webnovel

Chapter Twenty

Nang dumating sila sa hotel, sinabi ni Butler Lee na nasa opisina si Donya Carmela at nakikipag-usap sa mga board of director. Saktong dumating sila sa opisina nito nang Makita nilang nagsilabas ang mga board of director, isang matalim na titig pa ang pinukol nang mga ito sa kanya. Napaiisip tuloy ang binata kung anong pinag-usapan nang mga ito at tila hindi niya gusto ang atmosphere sa paligid nang mga director.

"Granny." Wika ni Eugene nang pumasok sa loob nang opisina. Tinapunan lang siya nang tingin nang matanda bago tumayo mula sa swivel chair at lumipat sa sofa.

"Maupo kayo." Maawtoridad na wika nang matanda. Pinisil ni Eugene ang kamay nang kasintahan. Naramdaman niyang labis itong natetense masyado naman kasing strong ang presensya nang lola niya at hindi ngumingiti. Inakay niya si Jenny para maupo. Napanin nilang napatingin si Donya Carmela sa magkahawak nilang kamay at dahil sa tingin nito pasimpleng bumitiw si Jenny sa kamay nang binata. Alam niyang mabait ang matanda at naging mainit ang pagtanggap nito sa kanya noong kinakailangan niya nang tulong. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na hindi siya nito gusto para sa apo nito.

"So anong gusto niyong sabihin sa akin at sinadya niyo pa ako ditto?" tanong nang matanda.

"Granny, I would like to marry Jenny. Simpre hindi ngayon. Siguro kapag nagising na si Aya." Wika ni Eugene at muling hinawakan ang kamay ni Jenny.

"Pumayag ka na ba sa desisyon nang apo?" wika nito at bumaling sa na- te-tense na si Jenny. "As you know, ayokong kung sino lang ang mapangasawa nang apo ko. Gusto ko pa rin na mula sa elite family ang pangasawa ni Eugene para mapagpatuloy niya ang legacy nang pamilya namin, him marrying means forgetting all our tradition." Wika nito.

"Granny!" bulalas ni Eugene.

"Just keep your mouth shut young man. Hindi pa ikaw ang kausap ko." Wika nito at sandaling tinapunan nang tingin ang binata at muling tumingin sa dalaga. Napalunok naman si Jenny. Talagang kinakabahan siya mula ulo hanggang paa ngunit pinasok na niya ang sitwasyong ito. And she said may tiwala siya kay Eugene. She had suffer nang akala nila patay na ang binata hindi na niya kayang muli pang malayo ditto. Kaya kung kailangan niyang makipagmatigasan sa matanda gagawin niya.

"Pwede mong sabihin ditto na ayaw mon ang magpakasal sa apo ko. I would understand." Saad pa nang matanda.

"Granny." Usal ni Eugene. Ipinapakita na naman nito ang domineering nitong ugali. Gaya nang ginawa nito sa Daddy at mommy niya.

"Magpapakasal po ako kay Eugene." Biglang usal ni Jenny at pinilit na maging normal ang boses kahit na labis ang kaba niya. Napatingin naman si Eugene sa dalaga. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Kahit tutol ako ang it would mean na hindi ko ibibigay ang mana ko kay Eugene? Nangangahulugan ding iyon, walang pera ang taong pakakasalan mo. Isang simpleng sundalo na maliit lang ang kinikita. I will deny him all the right sa Kingdom." Wika nang matanda.

"Bago pa naging Tagapagmana si Eugene nang Kingdom mahal ko na po siya. At kung magiging isa man siyang sundalong maliit ang kinikita, pwede niya akong maging katuwang. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa laki nang perang hawak mo. Hindi ko Makita ang sarili ko na mabuhay nang wala si Eugene." Wika ni Jenny.

"We are talking about inheritance here, young lady." Wika nang matanda.

"Granny. Hindi ko kailangan nang pera niyo. Kahit guma-"putol na wika ni Eugene.

"Just Shut up." Agaw nang matanda. Napakagat nang labi si Eugene.

"Kahit ano mang maging desisyon ni Eugene tatanggapin koi yon. Kung sasabihin niya pinipili niya ang kayamana niyo tatanggapin ko iyon. I can still love him from afar. Pwede naman poi yon hindi ba? Pero hindi magbabago ang desisyon kung pakasalan siya. Kung tatanggapin niya ako." Wika ni Jenny at tumingin kay Eugene saka ngumiti.

Simple namang tumingin si Eugene at ngiti ang tinugon sa dalaga saka pinisil ang kamay nito.

"Fools. Stupid. I would say. Sino naman ang tatanggi sa malaking ari-arian para sa isang pag-ibig na ang dudulot saiyo ay hirap at pasakit." Wika nang matanda.

"Hindi pa rin ba kayo natutoto sa nangyari sa mommy at daddy ko. It was like this before, Tutol kayo sa pagmamahalan nilang dalawa. At kung kailangan kung sundin ang ginawa nang ama ko. I will do it." Wika ni Eugene at tumayo kasama si Jenny.

"Where do you think you are going?" habol nang matanda.

"Aalis." Wika ni Eugene at tumingin sa lola niya.

"Hindi ba inaalisan niyo na ako nang karapatang maging miyembro nang pamilyang ito?" wika ni Eugene.

Kung mauulit sa kanila ang naging kasaysayan nang magulang nila. Hindi na iyon kasalanan ni Eugene. Sinusunod lamang niya ang puso niya gaya nang ginawa nang ama niya.

"How arrogant. Apo nga kita. Wala naman akong sinasabing inaalisan kita nang mana. I was just merely asking kung anong gagawin niyo. At anong pasya ni Jenny." Wika nang matanda at ngumiti.

Taka namang nagkatinginan sina Jenny at Eugene bago tumingin sa matanda.

"I don't commit the same mistake twice." Wika nang matanda.

"Jenny, you have proven your worth for my grandson. Kaya naman alam kung mamahalin mo siya. At hindi naman ako tutol sa kasal niyo." Wika nito.

"Granny!" masiglang wika ni Eugene dahil sa sinabi nang matanda. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nang kanyang lola, He was even thinking na baka maging pihikan din ito gaya nang ginawa nito sa kanyang ama.

"Masyado kang atat apo. I told you to shut it pero hindi ka nagpapapigil." Wika nito. Dahil sa labis na saya. Agad na niyakap ni Eugene ang lola niya. Napangiti naman si Jenny dahil sa mga narinig.

Isa nang hadlang sa relasyon nila ni Eugene ang nawala. Ngayon kailangan nalamang nila kausapin ang mama niya at si Johnny upang maintindihan nito ang relasyon nila ni Eugene.

Talaga?" GUlat na wika Julianne nang sabihin sa kanila ni Eugene na pumayag na ang lola niya sa relasyon nila ni Jenny. Lahat nang mga miyembro naroon din sa mansion dahil inimbitahan sila nang matanda para sa isang salo-salo.

"Sa palagay ko, nasa tamang gulang na rin naman kayong dalawa. Hindi na ako tututol total nakikita ko namang masaya kayong dalawa. Alam kung magiging mabuting asawa si Jenny." Ani Donya Carmela.

"At isa pa baka makuha pa nang iba itong si Jenny mahirap na." pabirong wika ni Eugene.

"Aigoo. You're too cheezy, kinikilabutan ako."natatawang wika ni Julianne. Natawa din naman sina Butler Lee at DOnya carmela dahil sa reaksyon ni Julianne. Masaya ang lahat dahil sa magandang balitang dala nina Eugene at Jenny. Napuno nang saya at tawa ang harden nang mansion habang naguusap usap sila. Masaya ang lahat dahil sa magandang balita na sinabi nina Eugene at magiging masaya pa sila kung gising na si Aya. Iyon nalamang ang kulang.

Nabigla ang lahat nang pumasok sa loob nang bahay si Elena at Bernadette. Ilang araw na wala sa mansion ang mag ina dahil namasyal ang mga ito hindi tuloy nila nalaman na buhay pa si Eugene. Kahit naman noong nalaman nang mga ito na wala na si Eugene hindi naman nagpapigil ang mag-ina at umalis upang maliwaliw gaya nang parating ginagawa nang mga ito.

"Anong nangyayari ditto? Eugene? Paanong---"gulat na wika ni Bernadette nang makita si Eugene. Ang inaakala niyang patay na. Bago sila umalis ang alam niya wala na ang Pinsan gaya nang plano nila ni Herrick ngunit ngayon bakit nasa harden ang mga ito at kasama pa ang mga kaibigan nito. Hindi niya gugustuhan na nasa mansion parati ang mga ito.

"You're alive?" biglang baling nito kay Eugene.

"Nakakagulat bang nakita akong buhay?" sakristong wika ni Eugene.

"Hi-hindi. Pero ang buong akala namin. Patay ka na. napabalita pa iyon sa TV at sa news." Gulat pa rin wika ni Bernadette.

"Mukhang ikaw lang ang hindi masaya na Makita si Eugene nang buhay." Wika ni Julianne.

"And what is that suppose to mean?" asik ni Bernadette sa binata. Kahit kailan hindi niya nagugustuhan ang pagiging pakialamero nito at pagiging malapit sa binata na tila isang glue. Mabigat ang loob niya sa binata hindi niya kasundo si Eugene. Lalo naman ang kaibigan nito.

"As you can see, okay lang kami. Hindi pa namin oras. Malaki ang tulong sa amin ni Roch." Wika ni Eugene. At bumaling sa dalagang nasa tabi ni Julianne

"Masaya akong malaman na okay kayo."ani Bernadette na nanginginig ang boses. "At nagdala kapa nang bagong aampunin sa bahay na ito. Nawiwili ka yatang gawing charity house ang bahay natin." Sakristong wika nito.

"Si Roch ang dahilan kung bakit nakabalik si Eugene. Hindi mo dapat siya pinagsasalitaan nang ganoon." Anang Matanda.

Dahil sa ginawa niya. Malabong magustuhan ko siya. Wika nang isip ni Bernadette. At tumingin sa dalaga.

"Bakit hindi niyo kami saluhan ditto, nagkukwentuhan kami tungkol sa pagpapakasal ni Eugene at Jenny." Anang matanda.

"Ano? Kasal?" sabay na wika nang mag-ina. "Bakit biglaan naman ata."ani Elena.

"Ano bang biglaan, malalaki naman na sila."ani donya Carmela.

"Ma-magpapahinga na ako, sumama ang pakiramdam ko." ani Bernadette at nagmamadaling pumasok sa mansion. Agad namang sumunod ang ina niya nang makapagpaalam sa matanda.

"Mukhang hindi yata siya masaya." Wika ni Julius. Hindi lang naman siya ang nakaramdam na hindi sila gusto ni Bernadette kahit naman noong una pa mainit na ang dugo nito sa kanila. Ngayon umuusok naman ang ilong nito dahil sa nalamang pagpapakasal ni Jenny at Eugene.

"Sabi mo okay na ang lahat? Bakit nandito parin ang Eugene na iyan?"anang ina ni Bernadette nang nasa kwarto na sila nang dalaga.

"Hindi ko alam!"ani Berndatte. Hindi niya alam kung paano nakaligtas ang pinsan niya sa tiyak na kapahamakan pero alam niyang hindi magiging madaling mapasakanya ang kayamanan nang matanda lalo na ngayong.

"Akala ko ba ang sabi mo nagawan na nang paraan ni Herrick para mawala sa landas natin ang Eugene na iyan."

"Iyon din ang pagkakaalam ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ako na lang sana ang gumawa nang paraan."wika ni Bernadette.

"Mas na dagdagan pa anng problema natin kung magiging din si Aya. Anong plano mong gawin ngayon. Hindi mo ba napapasin na lalong dumarami ag hadlang sa mga plano natin. Kapag hindi ka gumawa nang paraan mauungusan ka nang dalawa mong pinsan."Wika ni Elena.

"Alam ko!"sigaw ni Bernadette."Hindi niyo na kailangan ulit ulitin." Dagdag pa nito

"Siguradohin mo lang na hindi ka papalpak."ani Elena.

"Huwag kang mag-alala. Ako nang bahala doon. Manood ka nalang kung paano ko aalisin sa landas ko ang dalawang magkapatid na iyan" ani Bernadette.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nang mag-ina. Kung ano man ang plano ni Bernadette hindi na makikialam di Elena alam niyang matalino ang anak niya at kaya nitong gawin ang lahat. Noon pa man nais na ni Elena na alisin sa landas ang magkapatid. Akala niya nawala na ang mga ito nang maglayas, Ngunit hindi niya akalain na babalik si Eugene. Lalo lumiit ang tsansa nila sa kayamanan nang matanda. Na siyang pakay nila noon pa man.

Muling dinalaw ni Achellion si Aya sa silid nito. Sa pagdalaw niya ngayon sa dalaga, Kasama niya sina Azza, Amon, Balam at Caim. Ngayong gabi niya wawakasan ang buhay nang dalaga upang matigil na ang paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan niya sa isip niya. Habang nakatingin sa maamong mukha nang dalaga. BIglang nakaramdam nang pagdadalawang isip ni Achellion. Tama ba ang gagawin niya?

"ANo pang hinihintay mo? Tapusin mo na ang babaeng yan." Wika ni Azza nang makitang hindi kumilos si Achellion at nakatingin lang sa mukha nang dalaga.

"Huwag kang magpadala sa maamo niyang mukha. Talagang ginagamit niya iyan upang mapasailalim ka sa kapangyarihan niya." Wika pa ni Balam.

Ganoon nga ba? Nasa ilalim nga ba siya nang kapangyarihan nang dalaga kaya kung ano ano ang nasa utak niya? Bakit hindi iyon ang sinabi nang puso niya. Bakit parang nakikilala nang puso niya ang dalagang ito?

"Kung hindi mo kaya. Ako nalang ang gagawa." Wika ni Caim at kinuha ang punyal sa kamay ni Achellion at akmang sasaksakin si Aya ngunit biglang pinigilan ni Achellion ang kamay nang lalaki. Galit na bumaling si Achellion sa lalaki.

"HUwag kang makialam sa mga gagawin ko. Kung kikitlin ko ang buhay nang dalagang ito depende na sa akin iyon. Huwag mo akong pangunahan." Asik ni Achellion.

"Masyado kang nagiging mahina. Napasailalim ka na nga nang mahika nang babaeng yan. Kung kailangang kami ang tumapos sa kanya upang mamulat ka gagawin namin." Wika ni Amon.

"Kung kaisa ka naming sa maing ipinaglalaban hindi ka mag-aatubuling wakasan ang buhay nang dalagang yan. Baka naman talagang mahina ka." Ani Balam.

Siya? Mahina? SIya ang Nemesis kaya naman bakit siya magiging mahina? At hindi sa harap nang isang mortal. Muling kinuha ni Achellion ang punyal sa kamay ni Caim. At lumapit sa dalaga.

"Captain." Biglang tumigil sa paglapit si Achellion sa dalaga nang marinig niya ang boses ni Aya. "Ako 'to si Aya." Muli niyang narinig ang boses nang dalaga. Nararamdaman niya sa boses nito ang takot ang biglang pag iba nang tibok nang puso nito. Taka siyang napatingin sa mukha nang dalaga. Anong nangyayari ditto?

"Achellion Ano pang hinihintay mo?" Asik ni Balam. Binitiwan ni Achellion ang hawak na punyal, saka inilapit ang kamay sa mukha nang dalaga. Nakita niya ang mga luhang tumulo sa mata nang dalaga. Matagumpay niyang nahawakan ang mukha nang dalaga. Hindi gaya nang dating may harang na pumipigil sa kanya.

Habang nasa kawalan, muling Nakita ni Aya si Achellion. Muli siya nitong pinagtangkaang patayin. Ilang saglit pa bigla itong naglaho. Muling napaupo si Aya at umiyak. Hanggang kailan ba siya mananatili sa lugar na iyon? Hanggang kailan niya uulit-ulitin pagtatangka sa kanya ni Achellion. Habang umiiyak biglang naramdaman ni Aya ang haplos sa mukha niya.

Nag-angat siya nang tingin nang makilala ang mga kamay. Sa mga kamay ding iyon Nakita niya ang lutos na bulaklak na dati ay nasa bead niyang kwentas. Hahawakan sana niya ang kamay na iyon ngunit biglang naglaho.

"Anong ginawa mo?!" asik ni Azza at hinawakan ang kamay ni Achellion. "Narito ka upang tapusin ang babaeng yan. Kung hindi mo kayang gawin ako ang gagawa." Anito at sasaksakin ang dalaga. Ngunit biglang hinawakan ni Achellion ang leeg nang lalaki saka agad na naglaho kasama ang lalaki. Agad din namang sinundan nina Amon, Balam at Caim ang dalawan. Nang makaalis ang mga ito saka naman pumasok sa loob sina Eugene, Arielle at Julianne. Sinabi ni Arielle kay Julianne na hindi maganda ang nararamdaman nila mula sa silid ni Aya. Nang pumasok sila sa silid ni Aya Nakita nila ang isang punyal sa kama.

"Ano 'to?" takang tanong ni Eugene at kinuha ang punyal. May nakapasok ba sa silid nang kapatid nang hindi nila nalalaman. Nagakatinginan naman sina Julianne at Arielle. Nakilala nila ang punyal at isa lang ang ibig sabihn nito sinusundan pa rin nang mga fallen angel si Aya.

Dinala ni Achellion si Azza sa taas nang isang building doon nagpunbuno ang dalawa. Dumating naman sina Amon, Balam at Caim na nilabanan din si Achellion Kung ang kamatayan ni Achellion ang matutuloy sa kanilang misyon gagawin nila iyon. Ngunit dahil sa taas nang agwat nang kapangyarigan nila. Nagapi pa rin ni Achellion ang apat. Gamit ang kapangyarihan nito nagawa niyang wakasan ang buhay nang apat na fallen angel at alam niyang dahil sa ginawa niya ang galit ni Jezebeth naman ang haharapin niya ngunit bakit hindi siya nakakaramdam nang kahit ano mang pagsisisi. May nagsasabi sa loob niya na tama lang ang ginawa niya.