webnovel

chapter 29

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG ELVES AT ANG EIGHT HEADED SERPENT NA SI CARUNER

GRAEL GEHINER:

DALAWANG libong taon na ang nakalilipas nang sakupin ng nether land ang maliliit na bayan sa nether way. Ang aking ama ay nagbuwis ng buhay para pigilan ang kasamaan ng nether land ngunit hindi nagtagal ay kanilang nasakop ang nether way.

Ngunit makalipas ang mahabang panahon nagkaroon kami ng lakas na labanan ang mga orcs mula sa nether land at nagtagumpay kaming palayasin sila sa aming lupain.

Nahahati ang nether sa dalawang panig, Ang nether land ay ang tahanan ng mga berdeng orcs habang ang nether way ay ang lupain ng mga kayumangging orcs.

"Haring grael nabalitaan ng espiya mo ang paghahanda ng mga berdeng orcs na kasalukoyang naglalakad palabas ng kanilang lupain!"

"Salamangkero uhmm! Hindi na natin dadalhin ang digmaan sa nuhrim eartin bagkos dito na natin tataposin sa nether land ang digmaang ito!"

"Magandang ideya kamahalan!"

Inihanda kona ang libu-libong mga orcs na sasalakay sa nether land. Mga barkong pandigma ay nakapwesto na patawid ng dagat patungo sa nether land.

"Ayos ka lang ba salamangkero?"

"Ang diyosa ng white counsel! Nasa pelegro siya!!! Babalik ako bago magbukang liwayway!"

"Mag-iingat ka kaibigan!"

"Grael! sasamahan ka ni staider burin high ang hari ng tarzanaria! Kailangan ko ng umalis!"

Ang salamangkero ay sumakay sa puting tigre at nilisan ang pangpang ng dagat. Babalik siya ng nuhrim eartin upang alamin kung ano ang nangyayari sa white counsel.

"Haring staider! Narinig mo na ba ang alamat tungkol kay caruner?"

"Oo!matagal na akong pabalik balik sa nether way kaya't makailang beses ko ng narinig ang tungkol sa kanya!"

Nagkwentohan kami habang naglalakbay patawid ng dagat, mabagal ang takbo ng barko kaya't kinailangan naming pumasok sa loob at mag k'wentohan.

Si caruner ang maalamat na halimaw ng dagat, alamat na nabuhuhay lamang kung pag-uusapan.

Ayon sa alamat si caruner ay ang eight headed serpent na namumuhay sa lahat ng dagat sa buong nuhrim eartin.

Ang mapanira nitong mga ngipin ang siyang naging dahilan para labanan siya ng mga diyos, ayon pa sa alamat ang eight headed serpent na ito ay mahirap matalo dahil sa walo nitong ulo na bumubuga ng apoy.

Ang apat na diyos na bumaba mula sa zarapa ay kanilang nilabanan si caruner hanggang sa matalo ito. Hindi nila pinatay ang maalamat na eight headed serpent ngunit siya'y isinumpa ng mga diyos na mananatili lamang ang katawan nito sa tubig at hindi makakaapak sa lupa.

Ang pagkatalo ni caruner ay ang naging dahilan upang siya'y pagtabuyan pa ng ibang mga sea creatures at ibang mga nilalang na kauri nito. Pinaslang nya lahat ng mga kauri nya sa ilalim ng dagat dahil iyon sa galit at pagkabigo.

Kinabukasan naguntangan na lamang ang mga tao sa nuhrim eartin dahil sa mga naglungang bangkay ng mga halimaw sa dagat.

Chương tiếp theo