webnovel

A Certified Casanova

Tác giả: pinkyjhewelii
Thành thị
Đang thực hiện · 1.2M Lượt xem
  • 35 ch
    Nội dung
  • 4.7
    348 số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

Thẻ
3 thẻ
Chapter 1Chapter 1

MALAKAS na ring ng telepono ang pumailanlang sa kabuuan ng mansyon ng mga Palermo. Maagang nagising si Charisse Palermo—ang ilaw ng tahanan at sinagot ang kanina pa tunog nang tunog na telepono.

"Hello?" sagot nito sa tawag.

"Charisse, anak."

Nabosesan agad iyon ni Charisse.

"Mama, napatawag kayo?" tanong niya sa kabilang linya.

Si Mrs. Lucia Palermo—ang ina ng asawa niyang si Luke Palermo at kasalukuyan itong naninirahan sa California, USA.

"Ako naman talaga ay sumusuko na. Wala akong sakit pero mapapaaga yata ang pagkamatay ko, anak. Mamamatay ako."

Nagulat si Charisse sa sinabing iyon ni Mrs. Lucia. "Mama naman, huwag kayong magsalita ng ganyan. Ano bang nangyari?"

"Naku anak, hindi lang tumataas ang bra ko, pati panty ko ay natatanggal na ang garter dahil sa konsumisyon ko kay Terrence. Kainaman namang bata iyon. Hindi ko na siya kinakaya, anak! Hindi ko pa rin lubos maisip kung saan nagmana ang batang iyon. Hindi naman ganoon kakulit ang ama niya pati ang kapatid niyang si Clarence. Pinagma-manage ko siya ng isa sa mga companies dito sa California pero hindi daw business ang hilig ng punyetang iyon!"

Huminga ng malalim si Charisse. "Naku, Mama, ano bang ginawa ni Terrence? Nakikipagbugbugan ba? O baka sumali sa mga gangster?"

"Hindi, anak. Mas maigi na nga yatang mag-gangster na lamang siya anak pero hindi! Ang Papa mo, nambabae din naman iyan noong kabataan niya, pati ang asawa mong si Luke ay ganoon din pero itong si Terrence, patawarin ako ng Diyos pero malapit ko na siyang itakwil bilang isang Palermo. Alam mo ba, anak? Gabi gabi, nag-uuwi ng babae dito sa bahay, ang masama pa nito, kainamana naman, mga pokpok at hostess yata sa bar ang inuuwi. Sinita siya ng Lolo niya pero ang punyetang bata na iyon, inuwian din ang Lolo niya ng chicks! Akala yata niya naiinggit ang Lolo niya. Aba, punyetang bata iyon, pinaghahampas ko nga ng baston ko!"

Nag-init ang dugo ni Charisse sa narinig. "Naku, Mama! Kay Luke 'yan nagmana! Punyetang Terrence 'yan! Pauwiin niyo 'yan dito sa Pilipinas, Mama at ako ang bahalang magpatino sa punyetang 'yan! Kung kailangan kong sipain ang bayag ng lalaking 'yan, gagawin ko nang matigil!"

"Anak, hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil flight na niya mamaya. Ibinili ko na siya ng one-way ticket at nakahanda na rin ang mga maleta niya. Sapat na ang ilang taon kong pagtitiyaga sa batang iyon, susmaryosep! Sa iyo ko na lamang sinabi dahil ayokong bigyan ng problema ang ama niya. Alam mo namang hanggang ngayon ay lulong pa rin si Lorence sa namatay niyang asawa kaya hangga't maaari ay ayaw ko siyang bigyan ng iisipin."

Huminga ng malalim si Charisse. "Huwag kayong mag-alala, Mama. Dito titira sa mansyon si Terrence at hindi sa bahay ng ama niya! Ako na ang bahalang kumausap kay Lorence, Mama. Sasabihin ko rin ito kay Luke. At mamaya, ipapasundo ko sa mga anak ko iyang si Terrence sa airport."

"Salamat naman anak, makakahinga na ako ng maayos at magiging payapa na ang buhay namin ng Papa mo."

"Sisiguraduhin kong magbabago si Terrence, Mama. Mag-ingat kayo palagi diyan at ako na ang bahala sa lalaking 'yan."

"Sige, anak. Maraming salamat."

Ibinaba na ni Charisse ang telepono saka umakyat sa kwarto nilang mag-asawa. Payapang natutulog ang asawa niya nang paghahampasin niya ito ng unan.

"Aww—Hon! What the fuck?"

"Punyeta ka talaga!" sigaw niya sa asawa niya.

"What? Anong ginawa ko, Hon? Natutulog lang naman ako!" todo ilag si Luke sa bawat hampas ng asawa niya.

"Kasalanan mo kung bakit ganoon kalandi ang pamangkin mong si Terrence!"

Nanlaki ang singkit na mga mata ni Luke. "Fuck, Hon, are you fucking serious? Bakit kasalanan ko? Anak ko ba 'yon?!"

"Kasalanan mo! Kasalanan ng lahi mo! Kasalanan ng dugo mo!"

"Fuck, Hon! Oo na kasalanan ko na lahat! 'Langyang buhay 'to oh! Kapag malandi, ako agad ang may kasalanan?"

"Tumawag si Mama at pinauwi niya dito sa Pilipinas si Terrence. Dito siya titira sa mansyon at patitinuin ko ang lalaking iyon!"

Kumunot ang noo ni Luke. "Okay, Hon? Go, Hon!"

Sinamaan lang ng tingin ni Charisse ang asawa niya saka tinawagan ang mga anak niya para ipaalam sa mga ito na kailangan nilang sunduin ang pinsan nila sa airpor mamaya.

Ang punyetang lalaki na 'yon, humanda siya!

California, USA

TAHIMIK na nakatanaw si Terrence sa bintana ng bahay nila hanggang sa kunin ng Lola niya ang atensyon niya.

"Pumunta ka na sa airport, Terrence. Baka ma-late ka pa sa flight mo." Paalala ng Lola niya.

Tumingin si Terrence sa Lola niya ng may malungkot na mukha.

"You know what, 'La? Kayo lang ang Lolo at Lola na nagpapalayas ng apo. Masakit, 'La! Dito oh, masakit." Sabi ni Terrence.

Nakatikim lamang siya ng hampas ng baston ng Lola niya. "Masakit? Gusto mo pang masaktan? Lintek na bata ka, hindi na kita matantiya!"

Sanay silang mag-tagalog kahit sa California sila nakatira. Mas gusto kasi ng Lolo at Lola niya na sa tagalog sila mag-usap.

"Bro, ingat pauwing Pilipinas. Send my regards to Dad and to Tita Charisse and Tito Luke. Ikumusta mo na rin ako kina Duke, Lucas at Empress." Sabi ni Clarence na may hawak na libro.

Sinamaan siya ng tingin ni Terrence. "Bakit hindi ikaw ang umuwi ng Pilipinas, bro?"

Tinawanan lang siya ng kapatid niya saka tumingin muli sa Lolo at Lola niyang prenteng nakaupo lamang sa sofa sa salas.

"Lolo, hindi na ba magbabago ang isip niyo? Lola, mami-miss niyo ako."

"Hindi ka namin mami-miss. Mas miss ka ng Tita Charisse mo kaya siya na ang bahala sa 'yo sa Pilipinas." Sagot ng Lola niya.

"Oh man, the ratatatatat queen." Komento ni Clarence. Mas matanda lamang siya rito ng dalawang taon.

"What the, Lola, maawa ka naman sa akin. Anong nagawa ko para ganituhin niyo ako? I've been a good grandson! Isa pa, napaka-perfect ko. Gwapo ako, matalino, habulin ng chicks, nasa akin na lahat, Lola tapos palalayasin niyo lang ako? I need an acceptable reason!"

"Acceptable reason ba kamo? Saksakan ka ng landing bata ka! Doon ka sa Pilipinas dahil mamamatay ako ng maaga sa 'yo! Hindi kana nahiya sa ninuno natin!"

"Huwag na tayong mahiya, 'La, patay na din naman sila e."

Muli siyang nakatkim ng malakas na hampas ng baston ng Lola niya. "Punyeta ka talagang bata ka! Hala sige, pumunta ka ng airport! Excited na akong maka-alis ka, apo."

"Grabe, 'La. Excited ka pa talaga." Napailing si Terrence. "Sige, 'La, papahanap nalang ako ng chicks kina Duke at Lucas sa Pilipinas."

"Huwag mong idamay ang mga pinsan mo sa kalandian mong bata ka! Tumataas ang bra ko sa 'yo!" sigaw ng Lola niya.

"Lolo, bilihan mo nga ng bagong bra si Lola. Hindi ko alam kung bakit ng nagba-bra pa, wala namang boobs. Hehe." Sabi ni Terrence.

"Lintek ka talagang bata ka!"

Nanakbo na palabas ng bahay nila habang hila hila ang maleta niya. Uuwi na talaga siya ng Pilipinas at isa iyon sa kaniyang nightmares.

Bạn cũng có thể thích

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
đã thích
Mới nhất

HỖ TRỢ