webnovel

Ang Pag-ibig ni Lester

"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto. Noong malaman ng kanyang angkan na si Lester ang kanyang iniibig, lalake at isang tao, ay binalak nilang saktan ang binata upang mabura sa landas ng prinsipe. Hindi lingid sa kaalaman ng magulang ni Lester ang tungkol kay Ezekiel at tinanggap nila ang pagkatao nito. Subalit ng maganap ang trahedya ng pananakit kay Lester ng mga engkanto na halos ikamatay niya'y lubos na natakot si Ezekiel. Binura niya ang kanyang sarili mula sa alaala ni Lester upang magkaroon ito ng kapayapaan. At nagpanggap siyang matanda sa tuwinang magtatagpo ang kanilang landas masilayan niya lamang ang binata at makasama ng malapitan. Subalit nagbago ang buhay ni Lester ng magtungo ito sa Amerika makalipas ang maraming taon. Nakatagpo ito ng magandang babae sa katauhan ni Aubrey. Paano na ang pangakong Pag-ibig ni Ezekiel?

AnnieTee18 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
11 Chs

Kabanata 6

Malibu beach, California.

Dapat ay sa isang beach resort sa Malibu ang pupuntahan nina Lester subalit nagbago ang isipan niya. Maaaring hindi iyun ligtas para sa kanya at isa pa, masyado siyang nasasabik sa payak na karagatan. Naaalala niya kung gaano siya kagaling lumangoy at manghuli ng isda.

Nakiusap na lamang sila sa isang kaibigan ng tiyuhin, bago sila nagtungo sa Malibu, na mayroong bahay bakasyunan sa tabing dagat ng Malibu upang rentahan na lamang iyon ng dalawang araw, tutal wala din namang taong nakatira doon.

May mga nabago din sa plano, si Zeke ang nagmaneho patungo sa Malibu imbes na si Aubrey. Subalit ang katahimikan nito ay nakabibingi.

Napasulyap si Lester sa rearview mirror at 'di sinasadyang nagtama ang kanilang paningin ni Zeke. Hindi niya maunawaan ang biglaang pagkalabog ng kanyang puso. Nanuyo din ang kanyang lalamunan.

Sa kabila ng init ng ulo niya sa lalake ay napansin pa din niya ang kakaiba sa mga mata nito.

'Nakasuot kaya siya ng contact lenses? Kulay pilak nga ba ang kanyang mga mata o namalikmata lamang ako?'

"Babe, since we have Zeke here, why don't we share a room in the rest house? Your uncle said it has only two rooms so..?" basag ni Aubrey sa katahimikan.

Tila binuhusan ng yelo si Lester at palagay niya ay pinagpawisan din siya ng malapot sa narinig.

"Sha-share a room?!" nauutal niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.

Tumigil ang patak ng orasan.

Tik.

Tik.

Sumubsob si Lester at Aubrey sa likuran ng unahang upuan makalipas ang ilang sandali, palibhasa'y nakaupo silang magkatabi sa likurang bahagi ng sasakyan ng bigla na lamang nagpreno si Zeke.

"Hey Mr Xiao! Be careful of your driving!" angal ng dalaga.

"I'm sorry, a black cat suddenly crossed the road," malamig na paliwanag ni Zeke bago niya ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Tahimik silang naglakbay patungo sa bahay bakasyunan. Subalit ang isipan ni Lester ay magulo. Wala pa rin siya sa huwisyo dahil sa ibig ng kasintahan.

'Magtatabi nga ba kami ni Aubrey? Anong gagawin ko? Alangang magtitigan lamang kaming dalawa sa buong magdamag...? O hindi kaya'y magbilang ng butiki sa kisame?'

"Hindi mo siya tatabihan!"

Halos mapalundag sa gulat si Lester ng marinig ang galit na tinig sa mismong tainga niya!

Subalit imposibleng may nakaupo sa katabi niya ganoong bintana ng sasakyan ang naroroon sa kanyang katabi. Sa gawing kabila naman ay ang kasintahan.

"Naniniwala ka ba sa multo, Babe?" napatanong siya ng wala sa oras kay Aubrey.

"Anong multo ang pinagsasasabi mo diyan?? Hello, hindi naman totoo ang mga ganyan. It's only a myth from oldies. Panakot sa mga bata upang huwag lumabas sa tuwing gabi," paliwanag ng kasintahan.

Maniniwala na sana si Lester na wala ngang multo subalit nagulat siya ng maramdaman ang masakit na pitik sa kanyang noo.

"Aray!" Sabay hawak niya sa noo at haplos dito.

Nagtama muli ang kanilang paningin ni Zeke, sa mga oras na iyon ay kababakasan ng iritasyon at pagkainis ang mukha ng lalake.

Napalunok si Lester at nakaramdam siya ng hindi maipaliwag na takot. Bigla siyang humiwalay kay Aubrey at umupong halos dikit na sa bintana. Hindi niya maipaliwag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

"What's the matter, Babe? Bakit nagsusumiksik ka diyan ganung ang lawak nitong upuan?" takang tanong ni Aubrey na inaarok siya ng tingin.

"Hehehe, wala lang babe. Huwag mo akong intindihin. Feel ko lang makatabi ang bintana. Hehehe."

'At alam kong nagmumukha akong tanga.'

Dugtong ng utak niya. 'P*sti'.

Sa wakas ay nakarating din sila sa pakay na bahay. Malaki ito at maganda. Malawak ang solar at mga salamin ang dingding na nakaharap sa tabing dagat. Napakagandang maging tahanan para sa katulad niyang sanay sa tabing dagat. Naalala niya ang kanyang ina. 'Nararapat sigurong bigyan ko si ina ng ganitong tahanan, ah hindi naman kasing laki nito subalit kasing ganda!" Isipin pa lamang ang nakangiting mukha ng ina, naliligayahan na ang kanyang kalooban.

"Hey, Babe, sinong iniisip mo at nakangiti ka diyan? Narinig mo ba ang sinabi ko na doon ang magiging silid natin?" Nakaturo sa silangang silid si Aubrey habang nakatingin sa kanya na nakakunot-noo.

"Ahh, I'm thinking about my mother. Naisip ko na magugustuhan ni ina ang ganitong klase ng tahanan. Malawak at tanaw ang karagatan."

Nabura ang kanyang ngiti ng mahagip ng kanyang tingin si Zeke na bitbit ang kanyang bag na may mga lamang damit patungo sa kabilang kwarto, salungat sa itinuro ng kasintahan kanina na magiging kwarto nila. Hinabol niya ito.

"Mr Xiao, akin na ang aking bag. Doon sa kabila ang magiging silid namin ni Aubrey, dito ka sa kabila."

Nanayo ang lahat ng buhok ni Lester pati buhok sa kili-kili ng bumulong si Zeke ng napakalapit sa kanyang tainga, "I don't trust her. She can be a spy. You cannot trust anyone but me alone." At walang anumang pumasok ito sa silid bitbit pa rin ang kanyang bag.

Napako yata sa sahig ang kanyang mga paa. Nahirapan siyang igalaw iyon o dahil iyon sa epekto ng labi ni Zeke na dumampi sa kanyang tainga? Namanhid ang kanyang kalamnan at nanlambot din ang kanyang mga tuhod.

"Are you alright, Babe?!" wika ng napalapit sa pwesto niyang kasintahan.

"Namumutla ka." Hinaplos nito ang kanyang noo.

"I'm fine. I'm fine." aligagang tugon ni Lester.

Hinamig niya ang sarili bago hinatid si Aubrey sa silid nito. Naroroon pa rin ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

Anong nangyari sa kanya?

"Zeke was right, we are not yet married so we can't share a room, I'm sorry, Babe."

"What the heck is his problem?! He cannot decide for you! Tauhan mo lamang siya!"

Umuusok ang ilong ni Aubrey.

Galit na galit si Aubrey samantalang ang kanyang kalooban ay pabor sa kagustuhan ni Zeke. Hihihi.

"Hindi ako tauhan lamang ni Mr Wang. I'm his guardian and I will decide what's best for him." nagyeyelo ang bawat katagang binigkas ni Zeke na nasa pintuan.

Magkasabay na nagulat at napalingon ang magkasintahan sa gawing pintuan ng silid, kung kailan nakarating doon si Zeke ay wala silang ideya basta natutuwa siyang 'di maintindihan. Paalis na ito ng malingunan nila.

Walang nagawa si Aubrey kundi ang mapag-isa sa silid na iyon. Wala naman siyang pagpipilian.

"Let's take a rest for a while then we can stroll outside later. Gustong-gusto ko na maramdaman ang sarap ng karagatan," panunuyo ni Lester.

Hinalikan niya sa noo ang kasintahan at akmang lalabas na siya ng silid ng hilahin siya ng dalaga sa batok at marubdob na hinalikan sa mga labi.

Naparalisa ang katawan ni Lester at hindi niya malaman ang gagawin kung tutugon o itutulak ang dalaga. Pakiramdam niya talaga ay may mali sa tuwing magkakadikit sila ng babae. Iyong pakiramdam na nagkakasala siya ay ramdam niya rin.

Ganunpaman ay tao lamang siya, nadala siya sa halik ng kasintahan at namalayan na lamang niya ang sariling tumutugon sa halik nito. Subalit bago pa man lumalim ang pagkakahinang ng kanilang mga labi ay narinig nila ang malakas na pagkabasag ng kung ano sa labas ng silid.

Tila binuhusan si Lester ng nagyeyelong tubig at mabilis na humiwalay sa dalaga. "You can rest here, Babe, ako ng titingin doon sa kung ano mang nabasag na iyon!"

Ni hindi na nagawang magprotesta ng dalaga dahil tila kidlat sa bilis siyang lumabas ng silid. Nang makalabas at maisara ang silid ng dalaga ay halos liparin ni Lester ang silid nila ni Zeke.

Subalit natigilan siya bago pa man makarating sa kabilang silid ng makita niya ang lalake, may dala-dala itong malaking plorerang may mga bulaklak na presko na dinampot mula sa sahig dalawang metro ang layo sa mesang nasa tabi, sa kanyang palagay ay doon iyon nakapatong.

"Teka, ano iyung nabasag na aking narinig kanina Mr Xiao?" takang tanong ni Lester.

Naguluhan siya sapagkat buo naman ang plorerang babasagin na tangan ni Zeke sa kamay.

"Walang nabasag. Nagkamali ka lamang ng iyong pandinig. Kailangan mo sigurong maglinis ng tainga, baka puno ng tutuli iyan!"

'Teka, galit ba ang tinig ng kanyang 'guardian' daw?'

"Bakit ka galit? Inaano ba kita?"

Halos iisang guhit na lamang ang mga kilay ni Zeke sa sobrang pagkakadikit at naniningkit din ang mga mata nito sa tindi ng inis.

"Teka! Nagseselos ka ba? Tipo mo ba ang kasintahan ko?"

Lalong nagsalubong ang mga kilay ng kausap at madilim na rin pati ang pagmumukha.

"Ahe-he-he-he. Sabi ko nga papasok muna ako sa silid!"

Patakbo niyang tinungo ang silid nila ng lalake. Pakiramdam niya nga ay lumipad siya dahil sa bilis.

"Nakakatakot siya!" wala sa loob niyang naibulong.

Malakas ang kalabog ng kanyang puso at napasandal siya sa likod ng pinto pagkasara niya nito. Hindi maunawaan ni Lester ang mga sari-saring damdaming hatid sa kanya ng mga ekspresiyon ng tauhan. Ayaw man niyang aminin subalit ramdam niyang malakas ang puwersa ng lalake sa kanyang damdamin.

Nang marinig ni Lester ang pag-ikot ng seradora ng pinto, napatalon siya sa kama at nagkunwaring nakahiga habang naglalaro ng cellphone.

Tahimik niyang sinundan ng tingin ang pumasok na binata. Kung isa lamang siyang babae ay natitiyak niyang hahanga siya sa kakisigan nito at tikas ng katawan. Subalit hindi nga ba't mukhang natitipuhan niya ito kahit na nga isa siyang lalake? O sadyang malakas lamang talaga ang karisma nito? Iyon bang tinatawag na 'head turner'?

'Teka, di ba galit ako sa kanya?'

Napaisip si Lester habang nakatitig pa din sa binata.

"Hindi kaya matunaw ako saiyong mga titig Sir Lester?"

Muntik ng mahulog sa kama si Lester sa biglaang tanong ng binata ganuong ni hindi naman ito lumingon sa kanya!

Syempre hindi siya aamin!

"Sinong nakatingin saiyo?! Huwag kang mahangin diyan!"

Itinuro ni Zeke ang salamin sa tapat nito na nasa dingding at nasa bandang tagiliran naman ng kamang kinahihigaan niya kaya hindi niya napansin.

"Halos tumulo na nga ang laway mo, tatanggi ka pa?" walang emosyong tugon ni Zeke.

Namula ng husto si Lester sa tinuran ng lalake. Para siyang daga na nasukol sa isang patibong. Wala na ding kulay ang kanyang mukha sa hiya.

"Sa bintana ako nakatingin! Bakit naman kita titignan aber?"

Syempre hindi pa din siya aamin!

Lumingon sa kanya si Zeke na wala pa ding ekspresyon ang mukha. Kung kanina ay galit na galit ito, ngayon wala siyang mababakas na anumang damdamin sa mukha nito. Nang bigla na lamang nitong hinubad ang suot na itim na longsleeves shirt , napakurap si Lester at nag-init na hindi niya maintindihan.

"Hoy! Hoy! Hoy Zeke! Bakit ka naghuhubad?!" natatarantang tanong niya sa lalake.

Nang mahantad sa kanyang mga mata ang pantay nitong tiyan na may anim na mukhang pandesal na nakahilera sa magkabilang-gilid ng tiyan nito, at may mumunting damo sa gitna pababa...

Pababa...

Pababa pa...

"Sh*t!"

'Ano bang kalaswaan itong ginagawa ko??'

Ngali-ngaling kutusan ni Lester ang sarili.

Makailang-ulit siyang kumurap at nanginginig ang mga daliring dinampot niya ang nahulog sa kamang cellphone, kung kailan iyon nahulog ay hindi niya na namalayan pa.

"Ayos lang naman sa akin kung pagsawaan mo akong tignan. Ikararangal ko iyon." malamyos ang tinig ni Zeke subalit wala pa ding emosyon ang mukha. Nagmumukha tuloy na pinaglalaruan niya si Lester.

Mali ba siya ng dinig o talagang malambing ang tinig ni Zeke? Hindi niya maiwasang ibalik ang tingin dito. Nagsusuot na ito ngayon ng maluwang na puting sando.

Nagtama ang kanilang paningin at ramdam ni Lester ang kakaibang ritmo ng kanyang puso. Magkahinang ang kanilang mga mata nang hawakan nito ang zipper ng suot na pantalon. Doon tila nayanig ang pagkatao niya!

"Huwag mong sabihing maghuhubad ka din ng pantalon?! Ayun!" Itinuro niya ang pinto ng banyo, "doon ka magpalit ng damit!"

Tumataas na naman ang presyon ng dugo niya sa kabulgaran nito.

"Mas gusto kong may nakatingin sa akin. Ah gusto kong may naiinggit sa aking kaakit-akit na katawan," napakalamyos ng tinig ni Zeke at kumindat pa sa kanya. Salungat sa pagmumukha nitong wala pa ring ekspresyon.

"Abnormal..." bulong ni Lester at napayuko siyang pigil na pigil ang pagngiti.

Nakasuot na si Zeke ng itim na cotton shorts at sandong puti ng lingunin niya itong muli. Subalit nakatingin pa rin ito sa kanya habang nakasandal sa dingding ng silid katabi ng bintana.

"Hindi kaya ako ang matunaw sa mga titig mo Mr Xiao?" Alanganin niyang tanong subalit hindi siya mapakali. Nais niyang malaman ang katugunan nito.

Hindi na nagawang sumagot ni Zeke ng makarinig sila ng mga katok sa pinto.

"Babe, are you still resting? Let's go to the beach habang hindi pa gaanong mainit ang araw. It's good for your health."

Mabilis na bumaba ng kama si Lester upang tunguhin ang pinto at pagbuksan sana ito subalit may kamay na pumatong sa kamay niyang nakahawak sa seradora ng pinto bago niya pa man iyon magawang pihitin.

"I won't say it thrice, do not trust her."

Hindi malaman ni Lester kung alin ang uunahing intindihin sa mga oras na iyon. Ang kasintahang nasa kabila ng pinto, ang mainit na kamay ba ni Zeke na nakapatong sa kamay niya, o ang mainit nitong hininga sa batok niya..?

Meron pang humabol na isa. Ang maumbok na bagay na dumampi sa likurang bahagi ng gitnang katawan niya. Sa takot na marinig siya ni Aubrey ay pabulong niyang sinita ang bulgar na kasama.

"Dapat ba talaga nakadikit ka sa akin upang magbabala tungkol sa kanya? Hindi ba puweding may espasyo?" Sarkastiko iyon alam niya.

"Gusto ko nga ganito kadikit," mainit ang hiningang tugon ni Zeke.

At naramdaman na lamang ni Lester ang pagdikit ng husto ng katawan ni Zeke sa kanyang likuran, mas lalo niyang naramdaman ang matigas na bagay na iyon na sumakto pa sa kanyang pang-upo na naging dahilan ng paglapat ng husto ng kanyang katawan sa pinto.

Ang sumunod nitong ginawa ay hindi niya lubos na napaghandaan...

Naramdaman ni Lester ang mainit nitong dila na humagod sa gilid ng kanyang leeg sa pagitan ng ibabang tainga at balikat. Kasunod ang mumunting halik ng basang labi na dumampi sa kanyang balat.

"Do not defy my order, Lester," ramdam niya ang kapangyarihan sa bawat bigkas ni Zeke ng mga salita sabihin pang bulong lamang iyon. Pakiramdam niya ay hindi niya iyon kayang suwayin.

Nanghina ang mga tuhod ni Lester matapos siyang iwanan ni Zeke na may sari-saring pakiramdam na dumadaloy sa buong katawan patungo sa sentro ng kanyang dibdib at pababa sa kanyang pagkalalake.

"F*ck you, Zeke Xiao." bulong iyon. Ang tangi niyang nagawa.

"I'm hearing you, we can do it later."

At sumara ang pinto ng banyo kasabay ng muling katok sa labas ng pinto.

'Anong ibig niyang sabihin sa 'we can do it later?!'

"Babe! Lester!"

Halos wala ng lakas ang kanyang mga tuhod nang pagbuksan niya ng pinto ang kasintahan.