webnovel

CHAPTER 85

" ANG PAGSASANAY "

...

PREVIOUSLY

Nagtulungan sina Tyler at Jenna para makuha kay Magayon ang Sandatang para sakanila.

Habang sa Dalaket naman ay, nagsasanay na sina Ofelia, Alpia, Raven at Mia.

RIGHT NOW

" Mag isip tayo Ate kung papano natin matatalo ang diwatang si Magayon. " Sabi ni Tyler habang Di sya nag tagumpay sa pagpapasugod nya sa mga Ipo-ipo.

" Alam ko! Pero Alam mo naman ang kapangyarihan ko. Limitado lang.! Nararamdaman ko ding nanghihina nako sa paulit ulit na tira ni Magayon." Sabi ni Jenna.

" Ano na? Mag bubulungan nalang ba kayo?" Sigaw ni Magayon sakanilang dalawa.

Samantala ang iba pa ay nakatingin sa labanan nina Magayon.

" Walang epekto kay Magayon ang Ipo-ipo na ginawa ni Tyler. Tunay ngang napakalakas ng Diwatang magayon." Sabi ni Jake.

" Oo nga.. sana magtagumpay sila.. pero maiba tayo. Kilala mo ba ang babaeng kasama nila.." Tanong ni Charlie sabay Turo kay Kathleya.

" Yung naka benda ba? " Sabi ni Jake.

" Oo, parang may kakaiba sakanya. " Sabi ni Charlie at sumali naman sa kanilang usapan si Ian.

" Babe nagugutom kaba? " Tanong ni Ian kay Charlie.

" Hindi.. busog pako!" Sagot ni Charlie.

" Ang Sweet mo naman Bayaw! Shereeeppp!!" Tukso ni Jake.

" Aba syempre.. Ikaw kaya mawalan ng Jowa.! Tapos nag ka amnesia pa. Grabe!" Sabi ni Ian sabay Upo katabi ni Charlie.

" Teka Bayaw, May napapansin kabang kakaiba sa Babaeng kasama ng mga diwata?" Tanong ni Jake.

" Oo nga.. para sobrang ang Lakas ng kapangyarihan nyang Taglay! Sabi ni Ian.

" Malalaman natin ang Lakas nya pag nakaharap na ng isa sa atin ang babaeng yan.!" Sabi ni Theo sabay tapik sa Balikat ni Jake.

" Tama ka nga Kuya..." Sabi ni Jake.

" Wow kung maka Kuya ka... " Dagdag ni Theo.

Samantala Balik naman tayo sa Labanan nina Magayon, Jenna at Tyler.

" Ano na? Kelan nyo makukuha saakin ang Kelwa at Adjil ? Nag aantay na sila sainyo. !" Sigaw ni Magayon na Di man lang nagkasugat ang katawan. Habang sina Tyler at Jenna ay tadtad nang pasa at sugat ang kanilang katawan dahil sa mga tira ni Magayon.

" Ate may plano ako.. pero kelangan ko ng konting Tulong mo... " Sabi ni Tyler.

" Ano naman yun Tai. Baka mabalik lang saatin ni Diwatang magayon ang mga atake natin. " Sabi ni Jenna.

" Hindi this time mag tatagumpay nko.." Sabi ni Tyler.

Agad ngang isinagawa ni Tyler ang kanyang naisip na plano upang matalo ang diwata.

Tinatawagan ko ang Ipo-ipo ng Hilaga..

Kanluran.. Timog at silangan...

At nagsilabasan ang mga Malalaking Ipo-ipo sa ibat ibang dereksyon. At tila ba parang remote control ang dalawang Kamay ni Tyler dahil nakokontrol nya ito patungo sa Dereksyon ni Magayon.

" Yan nanaman ba? Di ka ba nag sasawa gamitin ang mga taktekang iyan?" Sabi ni Magayon.

" Manood ka!" Sabi ni Tyler sabay ngiti.

Habang napapalibutan si Magayon ng mga Malalaking Ipo-ipo na gawa ni Tyler Di naman nya napansin na gumamit ng Kapangyarihang maglaho si Jenna.

" Ngayon na Ate jenna..." Sigaw ni Tyler. At biglang sumulpot si Jenna sa Likuran ni Magayon.

" Pasensya na Mahal na diwata!" Sabi ni Jenna at Itinulak nya si Magayon at napunta ito sa mga Ipo-ipo. Dahil na rin sa Lakas ng Hangin sa Kinatatayuan ni Jenna ay muntikan na syang matangay mabuti nalang at Pinahinto ni Dalikmata ang Kanilang labanan.

" Tama na! Hindi tayo magkakaaway dito." Sigaw ni Dalikmata at agad namang naglaho ang Malalaking Ipo-ipo sa Paligid.

"Maayus lang ako Dalikmata.. parte ito nang pagsasanay. Kahit ganun pa man. Nanalo sila sa pagsasanay. Kahit Hindi Patas ang kanilang ginawa." Natatawang Sabi ni Magayon.

" Narito Tyler at Jenna.. sainyo na ang Kelwa at Adjil.. " Sabay abot kay Jenna at Tyler ang Mga mahihiwagang Sandata.

" Nanaig padin kay Jenna ang puso sa gitna nang labanan. At si Tyler naman ay gumamit ng Utak o Diskarte... Tunay ngang magaling na kayo!" Sabi ni Magayon 

" Maraming Salamat mahal na diwata.. Eh bakit si Ate jenna naging Hair clip. Bakit sakin parang manghuhula ako. Bakit bolang Kristal? " Reklamo ni Tyler.

" Gusto mo ba gawin nating Hairclip din yang Kelwa. Kaya ko.." Sabi ni Magayon.

" Maganda kasi yung disguise sa weapon ni ate Jenna. Hair clip. Tapos biglang lalaki magiging Malaking Boomerang. Eh sakin Bolang Kristal.. ang Saklap!" Reklamo ni Tyler.

" Akin na !" Sabi ni Magayon at kinuha nya ito kay Tyler habang si Jenna naman ay inilagay ang hair clip sa buhok nya.

" Kelwa Ipakita saamin ang iyong tunay na anyo.!" Sabi ni Magayon habang hawak nya ang Kelwa.

Sa isang sandali pa ay naging isang napakalaking pamaypay ang Bolang Kristal na hawak ni Magayon.

" Ito ang totoong Anyo ng Kelwa.. katulad ng Adjil malaki man ito pero magaan naman. " Sabi ni Magayon sabay Bigay ulit kay Tyler ang malaking pamaypay.

At nang Makuha na ito ni Tyler. Biglang Lumiit ang pamaypay at nasa ordinaryong Laki na ngayon ang pamaypay.

" Hanep ang galing naman.." Sabi ni Tyler.

" Maari mung utusan ang Kelwa na Lumaki.. at Lumiit " Sabi ni Magayon.

" Cool naman!" Sabi ni Jenna.

Samantala sa Kuta ni Sitan..

" Mga Walang Silbi! Di nyo nakuha kahit isa sa mga Sandata nang mga sinaunang mandirigma? " Galit na sabi ni Sitan.

" Eh kasi reyna Alice may kasama silang Diwata.. " Sabi ni Nica.

" Oo nga mahal na reyna.. Anong laban ng Dalawa sa isa o sa Tatlo sa isa?" Dagdag na sabi ni Diosca.

" Matagal nang sakit sa ulo ang mga diwata na yan. Nasakop na natin minsan ang kanilang lungga. Pero nakatakas padin. Nagtataka ako kung papano naka takas ang mga diwata sa mga oras na yun.." Sabi ni Sitan.

" Hindi po namin alam, basta ako nagpapanggap akong Magayon sa mga oras na yun kasama ko ang Babaylang si Jenna. Kaya nga nakuha ko ang Bilro na ginagamit nya." Sabi ni Nica.

" Eh kayong Tatlo Anong ginagawa nyo sa mga oras na iyon.." tanong ni Sitan kina Diosca, Faith at Bea.

" Ako Mahal na reyna ay nagpapahinga ako sa isang silid. " Sabi ni Faith.

" Nagpapahinga ka sa oras nang labanan ? Alam mo namang Pangalawang araw na natin doon sa kanlaon. At kampante kang nagpapahinga?" Duda na sabi ni Sitan.

" Eh malay ko ba na papalpak si Nica? Bat nagdududa kayo? Tanungin nyo si Bea. Pumasok sya ng Kwarto at natulog din!" Sabi ni Faith.

" Totoo po yun mahal na reyna..isa pa Sabi ni Nica sya na ang bahala." Sabi ni Bea.

" Tama na yan.. ang Kelangan nating Gawin kung papano natin Sila matatalo kung gayung hawak na nila ang mga sinaunang sandata. Paniguradong sasali ang mga Aydendrilian at mga Sirena sa Digmaan mahal na reyna!" Sabi ni Miguel.

" Alam ko miguel naisip ko na din yan.." Sabi ni Sitan.

" Anong Gagawin natin mahal na reyna?" Tanong ni Bea.

" Kelangan pa din nating itanong sa Bilro kung papano mabubuksan ang Pintuan ng Impyerno. " Sabi ni Sitan.

" Diba mahal na reyna.. may mga demonyo na nakatakas dati noong unang labanan ninyo sa mga dating Kampon ng Liwanag ?" Sabi ni Miguel.

" Naubos sila Miguel. Mabuti na nga lang ang kalag ko ay sumama sa Oroskopyo ng Pisces. " Sabi ni Sitan.

" Kaya kelangan nating makuha muli si Tyler mahal na reyna sya ang nagtataglay ng elemento ng Pisces. " Sabi ni Miguel.

" Hindi pwde.. kelangang sang ayon ang Nilukuban ng Pisces na buksan ang Pinto ng Impyerno. " Sabi ni Sitan.

" What if buhayin natin ang Dating Tagalipon. Pero yung nilukuban lamang ng Pisces." Sabi ni Nica.

" Hindi pwde dahil hanggang ngayon ang mga Kalag ng mga yun ay nasa Sulad pa o Di kaya nasa Tahanan na ni Bathala. " Sabi ni Sitan.

" Papano kung katulad nila mahal na reyna." Sabi ni Miguel na ang tinutukoy nya katulad kina Nica, Diosca, Faith at Bea.

" Hindi pwde miguel, dapat yung Kaluluwa nya Mismo!" Sabi ni Sitan.

" Kami na ang bahala mahal na reyna.. ibigay nyo lang saamin ang pangalan ng dating Tagalipon ng Pisces hahanapin namin sa Sulad." Sabi ni Nica.

" Oo nga mahal na reyna kelangan natin ng back up sa oras na ito!" Dagdag na sabi ni Bea.

( Lagot ang diwatang Magwayen kelangan nyang malaman ito! - Sabi ni Faith sa kanyang Isipan.)

" May diwatang nag babantay doon.. baka maparusahan tayo!" Sabi ni Faith.

" Tama si Magwayen.. hayaan nyo sasama ako! Bibisatahin natin ang dati kung kaibigan." Sabi ni Sitan sabay Tawa.

Habang si Faith naman ay nababahala..

TO BE CONTINUE...

Chương tiếp theo