Habang ang pitong summoners ay nakasuot ng mahabang balabal na kulay itim at ang kanilang mukha ay natatakloban ng itim na usok.
"Ang pitong summoners ng dark lord ay gumagala ngayong gabi? ibig sabihin ay maluwag na tinanggap ng mga evilders ang pagdating ng dark lord sa kaharian ng teruvron!"
"Tama ka tamberow! ngayong gabi ay tutungo ang mga summoners sa tarzanaria upang kunin ang singsing ng kadiliman!"
Tinignan ko ito ng mabuti at nilapitan,dahil ang akala ko ay matagal ng nakabalik sa mga diyos ang singsing ngunit nagkamali ako sa aking hinuha.
"Nawasak na ang aklat!Wala na rin ang hukbo ng teruvron!ang susi ay sinira na! Ngayon ay ang isa sa mga singsing ng mga diyos ay nasa kamay ng mga tao?ano ang ibig mong sabihin?aces?"
"Ang singsing ng kadiliman ay napunta sa tarzanaria!minabuti kong hindi iyon alam ng mga elves dahil isang malaking gulo ang mangyayari!ang maaari mong gawin tamberow ay pumunta ng tarzanaria at hanapin ang isa sa mga singsing ng mga diyos at dalhin ito sa white counsel!"
Nilisan ko ang balandor mountain ng mag isa, hating gabi na at walang gumagabay sa'kin na liwanag galing sa buwan kaya't ang dala ko lamang na lampara ang siyang aking gabay patungo sa tarzanaria.
Nilakad ko ang mahabang daan patungo sa lupain ng mga tao,tinawid ko rin ang anim na ilog at dalawang bangin na matataas.
Nang makarating ako sa labas ng kakahayohan ng balandor ay doon ako nakahinga ng maluwag.
"Sa wakas nandito ka pala kaibigan!"
Ang kabayo ko ay naiwan sa labas ng kakahayohan, ipinagbabawal ni aces tactirien ang pagpasok ng mga kabayo sa kanyang tahanan kaya't iniwan ko ito sa labas.
Sinakyan ko ang kabayong itim at pinatakbo ito ng mabilis. Naramdaman ko ang mahika ng kadiliman na unti unting tinatawag ang aking espirito.
"Sul ler mer kan!serng tor darker lor!"
Binubulong nito sa'kin habang pinatatakbo ko ang kabayo,nais niyang ibigay ko sa kanya ang singsing kung sakaling mahanap ko ito.
"Lumayas ka kampon ng kasamaan!"
Itinaas ko ang tungkod ko sa kalangitan at lumikha iyon ng napakaliwanag na mahika na siyang kumalat sa buong paligid. Ang madilim na paligid ay nabalot ng liwanag.
Bigla ring naglaho ang bulong ng kadiliman kaya't ako'y nakahinga ng maluwag.
Nang makarating ako harapan ng tarangkahan ng tarzanaria ay agad nila akong pinagbuksan. Tinungo ko ang silid ng hari upang kausapin ito tungkol sa mga gumagalang halimaw sa himpapawid.
Binalaan ko ang hari na huwag sisindihan ang mga tore sa tarzanaria,dahil sa oras na sindihan nila ito ay mabilis na mahahanap ng pitong summoners ang mga taong karapat-dapat na alay.
"Bukas ng umaga ang alis ko patungo sa randeror!magpapatadala ako ng mensahe sa punong lady qenhrin ng sulat na magpahayag ng proteksiyon ang mga hari sa mga nasasakupan nito!"
Saad ko sa hari ng tarzanaria habang nakatingin dito. Nag-aalinlangan ang hari dahil siguro iyon sa mga pansarili nitong nais.
"Alam ko kung ano ang ipinunta ko rito!ang singsing ng mga diyos,hindi mo ito mahahanap sa loob ng tarzanaria maliban kung magtutungo ka sa hallowpop!balita ko naroroon ang bagay na iyon!"
Mahusay ang hari dahil mabilis niyang nailayo ang aming pag-uusap,alam kung susunod siya sa utos ng white counsel sa oras na may maganap na digmaan!
"Ngayon din mismo ay tutungo na ako kamahalan! pero bago ang bagay na iyon,nais kong linawin sa'yo ang aking winika kanina! kailangan mong maghanda sa paparating na mawakang digmaan ng dalawang kaharian!"
Pagkatapos kong yumuko dito ay agad na akong lumabas ng palasyo at sinakyan ang aking kabayo. Madaling araw na kaya't umaga na ako darating sa hallowpop village,marahil magugulat sila sa gaya ko.
Nang papatawid na ako ng ilog ay bigla kung napansin ang pagyanig ng mga bato sa pangpang ng ilog.
Tinungo ko ang lupa at pinakinggan ang dagundong nito.
"Mga ribde mula sa sagador! patungo sila ng teruvron! marahil naghahanda na ang dark lord sa paghihiganti!"
Malayo layo pa ang aking lalakbayin patungo sa hallowpop village, nandito ako upang bawiin ang singsing ng mga diyos at ilayo ito sa nuhrim eartin.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-