webnovel

Chapter 14

Matapos mapirmahan ang mga dokumentong kailangan nila ay kinausap naman ni Sebastian ang doktor na tumingin kay Mira upang kumpirmahin na okay lang ito. Nang makasigurado na siya na wala nang problema ay agad na din nilang nilisan ang hospital matapos magpasalamat at magpaalam kay Gunther.

"I should be the one to thank you. You save my life. Here, take this. This is just a little gift from me." Wika ni Gunther sabay abot ng black card sa dalaga.

"Don't hesitate to use it." Nakangiting wika ni Gunther at tumango naman si Mira.

"Salamat." Sagot lang ni Mira at bigla na siyang hinatak papalayo ni Sebastian. Nakasimangot ito at madilim ang mukha nang makasakay na sila sa kotse nito.

"Nagseselos ka ba?" Tanong niya at lalaong napakunot ng noo ang binata.

"What do you think, Mrs. Saavedra?" Tanong ng binata sa malalim nitong boses.

"I think, Oo. Hindi mo naman kailangan magselos. Parang kapatid lang ang tingin ko kay Gunther. Hindi ko naman balak gamitin ang bigay niya. Ibabalik ko ito sa ibang pagkakataon." Sagot ni Mira at napangiti ang binata. Natuwa ito sa narinig na sagot ni Mira kaya naman naging maganda na ulit ang mood nito.

"No, use it. Sayang naman." Masayang wika nito na ikinatawa ni Mira. Isinilid na niya sa bag ng binata ang card at sumandal sa sasakyan. Kahit pa nakapagpahinga na siya sa hospital ay ramdam pa din niya ang pagod dahil sa paggamit niya ng kakayahan niya kanina.

"You can rest for a while. Gigisingin na lamang kita pagdating sa bahay. " Wika ni Sebastian at mahinang tumango si Mira. Hindi na siya nakasagot dahil sa sobrang antok na kanyang nararamdaman.

Ilang sandali pa ay nakatulog na nga si Mira. Pinahiga naman ito ng binata sa kanyang mga binti upang kahit papaano ay maging komportable ito. Pagdating sa mansyon ay marahan niyang binuhat ang dalaga patungo sa kanilang kwarto.

Matapos maiayos ang dalaga sa kaniyang higaan ay kinumutan na muna niya ito bago nilisan ang lugar at tinungo ang kanyang study room.

"Sir, tumawag si Mr. Harris kanina. Pinapauwi ka niya sa mansiyon." Wika ni Nana Lorna nang makasalubong niya ito sa labas ng kwarto.

"Let him be. I won't go back." Sagot ni Sebastian bago pumasok sa study room. Napabuntong hininga naman si Lorna at bumaba na ng hagdan.

Halos hatinggabi na nang magising si Mira. Pagmulat ng kanyang mata ay nasa kwarto na siya ng binata. Tumatahip ang kanyang dibdib sa kaba at napapakunot naman ang noo niya. Inilibot niya ang paningin at hindi niya nakita si Sebastian kaya naman dali-dali siyang bumangon at hinanap ito. Marahil ay nasa study room ito at nagtatrabaho pa rin.

Sa kanyang paglalakad ay may naririnig siyang tila nagbubulungan. Hindi niya mawari kung saan galing iyon ngunit malakas ang kutob niyang hindi iyon galing sa mga tauhan ng binata. Sa tagal na niyang naninirahan dito ay kilala na niya ang halos lahat ng tauhan ni Sebastian, maging ang mga boses at tunog ng mga yabag ng mga ito.

Maingat siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang study room ng binata. Sa pagbukas niya ng pintuan ay siyang pagrinig din niya ng pagbukas ng bintana sa kanilang kwarto. Dali-dali siyang pumasok sa study room at nakita niya si Sebastian na abala sa computer nito.

Mabilis niya itong nilapitan at agad na pinatahimik nang akmang magsasalita ito.

"Sebastian, may tao sa bahay. Hindi ko alam kung sino pero hindi sila mabubuting tao. " Tahimik niyang bulong sa binata. Naalarma naman si Sebastian dahil hindi niya akalaing magpapadala agad ng assassin ang kanyang madrasta gayong hindi pa man din natatapos ang isang araw. Binuksan niya ang drawer at hinugot doon ang isang itim na baril at nilagyan ng bala.

"Dito ka lang Mira."

"Pwede bang tumawag ka na lang ng pulis Sebastian? Baka mapahamak ka." Nag-aalalang wika ni Mira. Napangiti naman si Sebastian at kinintalan ng halik sa labi ang dalaga.

"Mag-iingat ako, pangako." Sambit niya at wala nang nagawa si Mira kundi ang hayaan ito. Nang makalabas na ng kwarto ang binata ay agad naman niyang kinuha ang cellphone nito upang tawagan si Gunther.

"Gunther, ikaw ba ito?"

"No, this is Mikaella, who are you?"

"Mikaella, si Mira ito. Kailangan ko ng tulong. May masasamang tao sa bahay ni Sebastian. Baka mapahamak siya." Wika ni Mira at bigla siyang napasigaw nang makarinig siya ng putok ng baril. Sunod-sunod na putok iyon kaya nabitawan na niya ang cellphone at patakbong lumabas ng kwarto upang hanapin si Sebastian.

Kasalukuyang nasa sala ito ay nakikipagbuno sa dalawang lalaki. May tatlong lalaki nang nakahandusay sa sahig at puro may mga tama ng bala sa kani-kanilang mga paa at kamay.

Nang mapansin niya ang isang lalaking naglabas ng patalim at akmang sasaksakin si Sebastian ay patakbo niya itong nilapitan at itinulak papalayo. She felt the blades came across her wrist at umagos doon ang mapupula niyang dugo na lubha naman ikinabahala ni Sebastian.

"Mira, why are you here?" Galit na tanong mg binata. Sa halip na buhayin ang kalaban ay minabuti na niyang patayin ang mga ito. Mabilis niyang binali ang leeg ng kanyang katunggali at dinampot ang baril sa sahig at ipinaputok iyon sa ulo nang lalaking nagtangkang sumaksak sa kanya.

"Sebastian, may naririnig akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan ako." Sa pagwikang iyon ni Mira ay nagimbal sila sa isang malakas na pagsabog na nanggaling sa itaas ng mansiyon. Mabilis na niyakap ni Sebastian si Mira at patakbo silang lumabas ng bahay.

Saktong paglabas nila ay muling silang nakarinig ng sunod-sunod na pagsabog at kitang-kita ni Mira ang unti-unting pagkatupok ng bahay na nakasanayan na niya.

"Mira, are you alright?" Tanong ni Sebastian habang tinatalian ang sugat nito sa kamay.

"Ayos lang ako, pero ang bahay mo Sebastian." Napapaiyak nang wika ni Mira.

"Bahay lang iyan, ang mahalaga walang namatay sa atin. Mabuti na lamang at pinauwi ko nang maaga sila Nana Lorna at tayo lang ang tao ngayon dito." Sagot ni Sebastian habang niyayakap si Mira upang kahit papaano ay kumalma na ito.

Nasa ganoong posisyon sila nang dumating si Gunther kasama si Mikaella. Gulat na gulat ang mga ito nang makita ang sitwasyon ng bahay ni Sebastian.

"Gunther, bakit kayo nandito?" Gulat na tanong ni Sebastian?

"Mamaya na tayo mag-usap, sumakay na kayo. Tauhan ko na ang bahala dito." Wika ni Gunther at mabilis na niyang inakay si Mira patungo sa sasakyan ni Gunther.

"May sugat si Mira?" Takang tanong ni Mikaella nang makita ang telang nakatali sa kamay ng dalaga.

"Walang anuman ito. Salamat sa pagdating niyo Mikaella."

"Mabuti at tumawag ka sa amin. Doon na muna kayo sa bahay namin, pansamantala." Anunsyo ni Mikaella at hindi naman tumutol si Sebastian. Marami din kasi siyang aasikasuhin at nais niyang iwan si Mira pansamantala sa lugar na alam niyang magiging ligtas ito. Nasa isang military compound kasi ang mansiyon ng mga Von Kreist at isa ito sa pinakasafe na lugar sa kanilang lugar.

Pagdating nila sa mansiyon ng mga Von Kreist ay agad na silang pumasok doon. Tahimik lang si Mira habang paulit-ulit na iniisip ang mga pangyayari. Kung hindi siya nagising nang mga oras na iyon, kung hindi niya naramdaman ang mga tunog na iyon. Kung wala ang kanyang kakayahan ay paniguradong n*matay na sila ni Sebastian sa bahay nito.

Napapitlag na lamang siya nang suotan siya ng binata ng tsinelas.

"Sorry, natakot ka ba?" Tanong ng binata. Yumakap naman agad si Mira sa leeg nito at umiling. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang posibilidad na maaring p*tay na sila ngayon kung hindi dahil sa kakayahan niya.

Dati-rati ay isang sumpa ang tingin niya sa kakayahan niyang ito ngunit ngayon, napag-isip isip niya na napakalaki nang nagiging tulong nito sa kanila.

"Mira, Thank you. You save our lives again. Kung hindi dahil sayo, marahil wala na tayo ngayon dito."

"Uminom muna kayo ng mainit na tsaa para mainitan ang inyong sikmura." Alok ni Mikaella at nakita nila ang isang matandang lalaki na pababa ng hagdan. Kulay abo na ang buhok nito na may halong puti dahil sa katandaan ngunit mababakas mo pa rin ang kakisigan nito.

"Sebastian, long time no see hijo." Bati ng matanda at magiliw na nakipagkamay sa binata.

"Grandpa Gran, yes long time no see. Masyado akong naging busy simula nang makabalik ako dito. Hindi na ako nakadalaw sa inyo." Wika ng binata at marahang pinatayo si Mira at iniharap sa matanda.

"Grandpa, this is Mira, my wife." Pakilala nito sa dalaga na ikinabigla naman ng matanda.

"Your wife? Napakabilis naman yata hijo? Alam na ba ito ng abuelo mo?" Tanong ng matanda.

"Hindi pa po. Let's just say, ikaw ang unang nakaalam. " Wika ng matanda at natawa naman ito. "Mira, this is Grandpa Grandell."

"Hello po." Bati ni Mira at nagmano dito. Napangiti naman ang matanda sa ginawa ni Mira at marahang hinimas ang ulo nito.

"What an adorable girl. Sebastian, you can still use your room here, dalhin mo na doon si Mira at nang makapagpahinga na kayo." Wika ng matanda na kaagad din namang sinunod ni Sebastian. Nang makaalis na sila ay nagkatinginan naman si Mikaella at ang matanda.

"She does resemble Allena in a way." Malungkot na wika ng matanda at napatango lang din si Mikaella bilang pagsang-ayon dito.

"Tama ka Grandpa. Pero kailangan pa rin nating makasigurado. Pero hindi ko akalaing mag-asawa na sila ni Sebastian."

"It doesn't matter, Sebastian's Grandpa is a friend of mine. Ang problema lamang ay ang Daddy ni Sebastian. Siguradong wala itong alam sa status ngayon ng anak niya. Alam naman natin kung ano ang habol nito sa binata." Wika ng matanda at natahimik na lamang si Mikaella.

Chương tiếp theo