webnovel

Her Mission

KAPAPATAY LANG ni Romary sa makina ng kaniyang black Suzuki Gixxer 150 motorcycle matapos niyang maka-uwi galing sa gym, hindi kalakihan ang bahay niya at malayo ito sa mga kapitbahay. Napapalibutan ng mga puno ang tirahan ni Romary, pinili niyang tumira sa lugar kung saan malayo-layo siya sa mga tao, dahil gusto niya na tahimik lang ang paligid niya.

Hinubad na ni Romary ang helmet na suot niya bago umalis sa pagkakasakay niya sa kaniyang motor, dere-deretso nang naglakad si Romary upang makapasok na sa loob ng bahay niya at makapaglinis na ng kaniyang sarili. Pagkapasok na pagkapasok niya ay natigilan siya ng bumagsak ang tingin niya sa kaisa-isang kasama niya sa bahay niya na tutok na tutok sa laptop nito na nakapatong sa hita, at sa dalawa pang laptop na nasa center table.

Tatlong taon niya ng nakakasama sa iisang bubong ang masasabi niyang matalino, magaling, at madiskarte pagdating sa hacking at pag invade ng mga top secrets data ng intel o kahit anong may kinalaman sa computers. Ang pangalan nito ay Franco, pero sa likod ng panglalaking pangalan na 'yun ay isang magandang dalaga na blonde ang kulay ng buhok ang tunay nitong kasarian. Fraeya Yanco Beaumont ang pangalan nito, nakilala niya na itong parang lalaki kung pumorma kaya hindi nakaligtas ang pagkagulat niya ng mapagtanto niyang babae ito.

Nakilala niya ito sa dati niyang nagawang trabaho, kung saan nakatabi niya ito sa bidding ng artifact na dapat niyang makuha dahil galing sa nakaw ang mga ito, at kailangan na maibalik sa pinagkuhanan ng mga ito.

Sa mga bidders na naroon ay silang dalawa ang naglaban sa artifact kung saan isang matandang lalaki lang ang nakabili nito sa halagang parehas nilang hindi na kayang tapatan. Isang illegal collectors ang nakakuha ng parehas nilang kailangan, kaya dahil doon ay nagkasundo sila para kunin ang artifact sa hindi pormal na paraan, siya ang kumuha ng artifact habang si Fraeya ang ang nag gi-guide sa kaniya upang makapasok sa property ng matandang lalaking nakakuha ng parehas nilang pakay.

Si Romary ay hindi katulad ng mga ibang kapulisan, ginagawa niya ang alam niyang magpapadali sa trabaho niya. If she needs to kill, walang problema sa kaniya iyon lalo na at alam ng organization na pinagtatrabahuhan niya ang galawan niya sa mga trabaho niya.

Siya ang pinapadala ng organization nila pag sinabi na ng CIA na hindi nila kayang i-handle ang mga kriminal na mahirap at mailap mahuli.

Simula noon, makita nalang nina Romary na nagkasundo silang tumira sa iisang bubong kaya nagagamit ni Romary ang skills ni Fraeya sa mga trabaho niya. Hindi niya masasabi na mag-kaibigan sila, pero para kay Romary ay sapat ng may koneksyon silang dalawa.

Ibang-iba man ang ugali nila sa isa't-isa, ay alam ni Romary na may mga bagay silang napagkakasunduan, lalo na at si Fraeya ang kasama sa bahay na tahimik lang hindi pakielamera.

Naka budha seat ito sa sofa, nakasuot ng loose jacket na ang hoodie ay nakasuot sa ulunan nito. Naglakad siya palapit si Romary dito at pabagsak na umupo sa katabi nitong sofa, bahagyang sinilip ni Romary ang pinagkaka-abalahan nito sa mga laptop nito.

"I'm back."ani ni Romary dito upang ipaalam na nakabalik na siya dahil hindi man lang siya nito binabalingan ng tingin.

"I know."sagot nito na binalingan ni Romary ng kaniyang tingin.

"Don't tell me na hindi ka tumatayo sa pwesto mo na ito simula ng umalis ako para mag gym?"

"I got up to take a bath, then i sit back here."seryosong sagot nito na bahagyang ikinabuntong hininga ni Romary.

"May nahanap ka na ba ng clue, or sign for what happen four years ago in Tahanan ng Bahaghari Orphanage?" tanong ni Romary dito nang iharap nito ang laptop na nasa hita nito sa kaniya na ikinababa niya ng tingin sa screen.

May apat na mukha na nakikita si Romary sa screen ng laptop ni Fraeya, iba't-ibang mukha, at sa tingin ni Romary ay iba-ibang lahi din, na sinimulan ng ipakilala ni Fraeya mula sa unang picture mula sa kaliwa.

"Falhab Ammad, isang indian muslim sa Ahmedabad, Indian. Fang Xiu Min, a Chinese from Shenzen, China, Alami Bennani, a Moroccan from Tangier, Morocco and Florentino Capinpin, a Filipino from Quezon Province. These four has a connection to the murder of the Tahanan ng Bahaghari Orphanage, I'm still looking into their connection to the murder, if that's your next question."pahayag ni Fraeya habang pinakatititigan ni Romary ang apat na litrato ng mga lalaking maaring nasa likod ng massacre sa bahay ampunan na kinalakihan niya noon.

Alam ni Romary na mabilis kumilos si Fraeya sa paghahanap, kaya alam niyang tinatagalan nito ang pagbibigay sa kaniya ng impormasyon. Naiintindihan ni Romary 'yun dahil maliban sa free ang service niya dito ay nakakapagbigay naman ito paunti-unti ng impormasyon kanya kahit papaano ay may idea na siya.

"Please dig more information about them."ani ni Romary na inalis na ni Fraeya sa pagkakaharap sa kaniya ang laptop nito.

"I'm doing that, but I will prioritize what my master asks me to do first before you."sagot nito na bahagyang ikinangiti ni Romary.

"I know, matagal-tagal na din tayong nakatira sa iisang bahay though minsan marami kang ibang bahay na tinutulugan pag kinailangan ka ng master mo. Sa tagal din natin na magkasama kahit isang beses hindi ko pa nakilala ang master mo, pero the cold handsome man na pinuntahan ka dito one year ago, is h----"

Hindi natuloy ni Romary ang sasabihin niya ng biglang isara ni Fraeya ang laptop nito at seryosong lumingon sa kaniya.

"We have a deal about that, right Rose?" ani nito na ikinataas ng dalawang kamay ni Romary.

"Sorry, na curious lang. Anyway, may bagong trabaho ako."ani ni Romary na ibinaba ang paper bag na dala niya sa mesa sa tabi ng mga laptop nito.

Alam ni Fraeya na ang organization na kabilang si Romary ay hawak ng CIA.

"Can you check it for me?"may ngiting request ni Romary kay Fraeya na walang imik na kinuha nito ang laman ng paper bag, ang hard drive kung saan naglalaman ng kung sino o ano ang bagong trabaho ni Romary.

Nang makuha ni Fraeya ang hardrive ay agad nitong sinalpak ito sa nasa hita nitong laptop nito, alam na ni Fraeya ang gagawin nito dahil lahat ng trabaho ni Romary ay same lang kung paano binibigay sa kaniya.

Apat na taon simula ng maging secret police detective agent si Romary sa CDO, hindi man tunay na pulis ang kaniyang trabaho, pero ang mahalaga kay Romary ay malaya siyang nakakakilos, upang makahanap ng paraan upang malaman kung sino ang nasa likod ng massacre sa bahay ampunan kung saan siya lumaki.

Sumali si Romary sa Crime Detective Operation dahil sa isang lalaking lumapit sa kaniya at nakuha ang pagpayag niya dahil nabanggit nito na mahahanap niya ang mga salarin sa pagpatay sa bahay ampunan kung magiging agent siya ng mga ito.

At dahil doon ay pumayag si Romary, sa dalawang taon siyang nag train sa lugar na pinagdalhan sa kaniya. Sa lugar na 'yun nanirahan si Romary upang hasain ang sarili sa combat, sa paghawak ng baril, pana at kung ano-anong magagamit niya to protect herself, at upang makalaban siya.

At dahil malalaking trabaho ang binibigay sa kaniya ay alam ng organization na magiging mapanganib ang buhay ni Romary, kaya lahat ng trabaho niya ay undercover. Magmamamanman siya sa lugar at pag nakabuo na ng plano tsaka siya patagong kikilos kaya kahit papaano ay malaya siyang nakakakilos dahil mabilis niyang nalulusutan ang naging trabahi niya, dahil hindi siya mapaghihinalaan basta-basta. Kaya si Romary ay isa sa pinakamagaling na undercover police detective ng organization nila.

"Your next target has a name of Mr. V. A, druglord mafia don from Irish Clan, half Irish half-Filipino. A notorious one, your next target is hard to deal."sambit ni Fraeya matapos nitong makita ang laman ng hard drive na ikinasandal ni Romary sa kinauupuan niya.

"Ano itsura niya? Matanda ba?"

"No, only information but there's no face in the files." seryosong sagot ni Fraeya na ikinakunot ng noo ni Romary.

"What? So my next job is a faceless mafia drug lord?"

"I'll look into it, but for you to start your mission. I think you need to apply as a waitress in his favorite pub. The Black Manta, Mr. V own that place."ani ni Fraeya na sinara ang hawak nitong laptop.

"I'll create your fake data, resume and name this whole night. Don't touch those two of my babies and take a bath."ani pa nito bago ito umalis sa harapan niya.

"Thank you Franco!" habol na ani ni Romary na bago gawin ang sinabi ni Fraeya sa kaniya ay kinuha niya muna ang cellphone niya at hinanap ang pub na pagmamay-arii ng mission niya.

"Eh? Bakit wala kay google ang Black Manta na pub?"takang tanong ni Romary sa kniyang sarili dahil walang result na lumalabas sa hinahanap niyang pub, nang mapalingon siya kay Fraeya na sumilip muli sa kaniya.

"I forgot to tell you, Mr. V's pub was hidden and private. You can be a waitress in that pub when someone recommends you on it."

"Recommend? So paano ako makakapasok dito? Tsaka how do you know—ah forget it marami ka palang alam kahit wala sa google. Just answer my first question."ani ni Romary.

"My master can recommend you, I'll ask him."sagot ni Fraeya sa kaniya ng mawala na ulit ito sa paningin ni Romary.

"I'll looking forward to the recommendation of your master na mukhang maraming connections."may kalakasang ani ni Romary na may ngiting tumayo na siya sa pagkaka-upo niya.

"Hindi nakakapagsisisi na naging ally ko si Franco."ani ni Romary na naglakad na papunta sa kwarto niya upang makapaligo na at ihanda ang mga dapat niyang ihanda sa bago niyang mission.

And her mission is to kill Asia's second-to-the-top mafia druglord named Mr. V.

Chương tiếp theo