webnovel

EPISODE 42

"ANG HULING LABAN (Part1)"

Sa PAGPAPATULOY....

Nagsimula na ang labanan ng kabutihan laban sa kasamaan, Ama laban sa anak at Kapatid laban sa Kapatid. Sino kaya ang magwawagi?

Hindi ko na papatagalin pa, ito na ang karugtong...

Inilabas ni Hex sa libro nya ang Sandatang kayang pumatay ng isang imortal.

Sa Kanlaon...

Nakatingin ang mga diwata sa kanilang mahiwagang salamin. At dito nakikita nila ang labanan sa lupa.

"Ang Espada ni Magwayen..." Sabi ni Dalikmata.

"Akala ko ba matagal ng tinapon ni Magwayen ang espadang iyan sa kabilang mundo.?" Pagtatakang sabi ni Mariang Makiling.

Ilang sandali pa ay dumating si Magwayen sabay sabing.

"Nilinlang ako ni Sitan noon sa Sulad noong sina Tyler pa ang nakikipaglaban noon. Hindi ko Alam kung papano nila ito nakuha muli sa aking tahanan."

Balik sa Labanan...

Sumugod si Hex kay Samantha at panay Sangga naman ang ginawa ni Samantha sa kanyang mga atake.

"Ama tandaan mo! May Kalasag ako galing sa mga Dalaket." Sabi ni Samantha.

"Malakas ka lang dahil sa pinsan mo dyan sa loob. Makipaglaban ka nang Patas!" Sabi ni Hex sabay tulak sakanya.

"Wag kang maniniwala sakanya Samantha! Tandaan mo. Nasa kanya na ang kapangyarihan ng kanyang ama at Kapatid. Higit na mas malakas sya ngayon. At tantya ko. Hindi pa nya tinotodo ang mga atake nya." Sabi ni Aira.

Tumango lang si Samantha at muling ipinagaspas ang kanyang at lumipad. Na agad naman syang sinundan ni Hex.

Isang portal naman ang nagbukas at doon ay lumabas si Zandro kasama si Denise.

Agad namang yumakap si Xavier nang makita nya ang kanyang Kapatid.

"Zandro anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Xavier.

"Tol, kelangan kayo naming bantayan. Yan ang utos ni Selena sa amin. Hindi pa din nya nahahanap ang Dunggan ng iyong ina." Sabi ni Zandro.

"Oo nga Xavier. By the way ako nga pala si Denise." Pakilala ng babae sa kanya.

Lumapit si Xavier sabay bulong sakanyang Kapatid.

"Sya ba yun?"

Ngumiti si Xavier at sumagot ng "Oo!"

Hindi nila alam ay may isang maitim na usok ang lumapit at sumanib kay Zandro.

Agad na alarma sina Joshua at agad hinanap si Via.

"Mag iingat kayo. Nasa kontrol na sya ni Via." Sabi ni Joshua.

Tumayo si Zandro at inatake si Denise.

"Pambihira! Hestia kelangan ko ang tulong mo!" Sabi ni Denise at isang babae ang lumabas sa likuran ni Denise.

"Nasa kamay sya ngayon ng isang sumpa. Nasa paligid lang ang gumawa!" Sabi ni Hestia.

Agad namang initusan ni Zandro ang mga halaman na hanapin ang kinaroroonan ni Via.

Si Liam at Xavier naman ay sinusubukan nilang pigilan si Zandro.

Nang makita ni Joshua ang kinalalagyan ni Via agad niyang utusan ang mga Sanga at baging na igapos si Via. Ngunit sandyang magaling itong tumakas. Bago pa man nya ito nagawa ay naka ilag na si Via.

Hinarap ni Via ang apat.

"Nasaan sina Kathleya?" Tanong ni Liam.

"Naka time magic lang si Cloud at Kathleya. Wala sila sa mundo nyo. Ang tanging paraan lang upang makapasok sila ay ang astral projection. Sabi pa ni Selena, nag iwan ng isang sumpa si Jenna sa lagusan upang hindi maka sunod sina binibining Alpia pati na ang kanyang mga pamangkin. Pero wag kayong mag aalala. Ginagawan na ng paraan ni Selena na tanggalin ang sumpa sa lugasan. Tanging si Zandro lang ang nakakalabas pasok dito sa Jamais. At Isa lang ang kaya nyang ipasok dito. Napaka stress ng sumpa ni Jenna. Pero please tulungan ninyo akong ibalik sa dati si Zandro." Sabi ni Denise.

"Nangyari na din Yan saakin noon ako ang bahala." Sabi ni Joshua.

"Excuse me? Anong ikAw?" Sabi ni Liam.

"Ibig kung sabihin kami ang bahala.." sabi ni Joshua.

"Denise nanghihina na ang itinakda pati na rin ang kanyang gabay." Sabi ni Hestia habang nakatingin sa Ibabaw kung Saan nag lalaban ang mag ama.

"Insan anong nangyayari?" Tanong ni Samantha.

"Nanghihina ako Insan pero sge lang kakayanin ko to!" Sabi ni Aira.

"Hindi ako papayag na may masamang mangyari sayo. Sandali!" Sabi ni Samantha sabay kumpas at sa isang iglap ay lumabas si Aira sakanyang katawan at nagbalik sya sa dating anyo.

At doon naman nakakita ng pagkakataon si Hex upang sugurin si Samantha.

Sinangga muli ni Samantha ang atake ni Hex sakanya at sabay sila ni Aira na bumagsak sa Lupa.

"Sandyang napakahihinang nilalang!" Ngiting sabi ni Hex. Dahan dahan namang lumabas ang mga pakpak ni hex na katulad ng sa paniki.

"Denise hindi natin kelangan ng tulong nila. Ang itinakda kelangan nya ang mga kapangyarihan at lakas nilang apat. Tayo na ang humarap sa pangit na yan!" Sabi ni Hestia.

"Oo nga pala, nakalimutan ko! Kelangan ninyo mag ingat sa fusion magic na gagawin ninyo sa itinakda. Katulad ni Aifa.. kapag labis na mahika ang gagamitin nilang pareho. Pareho silang mamatay." Sabi ni Denise.

"Aira hindi Aifa!" Saway ni Xavier.

"Pasensya na basta kami na ang bahala sa Kapatid mo." At inilabas ni Denise ang kanyang espadang apoy pati na rin si Hestia at hinarap nila si Zandro at Via.

Tinulungan naman ni Liam sina Aira at Samantha.

"Bes? Aira? Ayus lang kayo?" Tanong nya sa dalawa.

"Tang ina. Unlimited ba yang tatay mo. Hindi nanghihina." Sabi ni Aira.

"Dito ilagay mo sila sa puno para muling mag balik ang kanilang lakas." Sabi ni Joshua.

"Sandali ayus pa ako.. nawawala si Hex." Sabi ni Samantha ng akmang sasaksakin ni Hex si Xavier mabuti na lamang ay ginamit ni Liam ang kanyang natural na kakayahan. Sumigaw ng ubod ng lakas si Liam at dito tumilapon si Hex ng sobrang layo.

Pati sina Zandro at Via ay naapektuhan sa sobrang lakas ng kanyang boses.

"Bes oras na! Handa kana ba?" Sabi ni Samantha.

"Diba dapat game kana ba?" Pagpapakwela ni Liam sa kaibigan.

"Baliw! Sige na ganun pa din sa ginawa namin ni Insan. Isigaw mo muna pangalan mo bago mo ilapat ang mga kamay mo sa mga kamay ko." Sabi ni Samantha.

"Ready?" Tanong ni Samantha. Tumango lang si Liam at agad niyang isinigaw ang kanyang boses sabay lapat sa kamay ni Samantha.

Agad lumiwanag at isang bagong Samantha ang lumabas. May kakaiba itong kasuotang pandigma ng katulad sa mga Taga Andromeda.

Samantala sa mundo ng mga tao..

Nakikita din ni Kathleya ang mga nangyayari sa Jamais gamit ang kanyang mahiwagang salamin. Na ibinigay din ito ng mga diwata sa kanya noong nagsasanay pa sya sa Kanlaon.

"Taglay mo na Samantha ang kakayahan ng mg Taga Andromeda. Ang pangalawang kaharian ng Oceana. Katulad ng mga Taga Andromeda. Kaya mong kontrolin ang tubig, gumawa ng ulan at higit sa Lahat ang makapangyarihang boses ng mga sirena." Sabi ni Kathleya.

Balik sa Jamais..

"Itaas mo ang iyong mga kamay bes. Gagamitin natin ang Trident ko. Tamang tama. Gabi na. Full moon. Mas lalakas pa tayo." Sabi ni Liam.

"Bakit bes? Werewolf yarn?" Tanong ni Samantha sabay taas ng kanyang mga kamay.

Isang kidlat ang tumama kay Samantha at sa isang iglap ay lumabas ang Trident at hawak hawak na nya ito.

Nang matamaan sila ng liwanag ng buwan nakaramdam ng kakaibang lakas sina Liam at Samantha.

"Saan nanggaling ang lakas na ito bes?" Tanong ni Liam.

"Sa buwan!" Sagot ni Liam Sabay kumpas ng kamay ni Samantha at bigla itong nag laho.

Nagimbal naman si Hex sa kanyang nasaksihan.

"Lumabas ka!" Sabi ni Hex habang iniwasiwas nya ang kanyang espada.

Hindi nya namalayan na nasa kanyang likuran si Samantha at ginamit nya ang kapangyarihan ng boses. Sumigaw si Samantha ng napakalakas at tumilapon ulit si Hex sa mga bato.

Akmang tutulungan ni Via si Hex ng pinigilan sya ni Hestia.

"Saan ka pupunta!" Habang hawak ni Hestia ang kanyang kamay at biglang napasigaw ang babae dahil unti-unting nasusunog ang kanyang kamay na nahawakan ni Hestia.

Initusan nya si Zandro na tulungan si Hex pero mabilis si Denise. Agad nyang binago ang kanyang sandata. At ginawa nyang isang lubid na gumapos kay Zandro.

"Saan ka din pupunta? Kahit kelan Zandro napaka buang mo!" Sabi ni Denise.

Ngumiti naman sina Aira, Xavier at Joshua sa kanilang nakita ng mapatumba ni Samantha si Hex.

"Walang tatalo sa closeness nila. Pakiramdam ko mas naging kababata pa ni Liam si Samuel. Grabe ang kanilang utak. Nagkakasabay." Sabi ni Xavier.

At tumawa naman sina Aira at Joshua.

"Basta! Kelangan nating maging malakas upang magawa ni Samantha ang kanyang Bugna." Sabi ni Joshua.

"Bakit kaya? Tayo nalang apat ang sumanib kay Samantha? Mas lalakas tayo kapag sama sama!" Sabi ni Aira.

"Aira hindi pwde. Tandaan mo! Nasa loob din ni Samantha si Samuel. Baka di kayanin ni Samantha. Ang ganun kadaming gabay!" Sabi ni Xavier.

"Tama si Xavier!" Dagdag pa ni Joshua.

Samantala..

Mukhang lamang si Samantha ngayon sa laban nila ni Hex dahil sa kakayahan ni Liam.

Palaging natamaan ni Samantha ng trident si Hex.

"Sumuko kana ama!" Sabi ni Hex at tumalipon ulit ito dahil sa Sigaw ni Samantha.

"Trident ? Tubig?" Napaisip si Hex sa kanyang susunod na hakbang.

Itutuloy....

Chương tiếp theo