webnovel

CHAPTER SEVEN

Nagising ako dahil sa tunog mula sa banyo. Mukhang mayroon nang naliligo roon. Si Ichiro, wala ito sa kanyang kama kaya tiyak na siya ang naroon sa loob. Maaga naman talaga ito palagi bumabangon saka nag eehersisyo.

Si Acxius naman ay nakadapa at tulog na tulog pa rin.

"4:00 am pa lang?" nakangiwing tanong ko sa aking sarili nang makita ang oras mula sa aming wallclock. "too early"

Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog ngunit minabuti kong bumangon na lang din. Biglang nawala ang antok ko kaya napilitan akong tumayo.

"make a coffee for me" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil bigla na lang nagsalita si Ichiro mula sa aking likuran.

Hinarap ko ito at ganon na lang ang aking gulat nang makitang topless siya. Napatulala ako nang makita ang perpektong katawan nito.

"are you done starring?" walang buhay na tanong nito na nakapagpabalik sa akin sa huwesyo. Malamig lamang itong nakatingin sa akin.

"papatayin mo ba ako sa gulat? bigla bigla ka na lang sumusulpot at tingnan mo nga yan hindi ka pa nagbibihis!" kunot noong tugon ko saka itinuro ang katawan niya. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha, pilit kong pinipigilang ngumiti baka kung ano pa ang isipin niya.

"whatever, you enjoyed starring on it anyway" tugon niya saka nagkibit balikat bago ako tinalikuran.

I rolled my eyes at saka umiling iling, ilang ulit ko pang sinampal sampal ang aking mukha dahil sa nakakahiyang pagtitig sa katawan niya para itong litrato sa aking isipan at hindi ko malimutan ang itsura. napangiwi ako.

"ito na ang kape mo" saad ko saka inilapag sa kanyang harapan ang isang tasa saka umupo sa katapat na upuan nito. "masarap yan at wala yang lason huwag ka mag-alala"

Hindi pa niya nasusuklay ang kanyang magulong buhok ngunit hindi iyon naging kabawasan sa awra niya, nakapolo ito na kulay itim at nakapantalon, amoy na amoy din ang kanyang Poison na pabango. Napakagwapo nyang tingnan, tila isang inosenteng lalaking nakaupo sa aking harapan.

Sandali pa siyang nakipagtitigan sa kape saka niya ininom. Wala syang imik, seryoso lamang siya.

"bakit parang masyadong maaga ka nagising ngayon?" nagtatakang tanong ko kasunod nang pagsimsim ko sa aking kape.

"Mmyeah, well it's because today is the day that we're goin' to meet the founder of this University maybe I'm just too excited to meet him" diretsong tugon niya na nanatiling sa kape nakatingin. "I want to memorize every angle of his fucking face, I can't wait to see him enjoying before I make him suffer"

Hindi ko maintindihan ang ibigsabihin niya sa huling linya niyang binitawan, tila mayroon syang plano na hindi nanaman namin alam.

"oo nga pala, nakalimutan kong ngayon nga pala siya darating" saad ko saka napakamot sa aking ulo. Pilit akong ngumiti nang siya ay tumingin saka naiilang na ininom ang kape.

Napakabilis lumipas ng mga araw, kahapon lang ay napag-usapan ang gagawin para sa preparasyon sa pagdating niya at ito kami ngayon sasalubungin na nga siya.

"i've something to tell you" saad niya kaya naman nagtataka akong napatingin habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"good morning!" malakas na bati ni Acxius.

Gising na pala ito. Agad siyang bumangon saka tumungo sa amin.

"what's going on here? what are you guys talking about?" agad na tanong nito. "hindi nyo ako sinasali sa mga usapan nyo ah parang hindi kaibigan" dagdag pa niya saka kami papalit palit na tiningnan.

"Ichiro ano na nga ulit yong sasabihin mo?"

"Mmm nevermind" tugon niya.

"siguro kapag umalis ako sasabihin nya na" pabirong saad ni Acxius saka hinampas ang balikat ni Ichiro. "kidding, toothbrush muna ako" saad pa niya.

Puno na ng estudyante ang aming Meeting area, siguro kanina pa sila narito. Agad na dumiretso kami sa aming mga upuan.

Naroon na sa harapan ang mga Professors at mga heads, aligaga sila sa paglalagay ng iba pang desenyo sa harap.

Hindi ko alam kung broken ba sila o ano, tanging kulay itim lamang ang kulay na makikita rito. Itim lang din naman pala ang ilalagay dito mas mabuti pa kung hindi na lang naghanda.

"Let's wait a few minutes dear students our founder is on his way" saad ng isang head sa mikropono saka bumalik sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko alam kung mayroong hinahanap si Ichiro, kanina pa ito palinga linga sa paligid.

"Okay students go back to your seats, relax and enjoy. So, good morning to all of you! Last meeting we talked about the welcome ceremony for our founder" malakas na saad ng head sa harap."Now, we are all here to welcome our beloved founder Mr. Haruki Taichi! Let's give him a warm welcome and a round of applause!" magiliw na saad ni Ms. Gemini saka nakanguting tumingin sa likuran.

Kasunod non ay ang pagbaba ng isang lalaki sa isang sasakyan mula sa Likuran. Nakapormal itong suot, inilibot niya ang kanyang paningin saka bahagyang ngumiti sa mga estudyante. Sa aking palagay ay nasa tatlumpong taong gulang na siya.

Diretso itong naglakad sa gitna kung saan nakalagay ang red carpet, nakangiti pa itong kumakaway sa bawat madadaanan niya.

Nakipagkamay pa siya sa kaniyang mga katrabaho saka kami hinarap.

He let out a heavy sigh.

"hello my dear students, it's been a long time and I am very happy to finally meet you all" saad niya. "Let me introduce my self, I am the founder of this University Haruki Taichi is my name" wala man lang pumalakpak pagkatapos niya sabihin iyon.

Seryosong nakikinig si Ichiro sa kanya ganon din si Acxius ngunit ako ay hindi sya gustong pakinggan, naboboring ako.

Puro kayabangan at kasinungalingan lang din naman ang sasabihin nyan.

"kung mayroon man kayong tanong ay itanong nyo lang at aking sasagutin" saad niya saka inilibot ang kanyang paningin.

"yes, stand up" saad niya kaya napatingin ako sa babaeng tumayo.

Shet, si Jewel. Taas noo itong tumayo. Tila hindi alintana na founder ang kaiyang kaharap.

"gusto kong malaman kung bakit mayroong pinapatay na estudyante rito at kung bakit hindi kayo gumagawa ng imbestigasiyon ukol doon!" mariing saad niya. "masasagot mo ba iyon our beloved founder?" sarkastikong tanong niya.

Hindj ko alam kung matatawa ako o kakabahan sa kaniya, baka mamaya ay kung saan pa mapunta ang usapan na iyan.

Sandaling nagkatingin ang mga Heads, Professors at maging ang Founder.

He clear his throat saka nagsalita.

"Iha, let me correct you hindi sila pinatay. They just died that's the truth and no one wants it to happen" sarkastikong tugon nito. "at mali ang iniisip ninyong lahat na walang nag iimbestiga ukol sa kasong iyan dahil ang ating heads and professors ay nag-imbestiga raw nong nakaraan at gumagawa pa rin sila ng paraan upang malaman ang dahilan ng kanilang pagkama-"

"at sino sa tingin mo ang niloloko mo?hindi na kami bata na kaya nyong utu-utuin!" inis na putol ni Jewel sa sinasabi nito. " matagal nang nagkakaroon ng patayan dito dahil sa hindi malamang dahilan, ilan pa ba ang kailangang mamatay!? alam naming hindi kayo nag-iimbestiga at imbis na alamin ninyo kung sino ang nasa likod ng lahat ay hinahayaan nyo lang! wala kayong pakealam sa mga estudyanteng nasasakupan nyo rito!"

"That's enough-"

"bakit? dahil ba tama kami? tama kami na wala nga kayong ginagawa para malaman ang totoo dahil ang totoo ay kayo ang may kasalanan kung bakit sila namatay, kayo ang pumapatay sa mga estudyante rito!" matapang na sigaw niya.

Kitang kita ang galit sa kanyang mga mata, nakakuyom din ang kaniyang mga kamao tila gustong gusto na niyang sugudin ang mga tao sa harapan.

Malakas na napatawa ang mga heads, professors at ang founder na ikinakunot ng aking noo. How can they laugh in this serious matter?

"hindi mo alam ang sinasabi mo Iha, masama ang mambintang lalo na kung wala kang ebidensya" kita sa itsura ng Founder na nagtitimpi siya pilit nya itong pinipigilan. "if i were you, aayusin ko ang ugali ko para mabuhay pa ako ng matagal" para itong babala kay Jewel.

"manahimik ka! sinisiguro kong wala nang estudyante pa ang mamamatay muli dahil aalis na kaming lahat rito!" saad ni Jewel saka tumingin sa iba pang estudyante. Sang ayon naman ang mga ito sa kanya kitang kita sa reaksyon nila. "aalis na kami at kapag nakalabas kami ay agad namin kayong ipadadakip sa mga pulis!"

"yan ay kung makakaalis pa kayo rito" mariing tugon ni Mr. Haruki.

Ano ang sinasabi niya? Anong ibig niyang sabihin? Kunot noo akong napatingin sa kanya, naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"he's insane, they're insane" mahinang usal ni Acxius saka sunod sunod na nagmura.

Walang reaksyon doon si Ichiro, nanatili siyang nakatingin sa founder.

"ayon sa kontrata na pirmado ng mga magulang ninyo, kayo ay mag-aaral dito hanggang mag kolehiyo kayo at kapag nakatapos na kayo ng kolehiyo ay dito kayo magtatrabaho sa aming Unibersidad" seryosong saad ni Mr. Haruki. "makakalabas lamang kayo kung magbabayad ang inyong magulang ng halagang dalawang bilyong piso para sa lahat ng gastos nyo rito sa loob, kaya sinasabi ko sa inyo hanggat wala kayong ganyan kalaking pera ay imposibleng makalabas pa kayo dito" dagdag pa niya.

Hindi ko alam na may ganoon pa lang kontrata rito, hindi ko na iyon binasa dahil sa haba dapat pala ay binasa muna. Sumikip ang dibdib ko matapos marinig iyon, gusto kong sisihin ang magulang ko dahil pinirmahan iyon ngunit kasalanan ko rin dahil hindi ko sinunod ang utos nilang basahin iyon bago nila pirmahan. Ang tanga ko!

Inilibot ko ang aking paningin. Kita ko kung paano mawalan ng pag-asa ang mga estudyante rito, nadismaya sila at ang ilan ay naiiyak na.

"kung ako sa inyo ay mag-aaral na lamang ako ng mabuti kaysa hintaying bawiin kayo ng magulang niyo dahil mahihirapan lamang silang humanap ng ganon kalaking halaga" nakangising saad nito saka sininyasan ang heads.

"That's all students, you can now go back to your respective dorms and rest for the whole day!" magiliw na saad ng babae sa harap.

Hindi mag sink-in sa utak ko ang mga narinig ko, tila binuhusan ako ng malamig na yelo.

"alam mo ba ang tungkol doon Ichiro?" nagtatakang tanong ni Acxius.

Napatingin ako kay Ichiro at tulad ni Acxius ay naghihintay din ako ng sagot.

Sa halip na dumiretso sa aming dormitorro ay dumiretso kami sa Cafeteria kung saan marami rin ang estudyanteng tumatambay lalo na sa ganitong oras.

"no" yon lamang ang tugon niya.

"Hindi na ako umaasang makakalabas pa ako rito, sigurado naman akong mas gusto ito ni Daddy mas gusto nyang wala ako para wala siyang sakit sa ulo. Pakiramdam ko ay sinadya nyang hindi sabihin sa akin ang tungkol dito dahil tiyak na kung alam ko ay wala ako rito ngayon" saad ni Acxius.

Pilit lamang akong ngumiti sa kanya dahil tulad nya ay hindi na rin ako umaasang makalalabas pa ako rito dahil hindi naman kami ganon kayaman, malabong makahanap ng ganoon kalaking pera si mama.

"Ichiro ikaw pwedeng pwede kang makalabas dito anytime dahil isa ang pamilyo nyo sa pinakamayaman rito sa bansa, hindi ba?" ani ni Acxius saka tiningnan ang walang ekspresyong si Ichiro. "maaari ka nang makaalis dito!"

"Mmyeah but I don't want to. I have so many unfinish business here and we need to change everything" mariing tugon niya.

"For sure the Founder will get rid of Jewel becuase of what she did, she's on danger" saad niya saka tumingin sa labas.

Oo nga pala, baka dahil sa pinagsasabi at ginawa ni Jewel ay parusahan nila siya. Dapat mayroon kaming gawin.

"what should we do? we need to help her!" kinakabahang saad ko. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya natatakot ako na baka lalo pang dumami ang estudyanteng pinapatay dito.

"yeah right we need to protect her at all cost Ichiro" pag sang ayon ni Acxius.

"you have the power Ichiro, you can do everything you wanted kaya sige na tulungan na nati-"

"you're too loud" naiiritang singhal nito. "I know what to do, we better go and find her before it's too late" dagdag pa niya saka nagpamaunang lumabas.

Nagmadali kami upang hanapin ai Jewelz dapat ay mauna kaming makita sya bago pa man sila may gawing masama sa kaniya.

"Omg, tara girls mayroon daw babaeng nasa 6th floor tatalon daw!"

"dalian ninyo!"

Mabilis na nagsitakbuhan ang mga estudyante patungo sa iisang direksyon.

"Ichiro masama ang kutob ko, sundan natin sila baka siya yong babae tara na!" nagmamadaling saad ko saka tumakbo patungo roon.

"Omg miss baka mahulog ka riyan!"

"tumawag kayo ng professor or heads dalian nyo!"

"magpapakamatay ata sya!"

saad ng mga estudyanteng naabutan namin, silang lahat ay nakatingin sa itaas takot na takot.

"si Jewel" napatakip ako sa aking bibig at gulat na tiningnan siya mula sa itaas.

"what the fuck!" mahinang saad ni Ichiro.

Nagmamadali itong tumakbo paakyat kung nasaan si Jewel kaya naman sinundan namin siya.

"Jewel... wag please halika rito bumaba ka na riya please" pagmamakaawa ko sa kanya.

Nakatayo ito roon at isang maling galaw lang niya ay siguradong mamatay sya. Umiiyak siya roon habang tinatanaw ang nasa baba.

"wala ng dahilan pa para mabuhay ako, binigyan nila ako ng dahilan para gawin ito! tanggap ko na hindi na tayo makakalabas pa rito, tanggap ko na hindi ko na ulit makikita ang mga magulang ko" garalgal ang boses niya. "ginagawa nila tayong masama at sunod sunuran sa kanila! itinatali nila tayo sa leeg upang gawin natin ang nais nila! demonyo sila! napakasama nila!" doon na tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha.

Ikinuyom niya ang kanyang kamao at umikot upang maharap kami.

"tuparin ninyo ang pangakong bibigyan ng hustisya ang bawat estudyanteng pinatay nila, pakiusap huwag nyo silang hayaan na sirain ang buhay ng bawat isa" humagulgul ito.

Nakakaawa siyang tumingin sa amin. Pakiramdam ko ay sinasaksak ang aking puso dahil sa sinasabi niya.

"P-please Jewel halika na rito" pagmamakaawa ko.

Bumibilis ang pagbuhos ng aking mga luha.

"pakiusap Hyacith, Ichiro tuparin ninyo ang pangako ninyo. Sa ngayon, kamatayan ang nais kong pahinga" pagkatapos sabihin iyon ay nagpakatihulog siya.

"Jewel!" pilit kong sigaw saka mabilis na lumapit sa puwesto nito kanina.

Mula rito sa itaas ay nakita ko siya sa ibaba, naliligo siya sa sarili niyang dugo, dilat ang mata at ang kanyang katawan ay halos naghiwa-hiwalay.

Napapikit na lamang ako at napasandal sa pader. Hindi ko kinakaya ang nangyayari ngayon, nawawalan ako ng hininga dahil dito.

Napahawal ako sa aking dibdib at ibinuhos ang aking luha sa balikat ni Ichiro na siyang yumakap sa akin.

"Shhh" usal niya saka hinaplos ang aking likuran.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak, hindi ako makapaniwalang nangyayari ito sa amin ngayon.

Tulala pa rin ako hanggang sa makabalik kami sa aming dormitoryo. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Jewel gayon din ang kaniyang itsura nang siya ay nagpaalam na at nagpakatihulog mula sa ika anim na palapag.

Ito nanaman ang mga luhang nag-uunang tumulo sa aking pisngi. Paulit ulit na lumalabas sa aking isipan ang nangyari kanina.

"kumain ka na muna para magkaroon naman ng laman yang tiyan mo" malumanay na saad ni Acxius.

Saglit ko lamang na tiningnan ang pagkain inilapag niya sa aking harapan. Pagkatapos ng nangyari ay wala akong gana pang kumain, hindi ako nakakaramdam ng gutom kundi galit ang namumutawi sa aking buong pagkatao.

Ipinapangako kong hahanapin at ibibigay ang hustisya na dapat ay matanggap nila.

---------------------

---------------------

Chương tiếp theo