webnovel

CHAPTER 43

" KASAWIAN PART 2 "

Previously....

 Nalaman nina Theo, Katalina, Mia, Jenna, Ian at Alpia na isang Huwad na Ofelia ang kasama nina Jake, Tyler at Raven sa mundo ng mga tao. Habang Raven naman ay unti-unti ng napapansin ang kaibahan ng Ofelia na kanilang nakasama.

Right now.....

Sa Mundo ng Tao, sa Kabundukan.

" Kelangan na nating Magmadali, upang mailigtas natin sila sa Dalakit.." Sabi ni Ofelia.

" Sandali, Bago mo bubuksan ang Lagusan patungong Aydendril. May sisiguraduhin lang ako.." Sabi ni Raven. Inikutan ni Raven si Ofelia at tinitigan ang mga mata nito ngunit di ito makatingin sa kanya ng deretchu.

" Tyler at Jake kelangan ko ang tulong nyo..." Sabi ni Raven.

" Bakit pare ?" Tanong ni Jake.

" Dahil hindi si Gurong Ofelia ang kasama natin ngayon... Isa syang Hunyango. " Sabi ni Raven at Agad syang kumuha ng buhok sa kanyang Ulo at naging isang Latigo ito. Habang Si Jake naman ay pinagalaw ang mga Dahon sa Paligid. at pinalibutan ng mga Dahon si Ofelia.

" Dyan ka lang sa Likuran ko Ty, di pa bumabalik ang Lakas mo.. " sabi ni Jake. Habang pinoprotektahan nya si Tyler.

" Tunay ngang napakatalino mo. " Sabi ni Ofelia.

" Isang hakbang lang Hunyango ay tyak mapapaslang ka ng mga Dahong nakapalibot sayo. Nasaan si Guro Ofelia.." sabi niRaven.

" hahaha! Patay na si Ofelia. At itong mga Cryatalya ng Dalakit Isa itong Bunga ng puno sa Dalakit. " Sagot ng Hunyango.

" Ang Bunga ng puno ng Keruan. " Sabi ni Raven.

" Anong Klaseng puno yan Pare?. " Tanong ni Jake.

" Oo nga ngayon ko lang narinig ang Punong yan. " Dagdag na sabi ni Tyler.

" Ang puno ng Keruan. Ito ang ginagamit ng mga Kalahi namin. upang ang isang Taong dinukot Mula sa mundo nyo pag nakakain na ng bunga ng Keruan ay magiging Alipin at di na makakauwi sa mundo nyo. Matagal na kaming tutol ni Gurong Ofelia sa ganyang Gawain. " Salaysay Ni Raven.

" Anong gagawin mo sa Aydendril..? " Tanong ni Jake.

" Syempre itatanim ko ang bunga doon upang -- " sagot ng Hunyango.

" Upang masakop nila ang mundo ng Aydendril. " Sabi ni Raven.

" Hindi kami papayag.." Sabi ni Tyler. Agad nyang ikinumpas ang kanyang mga kamay, baghyang lumakas ang Hangin sa paligid ngunit nanghihina talaga sya.

" Hahaha. ito ba ang sinasabing Mahigpit na kalaban ni Sitan.. napakahinang nilalang!" Sabi ng Hunyango.

" Tumahimik ka.." sigaw ni Raven at agad nyang nilatigo ang Hunyango habang Si Jake naman ay Pinasalakay nya ang mga Dahon na nakapalibot sa Hunyango. At yun ang dahilan upang mapaslang ang Hunyango.

" Sandali ayus lang ba si Tyler ?" Pag aalalang sabi ni Raven.

" Oo ayus lang ako.. kelangan nating magtungo sa Aydendril. Alam ni Olivia ang gamot sa panghihina ko. " Sabi ni Tyler.

" Pero di mo pa kayang gumamit ng Salamangka Tyler... " Sabi ni Jake habang inaakay si Tyler.

" Alam nyo ginagawa nyo akong Prinsesa.. Lalaki pa din ako mga baliw. Kaya ko to!" Sabi ni Tyler.

" Oo na sandali aalalayan ka namin ni Raven. " Sabi ni Jake. At nag ilaw ang mga kamay ni Tyler sabay bigkas ng isang Dasal na itinuro ni Jenna sa kanya.

Samantala sa Mundo ng Dalakit....

" Agnes nasaan si Gurong Ofelia.. " Tanong ni Alpia.

" Wala na pinatay ko na ang ingay kasi ng matandang yun.. " Sagot ni Agnes.

" Hindi ako naniniwala sayo Agnes.. Bakit? First di ka maganda.. Second Ikaw lang naman ang pinaka-ingiterang Frog sa Dalakit. Napaka Social Climber mo kasi... " Sabi ni Mia.

" Mia.. Dati yun, Tingnan mo kung ano na ako ngayon.." - Agnes

" Walang pinagbago Mukha ka pa ding Bayawak. Hahahaha!" Pang-aasar na sabi ni Alpia.

" Grrrrrr How dare you..." Galit na sabi ni Agnes at Ikinumpas nya ang kanyang kamay. At sa isang idlap ay nagbago ang Lugar na kanilang kinatatayuan.

" Nasaan tayo.." Tanong ni Jenna.

" Ewan ko. Pero grabe ang bangayan ng mga babae. " Asar ni Ian.

" Ngayon tingnan natin ang Lakas nyo.. Nandito kayo sa Silid ng mga Repleksyon." Sabi ni Agnes.

" Mag iingat kayo dahil ---- " naputol ang sinasabi ni Alpia ng biglang may Tumulak sa kanya.

" Hello Alpia..." Sabi ng isang babae.

" Sino ka?" Sigaw ni Alpia.

" Ang dilim.. Wala akong makita..." Sabi ni Theo.

" Walang maghihiwalay, kumapit kayo saakin.." sigaw ni Jenna. Unang nahawakan ni Jenna si Ian, Mia, Katalina at ang Huli si Theo.

" Katalina, ang ilaw!" Sabi ni Jenna.

" Opo!" At agad pinaliyab ni Jenna ang kanyang mga Palad sabay nyang itinapon pa itaas ang mga Bolang Apoy. At nagliwanag ang buong Paligid.

" Nasaan si Alpia..?" Sabi ni Jenna.

" Hindi ko alam.. nasaan ba tayo ?" Tanong ni Katalina.

" Nandito tayo sa Silid ng Repleksyon... Alam ko pinagbabawalan kami ni Ofelia mag punta dito. " Sabi ni Mia. At Mula sa isang madilim na sulok. Lumabas ang Dalawang babae.

" Alpia ?" Gulat na sabi ni Theo.

" Ba-bakit dalawa ang Alpia ?" Sabi ni Katalina.

" Bitiwan moko.." palag ng totoong Alpia.

" Maligayang pagdating sa Silid ng Repleksyon... " Bati ng Babaeng kamukha ni Alpia. Habang sakal si Alpia.

" Alam ko na ito yung sinasabing Silid ni Ofelia. Kung saan ang mga Kadiliman natin ay Nabubuhay. " Sabi ni Mia. Kasabay din doon ay Lumabas pa ang mga Kamukha nina Theo, Katalina, Mia, Jenna at Ian.

" Kamusta ka Katkat!" Sabi ng Kamukha ni Katalina. Habang ang ibang Kamukha nila ay Ngumiti pero nakakapangilabot ang ngiti.

TO BE CONTINUE... 

Chương tiếp theo