May narinig akong pagbukas ng pinto sa bar. Tumingin ako sa orasan at mag-alas dose na ng madaling-araw.
"Sarado na po." sabi ko sabay punas ng mga table habang hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Hero kung sino ang pipiliin ko.
"Scarlet..."
Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin kaya naman lumingon ako.
Tumingin ako sa isang taong may dalang bouquet at binigyan niya ako ng matamis na tingin at ngiti sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
Nakita ko ulit ang bulaklak na dala niya. Bakit siya may bulaklak? Hindi naman ako manhid para hindi alam na nandito siya para ligawan niya ako ulit.
"Para sayo, Scarlet." napakamot sa ulo si Ced habang binibigay niya ang bouquet sa akin.
"Madaling araw na may oras ka pa para bigyan mo ko ng bulaklak." puna ko at inamoy ko ito.
Alam na alam niya ang gusto kong bulaklak. Binigyan niya ako ng tulips na alam kong nagsisimbolo ito ng malalim na pag-ibig. Malalim na pag-ibig kung saan kay tagal niya akong minamahal.
"Binigyan ka na nga ng bulaklak, parang ayaw mo naman~" kinanta niya ang gusto niyang ipagparinig sa akin ni Hero.
Sinamaan ko siya ng tingin at napatigil siya sa pagkanta niya at nag-whistle na lang si Hero.
"Salamat dito." sabi ko kay Ced.
"Bakit mo ko binigyan nito?"
Gusto ko malaman kung nililigawan niya ba talaga ako sadyang delusional ko lang. Naniniwala na hindi naman posibleng totoo.
"Gusto kitang ligawan." seryosong sabi ni Ced sa akin.
Why he is so straightforward na sabihin sa akin kung ano balak niya?
I can't even look in his eyes. I'm scared kung hahayaan ko siyang ligawan niya ako. Natatakot na baka masaktan ko ulit siya. Especially, Jacey and I... we're getting to know each other. I don't want to give him high hope for us. Oo, marami kaming pinagsamahan ni Ced. And I am thankful with all precious memories together. Pero it doesn't mean na kaya kong balikan siya. Nasaktan ko na siya.
Tapos ngayon babalik siya sa akin ulit na parang hindi ko siya sinaktan.
Naguguluhan lalo ako kung sino pagtutuunan kong pansin.
Si Jacey ba o si Ced?
"Ced, alam mo naman gusto ko si Jacey." pag-aamin ko kay Ced.
"Bigyan mo ko ng isang pagkakataon na ibalik ang pagsasama nating dalawa." sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay.
"Please?" sabi ni Ced sa akin.
"We can stay friends, Ced. Pwede naman 'yon." pagtatanggi ko sa kanya.
"I don't want to be us just friends. I am willing to get you back to me." kita kong uling siya na hindi siya pumapayag na maging kaibigan kaming dalawa.
"Kahit nasaktan na kita?" seryosong tanong ko sa kanya.
"I don't care kung nasaktan mo ko. Kahit ilang beses mo pa kong saktan, Scarlet. Desidido na ako maging akin ka." hinila niya ako papalapit sa kanya, "Totoong mahal pa rin kita. Kahit saktan mo ko. Iwanan mo ko. Ikaw pa rin minamahal ng puso ko." sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa kanyang mga mata na parang kumikislap ito. Sobrang ganda ng ma—
"Hindi tama 'to." mahina kong sabi sa kanya.
Kinuha ko na ang gamit ko at iniwan ko mag-isa si Ced sa bar pero hinabol niya ako.
"Wait, Let. Ihahatid kita." alok niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.
"Let naman... Gabi na oh. Wala ng jeep papunta sa inyo. Saka delikado kapag nagcommute ka." pagkukumbinsi sa akin at napabuntong-hininga na lang ako.
Tahimik na lang ako sumakay sa kanyang sasakyan at napansin kong ngumiti siya dahil siguro napapayag niya ako sa gusto niya. Pumasok na siya sa kanyang kotse at tumingin siya sa akin.
Bakit sa tuwing nagkakatitigan kami, lalo siyang gumagwapo.
"Bago kita iuwi, may pupuntahan tayo." nagulat ako sa sinabi niya.
Pupuntahan?
Mag-ala una na ng madaling araw may balak pa siyang ipasyal ako. Pagod na ako sa gig ko kanina at ayon nga humikab nga ako. Narinig ko mula sa kanya na magpahinga muna raw ako. Gigisingin niya ako pagkarating namin.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at pinikit ang aking mata hanggang makatulog ako.
Ilang sandali lamang ginising niya rin ako sa pagyugyog sa akin.
"Nandito na tayo, Let." rinig kong sabi sa kanya.
Minulat ko ang aking mata at nagising ang aking diwa nang tinanggal niya ang seatbelt ko. Tumingin ako sa kanan ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.
Naisipan kong buksan na lang ang pinto para hindi mukhang awkward ginagawa niya sa akin. He's expecting na baka sakali lumingon ako sa kanya.
Pagkalabas ko ng kotse, nakita ko ang eskwelehan. Eskwelahan namin dati ni Ced noong kami pa. Bumalik sa aking alaala ko ang masasayang memories naming dalawa ni Ced. Kung paano sabay kami pumapasok at lumalabas ng eskwelahan. Kung paano kami kumakain magkasama at kung paano naging kami ni Ced. Dito sa eskwelahan ito ang dami naming alaala naming dalawa.
Pero teka ba't nandito kami ngayon?
"Tara." at lumuhod siya at hinanda niya ang kanyang binti para tapakan ko ito at maka-akyat sa gate.
"Binibiro mo lang ako. Ako? Aakyat sa gate? 'Wag ako." he laughed and showed his two dimples in his face.
He's cute.
"Dali na. Huwag kang KJ." sabi ni Ced sa akin na hinihintay niya akong tapakan ang binti niya para maka-akyat ako.
"Fine. Eto na."
Pumunta ako at inapakan ko ang kanyang binti. Inabot ko ang itaas ng gate. Buti na lang hindi masyadong mataas ito kaya kayang-kaya umakyat. Pagkatapos, tumalon ako. Hinintay ko si Ced makarating sa loob ng gate. Nakita kong tumalon din siya kagaya ng ginawa ko kanina at tumakbo siya hawak ang aking kamay. Kaya naman nadatnan namin ang malilim na patag ng field at humiga si Ced. Kita kong pawis na pawis siya.
Binigyan ko siya ng panyo, "Punusan mo yung pawis mo." hindi ako makatingin ng deretso sa kanya pero ramdam kong kinuha niya.
"Salamat." mahina niyang sinabi sa akin.
Tumayo siya at hinila niya ako patayo. Hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Pero bigla kong naalala...
Ang aming unang pagkikita namin dito sa eskwelahan ng San Lorenz University. It has been a long year since we met.
Football player siya. Ako naman ay normal na estudyante lamang. PE day ng 4 year ng kabilang section pero break time ng section namin no'ng oras na 'yon. Kaya pampalipas oras ko lang manood ng football ng kabilang section dito sa field habang kumakain ng lunch ko. I don't have any friends dahil unang araw pa lang ng pasukan kaya mag-isa ako.
Habang naboboringan ako sa pagpapasahan ng mga bola dahil kanina pa ito pabalik-balik sa kalaban. Naagawan palagi si no. 24 (nakita ko sa kanyang t-shirt na suot). Hindi ko maitatanggi na gwapo siya at lalo siyang gumwapo dahil sa dimples niya. Buti na lang naagaw pansin kong sumipa ang no. 24 pero nakuha ito ng kalaban. Ulit. Sumipa ito ng malakas.
Namalayan ko na papunta sa babaeng tumatakbo kasama ang mga kaklase niya na walang malay na matatamaan ito. Tumayo agad ako at sumugod ako sa babaeng tumakbo na naka-earphone ito. Kahit sumigaw ako hindi pa rin niya ako naririnig. Tinanggal ko ang earphones niya at tinulak ko siya para hindi siya matamaan.
Ngunit ako naman ang nadali at nawalan ng malay.
Pagkagising ko sa clinic, ramdam kong masakit ang bukol sa ulo ko. Nakuha ang atensyon ko sa lalaking nakaupo habang nagcecellphone ito. Hinihintay niya siguro ako magising.
Napagtanto ko na nandito kami sa tapat ng clinic.
Huwag niyang sabihin na papasok kami dito.
"Tara." may nilabas siyang susi at binuksan niya ito.
"Hindi ba tayo mayayari dito?" bulong ko sa kanya.
"Hindi." hindi ako nakumbinsi sa sagot niya, "Kung hindi tayo magpapahuli." kinindatan niya ako pagkatapos niya sinabi yon sa akin.
Pumasok kami sa clinic, at umupo sa mga kama. Naalala ko ulit na dito ako nakahiga dati habang hinihintay niya ako magising.
"Naalala mo ba ang unang pagkikita natin ay dito?"
It was him.
Hindi ko pa kilala noon si Ced pero nagpakilala siya sa akin na siya ang kaibigan nung tinamaan ako ng bola.
"Yes. I remember. Ito yung unang araw na nagkagusto ako sayo ng palihim." ngiting sabi ko sa kanya.
"Na-love at first sight ka ba sa akin?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Ata. Magaling ka kasi magfootball." iwas na tingin ko sa kanya.
Naalala ako na ngumiti siya sa akin. Alam kong unang pagkikita lang namin pero biglang tumibok ang aking puso noong nakilala ko siya. Akala ko kabado lang ako. Akala ko may sakit ako sa puso pero napagtanto ko sa kanya pala ako mahuhulog.
"Kaya pala lagi ka nanonood ng game namin dati tuwing break time."
"Sapat na sa akin na manood ng game mo tuwing lunch. Since wala naman ako kaibigan masyado." sabi ko sa kanya. May nilabas akong mp3 player sa aking bag na dala na puno ng Rivermaya ang playlist nito.
"Natagpuan ko itong sa babaeng sinagip ko dati. Ang ganda ng music playlist niya." kinuha niya ang mp3 player at sinuri kung kanino ito.
"Kay T—," hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil pabulong ito, "....ito."
"Kilala mo ba nagmamay-ari nito?" tanong ko sa kanya.
I am dying to know her that time. Siya ang taong sinagip ko at dalawang beses ko siyang nagkasama. She's jogging alone in the field at bigla siyang natapilok. Imbes na mp3 player ang isasauli ko sa kanya, inalalayan ko siya pero ayaw niya ng tulong mula sa akin. Sino raw ba ako para tulungan siya. Magpapakilala sana ako kaso may dumating na babae. At hinalikan ito sa harap ko mismo. Tumingin sila sa akin na parang wala lang ako sa harap nila kanina. I was about to return her mp3 player but I couldn't get a chance to return it. Tumalikod na ako at 'yon ang huli namin pagkikita.
"Ye—No! I mean no.... Hindi ko kilala." sabi niya sa akin sabay iwas sa akin ng tingin.
"Tara. Punta tayo sa classroom namin." pag-aya niya sa akin.
Wala rin ako magawa kundi sumunod sa kanya habang hawak ang aking kamay.
May nakita kaming guard na naglilibot sa first floor kaya tumakbo kami agad papuntang 2nd floor. Napansin na kami ng guard na tumatakbo kaya nagtago kami sa loob classroom namin. Buti na lang kabisado namin ni Ced kung saan kami pupunta.
Nagtago kami sa teachers table baka pumasok ang guard. Ilang sandali narinig namin pumasok ang guard sa loob ng classroom pero umalis na ito.
Nauntog kaming dalawa at natawa kami.
Pumunta ako sa harapan at pumunta rin siya sa pwesto niya na nasa likod.
"Alam mo kahit malayo ang pwesto mo, ikaw pa rin nasisilayan ko." sabi niya at kita ko kung paano niya ka-seryoso ang sinabi niya.
"I thought you like Wendy." he chuckled at me at lumapit siya sa akin.
"Why do you say so?" tanong niya.
"Close kayo dahil magkatabi kayo. Saka mukhang magkavibes kayo." sabi ko while looking at my fingers circling in my table.
"How did you know?" pagtatakang tanong niya sa akin.
"Lagi ako napapasilip sa classroom niyo at palagi ko kayo naabutan na naghaharutan. Hindi na ba kayo close hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya.
Baka sakaling siya talaga ang gusto niya at hindi ako.
"We're just friends until now. Tropa lang kami." he said while seriously looking at me.
"Maybe there's a chance.... you know... you and her..." hindi ko masabi ang dapat kong sabihin pero mukhang gets niya naman ang gusto ko iparating.
"Walang chance na maging kami, Let. Hindi ko siya gusto." lumapit siya sa akin, "Ikaw ang gusto ko. Gusto ko maging akin ka." sabi niya sa akin hawak ang aking kamay.
"Hindi talaga pwede, Ced."
"Bigyan mo naman ako ng chance..."
"Sinaktan kita, Ced. Alam mo naman kung paano kita iniwanan? Hindi ka ba na trauma sa ginawa ko? Kasi kung maging tayo man in the future, nakakatatak na sa isipan mo yung assurance.... Hihingiin mo yon palagi sa akin kahit wala naman akong balak iwanan kita. Parati mo itatanong sa akin kung iiwanan ba kita kasi na trauma ka na in our past. Nasaktan kita at ayokong mangyari yon sa atin dalawa. Kaya I just want us to be friends na lang." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay. And after that, kumalas ako aa pagkahawak ng kamay niya sa akin.
"Pero still mahal pa rin kita. 'Yon naman ang mahalaga. Oo sinaktan mo ko pero it doesn't change my love for you." sabi niya sa akin.
"I like Jacey." sabi ko sa kanya, "Hindi ko magagawang saktan si Jacey para gustuhin kita. Ayaw rin kitang masaktan kaya hayaan mo na ako magmahal ng iba." kinuha niya ang kamay ko ulit pero pumiglas siya sa akin
"Wala na bang pag-asa?" hindi ako maka-imik sa tanong niya.
Tumalikod ako at umupo ako sa upuan. Hindi alam kung ano isasagot sa tanong niya.
Sa sagot na sasabihin ko ngayon dapat kong panindigan.
"Sana alam mong karapat-dapat kang mahalin pero sadyang wrong timing lang ang lahat dahil may mahal na kong iba. Gusto ko man ibalik ang dating 'tayo' pero hindi ko magagawa yon. Mahal ko si Jacey at hindi ko kayang saktan siya. Nakatuon na ako kung anong mayroon ako ngayon. Si Jacey lang ang mahal ko." pagtatapat sa kanya.
"Hindi pa naman kayo. So I still have a chance, right?" kita kong umaasa pa rin siya para mapapayag ko siya.
Bakit ang kulit niya pa rin?
"Uwi na tayo." sabi ko sa kanya at napahikab ako ng 'di oras. Palabas na ako ng classroom pero napatigil ako sa paghila noya sa akin.
"I know wala akong chance para mahalin mo ko, pero baka magkaroon ako ng pagkakataon na mahalin mo rin ako kung hahayaan mo ko. Alam ko naman kung hanggang saan lang ang laban ko, Scarlet. Titigil ako kung hindi na talaga mangyayari ang gusto kong mangyari." sabi niya sa akin at tumingin ako sa kanya. Kita ko kung paano siya ka-sincere sa sinabi niya.
Pero huminga ako ng malalim, "Bahala ka nga." sabi ko sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa kanya para bitawan ang aking braso.
"Ba't nandito kayo?!" napalingon kami sa guard at nagkatinginan kami ni Ced kaya tumakbo na kaming dalawa.
Nakarating kami sa gate at nagmamadali kaming umakyat ni Ced at muntik na akong mahila ng guard pero buti na lang may sumalo sa akin sa pagtalon ko.
Kita kong ang lapit ng mukha ni Ced sa aking mukha ngayon. I can feel his heartbeat but not mine. Kalmado lang puso ko at walang nararamdaman kahit ano.
Akmang babangon pero ninakaw niya ang ilang sandali at hinalikan niya ako saglit.
Nagulat ako sa inakto niya.
Pero nakuha ang pansin ko na pabukas na gate sa kanan namin kaya napalingon kami. Agad-agad kaming tumayo at pumunta sa kotse para umalis. Dahil kung hindi kami aalis, maabutan kami ng guard.
Sumakay na kami sa sasakyan at inuwi niya ako sa bahay.
Pagkarating namin sa bahay ko, lumabas na ako at nakita kong sinundan ako ni Ced.
"The kiss..." hindi ko siya pinatapos.
"It was nothing to me, Ced." kita kong lumapit siya at isang hakbang na lang ang lapit niya sa akin.
"For me, it was something," he said, smiling at me.
Wala akong magawa kundi tumalikod na lang at pagpatuloy ko pagbukas ng gate. Buti na lang may duplicate key at napansin kong binuksan ako ng pinto ng kapatid kong si Irene.
"Hindi ka pa aalis?" tanong ko sa kanya at umiling siya.
"Hinihintay kita pumasok sa loob. Bago ako aalis." sabi ko at naalala ko naman ang alaala namin na lagi niya ako hinihintay pumasok bago siya umalis.
He's making sure na nakauwi ako ng ligtas.
"Sige. Pasok na ako. Until we meet again." sabi ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.
I love his smile.
Bumalik sa aking alaala kung paano niya ako nginitian. Sa mga ngiti niya dati nahulog ako sa kanya. Alam na alam niya kung paano kunin ang atensyon ko sa mga ngiti niya na may kasamang dimples sa kanyang mga pisngi.
Umiwas ako ng tingin at nakita ko ang aking kapatid na inaatok habang naka-abang sa akin sa pagbukas ng pinto.
"Ba't namumula ka, Ate?"
Turo ko sa aking sarili, "Ako? Namumula?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Kulang ka lang sa tulog, Irene." sabi ko na lang sa kanya.
Pagkatapos niyang i-lock ang pinto at tumingin ako sa bintana na nakita ko rin na paalis na rin si Ced. Napansin ako ni Ced kaya kumaway siya.
Kumaway na rin ako.
Pagkatapos, sinara ko na ang bintana at tuluyang pagmasdan ang pag-alis niya sa akin.
Pagkabalik ko, bumungad sa harapan ko si Kevin.
"Ba't may pagkaway, aber?"
"Magkaibigan lang kaming dalawa." sabi ko at tinulak ko na siya sa tapat ng pinto ng kwarto niya.
"Alalahanin mo, ate. Nililigawan ka ni Ate Jacey."
"Ayun nga ang problema. Nililigawan din ako ni Ced." pag-aamin ko sa kanya.
"Ano?!" gulat na sabi ni Kevin sa akin at pumunta si Irene sa amin habang kinukusot niya ang mata niya dahil sa sobrang antok nito.
"Ano meron, kuya?" tanong ni Irene.
"Matulog ka na." sabi ko kay Irene at dumeretso na siya sa kwarto niya.
"Ikaw rin, Kevin. Bukas na ako magkwekwento." binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at tinulak siya.
"Mahal mo pa rin ba si Kuya Ced?" at sinarudahan ko siya ng pinto.
Hindi ko rin alam pero one thing, I am sure....
Maybe in another life, pwede kong maibalik ang dating pagsasama naming dalawa.
Dating pagmamahalan namin na parang walang hangganan.
Aming tamis na ngiti tuwing nagkikita kami, kaya kong ibalik yon.
Isang pagkakataon lamang.
Pero hindi ko kaya ibalik ngayon mismo sa kanya ang gusto niya mangyari sa amin.
Kahit binibigyan ko siya ng pagkakataon ngunit hindi niya mababago ang isipan ko sa ngayon.
I hope one day there's a person who will love him back the way i loved her before. Pero hindi ako yon.
Kasi alam kong para kanino lang ang puso.
Kay Jacey lang.
Like it? Add to Library! Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:wattpad: @leavamarie ; dreame: @leavamarie ; twitter: @leavamarie