webnovel

Chapter 20

Napatingin lang si Elysia sa matanda, noon niya napagtanto na may mas mabigat na dahilan ang matanda sa pangambang nararamdaman nito.

"Naiintidihan ko po. Napakabuti ng puso niyo. Marapat lamang na kayo ang tumatayong lider ng lugar na ito." Saad naman ni Elysia.

"Matanda na ako, bilang na ang mga araw ko. Isang araw, iiwanko rin ang mundong ibabaw, kaya hangga't makakaya, ginagawa ko ang lahat upang mapabuti ang bayan ng Muntivor." mahinahong wika ng matanda. Bakas ang nakakaantig na emosyon sa tinig nito.

Maarahang ginagap ni Elysia ang kamay ng matanda at tinapik ang balikat nito.

"Tutulong po kami sa abot ng aming makakaya. Kaya nga po kami nandito para ibalik sa ayos ang bayan." Nakangiti niyang wika.

"Napakabuti mo, isa kang maharlika ngunit ang puso mo ay nananatiling puro at busilak. Pinagpapala ang mga katulad mo, napakasuwerte ng hari na ikaw ang kaniyang maging kabiyak." emosyonal na wika ng matanda. Napangiti naman si Elysia at napailing.

"Hindi po ako isang maharlika, tulad niyo po ako noong una, higit lang akong pinagpala dahil kinupkop ako ng hari."

"Kabilang ka a rin ngayon sa kanila. Maraming salamat at naiisipan niyong puntahan itong papalubog naming bayan. Ang buong akala ko ay dito na nagtatapos ang buhay namin. Nakakaawa ang mga batang, hindi pa man din nasisimulan ang buhay ay magtatapos ng kalunos-lunos." dagdag pa ni Tandang Hector.

Lumipas ang buong araw nila nang ginagawa ang magiging panibagong simula ng bayan. Sinimulan nila sa pagtatayo ng bakod bilang proteksyn ng mga tao laban sa mababangis na hayop na maaaring pumasok sa bayan sa pagsapit ng gabi. Bukod pa rito, ayon sa matanda ay may nagagawi na ring grimmer sa kanila at bawat pagkakataon ay may nakukuha itong kabayan niya.

Si Luvan ang namuno sa pagtatalaga at pag-aayos ng mga bakod na gawa sa malalaking troso. Malayo pa ang pinagkukunan nil ang troso dahil na rin sa pat*y na ang gubat sa gawi ng bayan. Pero dahil hindi normal na tao ang mga kasama niya ay wala silang naging problema.

Tinatayang umabot ng isang linggo ang ginugol nila sa pagtatayo lang ngbakod at sa buong linggo namang ito ay inasikaso ni Elysia at Loreen ang mga kababaihan upang matutong magtanim. Binungkal at muli nilang binuhay ang lupa sa bayan. Ay patay na ilog ay ginawan nila ng paraan upang muling madaluyan ng tubig. Gamit ang kas ng mga bampira naatasan nila, ay gumawa ang mga ito ng hukay mula sa pinkamatandang ilog na nasa likod ng bayan at kinonekta ito sa pangunahing ilog ng bayan ng Muntivor.

Walang pagsidlan ang kasiyahan g mga tao nang unti-unti dumaloy sa ilog ang masaganang tubig. Dahil doon ay mas nagkaroon pa ng pag-asa ang mga tao na muli silang makakabangon.

Lumipas ang mahigit na isang buwan at nakikita na nila ang pagbabago sa lugar. May mga sumisibol ng damo sa paligid ng ilog at ang kanilang mga tanim ay unti-unti na ring nabubuhay.

***

Ngunit sa gitna ng kanilang pagkatuwa ay isang pares ng mata ang tila hindi naliligayahan. Palihim itong umalis ng bayan ay naglakad patungo sa makipot na daan paakyat sa kabundukan. Mabato, maputik, matarik at mapanganib, subalit tila hindi ito alintana ng misteryosong nilalang na iyon. May ngising nakapaskil sa kaniyang mga labi na animo'y nagsasabing,

"Humanda kayo!"

Walang kamuwang-muwang sina Elysia na sa mga oras na iyon ang lahat ng kanilang ginagawa ay nakakarating na sa kanilang mga kalaban.

"Sigurado ka? Isang babae lang ang namumuno sa kanila?"

"Oo, isang babae lang at mukhang mahina rin, pero hindi basta-basta ang mga kasama niya, may mga kasama silang bampira at mga elf. Pero kung makukuha natin ang babae, paniguradong malaki ang makukuha nating ginto at pilak sa kaniya." wika ng lalaki, saglit pang napaisip ang kausap nito at bahagyang ngumisi.

"Mukhang nagkakasilbi na si Tandang Hector. Saan nanunuluyan ang babae?" tanong nito.

"Sa lumang mansyon sa dulo ng bayan. Nakita kong doon sila nagtayo ng pansamantalang tanggapan nila. At malaki na ang pinagbago ng Muntivor simula nang dumating sila. Ipagbibigay alam ba natin ito kay Xander?" muli ay tanong ng lalaki.

"Magpadala ka ng mensahero patungo sa Willonfort, hanapin niyo si Xander at sabihin ang lahat ng nalaman natin rito."

"Kopya bossing. Ako na mismo ang aalis at magdadala na lamang ako ng dalawang tao natin para mas mapabilis ang pagdadala ng mensahe."

***

Samantala, mahigit isang buwan na rin ang ginugol ni Elysia sa bayan ng Muntivor at sa loob ng mga araw na ito ay wala siyang ibang inatupag kun'di ang mapatatag ang depensa ng bayan sa tulong na din ni Luvan at Florin. Kasalukuyan silang nasa loob ng bahay at nagpupulong nang pumasok ang isang bata roon kasama si Tandang Hector.

"Elysia, may nais kaming isuplong sa inyo, ngunit bago iyon, kailangan ko munang makasiguro na walang sino man ang makakarinig sa sasabihin namin." halos pabulong na wika ni Tandang Hector. Sinenyasan naman ni Luvan ang kaniyang mga tauhan at maging si Florin ay ganoon din ang ginawa, bilang paggalang na rin sa hiling ng matanda.

"Paumanhin kung kailangan kung gawin iyon, nangangamba akong makarating ito sa mga kalaban at mapagbuntunan ang buhay nitong bata. May kinalaman sa kaligtasan ng buong bayan ang sasabihin namin, pati na rin sa kaligtasan mo Elysia." paunang wika ng matanda at doon ay naging seryoso na silang lahat. Hindi sila nagsalita kaya naman nagsimula nang magsalaysay si Tandang Hector at ang bata.

Natatayang nasa sampong taong gulang na ang bata —bagamat patpatin ay bakas ang katalinuhan sa mga mata nito.

"Nasisiguro mo ba ang mga nakita at narinig mo bata?" Tanong ni Elysia rito. Malumanay ang boses ng dalaga kaya naman maagap na tumango ang bata.

"Sigurado po ako. Nakita ko po siyang tumungo sa patay na bundok. Walang ibang taga-bayan ang nangangahas na pasukin ang parteng iyon dahil sa banta ng mga mababangis na halimaw na ngayon ay nakatira roon. Hindi rin bago sa amin na ang lugar na iyon ang piniling kuta ng mga tumaliwas kay Lolo Hector." buong paninindigang wika ng bata.

"Kung gano'n, may espiya na nakapasok sa bayan o matagal na siyang nandito upang matyagan ang bawat kilos niyo Tandang Hector. Sigurado akong walang magandang dulot ang taong iyon. Sasabihan ko ang mga kawal na doblehin ang pagbabantay. Magaling bata, napahanga mo ako sa katapangan mo." bati pa ni Luvan.

"Walang ano man po Ginoo, malaki po ang naitulong niyo sa aking pamilya at isa pa, pangarap ko ring maging isang mandirigma paglaki ko." Wika naman ng bata na ikinatawa ni Luvan. Bahagya niyang hinaplos at ginulo ang buhok ng bata bago ito tapikin sa balikat.

"Ano ang pangalan mo bata?" tanong ni Luvan, kitang-kita sa mata ng lalaki ang kakaibang kislap. 

"Mikail po Ginoo. Sampong taong gulang na po ako." tugon naman ng bata.

"Sige Mikail, dahil nais mong maging isang mandirigma, kung nais mo ay maaari kang sumama sa akin pagkatapos ng misyon namin rito." wika ni Luvan at nangislap ang mga mata nito.

"talaga po, sige po, sasabihan ko si inay pagka-uwi ko sa bahay." Tuwang-tuwang napapalakpak ang bata na ikinangiti naman ni Elysia. Napapailing naman si Loreen na animo'y nahulaan na ang magiging katapusan ng usapang iyon. Nang makaalis na ang dalawa ay muli na silang naging seryoso.

"Sa tingin niyo, may kaugnayan kaya ang taong iyon kay Vincent. Naisip ko lang kasi, paano kung mayro'n—tapos magpadala sila ng mensahe kay Vincent at lusubin ang bayan. Hindi ba't mas malaking gulo ang maaari natin dalhin sa mga taong nandito?" nag-aalalang tanong ni Elysia.

"Posible ang iniisip mo kamahalan, kaya higit tayong dapat na mag-ingat. Dodoblehin ko ang mga tao kung nagbabantay sa'yo. Mahirap na baka malusutan tayo," wika ni Florin at napatango naman si Loreen bilang pagsang-ayon.

"Hindi ba't mas mainam kung sa buong bayan natin ilalaan ang mga bantay. Florin, hindi ko kailangan ang doblen bantay." tutol ni Elysia ngunit napasimangot naman ang butihing elf.

"Hindi maaari, may mga bantay na nakalaan sa bayan at iba ang sa'yo. Higit na mas mahaga rito ang kaligtasan mo, kapag may nangyaring masama sa'yo, tiyak na malalagot kami sa mahal na hari." giit naman ni Florin habang nakakunot ang noo. Malakas na napabuntong-hininga si Elysia dahil sa narinig. Alam niyang wala na siyang magagawa sa parteng iyon. Hinayaan na lamang niya ang mga ito.

Dumaan pa ang maraming araw at tahimik namang namuhay ang mga tao sa bayan ng Muntivor, ngunit hindi pa rin naging kampante ang grupo ni Elysia. Patuloy silang nagmamatyag sa mga posibleng daanan ng mga kalaban nila. Palihim na rin silang naglalagay ng mga patibong sa paanan ng bundok sa oras na hindi aakalain ng kanilang mga kalaban. Mas naging maingat na rin si Elysia at hindi na siya basta-basta lumalabas ng mansiyon at kapag kinakailangan naman ay nasa sampong katao ang laging nakasunod sa kaniya bukod pa kay Loreen. 

Subalit ang katahimikang inaakala nila ay unti-unti na palang nalalason ng kasamaan nang hindi nila nalalaman. Wala silang kaalam-alam na ang kanilang mga galaw ay nakakarating pa rin nang walang kahirap-hirap sa kanilang mga kalaban.

Chương tiếp theo