webnovel

CHAPTER 36

Now playing: I need you - LeAnn Rime

Elena's POV

"Luna, b-bakit tayo nasa hospital?"

Hindi maitago ang kaba at takot sa itsura ko noong sandaling ihinto ni Luna ang sasakyan sa may entrance ng Hospital kung saan ang kilalang Director Operation at Owner ay ang pamilya nina Kassandra.

Hindi ako kinibo ni Luna. Sandaling bumuka ang kanyang bibig ngunit walang salita ang gustong kumala mula rito.

"Luna!" Nauubusan na ng pasensya na muling pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Kung nagbibiro ka lang pwede ba huwag naman ngayon?!" Inis na singhal ko at lalabas na sana ng sasakyan nang mahawakan niya ako sa aking braso para pigilan.

"K-Kassandra had an accident." Bigla akong natigilan at awtomatikong nanlamig noong marinig ang sinabi niyang iyon.

Dahan-dahan na muling nag-angat ang mga mata ko para salubungin ang mga tingin niya, ngunit hindi sa'kin nakatutok ang mga mata niya.

Nakayuko lamang ito.

At makikita sa mga mata n'ya na nasasaktan siya para sa kanyang kaibigan.

"H-Her condition is serious and requires a good operation, so...so w-we were forced to rush her to their hospital early this morning dahil ayaw ng pamilya niya, e-especially her mom, na operahan siya sa ibang Hospital. Lalo na kung hindi mahigpit ang security." Dagdag pa niya bago ako tuluyan na muling tinignan ng diretso sa aking mga mata. 

Napatakip ako ng aking bibig bago isa-isang naglaglagan ang luha sa aking mga mata.

Hindi.

Nananaginip lang ako, tama? Hindi ito totoo.

"Yun ang dahilan kaya hindi ka na niya magagawang balikan sa Zambales. At 'yun ang dahilan kaya tayo nandito ngayon." Pagpapatuloy pa ni Luna bago mabilis na pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

"P-Pero paano? I-I mean...b-bakit? P-Paano siya naaksidente? Bakit wala man lang balita? Kilala ko siya magmaneho eh. Maingat siyang mag-drive." Umiiyak na wika ko kaya bigla na lamang akong niyakap ni Luna.

"I'm sorry..." Paghingi nito ng tawad. "I'm sorry. But I know she needs you now more than anyone else." Dagdag pa niya. "Kassandra's mom blocked what happened to her from all media and prevented it from getting out. That's the reason kaya walang kahit anong balita ang kumakalat sa nangyari kay Kassandra."

Tumango ako at pilit na nilakasan ang aking loob.

Pinunasan ko rin ang luha mula sa aking mga mata at pisngi.

"Luna..." Napalunok ako ng mariin at walang alinlangan na hinawakan ko ang kanyang kamay.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbaba ng tingin ni Luna sa kamay naming dalawa. Alam kong bibigyan niya iyon ng malisya, pero para sa akin, isa siya sa kailangan ko ngayon para makalapit kay Kassandra.

At alam kong alam niya rin iyon. 

"Please, dalhin mo ako sa kanya." Pakiusap ko. "I-I wanna see her, Luna. Please!" Muling pakiusap ko bago napayuko. Dahil doon ay muli na namang nagbagsakan ang aking mga luha.

Wala na akong pakialam kung magmukha pa akong disperada. O ipagtabuyan ng kung sino mang magbabawal sa akin na makita siya.

Gusto ko siyang makita.

I wanna be there for her.

At gusto ko pagmulat ng mga mata niya, isa ako sa una niyang makikita. Isa ako sa madadatnan niyang nandiyan para sa kanya.

"Of course, kaya nga tayo nandito." Sagot nito bago ako hinawakan ng marahan sa baba ko at dahan-dahan na iniangat upang magkasalubong ang mga tingin namin.

"I want you to be there for my best friend." Dagdag pa niya at binigyan ako ng isang mabagal na ngiti.

'Yung ngiti na nagsasabing nandiyan din siya para sa akin.

"Come on!" Bigyang pagyaya nito.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan at agad na nagtungo sa VIP floors kung nasaan ang room ni Kassandra. Ang sabi kasi ng nurse sa front desk ay dinala na siya kaagad sa kanyang room pagkatapos ng kanyang operation.

Thank God! Lihim na pasasalamat ko sa Maykapal. Dahil naging successfula ang kanyang operation.

Hindi ko mapigilan ang maiyak sa tuwa. Dahil kahit na hindi pa man siya nagkakamalay ay alam kong safe na siya. Alam kong ligtas na siya at pwede na siyang magkamalay anumang oras.

Pagdating namin sa floor kung nasaan ang room ni Kassandra ay kaagad naming nakita sina Cybele at Mae na kalalabas lamang ng isang kwarto. Kaya alam naming nasa tamang floor na kami.

At alam ko rin na iyon na ang kwarto ni Kassandra. Iyong merong nakabantay na tatlong naka men and black na mga kalalakihan sa labas.

Meron kasing twenty one floors ang Hospital at nasa 19th floor kami ngayon.

Kaagad na nakita kami ng mga ito kaya mabilis ang mga hakbang na sinalubong ko sila, ganoon din ang mga ito sa amin.

"Oh my God! Kanina ka pa namin hinihintay." Bungad ni Mae at mabilis akong niyakap.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong nito.

Pero sa halip na sagutin ko siya ay bigla na lang akong naiyak muli. Nasasaktan kasi ako para sa girlfriend ko.

Ni wala man lang akong kamalay-malay na naaksidente na pala siya. Hindi ko man lang alam kung anong nangyari sa kanya.

Habang si Cybele naman ay tumango lamang sa akin at binigyan din ako ng yakap. Halatang sobra din ang pag-iyak nito dahil magang-maga pa ang kanyang mga mata.

"She wants to see her." Singit ni Luna sa amin.

Tumango si Cybele at nag-give way sa amin.

"Sasamahan na namin kayo sa loob." Wika naman nito tsaka sabay-sabay na kami na lumapit sa pintuan ng kwarto ni Kassandra.

Hindi ko mapigilan ang malakas na kabog sa dibdib ko habang papalapit kami ng papalapit sa kwarto.

Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na mismo si Kassandra o kung ano ang kalagayan niya ngayon. Dahil pakiramdam ko para nang winawarak ang puso ko dahil nasasaktan ako para sa kanya.

Para sa girlfriend ko.

At noong sandaling binuksan na ni Luna ang pintuan ay kaagad na bumungad sa amin ang galit na itsura ng mama ni Kassandra. Kasama nito sa kwarto si Annia na pangisi-ngisi lang sa may gilid.

Isa-isa kaming tinignan sa mukha ng mama ni Kassandra hanggang sa magtama ang aming mga mata. Noong makita niya ako ay para bang kilalang-kilala na niya ako.

Iyong tingin pa lamang ay tila ba hinuhusgahan na niya ang buong pagkatao ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng kwarto ay mabilis na sinalubong na niya ako ng isang malakas na sampal sa aking mukha.

Sa sobrang lakas ng sampal nito ay napaluhod ako sa sahig. Pakiramdam ko pa ay nabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"AUNTIE!" Chorus na saway nina Luna at Cybele sa mama ni Kassandra dahil maging sila ay nagulat din sa ginawa ng mama ni Kassandra sa akin.

Habang si Annia ay nasulyapan kong tuwang-tuwa pa sa nangyayari. 

Demonyita talaga 'yung babaeng iyon.

Sasampalin na naman sana ako ng pangalawang beses, pero mabilis na iyong nasalo ni Luna bago pa man ito muling maglapat sa kabilang kong pisngi.

"Auntie, enough!" Hindi na napigilan ni Luna ang pagtaasan ito ng boses bago ako mabilis na itinayo.

"Are you okay?" Kaagad na tanong niya sa akin bago ako marahan na itinabi sa may likod niya.

"Why the hell are you doing this, Auntie?!" Diretsahang tanong ni Luna sa mama ni Kassandra ngunit hindi pa rin nagbabago ang expression ng kanyang itsura.

"Luna, stop protecting her! Tama lang iyan sa kanya." Biglang singit ni Annia.

"Isa ka pa!" Inis na saway sa kanya ni Luna.

"What? Tama naman ako 'di ba? Dahil sa disperadang babae na iyan, napahamak si Kassandra. Kung hindi dahil sa kanya, hindi madidisgrasya si Kassandra. Sigurado kasi kung anu-anong nire-request niyan kay Kassandra kaya kahit madaling araw ay bumiyahe pa---"

"Hindi totoo 'yan!" Mabilis na putol ko sa kanya. "Ni hindi ko nga alam na umalis siya. H-Hindi ko alam na---"

"Sinungaling!" Putol sa akin ni Annia. "That girl is so pa-victim Auntie. Sinungaling 'yung babaeng iyan kaya paalisin niyo na ho siya!" 

"Security!" Hanggang sa bigla na lang tumawag ng security ang mama ni Kassandra.

Mabilis na napailing ako. Kung kinakailangan magmatigas, magmamatigas ako.

Kung kinakailangan magmakaawa, gagawin ko.

Mabilis na nilapitan ko ang mama ni Kassandra.

"Please, gusto ko lang ho makita si Kassandra. Pakiusap! Wala naman po akong ibang gagawin. Gusto ko lang po siyang alagaan at bantayan. Pakiusap po!" Pagmamakaawa ko sa kanyang ina.

"Please, huwag niyo naman ho itong gagawin oh. Wala naman po akong ginagawang masama. Gusto ko lang alagaan ang girlfriend ko." Dagdag ko pa.

"WHAT?! Girlfriend?" Muling sabat ni Annia. "At talagang nangangarap ka ng gising huh! SECURITY!" Muling pagtawag nito ng security.

"Ma'am please. Nakikiusap po ako sa inyo." Muling pakiusap ko sa mama ni Kassandra. Ngunit sa halip na pakinggan ako ay pwersahang tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Hindi ka namin kailangan dito." Mariin na pagtatabuyan niya sa akin. "Anong akala mo sa akin, hindi ko kayang alagaan ang anak ko? Also, there are nurses who can take care of her." Dagdag pa niya.

Pagkatapos ay tumango ito sa dalawang security na kapapasok lamang din ng kwarto.

"Ilabas niyo itong babaeng ito at huwag na huwag niyo nang papapasukin pa." Utos nito sa dalawa.

"Yes ma'am!"

Agad na nilapitan nila ako at hinawakan pero nagpumiglas ako.

"Hindi niyo na ako kailangang kaladkarin kuya." Wika ko sa dalawang guard habang nakatingin ng diretso sa mama ni Kassandra. "Pumunta ho ako rito ng maayos bilang tao para sa anak ninyo, kaya aalis ako ng tao." Dagdag ko pa bago mariin na pinunasan ang luha na nasa aking pisngi.

Pagkatapos ay mabilis ko na silang tinalikuran. Kaagad naman akong sinunandan ng tatlo.

"Bes, sandali!" Pagtawag sa akin ni Mae.

"Hinatayin mo kami!"

Sa sobrang sama ng loob ko hindi ko na alam kung papaano at saan pa ito ibabaling. Basta bigla na lang akong napaupo at humagulgol sa may hallway.

Wala na rin akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang tanging gusto ko lang ay iiyak itong nararamdaman ko.

Gusto ko lang namang makita ang girlfriend ko ah.

Gusto ko lang namang maalagaan siya.

Gusto ko lang naman nand'yan para sa kanya pero bakit ang damot naman nila? Bakit kailangan pa nilang ipagdamot sa akin?

Ni hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang nakita ang kalagayan niya. Hindi ko man lang siya nasilayan kahit sandali.

Ang damot damot nila!

Hindi ko mapigilang mapahagulhol habang yakap ni Mae na ngayon ay umiiyak na rin dahil sa akin.

"Tahan na...please. Ipagdasal na lang natin na magising na si Kassandra at maka-recover ng mabilis." Pagpapakalma nito sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon o kung gaano katagal kaming nag-iiyakan sa may hallway. Ang tanging alam ko lamang ay sobrang nalulungkot at nasasaktan ako para sa girlfriend ko.

Nasasaktan ako kasi wala man lang akong magawa para sa kanya. Para maalagaan siya.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa may rooftop garden na kami ng Hospital, nakaupo kami sa isang pabilog na lamesa na merong apat na silya ang nakapalibot rito.

Medyo kalmado na rin ako habang tahimik lamang na nakaupo sa tabi ko Mae, ganoon din si Luna at Cybele na nakaupo sa may harapan namin.

Noon naman naisipan kong itanong sa kanila kung ano ba talaga ang nangyari. At kung may ideya sila bakit naaksidente si Kassandra.

"Kassandra was supposed to be returning home when she met a motorcycle that overtook from the other lane and caused her accident." Panimula ni Cybele.

"Ang sabi sa mga naging witness sinubukan niyang iwasan ang motorsiklo pero siya naman itong naalanganin at bumangga sa isang sasakyan na naka-park." Dagdag pa niya.

"I know she was on her way home to you then because we talked through the phone call. Sobrang excited siya na makauwi agad sa'yo dahil katatapos niya lang i-finalize 'yung sorpresa niya para sa birthday mo. G-Gusto niya raw kasing makabawi sa ginawa mong effort nung birthday niya." Pagpapatuloy pa niya.

Dahil sa sinabing iyon ni Cybele, dun ko lamang naalala na...oo nga pala.

Birthday ko na bukas...

Isa isa na muling naglaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko habang napapalunok ng mariin. Ramdam ko rin ang panginginig ng bibig ko at buong katawan ko.

"Tama naman ako 'di ba? Dahil sa disperadang babae na iyan, napahamak si Kassandra. Kung hindi dahil sa kanya, hindi madidisgrasya si Kassandra."

Tama nga si Annia... kung hindi dahil sa akin hindi madidisgrasya si Kassandra.

Dahil sa akin k-kaya wala siyang malay ngayon at nag-agaw buhay.

"S-So... dahil sa akin?" Tanong ko sa kanilang tatlo. "D-Dahil sa akin kaya siya naaksidente?" Tanong ko habang napapailing dahil hindi makapaniwalang napahamak si Kassandra nang dahil sa akin.

"No! Of course not. Hindi mo kasalanan 'yun, Elena." Mabilis na sagot ni Luna. "Walang may gusto na mangyari 'yun at mas long hindi mo ginusto. Okay?" Dagdag pa niya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo." Wika naman ni Cybele.

Ngunit mariin na napailing lamang ako atsaka mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo.

"I-I think...I think I should go now." Wala sa sariling paalam ko sa kanila ngunit mabilis akong nahawakan ni Mae para pigilan.

"Elena..."

"PLEASE!" Umiiyak na pakiusap ko sa kanya, sa kanila. "Hayaan niyo muna ako. G-Gusto ko munang...gusto ko munang mapag-isa." Dagdag ko pa bago sila tuluyang tinalikuran.

Madilim na ang paligid noong makalabas ako ng gusali ng Hospital. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha hanggang sa pag-abang ng masasakyan pauwi nang biglang may humintong kotse sa aking harapan.

Kotse ni Luna kung saan kami sumakay kanina.

Mabilis na lumabas ito ng sasakyan at nilapitan ako.

"Elena, ihahatid na kita." Tatalikuran ko na sana siyang muli nang mabilis niya akong habulin at pigilan. Pagkatapos ay iniharap niya ako sa kanya.

"Ano ba, Luna! Hindi mo ba ako narinig?! Hindi ba sabi ko gusto kong mapag-isa?!" Sigaw ko sa kanya habang tinutulak-tulak ang dibdib niya. "Gusto kong mapag-isa so please..." Nanghihina na napakiusap ko sa kanya. "Please, leave alone."

Ngunit sa halip na sigawan din ako nito pabalik ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

"No! I won't leave you. Kahit na paulit-ulit mo pang gustuhing mag-isa o ipagtulakan ako, hindi kita aalisin sa paningin ko, Elena." Paliwanag niya habang yakap ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang marahan na paghagod nito sa likod ko.

"Iiyak mo lang lahat. Pero dito lang ako." Dagdag pa niya bago tuluyang kumalas sa pagyakap sa akin.

"L-Luna..." Ngumangawa na pakiusap ko.

Kasi sa totoo lang kailangan ko rin naman talaga ng makakasama.

'Yung maramdanman na hindi ako mag-isa ngayon. 'Yung maramdaman na may taong nandyan para sa akin. Kasi sa totoo lang para na akong mababaliw na walang magawa para kay Kassandra ngayon, mas nadagdagan pa iyon nung nalaman ko kung anong dahilan bakit siya naaksidente.

"Kung meron mang tao ang nangangailangan ng kasama ngayon, ikaw 'yun. Ikaw 'yun, Elena." Wika ni Luna na animo'y nababasa ang nasa isipan ko. "Kaya sasamahan kita, okay? I'll stay be with you at and I won't leave you alone. At alam kong 'yun din ang gusto ni Kassandra ngayon, 'yung may taong nandyan para sa'yo." Dagdag pa niya.

Atsaka ako nito muling niyakap. Iyong yakap na nagsasabing meron akong karamay, meron akong kakampi at hindi ako nag-iisa.

Yakap na nagsasabing pwede akong maging mahina dahil meron akong pwedeng masandalan sa panahon ngayon.

Chương tiếp theo