Pangarap ni Renata na maging isang gere, gusto niyang patunayan sa marami na kayang niyang magtagumpay kahit isa lang siyang pangkaraniwang avre. Pero walang daan na madali para sa isang matayog na pangarap—maraming pagsubok na kailangang harapin at lubak na dapat pagdaanan. Sa pagtahak niya ng landas patungo sa kanyang pangarap, maraming sikreto mula sa kanyang nakaraan ang naghihintay na tuluyang malantad—mga sikreto na tuluyang babago sa kanya habang buhay.