webnovel

Chapter 9

RILEY POV

Bumalik ako sa wisyo ko at tinignan ang dalawang babaeng nanonood lang samen kanina.

"E-excuse me. Sambit ko sa dalawang eto at tumayo na ako upang sundan si Sir. Lucas.

Natanaw ko naman siya na lumabas sa kwartong eto at mabilis ko etong sinundan hanggang sa maabutan ko eto.

"S-sir. Hingal na tawag ko sa kanya.

Huminto naman siya at nilingon ako, tinignan lamang niya ako ng malamig na tingin.

"S-sorry po sir. Paumanhin ko dito. Hindi ko alam bakit ko kailangan mag sorry dahil lang sa hindi ko sinunod ang gusto niya ay tila galit na eto.

"Sundan mo ako. Malamig na sambit niya at nauna na etong naglakad habang ako naman at patuloy lang siyang sinusundan.

Lumiko eto sa isang hallway at huminto sa isang banyo at pumasok eto. Wala naman akong nagawa kundi sundan eto sa loob, sa pag pasok ko sa loob ay bigla niya akong hinatak at dinikit ang katawan ko sa pinto ng banyo.

"S-sir. Kinakabahang tawag ko sa kanya.

"Alam mo bang ayaw na ayaw kong sinusuway ang gusto ko. Mahinang bulong niya sa mukha ko.

Narinig kong tumunog ang lock ng pinto at palatandaan eto na nilock niya iyon.

"S-sir s-sorry po. Naiiyak na sambit ko dito. Dahil kinakabahan na ako sa ano mang pwede niyang gawin saken.

"Wala pa akong ginagawa umiiyak kana. Mahinang bulong neto saken.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako bigla.

"S-sir. Nahihirapang sambit ko dito.

Hindi siya nagpatinag at patuloy pa rin siya sa pag halik saken at maya maya lang ay bumitaw din eto.

"Sinabihan na kita diba? Malamig na sambit neto saken.

Tumango ako at nagulat ako sa ginawa niya ng bigla niya akong sabunutan ng malakas na parang matatanggal na ang anit ko sa lakas neto.

"S-sir m-masakit po. Naiiyak kong sambit sa kanya.

Pero hindi eto nagpatinag at patuloy lang siya sa pag hawak sa buhok ko.

"Gusto mo siya? Galit na tanong niya saken.

Nang tignan ko ang mata neto ay nag iba na eto at tila galit na galit.

"N-no s-sir p-please t-tama na po. Umiiyak na sambit ko dito.

"Tama na? Ngising sambit neto at nagulat ako ng maramdaman ko ang kamao niya na tumama sa sikmura ko.

Napahawak ako sa dibdib niya ng suntukin niya ang sikmura ko at tila hindi ko mahanap ang hininga ko dahil sa sakit ng pagkaka suntok niya.

"Hindi pa ako tapos. Ani niya at isang sapak na naman ang naramdaman ko sa sikmura ko na siyang dahilan para mapaupo ako.

Dumura na ako ng dugo at tanging iyak na lang ang ginagawa ko sa mga oras na iyon habang naka salampak ako sa sahig.

"Tumayo ka! Galit na sambit neto saken at hinawakan muli ang buhok ko at inangat ang mukha ko sa kanya.

Nanlalabo na ang paningin ko sa mga oras na iyon at nag hahalo na ang dugo laway at luhang lumalabas saking mata.

"S-sir t-tama na po. Umiiyak at hirap kong sambit.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at tila natauhan eto sa ginawa niya saken, binitawan niya ang buhok ko napayuko naman ako at iniinda ang sakit ng pagkaka suntok niya.

"S-sorry. Rinig kong utal na sambit niya.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang naka upo at hawak hawak ang ulo niya na tila naguguluhan eto.

"H-hindi ko s-sinasadya s-sorry. Bulong niya na parang nababaliw sa mga oras na iyon.

Kahit na hindi ako makahinga ay pinilit kong tumayo at kahit sobrang sakit ng ginawa niyang pagkaka suntok saken ay matagumpay pa rin akong naka tayo.

"H-hindi ko s-sinasadya p-patawarin m-mo a-ako. Ani ni Sir. Lucas habang hawak hawak ang ulo niya.

Tinignan ko eto at nakita kong may tumulong luha galing sa mga mata niya. Hindi ko alam pero kahit na nasaktan niya ako ay nakaramdam ako ng awa sa kanya, dahil siguro iba na ang nararamdaman ko sa kanya.

"S-sir. Hirap na tawag ko dito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang hawak hawak ko ang sikmura ko at namimilipit ako sa sakit na ginawa niya ay nilapitan ko pa rin eto.

"H-hindi ko s-sinadya. Mahinang bulong niya at paulit ulit lang niya etong sinasabi.

"S-sir. Mahinang tawag ko sa kanya at ng malapitan ko eto ay hinawakan ko ang balikat niya.

Nagulat siya sa pagkakahawak ko kaya lumayo siya saken at tinignan ako na parang natatakot.

"H-hindi a-ako. Takot na sambit niya habang naka tingin saken.

Hindi ko alam kung bakit siya nag kakaganto eh ako naman etong nakaramdam ng suntok sa kanya at hindi lang isang beses. Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon dahil para siyang baliw na naka upo sa sahig at hawak hawak ang kanyang ulo.

"S-sir a-ako po eto si R-riley. Hirap kong sambit ko sa kanya, dahil nga ramdam ko pa ang sakit ng pagkaka suntok niya saken.

Dahan dahan ko siyang nilalapitan habang hawak ko ang sikmura ko. Naka tingin lang siya saken na tila takot at may mga luhang tumatakas sa mga mata niya

"S-sir p-please calm down. Sambit ko sa kanya at ng malapitan ko siya ay dahan dahan akong umupo upang mapantayan siya.

"H-hindi a-ako. Mahinang sambit niya saken.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya.

"I-i know sir p-please calm down. Pagpapakalma ko dito.

Pinagmamasdan ko ang mukha niya at tila takot na takot pa din eto. Dahan dahan ko siyang yinakap at hindi naman eto pumalag sa ginawa ko.

"Magiging maayos din ang lahat. Mahinang bulong ko dito ng yakapin ko siya.

Maya maya lang ay naramdaman kong kumalma na siya at nakayakap pa din ako dito. Bumitaw ako ng yakap sa kanya at tinignan ang mukha niya at mukhang kalmado na nga eto.

"A-ayos ka na po ba sir? Tanong ko dito.

Ramdam ko pa rin ang sakit ng sikmura ko at ang pag ka blurd ng paningin ko pero mas mabuting hindi ko na lamang eto pansinin dahil mas kailangan ako ni sir.

"Y-yes. Paos na sagot neto saken.

Tumingin din siya sa mata ko at ang tingin niya ay matang puno ng lungkot at takot at hindi ko alam san nang gagaling iyon.

"M-mabuti naman. Ngiting sambit ko bago ako mawalan ng malay at ang tanging huling naalala ko lang ay bumagsak ako sa dibdib niya at tuluyan na ng nandilim ang paningin ko.

Chương tiếp theo