webnovel

Chapter 44: Sana

Ang haba ng pisi ng pagtitimpi ko ay may hangganan din.

"Walang delikadesa!.." salitang hindi ko malunok-lunok.

Pumikit nalang ako. Hinayaan ang luhang maglandas sa mga pisngi ko. I want to walk away from here. Ayoko ng pakinggan pa ang mga sasabihin nila. Nadudurog na ako. Subalit naisip ko. Ano nalang ang iisipin ni Poro kapag binastos ko ang pamilya nya?. Hindi nya kailanman ginawa ang ganun kila Mama at Papa. Kahit kung anu-ano nang lumabas na salita mula sa labi ni Mama. Hinayaan nya lang yun dumaan sa kanyang tainga. Ganito pala ang pakiramdam. Ganito rin siguro ang naramdaman nya noong pinagbintangan sya ni Mama?. Ang sakit pala. Hindi man ang pride ko ang natapakan. Ang pagkatao ko naman ang hinuhusgahan. Nasaan ang delikadesang hinahanap nya?. Sa tingin nya ba, sa ginagawa nyang panghihiya sa akin ay mahahanap nya rin kaya kung saan sya maaaring magkamali?. Sa tingin ko. Hinde. Masyadong bulag ang mga mata nya sa mga bagay na hindi nya kayang tanggapin.

Kung sabagay nga naman. Mahirap ngang tanggapin ang katotohanan. Lalo na kung di ka pa ready na marinig ito.

Nakita kong tumayo ang isang pares ng puting sapatos at naglakad. "Mommy tama na yan.. narinig ka ni Kuya kanina. alam mo ba yun?."

"Eh.. wala akong pakialam!. Dapat ba akong matakot sa kanya?. Hinde Dave Angelo!. Sya ang dapat na matakot sakin dahil ako ang Nanay nya.." giit pa ng matanda sa anak.

"Mommy naman.. alam namin ni Kuya na ikaw ang Nanay namin.. pero kasi.. paano kung magalit si Kuya sa'yo?. Anong gagawin mo?." Wala akong narinig na sagot nito sa anak. "Kilala mo naman sya Mie.. mabait sya kapag mabait ka.. pero kapag ganito ka na.. sa isang ka-i-bi-gan nya.. ano sa tingin mo ang mararamdaman nya?."

"Magtigil ka Dave ha!. Huwag ako ang takutin mo.. umalis ka nga sa harapan ko!.."

"Hindi sa tinatakot kita Mommy.. pinapaalalahanan lang naman kita. Eh kung ayaw mong makinig sakin.. Bahala ka mamaya kay Kuya.."

"Anong-!?. Manahimik ka na ngang bata ka!. Isa ka rin.."

Tumawa ngayon ang anak sa inis ng Nanay. "Mie, diba isa lang naman po ako?. Dalawa lang kaming anak mo. Si Kuya tapos ako?. Gusto mo bang dagdagan na namin ng isang apo para maging tatlo na?."

"Anak ng–!.." tanaw ko sa gilid ng aking mata na halos madapa na ang matanda para lang habulin ng palo o sapak ang anak.

"Bwahahahhahahah!.." halos mapasinghap pa ako ng maramdaman ang hawak ni Dave Angelo sa magkabila kong balikat. "Tara na muna sa labas.." bulong nya saka ako tinulak palabas.

"Dave Angelo!.."

"Relax Mommy!. Bakasyon ang hiling ko hindi sermon. Hahaha.." sumaludo pa ito sa Nanay. Habang ang kanyang Tatay ay pinili pa ring maging abala sa kusina para maghanda ng hapunan. Tinatanaw lang ang ginagawa ng kanyang mag-ina. Para bang, sanay na ito sa parang aso't pusa nilang bangayan.

Lumabas kami hanggang sa may nakaparadang sasakyan. Tinulak nya pa ako hanggang sa kabilang side kung saan tanaw ang nakasaradong gate. Pinatunog nya rin ang sasakyan bago binuksan sa may back seat. "Upo ka na muna.. malapit na si Kuya.." anya saka binuksan ang front seat at may kinuha duon. Pinatugtog nya rin ang radio duon saka ginaya ang pwesto ko. Umupo sya sa may driver's seat at humarap sa may gate. "Pasensya ka na kay Mommy.. ganun lang talaga sya pagdating sa mga babaeng kasama namin ni Kuya.." he started off.

Inayos ko ang sarili ko't di sya pinansin. Nagbuga sya sa hangin at agad kong naamoy ang sigarilyo. "Matagal ka na ba dito?." tanong nya. Napaahon ako sa kinauupuan ko ng may makitang humintong sasakyan sa may gate. Hinintay ko ang paglabas ni Poro. Umasa ako. Pero wala. Isang babae lang ang nakita ko't parang diwata ang kumikinang nya pang puting damit.

"Holy moly shit!.." napatalon din galing kinauupuan nya itong si Dave. "Liz?." taka pa nyang sambit.

Sinong Liz?. Kapatid pa nila?. Girlfriend ni Dave?. Pinsan?. Ex?.

"Anong ginagawa nya rito?." kausap ni Dave ang sarili nya rito. Saka nya ako tinignan. Hindi ko masabi kung sakit ba o awa ang natanaw ko sa mga mata nya dahil agad nya itong iniwas sakin. "Dito ka na muna sa loob. Lalapitan ko lang.." anya na sinarado ang pintuan ng front seat saka ako tinanguan na umayos ng upo para maisara nya ang pinto sa gawi ko. "Balik din ako kaagad.." paniniguro pa nya bago tuluyang isara ang hawak nya.

I was like. Bakit kailangan ko pang pumasok sa loob?. Bakit hindi ba pwedeng kaming dalawa ang lumapit duon at kumausap sa bagong dating na bisita?. Bakit sino ba ito sa kanila?. Ayoko sanang makiusyoso pero nahihila ako ng maaaring maging eksena nila sa labas. Gumilid ako't pinanood sila sa labas mula dito sa loob. Nakita ko kung paano binuksan ni Dave ang gate. Kung paano sila nagyakapan at kung paano sila magtawanan.

Dito ko naramdaman na, wala pala akong lugar dito.

Sakit ang dumaan sa dibdib ko ng mga oras na to. Kahit pala umuwi si Poro. Kahit pala andito sya mamaya. Sa mata ng mga umuuwing bisita nya. Ligaw parin akong bulaklak sa paningin nila.

Kung kanina. Hiniling ko na mapaaga ang pagdating nya.

Ngayon. Hinihiling kong muli na sana matraffic sya. Sana hindi sya payagang umuwi. Sana tumagal pa ang dating nya dahil ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong di ko kakilala.

Muling nagyakapan ang dalawa at lumakas pa ang tawanan. Hanggang sa sabay na silang pumasok sa loob. At sumunod din ang binabaang sasakyan nung Liz ang pangalan. At pumarada sa tabi ng Ford. Mabuti nalang. Nasa loob ako dahil ayoko ring ipakita ang sarili ko sa mga taong estranghero ang tingin sakin.

Hanggang sa huminto ang makina ng sasakyan. Hinintay ko ang pagbaba nung nasa loob. Walang lumabas.

Tinignan ko rin ang oras sa phone ko. Alas nuwebe palang ng gabi. Kaya ko pang umuwi. Kung paano ko nakuha ang phone ko. Binigay kanina ni Daven nung pinaupo nya ako rito bago sya naupo sa front seat. Sinabi nyang sagutin ko daw mga tawag at text ng Kuya nya. Thanks to him. I can manage to be free from here as of the moment. Sigurado akong magtataka si Mama sa pag-uwi ko mamaya. Pero para sakin. Walang isyu na yun dahil mas mabuti nang umuwi na ako kaysa ipagsiksikan ang sarili pa dito.

A minute later. Bumaba ako't palihim na lumabas ng gate. Naglakad ako hanggang kanto. Ilang dipa lang naman ang layo. Tapos ay tinawagan na si Karen.

"Yes Ate?."

"Nasaan ka?. Pasundo naman ako.."

"Dito ako kila Kian. Bakit, saan ka galing?. School?."

"Nope.. basta pasundo naman ako dito sa may kanto ng subdivision nila Poro.. pahatid ako sa bahay.."

"Huh?. Bakit?."

"Saka na ang paliwanag Karen.. pakibilisan naman oh.." kulang nalang magmakaawa ako't maiyak sa kinatatayuan ko sa hina ng isip ko ngayon. Pinanghihina nito ang mga tuhod ko.

"Sige.. antayin mo kami dyan.. wag ka ng lumayo pa.." anya pa dahil minsan ko na ding ginawa na nagpasundo ako tapos umalis din dahil sa tagal nila.

Sa pagpatak ng bawat segundo sa minuto. Nababalisa ako. Humihiling na sana hindi nya ako makita rito. "Nasaan na kayo?." nakailang tawag na ako kay Kaka. Nagtataka na siguro ito sa pagmamadali ko.

"Malapit na kami. Wait lang.." saka na nya binaba ang tawag. A minute later nga. Huminto na sila sa harapan ko't agad na akong sumakay.

"Anong nangyari Ate?." tanong nya agad matapos kong umupo at ipahinga ang ulo sa headrest.

"Pagod ako Kaka. Saka na ang kwento ha.." alam kong medyo naiinis na ang boses ko. Sorry nalang dahil di ko lang talaga maiwasan ngayon.

Hinatid nga nila ako sa bahay. Tulog na si Mama. Si Papa nalang ang gising. Nanonood ng basketball.

"Magandang gabi po.." nagmano ako dito kahit di nya ako tingnan. Paakyat na sana ako ng magsalita sya.

"Magandang gabi binibini.. napauwi ka yata?." taka na ang mahihimigan sa kanya.

"Wala po. namiss ko lang itong bahay."

"Talaga?. Kami ba, hindi mo namiss?." napahinto ako ng akyat at nilingon sya. Bumaba akong muli upang lapitan sya. Saka ko sya niyakap mula sa kanyang likod.

"Namiss ko po kasi kayo kaya ako umuwi.."

"Namimiss ka na din namin. Wala na nga si Kaka.. tapos wala ka pa.. lagi namang wala din ang Ate mo.. parang minumulto tuloy tong bahay dahil nawala bigla ang sigawan nyo.."

Nahabag ako bigla. "Balik na po ba ako dito Papa?."

"Kung gusto mo lang eh.. bakit hinde anak?. Choice mo na yan.. basta kami.. support lang sa mga gusto nyo.."

Sya lang naman ang matindi ang suporta sa mga gusto namin. Si Mama. Ibang usapan na yan. "May problema ba?. Nag-away ba kayo ni Poro?."

"Po. Hinde po.." napakalas ako ng yakap sa kanya dahil sa kanyang naging tanong. Di ko alam na tiningala nya pala ako upang tignan ang reaksyon ko.

Tapos binalik na sa TV ang mata nya. "Wag kang mag-alala. Kapag tumawag mamaya. Sasabihin kong tulog ka na.."

"Pa, di nga po kami nag-away.." giit ko pa.

"Alam ko.. wala ngang ganun na nangyari pero may nangyayari na ayaw mong sabihin.. kaya uunahan na kitang sabihin na tulog ka para di na mangulit pa." niyakap ko nalang ulit sya dahil kahit di ko ipaliwanag sa kanya ang totoo. Pinipilit nya pa ring iniintindi. "Basta bukas. Kwentuhan mo na ako.." tumango nalang ako sa kanya.

Sa mga oras na lumipas. Parang linggo o buwan ito dahil sa bilis ng mga pangyayari. Daig ko pa tumakbo ng ilang ulit sa isang malaking oval para maramdaman ang ganitong bigat ng katawan at pagod.

Hay.. sana nga.. Maging magaan na ang lahat bukas. Sana.

Chương tiếp theo