webnovel

CHAPTER 32

Now playing: Ikaw at Ako - Tj Monterde

Elena's POV

Weeks have passed.

Kung saan mas nagiging sweet pa kami ni Kassandra sa isa't isa, may assurance and consistency, doon naman parang nagiging malabo sa akin kung ano ba talaga kaming dalawa.

As in, ang labo.

Ni hindi nga namin napag-uusapan kung anong relasyon pa ba ang meron kami. Kung magkaibigan o mag-amo lang ba talaga kami?

Friends with benefits?

More than friends?

Situationship?

M.U?

Hayyyst! Hindi ko na rin alam. Basta ang alam ko gusto niya rin ako at mahal ko siya noon pa man.

Naguguluhan na ako. Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil... ewan ko, naduduwag ako.

Paano kung hindi pala kami parehas ng nararamdaman? Paano kung ako lang pala itong nag-assume tapos bigla niya akong iwasan? Or bigla siyang maglagay ng boundaries?

Pero 'di ba? Sinabi niya na gusto niya ako? And the way she acted, sa respeto niya sa akin at kung paano niya i-consider palagi ang nararamdaman ko and thoughts ko, alam kong may nararamdaman sa akin si Kassandra.

Pero bakit parang hindi ako confident?

Bakit parang natatakot akong itanong sa kanya kung ano ba talaga kaming dalawa? O kung anong relasyon ang meron kami.

Lalo na ngayon, labis akong nagtataka kung bakit ako ang isinama niya sa isang Talk Show Interview at hindi si Annia, o si Luna, maging si Cybele? 'Yung mga kaibigan niya.

Bakit ako?

I mean, yes, I would be jealous na magkakasama sila ni Annia. Pero madalas niya kasing isinasama kapag ganito ay ang mga kaibigan niya. Lalo at kilalang tao rin ang mga ito. Hindi gaya ko na isang invisible lamang sa paningin ng mga tao.

Panay ang lihim na pag buntong hininga ko rito habang nakaupo kasama ang iba pang audience na nanonood kay Kassandra.

Panay ang tilian ng mga tao na halos mabingi na ang dalawang tenga ko. Kung makahiyaw sila grabe, masuportahan lamang nila ang kanilang iniidolo.

"We love you, Kassandra!"

"Ahhh! You're so pretty!"

"You're the best as always, kyaaaaahhhhh!"

Sari-saring pagbati at compliment ang maririnig mo. And somehow, hindi ko mapigilan ang maging proud para sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam na maupo rito kasama ang iba pang fans niya.

'Yung energy kasi na lumalabas sa kanila ay damang-dama ko. Sa layo na ng narating ni Kassandra, sino ba naman ang hindi magiging proud? Sino ba naman ang hindi maiiyak?

Maiiyak?

Mabilis na napahawak ako sa pisngi ko noong sandaling maramdaman ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

Tears of joy. Wika ko sa aking sarili bago mabilis na pinunasan iyon.

"So, Kassandra. Merong bulung-bulungan ngayon ang mga tao, especially your fans na papasukin mo raw ang mundo ng GL Movie---" Hindi pa man natatapos ng interviewer ang kanyang katanungan ay bigla na lang nagtilian at naghiyawan ang mga tao.

At noong kumalma na ang ingay sa paligid ay tsaka niya lang ipinagpatuloy ang kanyang naputol na katanungan.

"Is it true na tatanggapin mo ang ganung role? Hindi ka ba maninibago at nagdadalawang isip para umatras sa ganun kabigat na project?" Pagpapatuloy ng interviewer.

Isang malawak na ngiti muna ang pinakawalan ni Kassandra kasabay noon ang muling hiyawan ng lahat.

Pati ako na nakikinood lang ay napapangiti na rin.

"Well, actually to be honest, no." Diretsahang sagot ni Kassandra. "Hindi ako nagdadalawang isip na pasukin ang mundo ng GL Movie or Series. For me, wala namang pinagkaiba eh. Because I will do the same as my previous projects, I will just act and do my best to play my role properly." Pagpapatuloy niya sa kanyang kasagutan.

"And one more thing..." Biglang natahimik ang lahat noong may idinagdag si Kassandra sa kanyang statement.

"I have a special person whom I will dedicate this project to. Dahil sa project na ito, which is 'yung magiging role ko, ay maiinlove sa isang chubby na babae na palaging binu-bully sa school. That's why I accepted this project because it reminds me of THAT person. And this person has been a big part of my life... of my past." Biglang nabalot ng bulungan ang buong silid at lahat ay nagtataka kung sino ba 'yung taong tinutukoy ni Kassandra.

Habang ako naman ay awtomatikong nag-unahan sa pagtaas baba ang aking dibdib sa kaba na nararamdaman. Alam ko kasi at alam namin pareho ni Kassandra kung sino ang taong tinutukoy niya.

"Wow! That was the most honest and sincere answer I've ever heard in history. Can we know who the special person you're referring to is?" Follow-up question ng interviewer kay Kassandra.

Muling natahimik ang lahat dahil walang sinuman ang gustong palampasin ang magiging kasagutan niya.

Ngunit bago nito tuluyang sagutin ang tanong para sa kanya ay napatingin muna siya sa mga manonood. Animo'y mayroong hinahanap ang kanyang mga mata hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa.

Tinignan niya ako na tila ba merong sinasabi ang kanyang mga mata, ngunit hindi ko naman mabasa kung ano. Hanggang sa muling binawi niya ang kanyang paningin at ibinalik ang atensyon sa kanyang kausap.

"Piggy."

"Sorry, what?"

"Piggy is what I call that person. The reason why I want to fulfill my role in this project properly." Matapat na muling sagot ni Kassandra bago muling ibinaling ang kanyang mga mata sa akin.

Hindi ko alam... pero 'yung kabog ng dibdib ko, sa sobrang lakas pakiramdam ko ay parang sasabog na ang puso ko.

Hindi ko mapigilan ang mag-overthink.

At doon ay basta na lamang pumasok sa aking isipan ang maraming katanungan katulad ng...

Bakit ganoon na lamang siya kung makatingin sa akin? Dahil ba alam niyang si Piggy pa rin hanggang ngayon? Pero ako rin naman 'yun ah.

Or...

Hindi ko na alam!

Naguguluhan na ako.

Mas naguguluhan ako ngayon. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Naiiyak ako dahil paano kung 'yung dating ako pa rin ang gusto niya? 'Yung chubby, maitim at panget?

Eh sinikap kong gawing ganito ang itsura ko ngayon para sa kanya. Sinikap kong i-improve ang sarili ko at magpa-glow para sa kanya.

At paano rin kung hindi niya ako tanggapin at magalit siya dahil nagawa kong magtago at magsinungaling? Hayyyst.

Kaya sa sobrang frustrated ng nararamdaman ay bigla na lamang akong napatayo mula sa aking inuupuan at walang sabi na nag-walk out. Hindi na rin nag-abala pa na lingunin si Kassandra dahil baka maiyak lang ako lalo sa harap ng maraming fans niya.

Wala akong ibang gustong puntahan o uwian kundi ang Penthouse ni Kassandra. I'm already hurrying home. That's where I shed all the weight in my chest. I also can't understand myself why I'm becoming like this?

Dahil ba natatakot akong malaman ni Kassandra ang totoo?

Baka magalit siya dahil all this time itinago ko sa kanya ang lahat?

O dahil nag-aalala akong baka hindi na niya ako magawang magustuhan at 'yung piggy pa rin noon ang hinahanap niya? Eh hindi ko na maibabalik 'yung dating ako. Iba na ako ngayon kaysa noon.

Kaya nga hindi niya ako nakilala, hindi ba?

Ang daming tumatakbong bagay at katanungan sa aking isipan to the point na nakakalunod na.

Hanggang sa habang umiiyak ako ay biglang napadako ang mga mata ko sa kwarto kung saan walang pinapayagan si Kassandra na may makapasok na kahit sino.

Natigilan ako.

Curiosity hits me.

Muling pinunasan ko ang luha sa mga mata at pisngi ko bago dahan-dahan na lumapit rito.

Alam kong walang ibang tao rito kundi ako lamang. Kaya alam ko rin na hindi malalaman ni Kassandra na may nagtangkang pumasok o may sumubok buksan ang kwarto na ito.

Napapalunok na pinihit ko ang door knob ng pintuan. Hanggang sa tuluyan kong nabuksan ito at agad na tumambad sa akin ang isang kulay pink na kwarto na punong-puno ng mga pig stuff toys, keychains na merong mukha ng baboy, printed wallpaper na merong mukha ng baboy, naka-display na t-shirts na merong mukha ng baboy.

As in lahat ng bagay na nasa loob ng kwarto na iyon ay merong mukha ng baboy.

Nanginginig ang mga tuhod na tuluyang pumasok ako sa loob. Kasabay ang mas malakas na kabog sa dibdib ko habang muling naglalaglagan ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan ang muling maiyak sa mga nakikita at nalaman ko.

Dahil alam ko sa sarili ko kung bakit at para saan ang mga bagay na ito.

Hindi ko alam kung anong pangungulila ang nararamdaman ni Kassandra up this day. Na sa pangungulekta ng ganitong mga bagay niya idinadaan ang pagka-miss sa akin.

Kay Piggy.

Gustong-gusto kong tumakbo patungo sa kanya ngayon din. Yakapin siya at sabihin na andito na akong muli, na bumalik na ako, na andito na si Piggy at hindi na siya iiwanan muli at hindi na ako aalis muli.

Pero paano?

Naduduwag ako.

Natatakot ako na isipin niyang nagsinungaling ako sa kanya.

Sa sobrang pag-iyak ay basta na lamang nanlumo ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig bago niyakap ang aking sarili habang humahagulgol.

Gusto kong humingi ng sorry sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. 

Gusto kong sabihin na kahit nakakasama ko na siyang muli sa araw-araw, ay sobrang namimiss ko pa rin siya. Na hindi lang siya ang nangulila ng sobra, ako rin.

"Elena."

Sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na namalayan ang pagdating ni Kassandra. Agad na natigilan ako noong marinig ko ang boses niya.

Ini-expect ko rin na magagalit siya sa akin. Maaaring bulyawan niya ako ng sigaw o pagtaasan ng boses dahil nilabag ko ang kautusan niya na bawal pasukin ang silid na ito.

Ngunit iba ang nangyari sa inaasahan ko. Dahil sa halip na sabunin niya ako ng maraming katanungan ay mabilis na lumapit pa siya sa akin at niyakap ako.

Kaya mas lalo akong naiyak at humagulhol.

"B-B-Bakit?" Hindi ko mapigilang hindi siya tanungin habang parang bata na humihikbi sa harap niya.

"B-Bakit mo tinanggap ang bagong role na iyon? Bakit?" Umiiyak na pagpapatuloy ko. Dahil parang simula yata nung nag-artista siya hanggang ngayon lahat para kay Piggy ang mga ginagawa niya.

Hanggang kailan niya gagawin 'yung mga bagay na iyon para sa akin?

Kumalas siya sa pagyakap mula sa akin bago ako hinawakan ng marahan sa magkabilaang pisngi ko.

Hanggang sa magtama ang aming mga mata. Sandaling pinunasan niya muna ang luha sa pisngi ko bago niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

"I want to do that for Piggy. That's the thing I want and the last I'll do for her before I finally let her go." Paliwanag nito sa akin.

Muli akong natigilan.

"L-Let her go?" Naguguluhan kong tanong habang nakakunot ang noo.

Napatango siya.

"She is the reason why I became an actress. And I will be forever grateful to her for my success. But I need to let her go now, dahil meron na akong ikaw. And I promise, I will tell you more about her soon." Dagdag na paliwanag pa niya.

"B-But..."

Hindi ko naituloy pa ang gusto kong sabihin nung muling yakapin niya ako.

"Kung may isang bagay man ako na gustong ingatan ngayon na huwag mawala, ikaw 'yun." Wika niya bago mas hinigpitan pa ang pag yakap sa akin.

Kaya walang nagawa na niyakap ko na lamang din siya pabalik. Iyong mararamdaman niya na parehas kami ng gusto at nararamdaman.

Ayoko rin siyang mawala sa akin at hindi ko na hahayaan na muling magkahiwalay kami.

Siguro konting panahon pa, konting lakas ng loob pa, sasabihin ko na rin sa kanya ang totoo.

At sana... sana talaga mahalin at tanggapin niya pa rin ako kahit hindi na ako katulad ng dati, ang piggy na inaasahan niyang babalik sa kanya.

Chương tiếp theo