webnovel

Chapter 10

Matapos maisaayos ang lahat ay naghanda naman si Mira para sa magiging unang pasok niya. Huli na siya sa pasukan at ayon pa kay Sebastian ay marami-rami siyang dapat habulin. Hindi naman nag-aalala si Mira dahil alam niyang kakayanin niya iyon.

"Ready ka na ba sa unang araw mo bukas?" Tanong ni Sebastian. Kasalukuyan silang nasa study room at binubuksan niya ang mga pinamili nitong gamit para sa kanya. Para siyang bata noon, na pinasalubungan ng kanyang parents dahil sa dami ng pinamili ng binata. Hindi niya alam kung siya ba ang excited o si Sebastian.

Nakatawa siyang tumingin dito at napakunot naman ang noo ng binata.

"Why are you looking at me like I'm the biggest joke in your eyes?" Tanong nito na ikinatawa naman ng dalaga.

"Ang dami ng pinamili mo, hindi ko alam na mas excited ka pa pala sa unang araw kos a school." Biro ni Mira at napakamot lang sa ulo ang binata.

"Baka isipin ng mga estudyante doon na isa akong mistress." Sambit pa niya at umupo sa tabi niya si Sebastian.

"You will never be my mistress. Legal wife pwede pa. Ano sa tingin mo? Should I call my lawyer?" Seryosong tanong ng binata at natawa lang naman si Mira. Nasasanay na rin siya sa mga biro nitong tila ba totoo. Tinanggap na rin niya ang panliligaw nito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang binibitawang sagot dito.

Nais muna niyang mas lalo pa nilang makilala ang isa't-isa at ayaw niyang madaliin ang lahat. Napakabuti ni Sebastian at lahat ay ginagawa nito para sa kanya. Marahil ay naguguluhan lang ito sa kaibahan ng totoong pag-ibig o sa kagustuhan nitong makabawi sa pagliligtas niya sa buhay nito.

"Si Ignacio ang magiging tagahatid at sundo mo sa school. Nakausap ko na ang dean at siya na din bukas ang bahala na dalhin ka sa klase mo." Wika naman ng binata.

"Okay, promise hindi ka mapapahiya sa akin. Matalino yata ako." Masayang wika ni Mira. Napangiti naman si Sebastian dahil iyon lamg din ang unang pagkakataon na nagyabang sa kanya ang dalaga.

Kinabukasan , maaga pa lamang ay nasa kusina na si Mira, naghahanda na siya para sa baon nilang dalawa ni Sebastian. Iyon kasi ang kanilang napagkasunduan. Lubos naman iyong ikinatuwa ni Mira dahil gustong-gusto niya ang pagluluto. Narerelax kasi ang utak niya at nakakapag-isip siya nang maayos habang abala sa pagluluto. Simpleng adobo lang naman ang inihanda niya para sa ulam nila at naggisa lang siya ng gulay sa butter for their side dish. Matapos maluto ay inilagay na niya ito sa bento box na binili pa nila sa mall. Nakakatuwa ang bento box na iyon dahil may sarili na itong heating system. Isasaksak mo lang at kusa nang iinitin nito ang pagkain mo sa loob.

Isa pa sa mas nakakatuwa magkapares ang bento box na iyon. Isang itim at isang kulay puti. The black one will be Sebastian's and the white one will be hers.

Matapos maihanda ang baon ay bumalik na siya sa kwarto niya para maligo at magbihis. Saktong alas sais nang bumaba si Sebastian para magkape. Nakita niya sa counter ang dalawang bento box at napangiti siya. Hindi na muna niya ito ginalaw at tinungo na ang coffee maker para magtimpla ng kape.

Halos nakalahati na niya ang kanyang kape nang makababa si Mira. Suot-suot nito ang isang kulay rosas na bestida na hindi naman gaanong hapit na hapit sa katawan nito. She looks cute wearing a onepiece simple dress. Hindi iyon katulad ng ibang magagarang bestida na nakikita niya sa mga estudyante ngayon. Mira looks refreshing that way.

"Mukhang maaga ka ngayon ah."

"Maaga akong nagising para magluto ng baon natin mamaya. Naihanda ko na din ang para sayo. Hindi maganda sa katawan ang laging kumakain ng fast food." Wika niya na ikinatawa ng binata.

"Mira, I don't eat fast food. But since you are cooking for me, I would gladly have it later. Thank you." Nakangiting wika nito at napakamot sa ulo si Mira. Nawala sa isip niya na hindi pala ordinaryong tao si Sebastian. Lahat ng pagkain nito ay gawa ng mga chef. Walang binatbat ang adobo niya sa mga steak na kinakain nito.

"Sebastian, sabihin mo sa akin kung hindi mo nagustuhan ang luto ko ha. " Wika niya at muking natawa ang binata. Ito ang senaryokg naabutan ni Lorna pagdating niya sa mansiyon. Natuwa naman ito nang marinig ang malakas na tawa ng kanyang alaga.

Buhat nang mamatay ang nanay ni Sebastian ay hindi na niya narinig ang tawa ng binata. Ilang taon na ba ang huling tawa nito? Pero simula nang tumira sa mansyon si Mira, panaka-naka na niyang nakikitang nakangiti si Sebastian at ngayon nga ay naririnig na niya itong tumawa. Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Sa isip-isip pa ng Ginang. Siguradong matutuwa ang Don sa pagbabago ni Sebastian.

Saktong alas syete naman nang magpaalam si Mira kay Sebastian na aalis na.

"Ang cellphone mo, lagi mong dadalhin para makontak kita. "Paalala pa ni Sebastian bago umalis ang sasakyan nila. Huminga ng malalim si Mira para maibsan ang kabang kanyang nararamdaman. Kahit papaano ay nasasabik na rin siyang makapag-aral muli. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon, isa-isang natutupad ang kaniyang mga pinapangarap noon paman. Dati rati ay inggit na inggit siya sa mga batang nakakapag-aral ng kursong gusto nila at heto siya ngayon, patungo na sa pangarap niyang paaralan.

Pagdating sa school ay agad siyang tumungo sa dean's office kung saan siya unang dinala ni Sebastian. Naghihintay na roon ang matandang Dean at nakangiting sumalubong sa kanya.

"Mabuti naman at maaga ka Ms Torres. Halika na at ipapakilala na kita sa adviser mo. " Wika pa nito. Culinary Arts ang kursong kinuha niya, dahil na din sa pagkahilig niyang magluto ay iyon ang naisipan niyang kunin. At isa pa mas convenient iyon dahil marami siyang matututunan na maari niyang mailuto para kay Sebastian.

Tumango siya at agad din namang sumunod sa Dean. Pumasok sila sa isang opisina at doon bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng kulay itim na chef jacket.

"Mr. Vonkreist, narito na ang sinasabi ko sayong bagong estudyante mo." Wika ng Dean at kumunot ang noo niya dahil parang pamilyar sa kanya ang apelyidong iyon. Hindi lang niya matandaan kung saan niya ito narinig.

"You can call me Chef Matt, let's go. Dean, ako na ang bahala sa kanya." Wika nito sa baritonong boses. Sa tingin niya ay bata pa itong kanyang teacher at mukhang mayaman din.

"What's your name?" Tanong nito habang naglalakad sila sa corrigdor.

"Mira Bella Torres Sir." Sagot niya habang yakap-yakap ang kaniyang bag.

"Mmm. Mira, what a pretty name. It suits you, by the way I will be your major teacher as well as your adviser, dahil sa late ka na sa unang klase ay paniguradong mahihirapan ka but I'm expecting for you to catch up. Bibigyan kita ng mga previous lessons natin para mapag-aralan mo sa bahay. Then I'll talk to your other subject teacher to do that also. Kakayanin mo ba?" Tanong nito matapos ang mahaba nitong litanya. Ikinatuwa naman ni Mira ang offer nito dahil hindi na niya kailangan pang kausapin ang mga subject teacher niya regarding sa mga lessons na hindi niya inabutan.

"Opo Sir, kakayanin po." Masayang sagot ni Mira at napangiti naman si Matt.

"That's the spirit. By the way, sa klase natin mas marami ang lalaki kesa sa babae. I think there were only six of you in my class. So I hope you will go along with them." Wika pa nito at tumango lang si Mira.

Nang marating nila ang magiging classroom niya ay doon bumungad sa kanya ang isang malawak na silid. Nahahati ito sa dalawang parte, yung isang kwarto ang isang lecture room habang ang kabila naman ang siyang magiging laboratory room nila kung saan sila mag -aactual cooking. Kukay puti rin ang tiles maging ang dingding at kisame ng buong silid.

"Good morning class." Bati ni Matt sa mga estudyanteng naroroon na agad din naman tinugon ng mga ito.

"I will be introducing to you your new classmate. At dahil bago siya I hope na kayo ang mag guide sa kanya para makahabol sa ating klase. This is Mira Bella Torres and boys don't act like a gangster around her, okay." Wika pa ni Chef Matt na ikinatawa naman ng buong klase. Isa- isa namang nagpakilala sa kanya ang mga ito. Ang buong akala niya ay marami sila pero sa bilang niya ay nasa dalawampu lamang ang klaseng iyon kasama na ang limang babaeng tinutukoy ng kanyang instructor.

Hindi naman naging mahirap kay Mira na pakisamahan ang mga ito dahil mukhang mababait at palakaibigan naman sila lalo na ang mga girls. Nagkapanatagan agad ang kanilang mga loob at ang iilan pa nga sa mga ito ay nagpahiram sa kanya ng mga notes.

"Sorry Mira, wala kang makukuhang notes sa akin kasi tamad akong magsulat. But don't worry maaasahan mo ako sa oras ng pagkain. " Wika ni Rose na siyang pinakabibo sa lima. Si Lenie naman ang pinakatahimik sa mga ito na halos ang buong atensyon nito ay nakatuon lamang sa cellphone. Rika and Yumi were the one who lend her their notes na lubos naman niyang pinagpasalamat. And lastly si Veronica, isang matangkad na babae na halos kasing tangkad na ng mga top models na nakikita niya sa television. Magaganda ang mga ito at mukhang may mga kaya din sa buhay, lalo na itong si Veronica. Sopistikada at mukhang may class ang bawat kilos nito.

"Napakaguwapo talaga ni Chef Matt." Tila nangangarap pa nitong saad habang matamang nakatitig sa lalaki.

"Sus, tumigil ka nga sa kakapantasya mo kay Chef, balita ko may girlfriend na yan, isang anak mayaman. Wala kang binatbat dun Veron." Saway ni Yumi na umandar agad ang pagiging chismosa nito.

"Paki ko sa girlfriend niya? Kung ang asawa nga naaahas di ba?" Pabirong wika nito at nagkatawanan sila.

"Naku Mira, huwag kang maniwala dito kay Veron, takot lang niyan sa tatay niyang General. Sige magkabit-kabitan ka kung hindi ka ibitin patiwarik ng tatay mo." Biro ni Rika at muli silang nagtawanan. Malalakas din ang amats ng mga ito kaya naman tuwang-tuwa si Mira sa mga bago niyang kaibigan.

Chương tiếp theo