs old + AMA: KIM JINHYUK 60 yrs old = KIM YEJIN ANAK NI LORAINE... OSAKA HANA 30 yrs old F BUMKEZER AL ALI 28 yrs old M ADI KUMAR 26 yrs old M IRISH UNDERZON 24 yrs old F KIM YEJIN 22 yrs old F ANAK NI KIM JINHYUK SA KOREA KIM JINNA 22 yrs old F KIM HAEBYEOL 21 yrs old F KIM DABYEOL 20 yrs old M KIM DARIM 19 yrs old M ASAWA SA KOREA: KWON JISYA 56 yrs old KIM YEJIN'S GRANDFATHER IN KOREA: KIM NAMSEOL 70 IN PHILIPPINES: MARTIN A. DIAMANTE 75 GRANDMOTHER IN KOREA: WON SEOLHWA 69 IN PHILIPPINES: ANISYA L. BERNARDO 74 NAM CHOSEON PARENTS BAEK WANGJI DEAD 36 yrs old~car accident GU HANNA DEAD 34 yrs old~suicide REAL NAME: BAEK JANGMUL 39 yrs old M BAEK JANGSEOL~DEAD DIE BECAUSE OF ALLERGY IN GINSENG, 5 YEARS OLDER THAN JANGMUL AND 12 YEARS OLDER THAN JANGWOOL. BAEK JANGWOOL 32 YRS OLD~THE ONLY BIOLOGICAL FAMILY OF JANGMUL HE LIVES WITH CHAE ORIGINAL SONS IT MEANS NOT SONS OF MISTRESS. (CHAE DAECHANG 35 YRS OLD AND CHAE DAEJEON 29 YRS OLD) POSTER PARENTS... NAM NAMPYEONG 63 yrs old M JIN HAERI 59 yrs old F POSTER SIBLINGS NAM JOONIM 27 yrs old M NAM SANJO 30 yrs old M NAM KAESEOL 21 yrs old F ASSISTANT: GU RYUNG-OH 50 yrs old FRIENDS YEJIN'S FRIENDS LUCILLE A. BRIZE 27 F MERCER V. ANTONOVICH 23 M BRIANEL E. MASAY 34 M ANNATALIA M. ROSARIO 30 F JANA H. MAGAYON 21 F LEILA S. SANTIAGO 25 F CHOSEON FRIENDS DAE RYEHWANG 30 yrs old F KANG HAERYUK 26 yrs old F NINE 42 yrs old M HAN BONGHEE 35 yrs old M FOREIGN POWERS BOOM (BUMKEZER) 28yrs old M ZECK 23yrs old M XIAOBAO 25 yrs old M DRAVE 26 years old M EX3M SANJO NAM~ANAK NG MAY-ARI NG STEC 30 yrs old M ZANDRE 30 yrs old XUEMING 31 yrs old BAEK ANHO~ pinsan ni Choseon, mula sa pamilyang Baek. BAEK SOOKANG ~pinsan ni Choseon mula sa pamilyang Baek. FOR THE SAKE OF LOVE TEAM Barbara Fontanoza Alfred Richnore Alpued Pak Kruewahtt Hatti Spencer Chad Mclene Delorosa Han Joon Woo Yaxer Bulahan Lisa Kael F~FEMALE M~MALE

2YEOJA1BABAE2GIRL3 · Thành phố
Không đủ số lượng người đọc
191 Chs

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
Ôi! Bạn sẽ là người đánh giá đầu tiên nếu bạn để lại đánh giá của bạn ngay bây giờ!

HỖ TRỢ