webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 14

Isang malalim na paghinga muna ang ginawa ni Candice bago siya tuluyang pumasok sa Monarch Building. Ngayon ang napipintong pagkikita nilang muli ni Victor.

Nang malaman niya ang totoong dahilan ng galit nito ay ilang beses din niya itong tinangkang kausapin. Pero hindi siya nito hinarap. Pakiramdam niya tuloy ay sarado na ang isip nito sa ano mang sasabihin nya.

Ang kailangan niyang gawin ay isipin muna ang kapakanan ng Monarch. Ito ngayon ang mahalaga.

"Good morning." bati sa kanya ni Paula.

"Good morning. May bago ka na bang nakuha?" Ang tinutukoy niya ay personal info tungkol kay Victor.

"Nasa table mo na. Sorry kung medyo natagalan. Aside from his business conquest masyadong malihim si Mr.Escueta."

"That's okay"

Nang makapasok na siya sa kanyang private office ay binasa niya ang report. According dun ay isang taon pagkatapos ng pagkakaospital ni Victor ay inatake sa puso ang tiyuhin nito at namatay. Ilang buwan ang lumipas at sumunod na ring namaalam sa mundo si tita Ellen.

Nalungkot siya sa nalaman. Nasa Australia na siya nun kaya wala na siyang ideya sa nangyayari dito. Dumaan din siya sa matinding depresyon and she had to seek professional help. Mukhang during those times they both went through hell.

Pero kahit paano ay dinapuan ito ng suwerte dahil tinulungan ito ng isang mayamang pilantropo na makapag-aral. The philantropist took him under his wings at nang pumanaw ito ay pinamanahan pa nito si Victor. Yun ang ginamit nito para bilhin ang isang naghihingalong IT company. And the rest was history. Mabilis itong nakiiala sa business world.

"Impressive, right?" komento ni Paula pagpasok nito para dalhan siya ng kape.

"What?" wala sa sariling tanong niya dito.

"Ang sabi ko impressive ang credentials ni Victor Escueta. He possesses what they called the Midas' touch. Lahat ng pinasok niyang negosyo kumita. He was described as elusive yet charming, cool and yet so hot. Pero may reputasyon din siya na wala raw patawad yan sa negosyo. He's very cunning and doesn't mind bending some rules to get what he wants."

Dalawang beses na itong natawag na cunning. Pero ang kilala niyang Victor is everything but cunning. Nasa mataas na level ang sense of justice nito at isa yon sa dahilan kung bakit niya ito minahal. But that was years ago. Everything about him now was polished and sophisticated. Walang mag-iisip na nanggaling ito sa hirap.

"Ito lang ba lahat ng information mo?"

"Well he's still single hindi lang ako sigurado kung meron na siyang girlfriend. Pero i heard he used to date an international ramp model."

"I dont want to know about his flings. Dumating na ba ang board members?" Wala siyang interes sa mga nakadate ni Victor through the years. Or more like ayaw nyang malaman.

"Nagdatingan na halos lahat. Pero di ko pa nakikita ang bagong presidente. Naiayos ko na lahat ang kailangan mo for the presentation. Handa ka na ba?" Seryosong tanong nito.

"Well I have to be." Sagot niya dito.

Present na lahat ang mga miyembro ng board nang pumasok si Candice sa conference room. Unang hinanap ng mga mata niya si Victor. Nakita niya ito directly across her at kampante lang na nakaupo. He's not even looking at her.

"I'm sorry i'm late." Hinging paumanhin niya kahit sinadya naman talaga niyang magpahuli.

"Its alright Miss Benitez." Sagot ng pinakasenior sa kanila si Mr. Natividad.

Kaibigan ito ng Lolo niya but she knew isa ito sa nagbenta ng shares nito. "Oo nga pala I'm sure alam mo na si Mr. Victor Escueta is now one of our owners and is the new president."

"Oo naman. Even though we were practically left out in the dark nalaman ko rin naman ang mga pangyayari. At salamat nga pala that this time you had the courtesy to inform us ahead of time about this board meeting."

"Sana hindi sumama ang loob mo sa amin."

"Ofcourse masama ang loob ko sa inyo. You betrayed us." Nakangiti niyang sagot dito which slightly confuses the man. Saglit na nahagip ng tingin niya si Victor who seems to be smiling a little.

"I guess puwede na tayong magsimula?" she has no plan for small talks. Pumuwesto na siya sa gitna to get the attention of everyone. "Paula my assistant already sent you the financial report for the second quarter. Mababasa nyo dyan na tumaas ang kita ng kumpanya by three percent. Hindi natin naabot yung target na five percent pero I'm confident that by the end of this year we will definitely attain our goal."

"Five percent lang ang goal at nahihirapan pa tayong I-meet yon?" Balewalang singit ni Victor. Hindi ito nakatingin sa kanya. He's reading the report at nakakunot na ang noo nito.

"Medyo tumaas kasi ang expenses natin nitong mga nakaraang buwan. Pero sigurado namang makakabawi tayo." Mahinahaon niyang sagot dito.

"This isn't good enough."

"I know pero hindi pa naman tapos ang taon. By the end of the year doon na papasok ang volume ng kita natin."

"Miss Benitez I'm not just talking about the 3 percent. I'm talking about your 5 percent goal. Masyadong mababa. Kaya ako pumasok sa construction because this is a profitable industry. I did my research at ang ibang kumpanya sa ngayon ay lumalago ng atleast 10 percent every year. And your goal is a meager 5 percent?"

"So you're saying na kailangang tumaas ang kita natin ngayong taon ng 10 percent?" napapantastikuhang tanong niya dito.

"That will be good for the company."

"And how do we go about that? I already did the projection at base sa mga nakaline-up nating proyekto the achievable goal is 5 percent. Kung mas mataas man dun that's being too optimistic already. Ayoko namang idisappoint ang mga investors by setting unrealistic expectations."

"Ten percent is not unrealistic. Kaya pa ngang itaas yan. You're just not being assertive enough."

"So what do you suggest?" inis na niyang tanong dito.

"Cost cutting. Masyadong mataas ang gastos nyo."

"Hindi kami maluho dito Mr. Escueta."

"Hindi yon ang nakikita ko. What I see are unnecessary operating expenses. Maraming redundant na position na kailangan nang alisin. Matatandang empleyado na kailangan ng magretiro at mga departamentong kailangan nang idissolve. Three hundred employees are just too many."

"Hindi nalulugi ang kumpanya Victor." Sa inis ay nakalimutan na niyang maging pormal dito.

"Pero hindi rin siya lumalago at tumutubo. At kung magpapatuloy yan and with the current inflation rate at lumalaking gastos ng kumpanya lalo tayong magkakaproblema."

"Well we do have plans. At Kasama sa mga plano namin ang pakikipagmerge sa Ricaforte Industry." Sagot niya dito.

Ang Ricaforte industry ay kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Matthew. Ito pa mismo ang nagsuggest ng merger na sinang-ayunan naman na ng board.

"Two mediocre companies joining forces won't really change anything. Infact I don't think that merger will be beneficial to us so I've decided to re-evaluate it. We will have to delay that plan or maybe scrap it all together."

"Hindi mo puwedeng gawin yan. The board will not let you do that." Tumingin siya sa mga board members pero tahimik lang ang mga ito.

"I think they agree with my assessment. I'm willing to invest more money sa kumpanyang ito. Hindi na natin kakailanganin ang mga Ricaforte. Pero siyempre gusto ko ng mabilis na return of investment and the only way to do that for now is to cut our operating cost."

"But not at the expense of our employees. Maraming mawawalan ng trabaho dahil sa gusto mong mangyari. Hindi lahat tungkol sa pera. Itinayo tong kumpanya na ito para makatulong."

"Miss Benitez hindi tayo charitable institution."

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan. Kaya ka nandyan sa puwesto mo ngayon ay dahil may taong tumulong sayo." Sigaw niya dito.

"Ehemm I think we need to cool down first. Nagiging masyado nang emosyonal si Miss Benitez." Singit ng isang miyembro.

"Hindi na kailangan. Ituloy nyo lang ang ginagawa nyo. I'm leaving." At halos padabog siyang lumabas ng silid.