webnovel

Chapter 16

"Of course you are," Aikoh rolled his eyes.

"Oh, may nakalimutan akong sabihin," Bigla namang may naalala si Hiro. "Ex ni Yasumi si Akae" Dagdag ni Hiro na nagpakunot sa noo ni Aikoh pero nanatili parin siyang tahimik na tila ba may iniisip.

"Mukhang kailangan mo igtingan proteksyon sa jowa mo Aikoh, hehe," Panunukso ni Hiro.

"Joakim," Tawag ni Aikoh kay Joakim na nasa may pinto ng study room.

"Ano po yun master?" Joakim asked with a lowered head.

"Magpadala ka nang mga tao sa bahay nila Yasumi and keep an eye for any suspicious person but focus on guarding Yasumi's parents. Magpadala ka rin nang tao para sundan si Yasumi just in case. Also, do this in private. Ayukong makakuha tayo ng atensyon," Utos ni Aikoh. Pagkatapus ito marinig ni Joakim, he bowed and went to the door.

Aikoh is putting Yasumi and her family under surveillance.

"Hehe, you've changed Aikoh," Hiro casually remarked.

"I've learned," Aikoh responded. Naalala niya ang nangyari sa kanyang angkan. Nasa kanya ang ultimate power a human could ever have pero di niya nagawang proteksyunan ang mga taong mahalaga sa kanya.

Right now, kahit di niya alam kung ano talaga nararamdaman niya para kay Yasumi, he is pretty sure na mahalaga si Yasumi para sa kanya.

KINABUKASAN, naglalakad si Aikoh papuntag eskwelahan magisa. Hinayaan niya na si Joakim muna magsundo kay Yasumi dahil may inaantay siya.

Bago paman makarating si Aikoh sa eskwelahan, may humarang sa kanyang dalawang lalaki. With a bonnet on, hinarang nila ang dadaanan ni Aikoh with weapons. May bitbit ang isa na baseball bat habang caliber 45 dala nang isa pa.

Lalagpasan lang sana sila ni Aikoh nang biglang hinatak nang may dalang baril ang balikat ni Aikoh and pinned him on the wall sabay totok ng baril sa ulo ni Aikoh.

"Bata, wag kang magalala di ka namin sasaktan sa ngayon pero bibigyan ka namin nang babala. Wag mo nang ipapakita mukha mo sa city na to or else mapipilitin kaming iligpit ka,"

"Who sent you," Nagulat ang dalawa nang makita nila ang kalmadong expression ni Aikoh.

"Aba, iniinglis inglis mo kami ha," Sabi nang may hawak ng baril bago ihampas sa ulo ni Aikoh ang dala niyang baril.

Binitawan lang nila si Aikoh nang tumulo ang dugo mula sa sugat ni Aikoh.

"Tulad ng sinabi ko sayo, tatakotin ka nila, haha," Habang pinapanuod ni Aikoh na tumutulo ang sariling dugo, bigla namang sumulpot si Hiro sa kanyang tabi.

"Nagkamali sila nang taong binangga," Aikoh said without a hint of emotion bago pinahiran niya ang natitirang dugo sa gilid nang kanyang mukha.

Bumalik narin sa paglalakad si Aikoh papuntang eskwelahan na tila walang nangyari.

WINDFALL UNIVERSITY

"Asan na ba ang taong yun? Late na ah?" Nakabusangot ngayon si Yasumi sa kanyang upoan dahil 8:50 AM na pero wala parin si Aikoh. You must remember na nasa kay Aikoh assignment niya.

Napunta ang atensyon niya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Aikoh with a messy hair.

"Uy anong nangyari sayo?" Yasumi said habang sinalubong si Aikoh pero nagulat siya nang pagkalapit niya may marka ng dugo ang uniform ni Aikoh underneath his jacket.

"May nakaaway ka nanaman ba?" Yasumi asked bago niya chineck mukha ni Aikoh at dun nakita niya dun ang ilang spots ng mga natuyong dugo.

"Saan mo nakuha ang mga dugo?" Yasumi asked habang nagkandakulot kulot na ang kanyang noo.

"Wala to babe," Aikoh just gave her a smile before messing her hair.

"Anong wala? Dugo yan babe oh! Dugo!" Kunti nalang at magsisisigaw na si Yasumi dahil ayaw umamin ni Aikoh kung anong nangyari sa kanya. This made her more worried.

Aikoh stretched his hand at nilagay ang kanyang index finger sa labi ni Yasumi to keep her from talking. He leaned closer and kissed Yasumi's forehead.

"Okay lang ako babe, don't worry. Okay?" Sabi ni Aikoh bago tumingin sa mga mata ni Yasumi with his comforting smile.

Yasumi became helpless before letting out a sigh.

"Fine pero sa susunod don't make me worry too much, okay?" Wala na siyang nagawa bukod sa ihug si Aikoh.

Napangiti naman si Aikoh sa ginawa ni Yasumi, "I promise,".

Tumango si Yasumi while hugging him.

"Huuy! PDA! Ano ba kayo ha? Nasaroom tayo oh!" Feel na nang dalawa ang moment nang biglang sumapaw si Akaza from the sideline.

Dali dali namang humiwalay si Yasumi dahil nakaramdam siya ng hiya nang maalala niya na nasa room pala sila.

"Good morning class," Nang nakaupo si Aikoh sa kanyang upuan bigla namang dumating ang isa sa kanilang professor para mag discuss.

The 3-hour class ended with a practical activity.

"Class, copy this in your notes and group yourselves by pair. Gusto kong magsurvey kayo and find out kung ano ang social media na madalas ginagamit nang mga tao in a particular community. Also find out kung ano ang naging effect nito sa daily lives nila. Submit this next week during our next meetijg," The professor said his instructions before walking out of the classroom.

Nang makalabas na sila nang campus, magkasama ulit si Aikoh and Yasumi habang inaantay si Joakim pero lingid sa kaalaman nila, may nakamasid sa kanilang mga lalaki mula sa loob nang isang sasakyan. Tainted ang mga salamin nang sasakyan kaya di kita kung sino ang nasa loob.

"Mukhang matigas ulo ng batang to ah," Sabi ng isa sa mga lalaki sa loob ng sasakyan.

Kinuha niya ang kanyang phone mula sa bulsa bago nagdial ng isang phone number.

"Ano nang balita?" A voice can be heard mula sa speaker ng phone.

"Matigas ulo ng pinapatrabaho mo samin boss," Sagot niya sa kanyang kausap sa telepono.

Kung titignang mabuti, ang mga taong to ay sila ring umatake kay Aikoh kanina.

"Ganun ba?" Sagot ng boses mula sa telepono.

Knock knock

Di nakasagot ang lalaki sa kanyang kausap sa telepono dahil may biglaang kumatok sa bintana ng sasakyan.

Inihanda niya muna ang baril bago binuksan ang bintana.

"May lighter kaba jan boss?" Tanong nang lalaki na kumatok. Nakapormang tambay lang siya kaya kahit papano nakahinga naman ng maluwag ang nasa loob ng sasakyan.

"Wala! siraulo ka ha, ginulat mo pa ko, umalis kana baka kung ano pa maisip kung gawin sayo!" Sabi nang lalaki sa loob ng sasakyan.

"Ah, hehe ganun po ba, sige sige,"

Umatras ang lalaking tambay nang ilang hakbang bago tumingin sa isang particular na direction at tumango. Di nagtagal may apat na lalaking armado ang nakamotorsiklong dumating at pinaulanan nang bala ang sasakyan kasama ang mga tao sa luob.

Pagkatapus ng nangyari, binuksan nang nagpanggap na tambay ang sasakyan bago kinomperma ang kalagayan ng kanilang target na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay.

Hinalungkat niya ang buong sasakyan na tila ba may hinahanap pero nang makita na niya ang cellphone na ginamit ng kanilang pinatay, sumakay na siya sa motor at humarorot paalis bago pa dumating ang mga pulis at naglaho.