webnovel

TFE 4: Love, Bladespawn

Isang linggo at tatlong araw na ang nakakalipas simula noong mangyari ang hindi kapanipaniwalang insidente. Ngunit hanggang ngayo'y wala pa'ring may nakakaalam sa kung sino man ang totoong salarin sa pagpatay sa binatang kabilang mula sa section-A gold, o kung ano man ang motibo nito.

No leads were found, no evidences, and even witnesses, na wari bang kung maniniwala lang sana sa mga supernatural at paranormal ang mga pulisya't imbestigador ay talagang paniniwalaan na nilang multo nga talaga ang may gawa nito dahil sa napaka-linis na nangyaring krimen.

Ang tanging ibidensyang nagpapa-lantad na talagang tao nga ang may gawa noon ay ang isang maliit na sulat lamang na nahanap din mismo ng mga pulisya mula doon sa bulsa na suot-suot noong binata.

The letter says it all...

"There's a murderer in our midst, and they're not gonna stop until the last petal fell."

Mga katagang hindi naman kaagad na naintindihan ng mga imbistigador, ngunit isa lamang rin ang pinapa-hiwatig nito.

Na kapag may isa na siyang nakuha, ay patuloy pa itong mangyayari hangga't sila ay tuluyan nang maubos.

Ngunit ang hindi maintindihan ng iba sa kanila, ay kung sino-sino ang maaaring tinutukoy nito...

+++

{Thursday, 8:12 AM}

Pag-sapit ng umaga mula sa paaralan ng Annex University ay makikita sa buong gate ng school ang sunod-sunod na pag-pasok ng mga estudyante papunta mula sa kani-kanilang mga assigned classrooms.

Kasapi na rito ang mga estudyanteng nag-mumula sa class A section gold.

Kung titingnan ng mabuti ay madali mo lamang na makikilala ang mga estudyanteng taga 9-A Gold, dahil sa pagiging iba ng kanilang mga uniporme sa lahat.

Unlike the other students who are wearing plain white colored school uniforms, students from 9-A Gold are wearing brown.

At mahahalatang mas mamahalin ang tela nito kaysa sa ibang uniporme ng mga estudyanteng mula sa ibang section.

At iyon ay dahil kilala ang kanilang section bilang ang klase na pinapangkatan ng mga kung tawagin ng iba'y the ultimate students. Or in other words, students with the most gifted talents and abilities.

Ngunit gayo'n pa ma'y, hindi lahat ng mga estudyanteng kasapi sa 9-Gold ay mga mayayaman. Some of them were just lucky to be too smart than the others, kaya nama'y maswerte rin silang napasapi dito.

***

"Go--Good morning..."

Mahinhing bati ni Florelyn mula sa kanyang mga kaklase nang makita niyang halos lahat ng mga ito'y nasa loob na ng kanilang classroom at tanging si Ms. Zaira nalang mismo ang kanilang hinihintay.

None of the others responded to her, maliban lamang kay Theresa na nginitian iyong dalaga.

Matapos iyon ay kaagad nang naglakad mula sa kanyang upuan si Florelyn at inayos ang sarili.

Nagpapasalamat rin sa sarili't mabuti nalamang ay hindi pa siya late.

Habang wala pa ang kanilang guro, nananatili lamang na tahimik ang kanilang buong klase. Walang may gustong magsalita o gumawa ng kahit na ano mang ingay, at bawat isa'y nililibang nalamang ang kanilang sarili sa mga kung ano-anong bagay.

Kagaya ng pag-susulat, pag-guhit, pag-babasa, pag-seselfie, at pag-gamit ng kanilang mga cellphones. Some of them were even sleeping.

Hindi naman sa hindi sila magkakaibigan, talagang ayaw lang ng mga ito na mag-labas ng kahit na anong topic habang wala pa ang kanilang maestra. Maging ang mga class officers, dahil paniguradong hahantong nanaman ang lahat ng mga mapag-uusapan nila doon sa masamang nangyari isang linggo at tatlong araw na ang nakaka-lipas. And whatever happened during that day, they all want to just forget about it and move on. Let the police alone take care of the job.

Makalipas ang ilang minuto'y muli nanamang nag-bukas ang pintuan ng kanilang classroom, at mula roo'y pumasok ang isang nanamang estudyante.

It was Lalaine Navarrosa, isa rin sa mga estudyante ng section A-Gold.

The youngest of all students, only at the age of 14, and is also known as the apple of the eye.

Meron itong hawak-hawak na bagay. or rather-- maliit na hayop.

Isang sisiw na pinintahan ng kung ano mang pulang pang-kulay.

"Good morning!" Nakangiting bati ni Lalaine sa mga kaklase, ngunit kagaya noong mga nauna kanina ay kakaunti lamang ang pumansin sa kanya.

Rejielyn rolled her eyes in annoyance.

"What's so good in mornings anyway? Seriously, this repeatetive atmosphere's making me sick!" Mataray pa nitong wika, at bigla nalamang tumayo mula sa kanyang kinatatayuan upang sana'y dumeretso papalabas ng pintuan.

"Uy, san ka pupunta? Baka dumating na si ma'am!" Pag-pipigil sa kanya ni Vince Marga, ang officer ng kanilang klase.

"Don't worry, I won't take long. Pupunta lang ako sa lugar kung saan hindi ko kayo makikita," tanging iniwika lamang ni Rejielyn, putting on her earphones at pagkatapos ay tuluyan nang naglakad paalis.

Dahil dito'y napa-iling-iling nalamang ang binata.

"Anong problema no'n?" Aniya pa sa kanyang sarili.

Napa-hinga naman ng malalim ang kanyang katabing si Angelou, sabay sabi, "Hindi ka na nasanay."

Matapos iyon ay napa-taas-baba nalamang ng kanyang balikat si Lalaine at pagkatapos ay kaagad na ring dumeretso mula sa kanyang upuan, habang hinihimas-himas pa ang maliit na ulo ng kanyang alaga.

"Sisiw ba yan ng isang manok? Ba't mo naman naisipang dalhin yan dito Laine?" Takang tanong sa kanya ni Joseph Araña, one of her classmates and is known to being gay, ngunit hindi siya iyong masyadong showy kung kumilos. "Wag mong sabihing, pag-aaralin mo yan? Unfair ah! Hindi pa nga nakakatungtong ng kinder yan eh!" Pabirong sabi pa nito.

Lalaine smiled.

"Actually napulot ko lang toh kanina. Galing ako sa canteen, tapos nakita ko tong sisiw na tong mag-isa. Siguro isa toh do'n sa mga dikolor na mga sisiw na ibinibenta eh. Nakawala yata sa lalagyan kaya nakita kong palakad-lakad sa kalsada. Sinubukan kong hanapin yo'ng may-ari. Pero, hindi ko na nahanap, kaya kinopkop ko nalang!" Pag-kukwento pa ng dalaga.

"Aww! Ang cute naman niyan Laine! Are you gonna keep it?" Tanong muli ng sobrang pa-girl kung magsalitang si Angelou.

"Oo. I--I named him, Red." Tanging iniwika ng dalaga.

"So... Mag-tatayo ka na ba ng orphanage niyan?" Biglang sabat naman ng binatang si Johnrey, wearing a straight face, nguhit halatang gustong mag-crack up ng isang joke.

Ngunit bahagyang napa-tingin lamang mula sa kanya iyong iba, na wari ba'y nakokornihan ang mga ito dahil sa biglang sinabi noong binata.

"Oh bakit?" Takang tanong ng binata.

Joyce rolled her eyes. "That's the most hilarious thing I've ever heard today," aniya pa.

"What's wrong? I was just making a joke!" Ani Johnrey, bahagya namang napa-buntong hininga ng dahil dito ang kanyang katabi at pinsang si Janmil, sabay tinap pa ang kanyang balikat.

"Bro, naiintindihan naming hindi maganda ang pinag-dadaanan mo ngayon, kaya ayos lang samin," aniya.

Ngunit asar na itinabing lamang ni Johnrey ang kamay ng pinsan papaalis mula sa kanyang balikat. "Ewan ko nga sa'yo!" Anito.

"Hindi mo dapat pinulot yan," biglang singit na wika ni Rosario, habang seryosong ipinopokos lamang ang kanyang mga tingin sa binabasang libro. Children of the Corn, by Stephen King.

Dahil dito'y bahagyang napa-kunot ng kanyang noo si Lalaine at ang iba niya pang mga kaklaseng nakarinig sa kanyang sinabi.

"Uhh-- ka--kamuntikan na kasi siyang mapadpad sa may kalsada kanina eh. A--Alangan namang... pabayaan ko nalang siya," ani ng dalaga.

"What you did was a right thing, Laine," wika sa kanya ng dalagang si Angel, isang estudyanteng kilala sa pagiging relihiyoso.

"Oh god, Rosario, what is it this time?" Joyce muttered.

Dahil dito'y dahan-dahang isinara ni Rosario ang kanyang binabasang libro, at humarap mula sa labas ng bintana, habang wala pa'ring ipinapakitang kahit na anong klaseng emosyon.

"Red is the color of blood. And at most circumstances, blood signifies death," aniya. "At sa pagkaka-alam ko, ginagamit ang mga sisiw na pang-alay sa burol ng mga taong pinatay, upang sana'y maging mapayapa na ang kanilang mga kaluluwa at maka-tawid na sa susunod nilang buhay. Someone in this room was murdered, and if fate itself decides to write the next chapter, I'd say that that creature is a sign for another unfortunate thing of what's to come next. Remember, every funeral will always be followed by another."

Dahil sa sinabing iyon ng dalaga ay wari ba'y bigla nalamang na natahimik ng mga ilang minuto ang kanilang buong klase.

"Why... Why are you so creepy??" A girl named Kristine asked.

"Nagsasabi lang ako," sagot ni Rosario.

"Pe--Pero teka, a--no bang ibig mong sabihin do'n?" Tanong naman ni Sheena.

Ngumiti lamang ng nakakaloko si Rosario, sabay na dahan-dahang tumayo, covering her face with her long-black and wavy hair.

"Babalik siya," mahinang wika ng dalaga. "Babalikan niya tayo... Uubusin niya tayong lahat hanggang sa isa nalang siyang matira sa seksyon natin."

The others were creeped out of what she just said. But most of them were annoyed and pissed off.

"Ano bang gusto mong sabihin sa'min ha!? Na... Na isa sa'min ang may gawa no'n kay Darwin!?" Nicole asked furiously.

Ngunit tinawanan lang siya ni Rosario. "Ikaw nang may sabi," wika pa nito at pagkatapos ay dahan-dahang nag-lakad papalapit sa pintuan ng kanilang classroom.

Heide tried to stop her.

"Te--Teka! Rosario sa'n ka pupun--"

Ngunit hindi pa man nakakalabas ang dalaga ay muli lamang itong may sinabi sa kanila...

"Mag-iingat kayo. Dahil hindi na'tin alam kung sino ang maaari niyang isusunod. Baka ngayong araw na ito, isa ang hindi na sisikatan pa ng araw bukas."

At matapos iyon ay tuluyan na nga siyang nawala sa paningin no'ng iba.

Kinilabutan naman ang lahat dahil sa narinig nila mula kay Rosario. At halos dalawang minuto munang hindi naka-imik ang ilan sa mga ito.

"We--Weirdo!" Bulalas na wika ni Nicole.

"And now I'm wondering, papaano ba siya napasali sa section A-Gold? I--I don't think she's too smart! Wala na siyang ibang sinabi kundi puro mga creepy stuffs lang!"

Justin sighs.

"Sa tingin ko ang pagiging creepy o kakaiba niya ang main reason kung ba't napa-sali siya sa section na'tin," he says. "We're all unique in our own ways, remember?"

Nicole rolled her eyes. "And do you even call that a talent?"

"Hindi," sagot naman agad ni Justin. "Pero atleast she's still unique right? Atleast that's something."

"Pe--Pero iyong sinabi niya kanina..." Singit ni Theresa sa dalawa. "Yu--Yung ini-imply niya... Guys, sa tingin niyo ba talaga na... na kaya ng isa sa'tin ang pumatay ng kapwa kaklase?"

"Tesay! Wag mong sabihing naniniwala ka do'n?" Ani Sheena.

"H--Hindi naman sa gano'n pero..."

"Guys, stop!" Dahil sa na-mumuong tensyon ay walang ibang nagawa si Heide kundi ang kaagad na patigilin nalamang ang kanyang mga kaklase. "Please! Just stop over-thinking for once! Ang akala ko ba nagkasundo na tayo na hindi na na'tin pag-uusapan ang bagay na toh? Let the professionals do all the work. This is a murder case. At mga estudyante palang tayo, hindi mga detectives," aniya sa mga ito. Dahilan upang kaagad na matahimik nalamang ang buong klase.

Makalipas lamang ang ilang segundo ay naka-rinig sila ng isang mahinang pag-katok mula lamang din mismo sa naka-bukas na pintuan ng kanilang classroom, kaya nama'y sabay-sabay na napa-tingin mula roon ang magkakaklase.

And they saw a female student wearing a normal school uniform standing there.

At makikita dito na wari ba'y takot na takot ito habang patingin-tingin lamang mula sa buong sulok ng kanilang classroom.

"Ahmm... se--section gold? P--Pinapatawag na ka--kayo ni--Ma'am Z--Zaira... m--mag sisimula na daw po kasi a--ang class pi--picture niyo," may halong kaba sa tono ng kanyang pananalitang iniwika noong babaeng estudyante.

"Sige pupunta nalang kami," sagot sa kanya ni Mark.

"O--Okay." Iyon nalamang ang huling nasabi ng babae, at pagkatapos ay dali-dali nang nagtatakbo papaalis mula roon.

Nag-taka naman ang ilan sa kanila dahil sa inasal noong dalaga, ngunit hindi nalamang iyon pinansin ng iba sa kanila.

"Okay guys, you heard her. Maghanda na kayo't magsisimula na daw ang class picture na'tin," pag-aanunsyo ni Mark sa buong klase.

Dahil dito'y agad naman nagsi-tayuan mula sa kani-kanilang kinauupuan ang mga estudyante't inayos ang mga sarili.

Nag-make up muna ang ilan sa mga kababaihan, habang simpleng pagsusuklay lamang ng buhok naman iyong ginawa noong ibang mga lalake bago sabay-sabay na nagsilabasan na mula sa loob ng kanilang klase at nag tungo sa lugar kung saan sila kukuhanan ng litrato.

***

Sa kabilang dako nama'y makikita sa loob ng female's rest room ang kaninang nag-walk out na si Rejielyn Villablanca.

Inaayos niya na rin ang kanyang sarili't kung ano-ano na ang inilalagay mula sa kanyang mukha, habang naka-harap sa isang salamin. Tinext na rin kasi siya ng isa sa kanyang mga kaklase na magkakaroon na raw sila ng class picture at kung sakaling matapos na siya sa pag-aayos ay maaring dumeretso nalamang sa room 180.

But she couldn't help herself but to keep on whining about anything while staring at her own face with a mirror.

"I hate everyone," wika niya. "Sana pala nag-transfer nalang ako ng maaga pa."

Sabi niyang muli sa sarili habang patuloy pa rin sa pag mi-make up.

Rejielyn is known to be one of the greatest musician in Annex University. Kapag nagkakaroon ng mga patimpalak ay siya parati ang nananalo't nag-uuwi ng premyo. Kaya nama'y naturingan siya ng buong campus bilang the ultimate musician.

She can play whatever kind of music genres. Mapa-country, pop, RNB, rock, classic o metal pa man ito.

She had a great school life.

Ngunit pakiramdam niya'y parang nagbago na ang lahat simula noong mamatay ang isa sa kanyang mga kaklase.

And it's not just her. She can feel that her whole class' facing much more difficulties in life, because of that sudden tragedy. And will it ever continues? She doesn't know. But she wants it to stop.

+

Rejielyn took a deep breath, and tried smiling infront of her own reflection, keeping herself altogether.

Nang matapos na siya mula sa kanyang ginagawa ay kaagad niya na ring ipinasok mula sa loob ng kanyang purse iyong mga gamit niyang pang-make up.

Agad na siyang dumeretso mula sa pintuan ng female's rest room upang sana'y lumabas na mula roon, ngunit lubusan siyang nag-taka nang hindi niya na mabuksan iyong pinto sa kahit na ano mang pihit niya mula rito.

"What the heck?"

Muli niyang ipinihit ang door knob nito, ngunit talaga ito bumubukas.

"Hello? Uh-- may tao ba diyan? I--I'm kinda stuck here! Need help, please?" Tawag niya mula sa kabilang parte ng pintuan, nagbabaka-sakaling may makaka-rinig sa kanya mula roon.

But the only thing that answered her was silence.

"Shit! Late na 'ko sa class picture na'min!" Bulong na reklamo ng dalaga sa sarili. "Tao po! Kung may mga nakaka-rinig man sa'kin diyan, please lang tulungan niyo po ako! The door seems jammed and I can't open it from here!"

Muli niyang pag-subok na humingi ng tulong, ngunit bigo lang sya dito.

Dahil dito'y bahagyang nag-panik na ang dalaga. Nag-iisip kung papaano ba siya makaka-labas mula roon nang hindi nali-late sa kanilang class picture.

Napatingin siya doon sa may itaas na bahagi ng rest room, at may nakitang isang napaka-liit na bintana pero alam niyang hindi siya mag-kakasya dito, na kahit pusa ay hindi rin makakalabas.

Ngunit mula roon ay may isang papel ang bigla nalang na pumasok at nahulog mula sa may paanan niya.

Napa-kunot ng kanyang noo ang dalaga at pagkatapos ay dahan-dahang pinulot iyong papel. She also cried for help, muling nagbakasakaling may taong nag-tapon noon mula sa labas.

"Tulong! May tao ba diyan? I'm stuck here! P--Pwedeng paki-sabihan yo'ng mga staff na tulungan nila akong maka-labas dito? Mag-sisimula na daw kasi ang class picture namin eh! A--At ayoko sanang ma-late!" She said, but still, nobody answered.

Napa-sapo nalamang mula sa kanyang noo si Rejielyn.

"Walang bang may tutulong sa'kin!?" Bulalas ng dalaga.

Makalipas ang pitong segundo ay kaagad na napa-dapo nalamang ang kanyang mga mata doon sa papel na kasalukuyan niyang hawak-hawak sa ngayon.

She got curious, may mga nakikita siyang sulat na naka-ukit sa likurang bahagi nito, kaya nama'y kaagad niya iyong binasa.

Ngunit nag-taka lamang ang dalaga sa kanyang nabasa mula roon.

"BYE BYE!!"

"Huh?--" aniya sa kanyang sarili

At makalipas lamang ang tatlong segundo ay nagulat siya nang bigla nalamang kusang magbukas ang lahat ng mga gripo.

At napaka-lakas pa ng mga agos nito, na kaagad na nag-sanhi sa unti-unting pagbabaha ng buong rest room.

She started to panic heavily, at kaagad na napatakbo papalapit sa may pinto't kaagad iyong pinag-sisipa't sinusubukang masira. Ngunit wari ba'y nag-aaksaya lamang ng kanyang sariling lakas iyong dalaga.

"Tulong! Pakiusap! Tulungan niyo ko!"

**

Sa may classroom naman kung saan gaganaping ang kanilang class picture ay napansin ng iba na wala pa ang isa sa kanilang kaklase.

Kompleto na'rin kasi ang mga ito, maliban na nga lang sa isa.

"Teka... ba't wala pa si Rejilyn?" Takang tanong ni Mark.

"Nag-walk out siya kanina, remember?" Ani Angelou. "Pero for sure parating na rin yo'n! Tinext na na'min siya ni Jaica."

"And yet, wala pa siya rito.

--Ian! Hanapin mo nga siya baka namasyal pa. Magsisimula na ang class picture, dapat nandito na tayong lahat," wikang muli ni Mark.

Napa-kamot naman ng kanyang noo si Ian dahil sa sinabi ng binata.

"Naman oh! Sa dinami-dami ng pwedeng ma-utusan ako pa tong nakita," reklamo ng binata.

His friends Rogelio and Justin laughed.

"Ikaw ang winner ngayon tol!" Ani Rogelio.

"Oo nga naman! Congrats, kaya mo yan! Nandito lang kami sa likod mo't mag-che-cheer!" Sabi naman ni Justin.

"Uy Ian, ano? May reklamo ka?" Pag-susungit ni Mark dito.

"Wala! Sabi ko nga susunduin ko na siya!" Wala namang ibang nagawa pa si Ian kundi ang sundin nalamang ang kanyang kaklase, dahil dito'y padabog na naglakad nalamang paalis ang binata, habang patuloy pa'rin sa kakatawa iyong iba niyang mga kaklase.

Agad namang bumalik si Ian mula sa loob ng kanilang classroom, nag-babakasakaling makikita mula roon si Rejielyn, ngunit napa-hinga lamang ng malalim ang binata nang walang may nakitang ibang tao doon.

"At sa'n ba naman nag-pupunta tong babaeng toh!"

**

Habang sa may female's rest room naman ay halos nasa may bewang na ni Rejilyn ang kataasan ng tubig, ngunit patuloy pa'rin siya sa kakasigaw, hanggang ngayo'y nagbabaka-sakaling may mga mapapa-daan mula sa kinaroroonan niya't tutulong sa kanya.

Ngunit wala talagang may ibang nakaka-rinig, maliban nalamang sa patuloy na pananahimik ng buong pasilyo.

Halos manghina na ang dalaga dahil sa nararamdamang lamig.

At napapaos na rito ito sa kasisigaw, pero hanggang ngayo'y wala pa'ring may tumutulong sa kanya.

But giving up was never part of her own vocabulary.

Ayaw niyang matapos nalamang ang kanyang buhay sa ganitong paraan.

Sa puntong iyon ay napa-hinga nalamang ng malalim ang dalaga, tinipon ang kanyang natitirang boses at muling sumigaw ng napaka-lakas.

"TULONG!!"

Nag-lalakad na pabalik mula sa room 180 si Ian, upang sana'y ireport kay Mark na hindi niya nakita ang kanilang nawawalang kaklase, ngunit hindi pa man tuluyang nakakapasok sa classroom ang binata'y kaagad nalamang siyang natigilan, nang may biglang marinig na isang pamilyar na boses.

Dahilan upang kaagad na mapa-hinto mula sa kanyang pag-lalakad ang binata.

Napa-lingon ito mula sa kanyang likuran, kunot-noong sinusubukang pakinggang muli iyong narinig niya tatlong segundo lamang ang nakakalipas.

At nang muli niya itong marinig ay hindi na nag-atubili pa ang binata't agad nalamang na nakita ang sariling nag-tatatakbo na sa ngayo'y walang ka-tao-taong pasilyo. And after a few minutes ay nakita niya nalamang ang sariling naka-tayo sa may female's rest room. Napansin niya ring marami nang umaagos na tubig mula sa may pinto ng mismong CR, which was odd when he first saw it.

"Rejielyn? I--Ikaw ba yang nasa loob!?" Agarang tanong ng binata.

"Th--Thank goodness! I--Ian ikaw ba y--yan?" Asked Rejielyn, na halatang nanginginig na sa sobrang lamig.

"Oo ako nga toh!"

"Tu--tulangan mo k--ko... P--Please!--"

Halos naka-ikid nalamang ang dalaga. Abot na mula sa kanyang ulo iyong tubig, ang ikinababahala pa nito'y hindi siya marunong lumangoy.

She wanted to say something more, ngunit hindi na iyon naipag-patuloy pa ng dalaga dahil bigla nalamang siyang lumubog.

The whole room's already been flooded!

"Re--Rejielyn!? Teka! S--Stay alive!"

Nais sanang humingi ng tulong ni Ian sa iba niya pang mga kaklase, ngunit wala na siyang oras pa upang magtatakbo pabalik sa mga ito, kaya nama'y pinilit niya nalamang na makatulong sa kaklase.

Una niyang sinubukang pihitin iyong pinto ng restroom, pero hindi niya ito mabuksan. Dahil dito'y parang nag-papanik na asong naghanap nalamang ng ibang bagay na pweding pansira ng pinto iyong binata, balisa na siya at halos hindi na rin maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha.

He's known to be, the campus boy-next-door, and his own looks is what made him part of the golden section, ngunit hindi niya naman magawang magamit ang bagay na ito upang matulungan ang kanyang kaklase. In the end, he saw a fire extinguisher, still inside its protection glass, at dahil dito'y nag take na siya ng risk upang sirain ang salamin nito't kaagad na ginawang armas upang mabuksan lamang iyong napaka-concrete na pinto ng restroom.

Buong lakas niya iyong inumpog-umpog do'n sa pinto, at laking gulat niya nang umagos ang napaka-raming tubig mula roon, at kasabay rin nito ay ang pag-luwa sa kanyang kaklase.

Now, they're both soaking wet.

"Rej? Rej please tell me you're alright!"

Umubo ng tubig ang dalaga, dahilan upang maka-hinga ng malalim si Ian, knowing that his friend is alright.

"A--Ano ba kasing nangyari?" He asked.

"S--Sa tingin mo ba nag-swimming lang ako? So--Someone just tried to kill me that's for sure!!" Bahagyang naiiritang sagot ni Rejielyn.

"Tried to kill you? Teka... Anong ibig mong sabihin?"

"Ian? Rej?" Maya-maya'y parehong napa-tingin mula sa kaka-rating lang nilang kaklase sina Ian at Rejielyn.

It was Mell. Marahil ay inutusan na rin ito ni Mark na sunduin iyong dalawa.

Nag-lakad iyong binata papalapit sa kanila.

"Guys? Nandyan lang pala kayo! Ilang minuto nalang at magsisimula na ang class picture na'tin! Kanina pa namin kayo hina--" Ngunit natigilan lamang ito nang mapansing pareho nasasakluban ng tubig iyong dalawang kaklase.

"Anong nangyari? Ba't basang-basa kayo?" He asked.

Ngunit napa-irap lamang si Rejielyn, sabay na bumuntong hininga pa. At pagkatapos ay kaagad nang naglakad papaalis mula roon, leaving Ian and walking passed Mell.

Dahil dito'y takang napa-tingin nalamang si Mell mula kay Ian, wearing a questioning facial expression, ngunit nag-taas-baba lamang ng kanyang balikat si Ian.

"S--Sabi niya, may nag-tangka raw na... pu--pumatay sa kanya," anito.

"Ano!?" Gulat na tanong ni Mell, halatang hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng kaklase.

"Let's just... Let's just go. Kailangan pa na'ting ireport ang lahat ng ito sa principal's office mamaya. That door was jammed, and Rejielyn isn't in good state as of the moment. Plus, late na tayo sa class picture na'tin," tanging iniwika nalang muli ni Ian, at pagkatapos ay nag-lakad na rin paalis.

Hanggang ngayon ay hindi pa'rin maintindihan ni Mell kung ano ang nangyari.

Aalis na rin sana siya mula roon, ngunit hindi pa man nakaka-alis ang binata ay may isang bagay siyang nakita mula sa may basang sahig kung saan mismo nanggagaling iyong tubig na umaagos. Napa-kunot noo siya dahil sa pagtataka, at kasabay na agad iyong pinulot.

It was just some kind of piece of paper, with a word "bye bye!" in it.

Ngunit naka-tupi ito, at mahahalatang may natatagong sulat pa mula sa kabilang parte nito.

He flipped it and saw two words...

"Love, Bladespawn..."

+++

T o B e C o n t i n u e d....

+++

PLAYERS LIST:

1. Alexandra Sabusap

2. Angel Corritana

3. Angelou Postrero

4. Clariza Angelio

5. Daniel Daa

6. [ D E C E A S E D ]

7. Erron Mejico

8. Fatima Pagado

9. Florelyn Manadong

10. Heide Morillo

11. Ian Keech Fabi

12. Jaica Caballa

13. Janmil Daga

14. Jejelyn Basas

15. Johnrey Daga

16. John Lester Palejo

17. Joseph Araña

18. Joseph Dacatimbang

19. Joyce Anne Montaño

20. Justin Hijada

21. Juvy Ann Raagas

22. Kristine Delfin

23. Lalaine Navarrosa

24. Mark Noya

25. Mj Rabandaban

26. Mell Labita

27. Michelle Calope

28. Nelmark Pulga

29. Nicole Lepasana

30. Raynold Corritana

31. Reden Monton

32. Rejielyn Villablanca

33. Rejoy Pulga

34. Rezzie Reandino

35. Reymart Barca

36. Richard Piñeda

37. Rosario Fusio

38. Rosemarie Norriga

39. Sheena Morano

40. Theresa Maula

41. Vince Marga

42. Zyhra Badion

Alive: 41

Deceased: 01

Chương tiếp theo