webnovel

Chapter 26

"Have someone supervise her work. Give her the most time consuming job in her department. Wala akong pakialam kung ano ang ibibigay nilang trabaho, I want them to give that woman the best experience on her first job." Nakangising wika ng binata at biglang kinilabutan si Beatriz.

"I'll give your exact words to Myco." Sagot naman ni Beatriz at agaran din ang paglisan nito sa opisina. Agad din naman siyang napasandal sa kanyang upuan at napatingala sa kisame.

Mira is still as soft as ever. Napapailing na lamang siya. Mukhang kailangan na niyang bigyan ng kaunting aral ang asawa niya.

Kinahapunan ay muli nang bumalik si Mira sa kanyang opisina. Nakauwi na din kasi si Veronica dahil na sundo na ito ng kanyang pinsan.

"Come here." Utos niya kay Mira. Paglapit nito ay agad din naman niya itong hinatak at niyakap. Pinaupo niya ito sa kanyang hita at hinaplos ang malambot nitong buhok.

"Why didn't you tell me that your cousin is here?" Tanong ni Sebastian at napamulagat si Mira. Napatingin siya dito habang nakakunot ang kanyang noo.

"At kinuha pa niya ang kwentas na bigay ko sayo? Mira, why didn't you fight back. It's okay to fight back sometimes." Sambit ni Sebastian.

"Kung natatakot sa mga consequences ng gagawin mo, just always remember that I'll have your back. You don't need to be kind or courteous to everyone. They are not worth it. " Dagdag pa ng binata at napipilan ang dalaga. Nangilid ang mga luha sa kanyang mata at bahagya siyang tumango.

"Sorry Bastian, pangako babawiin ko ang kwentas kay Christy."

"Don't worry about it. I have a better plan. Do you want to get even with them?" Tanong ng binata at napailing naman si Mira.

"Gusto ko lang makuha ang mga gamit ng Mama ko."

"Then let's get them, okay." Turan naman ng binata at napatango si Mira. Yumakap ito sa leeg ni Sebastian at marahang nagpasalamat dito.

"I think having Veronica around you is good. Yes, she's noisy sometimes but tou can learn from her." Wika ni Sebastian. Napangiti naman si Mira at pinisil ang pisngi ni Sebastian.

"You do like her?"

"Hmmm. I like her as your friend." Nakangiting sagot ni Sebastian habang tumatango.

Matapos ang trabaho ay umuwi na sila sa mansyon. Nakasalubong naman agad ang dalawang matanda sa kanilang pagbabalik.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang naging tagpo ni Mira at Sebastian. Sabay silang pumunta sa opisina at muli nang tumambay si Mira sa kabilang kwarto upang hintayin si Veronica. Hindi naman ito tinutulan ni Sebastian dahil alam niyang mababagot si Mira sa araw na iyon dahil sa dami ng meetings na dadaluhan niya.

"Mira, I have a question." Biglang taning ni Veronica na siyang bumasag sa katahimikan namamayani sa kanilang dalawa.

"Ano iyon?"

"How did you met Sebastian?" Tanong nito at ikinuwento naman ni Mira ang buong pangyayari sa buhay niya bago niya makilala ang binata.

"Nakakagigil yang pamilya mo ha. Buti naman at wala ka na sa poder nila. Kung ako sayo, gagamitin ko ang yaman ni Sebastian para isampal sa mga pagmumukha nila." Gigil na wika ni Veronica nang matapos magkuwento ng kaibigan niya.

"Pareho talaga kayo ni Sebastian. Ang bilis mag-init ang mga dugo niyo. " Natatawang wika ni Mira.

"Sino naman ang hindi iinit ang dugo sa mga taong iyon. Naku Mira, hindi ka na dapat nagpapaapi sa mga iyon. Isa ka nang Saavedra, sayang naman kung hindi mo gagamitin ang titulo mo para turuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi sayo. Para saan pa na naging asawa ka ng isa sa pinakamayaman at influential na tao sa ating bansa. Aba, kung ako ang nasa lugar mo mata lang nila ang walang latay." Wika pa ni Veronica at malalim na napaisip si Mira.

"Susubukan ko. Kailangan ko din namang mabawi ang lahat ng mahalagang gamit ng mama ko."

"Isama mo ako at ako ang bahala sayo. " Presenta ni Veronica at napangiti naman si Mira. Bahagya siyang umiling at napabuntong-hininga.

"Hayaan mong ako na ang gumawa. Di ba nga sabi mo kailangan ko ding lumaban. Paano ako lalaban kung nariyan kayo sa tabi ko?" Wika pa niya at napatango si Veronica.

"May point ka, ah basta sabihan mo kami kung kelan para masamahan kita. Hindi ako mangingialam, maninigurado lang." Sambit ni Veronica at wala nang nagawa pa si Mira para baguhin ang isip nito.

Samantala, pumasok si Christy sa kompanya nang may ngiti sa kanyang labi. Ito ang magiging opisyal naa unang araw niya kaya kailangan niyang magpaimpres sa mga nakakataas sa kanya.

"Good morning. " Masayang bati niya sa mga kasama pagpasok niya sa Markwting deparment. Bawat isa doon ay may sariling mesa at computer. Manghang-mangha naman siya nang makita kung gaano kalaki ang opisinang iyon. Nasa sampong mesa ang nandoon ngunit mapapansin mong hindi iyon ganoon kasikip. High tech din ang mga makinismong naroroon, maging ang mga computers at laptop na nasa mesa ay puro high grade.

"Late ka na. Unang araw mo pa lang late ka na agad." Sermon ng isang Ginang sa kanya. Nang titigan niya ang nametag nito ay nakita niyang ito ang magiging Head Manager niya.

"Hindi naman po ako late, dumating po ako sa tamang oras. " Wika ni Christy matapos tingnan ang relo.

"Alas otso? May patakaran kami dito na dapat nandito ka na thirty minutes before your scheduled time. Kaya late ka parin. '' wika ng manager.

"Pasensiya na po, hindi po kasi ako nasabihan kahapon na may ganoong patakaran dito. "

"Hindi din naman nasabihan ang mga kasama mong baguhan pero dumating sila isang oras bago ang alas otso. Common sense ang gamitin mo. Ka-bago bago mo sa trabaho ganyan kana. Aba hindi ka magtatagal kapag ganyan ang attitude mo." Mahabang wika nito at itinuro sa kanya ang magiging table niya.

Napakunot pa ang kanyang noo nang makitang nasa pinakadulo ang kanyang table.

"Andun ang table mo, mamaya dadating si Sir Myco dito para ibigay sayo ang unang task mo. " Turan nito bago umalis sa harapan niya.

Agad din naman niyang tinungo ang kanyang bagong table at naupo roon.

"Bakit parang pinag-iinitan ako ng bruhang iyon?" Mahinang tanong niya sa kanyang sarili. Inayos niya ang gamit niya sa drawer at agad na binuksan ang kanyang cellphone para mag-text sa kaniyang mga kaibigan.

Nasa kalagitnaan siya ng magtitipa nang mabigla siya nang may kung sino ang naglapag sa kanyang table ng isang tangkas ng mga folders.

"Sort these files by year, I want these files fix before your shift ends." Wika ng isang binata. Nakasuot iyon ng makapal na salamin ngunit kapansin-pansin pa rin ang angking kaguwapuhan nito. Nang tingnan niya ang nametag nito ay doon niya nakitang ito nag tinutukoy ng Manager niya.

"Ahm Sir, napakarami naman nito, paano ko tatapusin iti?"

"That's your problem not mine. I already told you to finish these before you shift ends ." Wika ng binata sabay talikod. Wala na siyang nagawa kundi ang umpisahan nag trabaho niya.

Isa-isa niyang binuklat ang mga folders at napansin niyang hindi iyon files ng marketing department kundi ng HR department. These files were old. Pabulong siyang nagreklamo at humihiling na sana ay mapadpad dito ang kanilang guwapong CEO upang makita nito ang ginagawa niya. Nagbabaka-sakali na maawa ito sa kanya at mapagalitan ang mga taong nagpapahirap ng buhay niya.

Matindi kasi ang paniniwala niyang nagkagusto si Sebastian sa kaniya dahil na din sa atensyong iginawad nito sa kaniya kahapon.

"Akala niyo mapapatumba niyo ako ? Humanda kayo kapag naging boyfriend ko ang may-ari nito. Isa-isa ko kayong papatalsikin sa kompanyang ito." Bulong pa niya sa sarili habang maingat na sino-sort ang mga folders. Halos lagpas na sa kanyang oras ng schedule nang matapos ni Christy ang kanyang ginagawa. Ni hindi siya nakapagtanghalian dahil doon at gutom na gutom na siya nang mga oras na iyon.

"O bakit nandito ka pa. Kanina pa ang oras ng uwian ah. Napaka-unprofessional mo naman. Hindi mo kayang tapusin sa takdang oras ang ipinapagawa sa iyo."

"Ma'am tinapos ko pa kasi yung pagso-sort ng files." Nakangiting wika ni Christy.

Napatingin naman ang Manager niya sa kaniyang table at bumuntong-hininga.

"That is not a valid reason. Your task is to finish sorting it before your scheduled time. Napakabagal mo. Hindi ko iaapproved iyang overtime mo ngayon." Wika ng manager sabay talikod sa kaniya. Napakuyom naman ng palad si Christy habang nakatingin ng masama sa papalayong manager.

Padabog niyang nilisan ang floor nila at sumakay na sa elevator. Habang naglalakad na siya papalabas ng building ay nakasalubong niya sa lobby ang assistant ng may-ari.

"Hi, how's your first day? Ginabi ka yata ng uwi. " Puna nito at napangiti siya.

"Marami kasing ipinagawa sa akin ang Manager ko. Kakatapos ko lang din. "

"Tinapos mo, pwede namang ipagpabukas siguro yun."

"Ayos lang, masaya naman ako sa trabaho ko. " Kaila ni Christy at isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Beatriz.

"Ganun ba, O siya mauuna na ako at hinihintay na ako ng asawa ko." Sambit ni Beatriz at saka na naglakad papalayo dito. Napataas naman ng kilay si Christy nang malaman may asawa na ito. Mabilis niyang sinundan ito sa labas at nakita niya ang pagbaba ng isang guwapong lalaki sa sasakyan at kinuha ang gamit ni Beatriz. Napatingin pa sa kanya ang binata bago ito tuluyang bumalik sa sasakyan.

"Aba, at guwapo din pala ang asawa ng lokang assistant. Pero syempre dun tayo sa single." Sambit pa niya sa sarili bago tuluyang umalis ng building. Lingid sa kaalaman niya ay tahimik lang na nakamasid si Mira at Sebastian sa kanyang paglayo.

"You can do whatever you want with her. Nasabihan ko na ang lahat ng empleyado na bigyan siya ng 'magandang at di malilimutang experience' dito sa kompanya. " Wika pa ng binata at napatango naman si Mira.

Chương tiếp theo