webnovel

Chapter Twenty One

Muling bumalik si Achellion sa silid nina Aya. Nang dumating siya doon Nakita niya sa loob sina Arielle, Julianne at Eugene. Nagulat pa ang mga ito nang Makita siya. SI Eugene hindi alam kung anong klaseng nilalang ang nasa harap niya ngunit nararamdaman niya ang malakas na kapangyarihan nito. Nakikita niya ang mukha nang kanilang kapitan sa lalaki ngunit bakit parang kakaiba na ito?

Nakita nilang lumapit si Achellion sa dalaga naupo ito sa tabi nang dalaga. Tinangka nilang lumapit sa dalawa ngunit naglagay nang harang si Achellion sa kanilang dalawa. Kahit ang kapangyarihan nina Arielle at Julianne ay hindi matinag ang harang, Sunod-sunod na binaril ni Arielle ang binata. Ngunit tumama lamang ito sa harang nahulog lang ang basyo nang bala sa baba. Dahil sa mga putok nang baril, napasugod sa silid ni Aya lahat nang miyembro nang phoenix at ganoon nalamang ang gulat nila nang Makita ang kanilang kapitan.

"Anong nangyayari ditto?" tanong ni Meggan. Ngunit walang may sumagot sa kanila lahat hinihintay ang sunod na gagawin nang binata at kung ano ang balak nitong gawin kay Aya.

"Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi kita kayang saktan. Hindi ko kayang Makita kang sinasaktan nang iba. I can only think of one thing to protect you. Protect you kahit sa akin." Wika ni Achellion at hinawakan ang pisngi nang dalaga. Hindi niya magawang saktan ang dalaga. Ikinuyom ni Achellion ang kanyang kanang kamay. Mula doon may nabuong liwanag. Nang maglaho ang liwanag, Isang kwentas ang lumitaw sa kamay nang binata. Isa itong hugis pakpak at sa gitna ay ang isang bead na nasa loob ang lutos.

Isinuot niya ang kwentas sa dalaga. "If we are to meet each other other. Ito ang magiging tanda upang makilala kita. You have to live." Wika nang binata at hinalikan sa noo ang dalaga.

Mula sa kawalan naramdaman ni Aya ang halik sa noo niya ilang saglit pa lumitaw sa leeg niya ang isang kwentas ang bead naroon ay gaya nang bead sa dati niyang kwentas.

Tumayo si Achellion at lumayo sa dalaga. Inalis na rin niya ang harang na binalot niya sa kanilang dalawa saka tumingin sa mga taong naroon.

"Hindi ko siya sasaktan." Wika ni Achellion.

"Captain sandali lang." habol ni Rick sa binata nang maglakad ito patungo sa binata.

"Hindi captain ang pangalan ko." Wika ni Achellion. ISang malakas na hangin ang bumalot sa binata bago ito nalaho. Lahat sila nagtataka sa Nakita anong klaseng nilalang ang Nakita nila? At bakit kamukha nito ang kapitan nila at anong kailangan nito kay Aya. Punong-puno nang katanungan ang isip nila. Ngunit walang sagot sa mga katanungang iyon.

Napatingin sila kay Aya. Napansin nilang kumilos ang kamay ni Aya. Maya-maya ay dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Aya. Nakatingin siya sa ceiling nang kwarto niya. Tila napakahaba nang kanyang panaginip.

"Aya?" takang wika ni Eugene nang Makitang nagmulat nang mata ang dalaga. Agad naman niyang nilapitan ang kapatid.

"Kuya?" mahinang wika ni Aya nang Makita ang mukha nang kapatid. INalalayan siya ni Eugene upang umupo. "Julianne? Kayong kahat." Wika ni Aya nang Makita ang lahat nang miyembro nang phoenix. Nasa mukha nang mga ito ang labis napagtataka.

"Aya." Masayang wika ni Eugene at niyakap ang kapatid niya. Ngayong Nakita niya itong nagising kompleto na ang kaligayahan niya.

"Oh, bakit nandito kayong lahat?"maya-maya ay wika ni Donya Carmela na pumasok sa kwarto kasama si Butler lee. Napatingin si Aya sa may-ari nang boses Nakita niya sa pinto ang kanyang lola Carmela. Lumayo sa kanya si Eugene.

"Aya!" wika nang matanda at agad na lumapit sa apo at niyakap ito.

"Lola." Wika ni Aya.

"Thank God, Gising ka na Apo." wika nang matanda at hinawakan ang mukha nang apo. Labis labis ang kasiyahan niya na makitang gising na ang apo.

Napansin ni Jenny ang pangingilid nang luha sa mata ni Eugene. Takang napatingin si Eugene kay Jenny nang mapansin niyang hinawakan nito ang kamay niya. ngiti lang ang itinugon ni Jenny. Naramdaman nang dalaga na marahang pinisil ni Eugene ang kamay niya.

"Si Captain?" tanong ni Aya saka tumingin sa kuya niya.

"Hindi namin alam kung anong nagyari sa kanya." Wika ni MEggan. Natahimik lang si Aya. Bukod sa mga nangyari sa kanya nang nasa windmill sila ni Achellion wala na siyang ibang matandaan kung ilang araw o buwan siyang tulog hindi niya alam. BIgla niyang napansin ang sout niyang kwentas. Kailan pa naibalik sa kanya ang kwentas? At bakit tila nagbago ang anyo nito?

"May nangyari bang masama sa kanya?" tanong ni Aya.

"Wala kaming balita. Hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon." Wika ni Ben.

"Huwag mo na muna siyang isipin ang mahalaga ligtas ka." Wika ni Julianne. Hindi nila sasabihin kay Aya kung ano ang natuklasan nila sa binatang kapitan. Ito rin marahil ang iniisip nang mga kaibigan nila. Nakita nila kung ano nang klaseng nilalang ang binata ang kapitan nila. Baka panganib lang ang hatid nito kay Aya. At ngayong gising na ulit si Aya. Tungkulin niyang ilayo ito sa kahit ano mang panganib. Habang nakatingin si Julianne kay Aya. Napatingin naman sa kanya si Roch. Nababasa nito ang kakaibang tingin ni Julianne sa dalaga. Bakit siya nasasaktan? Kaibigan si Julianne at inalagaan siya nito. Kung may pagtingin man si Julianne sa dalaga hindi siya dapat masaktan dahil wala naman siyang karapatan.

Nagsimula na!" wika ni Michael. Nasa isang rooftop sila nang mataas na building kasama sina Gabriel, Raphael at Uriel. Mula sa rooftop, napagmamasdan nila ang boung paligid at ang bawat ginagawa nang mga tao.

"Pero tama kayang iasa natin sa kanila ang kaligtasan nang mundo?" wika ni Gabriel.

"Hindi pa tayo sigurado kung malalampasan niya ang pagsubok na ito. Kapag tuluyan siyang nilamon nang kadiliman. Katapusan na nang lahat." Ani Uriel.

"Tadhana nila ang naglapit sa kanila. Tadhana din ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Tadhana din ang magiging daan para muli silang magkita." Ani Raphael.

"Ngunit ang tadhanang iyon ang magtutulak sa kanila para masawi. Hindi ko alam kung makakaya nang mga mortal ang mga susunod na mangyayari."ani Gabriel. Hindi naman nagsalita si Michael. Patuloy nitong pinapanood ang mga taong nagdaraan. Mga taong nagmamadali dahil mahuhuli na sa trabaho. Pinapanood niyang nabubuhay ang mga mortal sa araw araw.

Unware of what will happen next. Hindi niya alam kung tama baa ng desisyong ginawa niya. hindi niya alam kung kaya niyang pangatawanan ang desisyong iyon.

Talaga?" masayang wika ni Aya nang sabihin sa kanya nang kuya niya ang pagpapakasal nila ni Jenny masaya naman siya dahil sa nalaman niya. Hindi naman siya tutol sa kung ano mang relasyon nang dalawa ang totoo niya masaya pa siya dahil si Jenny ang napili nito. Gusto rin naman niya si Jenny para sa kuya niya.

"Ito si LT. Julianne nalang ang wala pa." wika naman ni Julius. Napatingin naman si Roch kay Julianne na nasa likod ni Aya. Bakit nga ba wala pang nililigawan ang binata? Gwapo naman ito at tiyak pagkakaguluhan nang mga babae.

"Eh ikaw meron ka na ba? Kung makapagsalita parang hindi siya bokya." Wika ni MEggan sa kaibigan.

"Bakit hindi ba pwedeng ikaw nalang? Pwede na kitang pagtyagaan." Wika ni Julius.

"Eh manigas ka!"Asik ni Meggan. "Kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki sa mundo hindi kita paparulan. Itsura nito." Wika nito at inirapan si Julius.

"Meggan, baka naman kainin mo ang sinabi mo." Wika ni Rick.

"Oo nga baka kayo pa ang magkatuluyan." Wika ni Ben.

"Never!" wika nito. Natawa lang si Aya dahil sa kulitan ni Julius at Meggan. Nararamdaman naman niyang hindi iyon ang nararamdaman nang dalawa. Magiging masaya siya kung magiging masaya din ang kuya Julius niya.

"Oh, the sleeping beauty is already awake." Sakristong wika ni Bernadette na bumaba sa harden.

"Halika, Saluhan mo kami." Yaya nang matanda sa dalaga,

"Oh no never mind grand ma. Hindi ko gustong makisalo sa mga squatter na yan. Marami pa akong appointment. Mauuna na ako." Wika nito at inirapan lang ang mga kaibigan ni Eugene saka nalakad patungo sa kotse nito sa garahe.

"Namumuro na sa akin ang pinsan mo Eugene." Wika Julianne.

"Hayaan mo na." nakangiting wika ni Eugene. Hindi niya hahayaang sirain ni Bernadette ang kaligayahan nila ngayong gising na ulit si Aya at kasama niya ang buong pamilya niya at mga kaibigan.

"Ako na ang humihingi nang despensa sa asal ni Bernadette." Wika nang matanda.

Aya?! Ikaw na nga ba yan?" tanong ni Alice at lumapit sa kaibigan. "Hindi ba ako pinaglalaruan nang mga mata ko?" dagdag nito. nabigla ito nang dumating si Aya sa bahay niya kasama si Julianne. Nagpasama si Aya sa binata upang puntahan ang kaibigan niya.

"Ako to." Nakangiting wika ni Aya.

"Oh AYA!"anito at agad siyang niyakap. Lalo namang napangiti si Aya at niyakap din ang kaibigan. Marami nang nangyari sa kanila at sa kanyang palagay kailangan niyang puntahan si Alice upang malaman ang kalagayan nito.

"Ilang buwan ka ding nakatulog. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Alice sa kaibigan.

"Okay lang naman ako." Ngumiting wika ni Aya sa kaibigan.

"Wala pa rin ba kayong balita kay Captain Bryant?" tanong ni Alice kay Aya. Tumingin ito kay Julianne umiling lang si Julianne.

Tuwing nag-iisa siya iniisip niya kung ano ang nangyari kay Achellion/Dranred. Walang binanggit ang kuya niya at si Julianne tungkol sa binata. Huling beses niyang itong nakita noong araw bago siya ma coma. Hindi niya alam kung anong nangyari ditto matapos niyang ibigay ang kwentas. Natatakot din siyang baka tuluyan na itong nawala. Nalulungkot siyang isipin na nawala na ang binata. At ang pinagtataka pa niya ay kung paano naibalik sa kanya ang kwentas kung ito ang kalahati nang pagkatao ni Achellion hindi naman kaya nasa panganib ito ngayon? Alam kaya nito ang nangyari sa kanya? Hinahanap din kaya siya nito?

Habang nasa harden siya. Bigla na lamang siyang may nakitang isang lalaking nakatayo sa labas nang gate nila. Labis siyang nagtaka. Alam niyang bulag siya kaya paano niya makikita ang lalaking iyon. May kakaiba sa binatang nasa harap nang gate. Nababalot ito nang matingkad na liwanag. Nakakasilaw.

INilayo niya ang paningin mula sa gate at ibinaling sa ibang direksyon ngunit kadiliman ang nakita niya. muli niyang ibinaling ang paningin sa gate. Naroon parin ang binata at nakatitig sa kanya. Bigla siyang napatayo dahil sa gulat. Nang tumayo siya, biglang my pulang balahibo na nahulog sa harap niya. Sinalo pa niya ito gamit ang kamay niya ngunit bigla din itong naglaho nang lumapat sa palad niya.

Habang nakatingin siya sa binatang nasa gate unti-unti niya itong nakikilala. Biglang bumilis ang tibok nang puso niya nang makilala ang binata. Natuptop pa niya ang bibig nang tuluyang makilala ang binata. Then without noticing it. Her tears fall down from her eyes.

Nagtungo si Achellion sa bahay nina Aya. Gusto niyang malaman kung ano nangyari sa dalaga. Nang makita niya ang dalaga. Biglang kumirot ang puso niya. habang nakatingin sa maamong mukha nang dalaga. nakaramdam siya nang kakaibang emosyon. Hindi niya maipaliwanag. Emosyon na alam niyang hindi niya dapat maramdaman. Nagkuyom siya nang kamao. Hindi niya maipaliwanag. Ano itong nararamdaman niya. May bahagi nang puso niya ang nagsasabing lapitan ang dalaga at yakapin nang mahigpit. May bahagi nang utak niya ang nagsasabing kitlin ang buhay nang dalaga.

Nabigla pa si Achellion nang biglang mapatingin sa kanya si Aya. Bigla din itong tumayo nakita niyang natuptup nang dalaga ang bibig nito kasabay nang paagos nang mga luha sa mata nito.

Bakit? Bakit ka umiiyak? Tanong nang isip ni Achellion habang nakatingin sa dalaga.

"..so every time you need me I will always be there to protect you." Biglang napaatras si Achellion nang biglang sumagi sa utak niya ang mga katagang iyon. Anong ibig sabihin noon? Ano ang kinalaman nito sa kanya at sa dalagang ito? Bakit may mga imahe siyang nakikita sa isip niya nakasama ang dalagang ito.

"Captain." Wika ni Aya at tumayo. Lalapit sana siya sa gate nang makitang umatras ang binata. Bakit? Tanong nang isip ni Aya.

"Yabang!" tawag ni Aya sa dalaga saka tumakbo patungo sa gate ngunit biglang naglaho ang binata. Bakit hindi siya kinausap ni Achellion?

"Aya bakit?" tanong ni Julianne at lumapit sa dalaga. Kasunod naman nito si Roch

"Si Captain nanditio siya kanina." Wika ni Aya at nilingon si Julianne. Nakita ni Julianne ang mga luhang nasa gilid nang mata ni Aya.

"W-wala namang tao sa labas." Wika pa ni Roch.

"Hindi talagang Nakita ko siya kanina." Giit ni Aya saka humawak sa kamay ni Julianne.

"Mas Mabuti pang doon muna tao sa loob."wika ni Julianne at inakay si Aya. Naninwala naman siya sa dalaga. Ngunit bakit hindi ito lumapit sa dalaga?

Aya!" nang mamadaling Wika ni Alice habang tumatakbo patungo sa kaibigang nakaupo sa isang bench sa ilalim nag puno sa isang pavilion sa isang mall isinama niya ito upang mamasyal Kasama din nila si Roch upang bantayan ang dalaga. Dahil wala naman itong ginagawa naisipan nitong samahan si Aya at upang makapamasyal na rin hindi namam pwedeng habang buhay siyang nasa loob nang mansion kailangan din niyang magaliw paminsan-minsan.

Nang marinig ni Aya ang boses ni Alice agad siyang napalingon sa direksyon nang kaibigan.

"Oh! Bakit? Anong nangyari?"

"Nabasa mo na ba ang balita sa Dyaryo?" Wika ni Alice sa kaibigan at lumapit ditto.

"Balita? Tungkol saan?" Gulat na tanong ni Aya. Kinuha ni Roch ang dalang dyaryo nang dalaga upang basahin.

"Bakit? Ano bang balita meron ngayon? Bukod sa mga nakawan at mga politiko?" Wika pa niya.

"Isang estudyante ang nakitang walang buhay sa gilid nang kalsada ka gabi." Wika ni pa Alice .

Isang 19 na toang gulang na dalaga at mag-aaral ng isang sikat na Universidad ang natangpuang walang buhay sa gilid nang isang kalsada. Nag tamo ito nang matinding sugat sa ulo. Puno din nang pasa ang katawan. Pinaghihinalaang ginahasa muna ang babae bago pinaslang. Ito ang nabasa ni Roch sa Artile tungkol sa babaeng pinatay.

"Grabe, sobrang delekado na talaga ang lugar ngayon. Naglipana na ang mga halang ang bituka." Wika ni Alice.

Wala lang kibo si Aya. Habang binabasa ni Roch ang artikulo. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya. Ganoon din ang takot na namumuo sa puso niya. Habang nakikinig sa binabasa ni Roch Unti-unting biglang biglang pumasok sa gunita niya ang buhay na babae habang humihingi nang tulong. Nang una, maayos pa ang mukha nito unti-unti biglang nabalot nang dugo ang mukha nito. Dahil sa labis na takot napatayo si Aya sa kinauupuan niya. Animo'y nasa lugar talaga siya nang pangyayari. Totoo ang takot na naramdaman niya. Ang takot nang babae ay ramdam na ramdam din niya.

"Bakit?" tanong ni Alice sa kaibigan. Taka siyang napatingin sa mukha ni Alice.

"Aya bakit?" nag-aalalang wika ni Roch at hinawakan ang balikat ni Aya.

"Bakit ka ba ganyan para kang nakakita nang multo." Natatawang sabi ni Alice. Lalo pang natakot si Aya nang makita ang isang babaeng duguan sa likod ni Alice. Dahil sa labis niyang gulat bigla siyang napaatras at tumama ang likod kay Roch.

"Aya? Okay ka lang ba?" hintakot na wika ni Roch.

Naglakad palapit sa kanya ang babaeng duguan. Tumagos pa ito kay Alice.

Iniunat nito ang kamay kay Aya na tila ba hinihintay na tanggapin niya iyon at dahil doon. Agad na sumigaw nag malakas si Aya dahil sa labis na takot.

"Ano bang nangyayari sa iyo Aya?" Asik ni Alice at niyugyog ang kaibigan. Biglang nawala ang babaeng duguan at uling kadiliman nang nasilayan ni Aya. Nangingig ang tuhod niya dahil sa labis na takot. Animoy walan siya nang lakas at biglang napauupo.

"Aya. Okay kalang ba?" nag-aalalang wika ni Alice.

"Aya?" gimbal na wika ni Roch.

"U-umuwi na tayo. Ayoko na ditto." Wika nanag dalaga at napahawak sa kamay ni Roch. Naramdaman nitong nanginginig ang dalaga. Parang takot na takot ito.

Si Julianne naman ang inabutan nila sa mansion nang makabalik sila. Agad itong lumapit sa dalaga nang Makita ito. Napansin din nang binata ang pamumutla nang mukha nang dalaga. Nang tanungin niya si Roch kung anong nangyari wala namang maisagot ang dalaga dahil biglaan ang paghihysterical ni Aya.

"Halika sa loob." Wika ni Julianne at inilalayan ang dalaga. Muling Nakita ni ROch ang pag-aaalala ni Julianne sa dalaga. Kumirot ang puso niya. Nasasaktan siyang Makita ang binata na labis na nag-aalala sa dalaga.

Kanina habang nasa mall sila. Hindi alam ni ROch na Nakita siya nang kanyang kakambal na patuloy siyang hinahanap. Sinundan siya nang kakambal at nakitang pumasok sa isang malaking mansion. Ngayong Nakita na nito kung saan siya nagtatago, nalalagay na naman sa panganib ang buhay niya sa kamay nang kakambal.

Ang kakambal niyang walang ibang hinahangad kundi ang kanyang kamatayan para mapasakanya ang lahat nang kayamanang iniwan nang kanilang mga magulang at para masolo din ang mukhang pinaghahatian nila.

Sunod-sunod na ang mga balita tungkol sa mga dalagang nawawala at natatagpuang walang buhay. At lumalabas sa imbestigasyon na pinagsamantalahan ang mga ito bago patayin. Ngunit wala pa silang makuhang lead tungkol sa salarin. Malinis ang pagkakagawa nito sa krimen.

Personal na nagtungo sa headquarters ng Phoenix si Gen. Mendoza para sabihin sa binatang si Eugene na ibibigay niya ang kaso sa Phoenix. Dahil sa hindi na muling bumalik si Dranred sa Phoenix, si Eugene ang naging bagong Commanding Officer nang task force.

"Masaya ka ata? May nangyari bang maganda?" Tanong ni Aya kay Alice nang dumating ito sa bahay nila. Madalas siyang dalawin ni Alice sa mansion. Hindi rin kasi siya basta basta makalabas. Tumigil na rin siya sa pag-aaral at ngayon ay nag-ho-home school nalang para kahit papaano ay makuha niya ang Senior high diploma niya. Sa taas nang liban niya sa klase kahit bumalik siya sa Academy marami na siya na miss kaya naman ikinuha siya nang lola niya nang private teacher para sa home school.

"Aya." Ani Alice at hinawakan ang kamay nang kaibigan. "I think I'm inlove." Nakangiting wika nito.

"Wow. Masaya ako para sa iyo. Sino naman siya?" biglang nag kwento si Alice sa lalaking nagugustuhan nito.

"Manager sa Fast food na pinagtatrabahuhan mo?" Gulat na wika ni Aya nang marinig ang kwento ni Alice. Ang dahilan nang kasiyahan nito ay ang bago manager sa fast food na pinapasukan nito. Simula nang mamuhay mag-isa si Alice nagtrabaho ito sa isang fast food chain upang makapagipon para sa pagbalik nito sa pag-aaral sa susunod na taon. At dahil sa lalaking managaer nakikita ni Aya ang bagong sigla sa mata nang kaibigan bagay na nawala ditto simula nang mawala ang mama nito. Masaya naman siya sa kaibigan ngunit natatakot din siya. Hindi nito kilala ang lalaki at ang katuuhan nito .

"Grabe ang gwapo niya talaga." Kinikilig na wika ni Alice.

"Siya ang lalaking nagugustugan mo? baka naman may Asawa nayan?"

"Ano kaba. Wala siyang asawa. Bagong graduate at isang gwapong lalaki. Hay!" wika nito na tila ini-imagine pa sa utak ang mukha nang lalaki.

"Alam mo ba niyaya niya ang buong crew na mag dinner sa labas. Gusto mo bang sumama. Para makilala mo ang bagong manager ko"

"Hindi nalang siguro. Alam mo naman--" wika ni Aya. Biglang natigilan si Alice. Nakalimutan niyang hindi ng apala basta basta nakakalabas nang bahay si Aya. Masyado na itong pinaghihigpitan ang lola niya. At sa labas nang mansion marami ding nagkalat na mga naka itim nalalaki na ala men in black ang dating.

"Anyway. Babalitaan nalang kita." Masayang wika nito. "Sa susunod, tutulungan na kitang makatakas sa mga bantay mo."wika ni Alice. Ngumiti lang si Aya.