CHAPTER 04:
"Tol, kanina pa kami magkasama ni rica mey. Sabay pa kaming nag tungo sa loob ng bahay para mag bigay ng mga chicharon." sagot pa ni drake.
Nagulat si brent sa sinabi ni drake kaya agad niyang kinuha ang pitaka para ipakita na wala na siyang pera dahil naibigay na niya lahat kay rica mey nang biglang nagulat si brent.
Nakita niya ang 1000 na nasa pitaka niya.
"T-teka! B-bakit to n-nandito!" Pasigaw na sabi ni brent.
"Syempre nanalo ka sa sugal ninyo ni alexis diba?" sagot naman ni drake.
Nagsimula nang manginginig si brent at nagsalita.
"Pero, naibigay ko yung 1k kay rica mey!" pasigaw niya kaya nagulat silang lahat.
Agad namang nagsalita ang president nila sa room.
"Brent, hindi umalis si rica mey kanina pa." saad nito.
Nabigla si brent at huminga ng malalim tsaka nagsalita.
"Edi sino yung kasama ko kanina?" pagtatakang tanong niya.
Naguguluhan si rica mey kaya lumapit.
"Kasama? Diba tayong tatlo lang nila drake ako at ikaw ang magkasama kanina?" pagtatanong pa ni rica mey na naluluha dahil sa sakit ng suntok na nakuha.
"Oo nga, tayo nga lang tatlo pero diba may usapan tayo? Tapos pumunta tayo sa kakahoyan." pagpaliwanag pa ni brent.
Nagulat silang lahat dahil kitang kita ng mga kaklase nila na magkasama si drake at rica mey na namimigay ng mga chicharon kanina pa.
"Sigurado ka tol?" pagtatanong pa ni drake.
"Oo tol! Sigurado ako! Peksman!" wika pa ni brent at napatigil silang lahat sa pagsasalita.
Kagkatapos ng mahabang usapan nila ay bumalik na sila sa loob ng bahay dahil sa nangyare ni brent. Para bang pinaglaruan siya ng multo.
Maya maya pa ay lumapit si drake sa president dahil magpapatulong sana sa gawain.
"Pres, paki timpla nga ng kapi may gagawin pa kasi ako." pagpakiusap pa ni drake.
Tumango lang si president at nagsalita.
"Oyy drake, baka mapangitan sila sa lasa ha. Ito kasi ang kauna unahan kong mag punta sa mga lamay eh." saad pa ni pres dahil baka hindi nila magustohan ang lasa ng titimplahin niyang kape.
"haha wag kang mag alala, matabang man o matamis, ang importante mawala ang antok nila." sagot naman ni drake.
"Ahh sge, sabi mo yan ha." wika pa ni president sabay puntang kusina.
Ilang segundo pa at nakarating na siya sa kusina at nadatnan niyang napakakalat kaya nag walis ito.
"Grabe naman tong si drake, iniwang nagkalat ang mga plastic." sambit niya sabay kuha ng walis.
"Di ba siya nahihiya at nagkakalat siya?" dagdag pa niya sa isip sabay walis sa mga plastic na lalagyan ng mga kape.
Maya maya pa ay kinuha niya ang dustpan at doon nga ay tinapon niya sa gilid ang kalat dahil may trashcan, pagkatapos non ay agad na siyang nag timpla ng mga kape at ibinigay niya sa kangyang mga kaklase at sa mga bisita ni sue.
Ilang segundo at natapos na siyang mamigay kaya bumalik na siya sa kusina at doon nga ay nagtimpla pa siya.
Habang nagtitimpla siya ay may biglang kumalabit sa kanyang benti doon sa ilalim ng lamesa.
"Ahh!" nagulat na sabi ni president.
"Sino yan!" dagdag pa niya sabay yuko at titingnan ang nasa ilalim ng lamesa.
"Mambubuso ka ku-..."
Naputol ang pag sasalita ni president nang biglang nakita niya ang batang babae na nakangiting tumingin sa kanya habang ang mga mata ay umiiyak ng dug0.
"Hello po, gusto mo bang mamat4y?" tanong ng bata.
Dahil sa nakita niya ay sumigaw ito dahilan para makuha ang atensyon ng lahat.
"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw niya kaya agad na nagsitakbuhan ang kanyang mga kaklase sa loob, pati narin si sue na namatayan at ang kanyang pamilya ay nagmamadaling pumunta sa kusina para tingnan kung sino ang sumisigaw at bakit siya sumisigaw.
"President!!!" sigaw ni drake at agad na nagmamadaling lumapit at yumuko para alalayan niyang makatayo si president.
"Anong nangyare!?" pabigla na tanong ni drake.
Tumingin si president sa mukha ni drake at kitang kita sa mukha ni president ang pagkatakot at namumutla tsaka nagsasalita ito habang nanginginig ang bibig.
"M-m-ma-may.... B-b-b-bata...." nauutal na sambit nito.
"Ha? Bata? Saan?" pagtatanong pa ni drake.
Tumingin si president sa lamesa at tinuro ang ilalim.
"N-n-nan....j-j-jan.." kunting sagot nito.
Agad na lumapit si drake at tiningnan niya ang ilalim at wala namang bata.
Ilang segundo pa at nakarating na silang lahat sa kusina pati narin si sue at ang kanyang pamilya kaya nag tanong ang papa ni sue.
"Anong nangyare mga bata!?" pagtatanong pa nito.
Ngumiti lang si president na napipilitan at nagkunwari.
"Nadapa lang po ako hehe." pagkukunwari pa niya sabay tingin kay drake.
"Ahh, buti naman. Akala ko kung ano na." sagot naman ni brent sabay tingin kay drake.
Natawa ang mama ni sue sa sinabi ni brent at nagsalita.
"Nagawa mo pang pagsabihan ng 'mabuti naman' keysa 'mag ingat ka' Haha." Natatawang sambit ng mama ni sue at nagsitawanan silang lahat. Maliban ni sue at papa niya.
Maya maya pa ay nagsibalikan na sila sa labas upang ipagpatuloy ang pag lalaro ng baraha, si drake at president ay naiwan sa kusina.
"Pres, totoo bang bata ang nakita mo?" pagtatanong nito.
Tumango lang ito at napansin ni drake na napakalinis ng kusina.
"Ano bang ginawa mo dito nong nasa labas ako?" pagtatanong pa niya.
Hindi nagdadalawang isip si pres at sinagot niya ang tanong ni drake.
"Nag walis lang ako dahil napakakalat at nakakahiya sa mga magulang ni sue pag nakitang nagkakalat tayo sa kusina." sabi pa niya na kinakabahan.
Nagulat si drake sa sinabi ni president at doon nga ay senermonan niya ang president.
"Ano kaba pres! Bawal yan!" pabulong na sigaw pa ni drake sa mukha ni president at doon nga ay nagulat si pres.
"Sorry... Bakit ba bawal?" hinang tanong niya.
"Malas yan, hindi ka patatahimikin ng pat4y hanggang sa hindi ka nag pagpag." saad nito at agad na nagulat si president.
Kaya dali daling nag tanong si pres kung paano mag pagpag at tiningnan niya ang orasan at alas 1:43am pa ito ng gabi.
"Maghanap ka ng dahon at doon nga ay sindihan mo pero wag mong paapoyin, sakto lang na mag uusok." sagot nito at nagsalita pa.
"Pero mas mabuti kung dahong pat4y para safe talaga." dagdag pa niya.
Hindi na nagsalita si president at agad na nagtungong palabas at naglalakad na nagkukunwaring walang nangyare.
At ilang minutong paglalakad ay nakaabot na siya sa isang puno ng balete at doon nga ay kumuha siya ng mga dahon upang pauusokin.
Habang kumukuha siya ng dahon ay biglang lumamig ang hangin, dahilan para magsitayuan ang kanyang balahibo.
Agad na tumitingin si pres sa paligid at wala manlang niisang tao ang nakikita kaya agad siyang nagpatuloy sa pagkuha ng mga dahon at aakmang titingin sa kaliwa nang biglang may isang bata na umiiyak ng dug0 sa taas ng puno at nagsilabasan ang mga uod nito sa bibig.
"AAAAAHHH!!!" sigaw niya at nagmamadaling tumakbo pabalik sa bahay.
Ngunit napahinto rin siya dahil may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa tinatakbuhan niyang kalsada at nakangiting nakatitig habang may mga dug0 ang nagsilabasan sa bibig.