Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay isang malaking ahas na kulay asul ang humarang dito, nagniningas sa apoy ang ulo nito habang ang buntot nito'y napapaligiran ng mga bungo ng tao.
Nanlilisik ang mga mata ng ahas marahil gutom ito at nais nyang kainin si tamberow laurhim.
"Ang oriyen ang maalamat at sinasabing bantay ng itim na lupain! Totoo nga ang tungkol sa'yo!"
"Oo totoo! Kaya humanda ka dahil kalapastanganan ang pagpasok mo sa lupain ni lord teraiziter!"
Sinungaban ng ahas ang matandang salamangkero gamit ang buntot nito at sunud-sunod na nagbuga ng apoy ang ahas ngunit ang salamangkero ay mabilis na naglaho kasama ang kanyang kabayo.
"Nasaan ka salamangkero! Magpakita ka!"
Hindi namalayan ng ahas ang malaking ugat ng kahoy na kumapit sa katawan nito dahilan upang maipit ito at hindi na makawala.
Ngunit nagawa pang bugahan ng ahas ang salamangkero gamit ang apoy ngunit ginamitan ng salamangkero ng mahika ang apoy.
Ang apoy ay unti unting naging buhangin, noong nagkaroon ng pagkakataon si tamberow laurhim sinugod nya ang ahas gamit ang buhangin. Nagkaroon ng malaking buhawi sa harapan ng ahas at tumama ang buhawing iyon sa katawan nito,
Hindi pa rin natinag ang ahas bagkos patuloy pa rin ito sa pagbuga ng apoy.
Nagkaroon ng mga kamay ang ahas at sinungaban muli nito si tamberow laurhim at sunud-sunod na naglabas ng apoy mula sa bibig.
"Maglaho kana bantay ng kadiliman! Ikaw ay hindi nababagay sa mundong ito! Ikaw ay dapat na mamatay!!!!!!!"
Ang kalangitan ay nagdilim at ang paligid ay nabalot ng ulap, ang malawak na desyerto ay naging tubig.
Mula sa ilalim ng lupa kung saan nakatayo ang ahas ay mayroong mga maliliit na kamay ang lumabas.
"Ang mga kaluluwa ng kadiliman!"
Hinawakan ng mga kamay na iyon ang katawan ng ahas, dinudukot nila ito pailalim ng lupa hanggang sa hindi na nakita ang ahas
Nilamon ng lupa ang higanting ahas hanggang sa hindi na ito makita.
"Masyado na akong nagtagal dito!"
Napansin ni tamberow laurhim na mayroong mga nagliliparang dragon pabalik sa teruvron, maraming mga dragon ang nagtungo sa itim na kaharian. Nagulat si tamberow laurhim nang makita nya ang libu-libong mga evilders na naglalakad pabalik sa teruvron kasama si haring thron.
"Natalo ang digmaan sa tarzanaria! Hindi maaari!" Saad nito sa kanyang sarili habang pinapanood ang pagdating ng mga halimaw papasok sa itim na kaharian.
Lingid sa kaalaman ng lahat nakuha na ni haring thron ang itim na aklat kung saan naroroon sa aklat na iyon ang mga orasyon na kayang bumuhay ng patay.
"Nararamdaman ko! Nasa kanya na ito!"
Naramdaman ni tamberow laurhim ang kapangyarihan ng itim na aklat na hawak ni haring thron, labis siyang nag aalala sa mga nilikha ni bathala. Dahil sa muling pagbabalik ni lord teraiziter muli ring magkakaroon ng kadiliman sa mga puso ng bawat nilalang sa nuhrim eartin.
Walang awa si lord teraiziter dejirin sa mga nilalang sa nuhrim eartin, wala siyang kinatatakutang diyos kahit na si bathala ay kaya nyang labanan sa oras na mabuhay ito at makabalik sa kanyang mga palad ang itim na aklat.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-