webnovel

Chapter 40

Kinabukasan, nagkita ang magkakaibigan sa isang videoke centre sa Elipses Mall. Nasa loob sila ng isang private room at nagkakatuwaan. Nang dumating si Mira ay naroroon na din sa kwarto si Dylan.

"Buti naman at nakarating ka Mira." Bati ni Lenie, isa ito sa mga tahimik na kaklase ni Mira.

"Si Veronica, wala pa ba?" Tanong ni Mira at naupo na sa bakanteng upuan.

"Wala pa, alam mo naman yun, palaaging late. Kagit saan mo ilagay si Veronica, lagi yang huli." Biro pa ng isa nilang kasamang lalaki at nagtawanan ang mga ito. Napangiti naman si Mira at kinuha ang kanyang cellphone na nasa bulsa niya. 

"Vee, nasaan ka na?" Tanong ni Mira nang masagot ni Veronica ang tawag nito.

"Paakyat na ako, hintayin mo na lang ako riyan, nakasakay na ako sa elevator," sagot ni Veronica.

Pagdating ni Veronica ay agad na naghiyawan ang mga kasama nila para salubungin ito. Aakalain mong isang buong taon silang hindi nagkita-kita gayong isang linggo pa lamang ang nakalilipas nang matapos ang unang taon nila.

Kantahan dito, kantahan doon, ganyan ang inatupag ng mga boys habang ang mga girls naman ay nasa isang sulok at nagtsi-chismisan. Kung ano-ano ang kanilang pinag-uusapan at kalimitan sa mga ito ay mga estudyante din sa kanilang school na maagang nabuntis o di kaya naman ay nakipagtanan sa kani-kanilang mga boyfriend.

"Mira, bakit di mo isinama ang boyfriend mo dito? Sayang naman, gusto sana namin siyang makilala." untag na wika ni Rose sa kanya.

"Wala siya sa bansa ngayon dahil may trabaho siya. Pero next time sasabihin ko sa kanya na iinvite kayo para makilala niya din kayo," wika ni Mira habang umiinom ng jiuce sa baso.

"Deal, sabi mo yan ha, wala nang bawian. Sa ating lahat ikaw pa lang ang may boyfriend kaya naiintriga ako sa boyfriend mo." natatawang wika ni Rose at nagtawanan sila.

Set aside the fact that everyone in their class belongs to the rich, most of their family have higher standards towards their future spouses. Tulad na lamang kay Veronica, kung sino-sino na rin ang narereto ng kanyang pamilya ngunit mailap si Veronica dahil ayaw niyang magpatali sa isang taong hindi naman niya mahal at hindi rin siya mahal. 

"Basta girls ang masasabi ko lang, napakaswerte ni Mira sa boyfriend niya." Pambibitin ni Veronica.

"Madaya ka talaga kahit kailan Veronica, kapag sa klase ikaw ang huli pero kapag chismis nauuna ka." Nakasimangot na wika ni Rose bago humagikgik.

"Ganyan talaga kapag ipinanganak kang talented, balita na mismo ang lumalapit sayo. " Biro ni Veronica at muli silang nagtawanan.

Sa paglalim pa ng gabi ay nagsimula na rin silang umorder ng mga alak. Nasa tabi lang si Mira habang nakikipagchat kay Sebastian. Panay din ang send niya ng pictures dito upang kahit papaano ay makita ni Sebastian kung sino-sino ang mga kasama niya.

"Mira, hindi ka ba talaga iinom?" Untag na tanong ni Rose sa kaniya. Napangiti naman si Mira bago magwika,

"Hindi ako sanay uminom ng alak eh, at isa pa ihahatid ko pa si Veronica mamaya."

Nagkibit-balikat lang si Rose at muling bumalik sa mesa uoang makipag-inuman sa mga kaklase. Hindi naman gaanong nakalalasing ang iniinom nila dahil hindi rin sila bibigyan ng mga waiters doon ng mga alak na hindi angkop sa edad nila. Halos lahat kasi sa kanila ay kilala na doon sa mall na iyon kaya naman alam na ng mga ito ang dapat at hindi dapat ibigay sa mga ito.

"Mira, banyo lang ako ha, dito ka lang." Wika pa ni Veronica. Napatayo naman si Mira at agad na inalalayan ang kaibigan.

"Sasamahan kita, mukhang lasing ka na eh. Hindi ka dapat uminom ng marami."

"Sus, parang yun lang. Sa bahay nga mas matapang pa rito ang naiinom ko ng palihim." Humahagikgik na kwento ni Veronica. Napatawa si Mira dahil sa kakulitan nito. Nang marating nila ang CR ay agad naman silang pumasok para magbawas. Hindi naman kalayuan ang banyo sa pribadong kwarto na kinaroroonan nila kaya madali nila itong narating.

Pagkalabas nila sa banyo ay agad naman silang bumalik sa kanilang kwarto. Hindi pa man din sila nakakarating doon ay tinambagan sila ng tatlong kalalakihan. Mukhang lasing na ang mga ito dahil amoy na amoy nila ang alak sa katawan ng mga ito.

Pareho pa silang napasimangot dahil sa ginawa ng mga lalaking ito. Hindi na sana nila ito papansinin ngunit biglang hinablot nang mga ito si Mira.

"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas na sigaw ni Mira. Agad naman siyang tinulungan ni Veronica ngunit mahing ito ay nahawakan na rin ng mga kasama nito.

"Pare, jackpot tayo sa dalawang ito, suguradong matutuwa si Boss." Nakangising wika ng lalaki na animo'y hindi alintana ang kanilang pagpupumiglas.

Dahil brusko at malalaki amg katawan ng mga ito ay walang nagawa ang dalawa kundi ang pilit na magpumiglas at sumigaw. Ngunit tila ba walang nakakarinig sa kanila hanggang sa maipasok na sila sa isa pang kwarto. Doon ay nakita nilang puro kalalakihan ang naroroon at may tatlong babae na nakasuot ng maiiksing damit na nakangisi pa sa kanila.

"Saan niyo nakuha ang dalawang iyan? Mukhang mga baguhan yan ah," puna ng isang lalaking may bigote. Tumayo ito at kinilatis isa-isa sina Mira at Veronica.

"Anong akala niyo sa amin hostess? Hindi kami hostess, hindi niyo ba kilala kung sino ako? Lolo ko si General Harold Triaz!" Paasik na wika ni Veronica habang nagpupumiglas .

Hindi niya mapigilan ang mandiri sa mga ito dahil na din sa mga itsura at iginagawi ng mga ito. Umaalingasaw din sa buong kwarto ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.

"Tumahimik ka, kung Lolo mo si General Triaz, Tatay ko naman ang presidente." Patuyang wika ng lalaking may hawak sa kaniya.

"Kapag nalaman ito ng Lolo ko, malalagot kayo sa kaniya." Muling sigaw ni Veronica na lubhang ikinagakit naman ng mga kasamahan nito.

"Patahimikin mo nga iyan!" Asik ng isang lalaki habang papalapit sa kanila. May dala-dala itong bote habang nakangising lumalapit sa kinaroroonan nila. Nang makita ito ni Mira ay agad siyang nagpumiglas sa takot na baka saktan nito si Veronica.

Walang sabi-sabi ay bigla nitong pinatingala si Veronica at pinanganga bago ibinuhos sa bunganga nito ang laman ng bote. Nagtatawanan pa ang mga ito habang halos malunod na sa alak si Veronica.

"Veronica..." Sigaw ni Mira at bigla naman niyang itinulak ng malakas ang lalaking nakahawak sa kaniya. Nang makawala na siya ay mabilis niyang itinulak ang lalaking nasa harapan ni Veronica. Sa pagkagulat nito ay hindi ito nakapaghanda at nawalan ng balanse.

Nang makita ni Mira si Veronica ay mabilis niya itong kinuha sa lalaking may hawak dito. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niyang nahaharangan ang tanging daanan nila palabas. Nang maibaling niya ang paningin sa mesa ay nakita niya ang isang steak knife na naroroon. Akmang tatakbo siya para kunin ito ay bigla naman siyang sinabunutan ng lalaking itinulak niya at sinuntom siya nito sa tiyan, dahilan para mapaluhod siya sa sakit.

"P*ny*ta kang babae ka. Tingnan natin kung makakalaban ka pa mamaya." Singhal nito at kinuha nito ang isa pang bote ng alak at pinalagok iyon kay Mira hanggang sa tuluyan nang maubos ang laman nito.

Nang bumagsak na ang katawan ni Mira sa sahig ay dinig na dinig niya ang tawanan ng mga ito. Nahagilap pa ng pumipikit niyang mata si Veronica na noo'y hatak-hatak na ng isang lalaki. Tila ba meron nakakarinding tunog sa tenga niya na hindi niya maintindihan at pilit niyang nilalabanan.

Nagtatawanan pa ang mga lalaking iyon habang pinapatayo si Veronica sa sahig.

"Unahin na natin ang isang ito, mukhang mas may angas ito kesa sa kasama niya." Suhestiyon ng lalaki sa mga kasama. Akmang hihimasin nito ang pisngi ni Veronica, nagulat na lamang ito nang biglang tumusok sa kamay nito ang isang steak knife.

Napasigaw ang lalaki at nabitawan nito si Veronica. Nagkagulo naman ang mga kalalakihan at nagtakbuhan palabas ang mga babaeng kasama ng mga ito nang makita ang sitwasyon sa loob.

"Lumalaban ka pa talaga." Galit na wika ng lalaki at muling dinakma ang buhok ni Mira ngunit sa pagkakataong ito at napigilan siya nito. Laking gulat ng lalaki dahil sa sobrang lakas na ipinamalas ng dalaga. Doble ang kanyang laki rito ngunit tila higit na mas malakas ito kesa sa kaniya.

Nakayuko lamang si Mira habang dahan-dahang nitong pinipilipit ang kamay ng lalaki hanggang sa tuluyan itong mapasigaw sa sobrang sakit. Nang makita nila ito ay sabay-sabay nilang sinugod si Mira upang matulungan ang kanilang kasama ngunit sa hindi maipaliwanag na pagkakaton ay biglang nagliparan sa kanila amg mag bote ng alak na kanina'y iniinom lang nila.

"Halimaw. Hindi yan tao ," sigaw ng isang lalaki. Tatakas pa sana ito ngunit mabilis siyang hinaranagan ni Mira at sinipa sa sikmura. Isa-isa niyang binugbog ang mga lalaking iyon na halos nasa sampo ang bilang hanggang sa hindi na ito makilala kahit ng sarili nilang mga magulang.

Dahil sa matagal na nawala si Mira at Veronica ay wala nang nagawa sila Dylan kundi ang hanapin ang mga ito. Saktong napadaan sila sa isang kwarto ay narinig nila ang kaguluhan doon. Kinutuban ng masama si Dylan kaya mabilis na pinasok niya ang kwarto at doon niya nasaksihan ang pagwawala ni Mira.

Patakbo niya itong nilapitan upang pigilan ngunit maging siya ay inatake nito. Mabuti na lamang at mabilis niyang naiiwasan at nasasangga ang bawat atake ni Mira.

"Huwag kayong lalapit!" Sigaw ni Dylan habang patuloy na sinasangga ang mga atake ng dalaga. Napahinto naman ang mga kasama niya at minabuti na lamang na kunin si Veronica na noo'y nakahandusay sa sahig at basang-basa ito ng alak.

"Mira, ako ito si Dylan." Tawag ni Dylan sa dalaga ngunit tila ba wala na itong naririnig. Animo'y magsara ang lahat ng senses ng dalaga at ang tanging nasa isip lang nito ay p*matay o manakit.

Hindi naman magawang saktan ni Dylan si Mira dahil paniguradong iindahin ito ng dalaga kapag nahimasmasan na ito. Akmang iuunday na ni Mira ang kutsilyo kay Dylan ay bigla namang nagbukas ang pinto at isang pigura ang mabilis na pumasok doon upang mapigilan si Mira.

"Mira, that's enough!" Dumadagundong ang boses na utos ni Sebastian at biglang matigilan ang dalaga. Umiling-iling ito at pilit na ibinubukas ang mata ngunit hindi nito magawa. Nang maramdaman niya ang init ng kamay ng binata sa braso niya ay agad din niyang nabitawan ang hawak niyang kutsilyo.

"Tama na, ligtas ka na. Ligtas na si Veronica." Bulong ni Sebastian, mahigpit na niyakap niya si Mira at doon lang kumawala ang mga hiningang kanina pa niya pinipigilan. Nanlambot din ang tuhod ni Mira at tuluyan na itong bumagsak sa braso ni Sebastian.

Chương tiếp theo