Now playing: Babalik Sa'yo - Moira Dela Torre
Elena's POV
Maaga pa lang ay sinundo na ako ng personal driver ni Kassandra kasama si Roxanne.
Puyat na puyat pa akong napapahikab habang bumibiyahe kami patungong penthouse.
Sino ba naman kasi ang hindi mapupuyat eh alas tres pa lang ng madaling araw sinundo na ako? Halos apat na oras lang ang tulog ko.
Hindi kasi ako nakakatulog kaagad kapag bago ang environment sa akin. Isa rin yun sa mga dahilan kaya ayaw kong nag-i-sleep over. Lalo lang kasi akong napupuyat. Isa pa, mababaw lang ang tulog ko, madali akong magising sa konting ingay at liwanag ng paligid.
Hayyyy. Kaya inggit na inggit ako dun sa mga taong konting lapat lamang ng likod ay talagang mahimbing na kaagad ang tulog.
Hindi ko akalain na ganoon pala kahigpit ang security sa Penthouse ni Kassandra. Kung anu-anong chine-check kasi sa akin at hinahanapan ako ng maraming identification. Mabuti na lang at palagi kong dala ang mga valid ID's ko.
"Napakahirap at ang higpit naman pala ng security rito." Himutok ko kay Roxanne nung nasa loob na kami ng elevator patungong floor ng unit ni Kassandra.
Natawa lamang ito ng mahina dahil sa narinig. "Yeah, right. Pinili niya talaga 'tong unit niya para iwas sa mga marites na netizens." Paliwanag nito sa akin.
Naka VIP floor ang unit ni Kassandra. Kaya naman pala ganoon na lang sila kahigpit rito, dahil bukod sa may isang sikat na superstar ang nakatira rito ay talagang yayamanin ang mga tao.
Grabe! Ang yaman na niya noon pa lang, ano na lang kaya ngayon na isang sikat na siyang artista? Tanong ko sa aking isipan.
Pagdating namin sa unit ni Kassandra ay napakatahimik ng buong paligid. Ni hindi mo aakalaing may nakatirang tao rito ngayon eh.
Ang sabi ni Roxanne tulog pa raw si Kassandra ng ganitong oras. Malamang dahil mag-aalas kwatro pa lamang ng umaga at sa biyahe namin kahapon siguradong puyat at pagod pa talaga ito.
Pinagbilinan lamang din ako ni Roxanne na wag na lang masyadong gumawa ng ingay kahit naka-soundproof naman ang kwarto ni Kassandra. Kailangan muna kasi niyang umuwi muli at may ibang errands pa siyang kailangang puntahan.
May mga maluluto naman na raw sa fridge at ako na lang ang bahalang mag-check. Pagkatapos noon ay iniwan na niya ako at muli nang umalis.
Hindi rin halatang nagmamadali siya eh, ano?
Kailangan daw kasi bago magising si Kassandra mamaya for breakfast ay nandito na siya.
Grabe! Ano kayang ginagawa niya, lumilipad? Eh ang traffic kaya!
Hay! Ba't ko ba pinoproblema ang trabahong hindi naman akin. Napailing ako at agad na dumiretso na sa kusina. Tuwang-tuwa ako noong unang bumungad sa mga mata ko ang dalawang naglalakihang fridge dito sa kusina ni Kassandra.
Excited na binuksan ko ang mga ito at mas namangha pa dahil naka-arrange talaga ang mga laman sa loob mula sa bottled water, soda, energy drinks, milk, fruits and vegetables. Ganoon din sa kabilang fridge kung saan ang nakalagay naman ay mga karne, isda at iba pa.
Halatang hindi masyadong nagagamit ang kusina. Pero bakit punong-puno itong dalawang fridge niya? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.
Dahil sa pagkakaalam ko, hindi naman nagluluto si Kassandra. Lalo na sa siksik na schedule niya? Tsk. Tsk. Sobrang napakalabo.
Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa wall ng kanyang kusina. Limang minuto na lang at mag-aalas singko na pala, mukhang masyado akong nawili sa ganda ng mga gamit pang kusina rito kaya hindi ko na nabantayan pa ang oras.
Agad na kumilos na ako at sinimulan nang ihanda ang mga lulutuin ko.
Dahil breakfast lang naman, mabilisang luto lang. Kaya magluluto na lang ako ng Spanish breakfast for Kassandra na sana ay magustuhan niya.
Bocadillos sandwich na lang ang ginawa ko para mabilisan. Hindi ko kasi alam kung anong oras ba talaga nagigising si Kassandra para pwede na rin niyang gawing brunch.
Breakfast plus lunch.
It's just a typical Spanish breakfast na pini-prepare with a baguette, or Spanish bread, pitufo, a mini bread bum.
The great thing about bocadillos is that you can choose the filling you like the most.
Meron itong calamari rings, tortilla de patatas, Jamon and cheese. Or make a serranito with pork loin steak and Jamon.
Nilagyan ko na rin ng konting mayonnaise para mas malinamnam.
Nagtimpla na rin ako ng orange juice dahil perfect 'to para sa bocadillos.
"Nice view!" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang husky na boses na iyon.
Halatang kagigising lamang niya at napapahikab pa.
Kahit na hindi ko pa nakikita ang itsura niya dahil nakatalikod pa ako mula sa kanya ay alam kong ang ganda-ganda n'yang tignan kahit na bagong gising lang.
Napatikhim muna ako bago tuluyang humarap sa kanya. Nakasandal ito sa may door frame ng kusina habang naka-cross arms.
"Hindi na kasi ako makatulog kaya lumabas na ako." Paliwanag niya bago ako binigyan ng isang ngiti.
"Good morning!" Parang tangang pagbati ko dahil sa lawak ng ngiti. Ayoko kasing maging awkward. Hehe. Lalo na dahil naka suot lamang siya ng isang oversize t-shirt na hindi ko alam kung meron ba siyang suot na salawal.
Dahil sigurado akong wala siyang bra, tumatayo kasi 'yung nipples niya. Errr!
Ang hot niya tuloy lalong tignan dahil din sa medyo magulong kulay orange na buhok niya.
Ang puti niya lalo tignan! Grabe!
Mabilis na napaiwas ako ng tingin at kunwaring abala pa rin sa pagtitimpla ng juice.
"Kain ka na?" Tanong ko sa kanya. "Sandali at ihahanda ko lang ang pagkain mo." Wika ko bago muling tinignan siya sa kanyang mukha pero tahimik na tinitignan lang pala ako nito habang nakangiti ng nakakaloko.
Hindi ko alam kung natatae ba siya o natatawa or ewan.
"O-Okay ka lang?" Tanong kong muli. Napatango naman ito bago napa-lip bite.
"Bagay ka pala sa kusina ko." Sambit niya bago muling natawa ng mahina.
Ba't ba siya natatawa?
Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang mapairap sa aking isipan. Hindi ko na kasi pwedeng ipakita sa kanya dahil the last time na ginawa ko 'yun ay sobrang nakakahiya.
"Sa kusina mo lang?" Bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko. Nagulat ako nang sabihin ko iyon kaya biglang sinundan ko ng ibang words. "Syempre, personal chef mo'ko. Ahem!" Sabay tikhim ko sa dulo at nanalangin na sana ay hindi niya nadinig ang unang sinabi ko.
Ay anak ng patola ka naman kasi, Elena! Preno preno rin sa bibig mo, okay?!
Lumapit ito sa center island at doon naupo. Nandoon pa rin sa mga labi niya ang pag ngisi habang pinaghahain ko siya.
Sana lang talaga magustuhan niya ang ginawa kong breakfast.
Noong matapos na ako sa paghain ay muling nagsalita siya.
"Hindi mo ba ako sasabayan? I mean, ang dami nito oh." Binigyan ko siya ng may pagkaalanganing ngiti.
"Ano ka ba, syempre mamaya na ako, 'no?"
"Why?" Kunot noong tanong niya.
"Kasi boss kita. Tagaluto mo lang naman ako---"
"Duh! You're my personal chef pero hindi ka naman maid or what para hindi ako sabayan sa pagkain." Paliwanag niya. "So, please, sabayan mo na ako." Pakiusap pa niya.
Oh! Juice colored. Ba't naman kayo gumawa ng ganito kaganda at ka-charming na babae?
Hindi tuloy ako maka hindi. Ang hirap tanggihan. Hays!
Sandaling nakipagtitigan pa ako sa kanya bago napairap. Geez. Bahala siya, masanay siyang iniirapan ko siya. Sinanay niya ako noon eh.
"Fine." Tuluyang pagkayag ko bago naupo sa tabi niya.
"Good."
At noong sandaling tinikman na niya ang breakfast na gawa ko ay napapapikit pa ito. Habang ako naman ay hinihintay ang sasabihin niya. Kinakabahan at nanlalamig ang mga kamay, baka kasi mamaya hindi pala niya nagustuhan ang ginawa ko.
"Hindi ba masarap?" Tanong ko.
"Oh my gosh! This is so good. Ang sarap nga eh!" Pagbigay papuri niya bago ako muling binigyan ng ngiti.
"Talaga? Binobola mo lang yata ako eh." Nangingiti na tanong ko habang sumusubo na rin ng pagkain.
Napatango siya.
"Yes! And doon sa tanong mo kanina, kung sa kusina ko lang ba ikaw nababagay?" Bigla akong natigilan at mabilis na napainom ng juice. Which is juice niya, dahil hindi pa ako nakakakuha ng para sa'kin.
Kusang napapikit ang mga mata ko ng mariin bago lihim na napapamura sa sarili.
Shit! Narinig niya pala.
Habang siya naman ay mayroong malawak at nakakalokong ngiti. Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin, maybe because she wants to see what my reaction will be.
"Well, you know, bagay ka rin naman naman sa kwarto ko. Or should I say... sa KAMA ko?" Wika nito na may diin sa huling sinabi bago muling sumubo ng pagkain.
Awtomatikong bumilis sa pagtibok ang aking puso. Pakiramdam ko rin namumutla na ako ngayon sa harapan niya at hindi na makahinga.
Noon naman ay bigla siyang napahagalpak ng malakas.
"Gosh! You should see your face!" Tumatawa pa ring sabi niya. "Earlier you were like a tomato in red and now you suddenly look like you saw a ghost. Hahahahaha!" Tawang-tawa pa ring pagpapatuloy niya habang ako naman ay gusto nang maglaho sa harap niya ngayon din.
"Pfffft. Alright, I'm sorry. I'll stop." Pagpipigil nito sa kanyang pagtawa.
"But seriously, I mean it." Biglang naging seryoso ang itsura nito. "Bagay ka sa kwarto ko." Noong muling sabihin niya iyon ay hindi ko mapigilan ang mapalunok.
Ano ba kasing pinagsasabi niyang bagay ako sa kwarto niya?
"Kaya please, if you're free at kung okay lang sa'yo, samahan mo'kong mag-movie marathon? Wala kasi akong gagawin all day and I just wanna rest. Please?" Pakiusap nito with puppy eyes.
Bigla naman akong napahinga ng malalim noong sabihin niya ang dahilan. Hayyy! Mabuti na lang.
Pero teh! Hindi mo na kailangan mag say 'please', dahil yes na yes na agad.
"Akala ko naman."
"Akala mo naman, what?"
"I-I-I mean," shit na dila 'to.
Bakit bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko ang dapat na nasa isipan ko lang?!
"Wala!" Sabay tayo ko sa aking inuupuan at tinalikuran na siya.
"Nag-e-expect ka ba na may iba tayong gagawin?" Makahulugan na sabi niya at tumayo na rin.
"What? No! Of course not. I mean, akala ko lang kasi paglilinisin mo'ko ng kwarto mo." Pagpapalusot ko na sana nga ay makalusot.
Napatango lamang ito ng maraming beses ngunit hindi naman mukhang kumbinsido.
"Okay! Whatever you say." Nakangising wika niya bago ako tinalikuran na.
"Sunod ka sa kwarto ko ha? I'm just going to take a shower first." Pahabol na dagdag pa niya.
"O-Okay..." Bulong ko sa aking sarili bago napahinga ng malalim at dahan-dahan.
"Now na ba tayo manonood? Agad-agad? Ang aga pa ah." Pahabol na tanong ko sa kanya bago pa man ito tuluyang makapasok sa kanyang kwarto.
Kinakabahan kasi ako oras na pumasok na ako sa kwarto niya. Hindi ko alam kung anong kaba na naman ang mararamdaman ko kapag nagkataon.
Ngunit hindi na ako sinagot pa at dire-diretso lamang itong pumasok sa kanyang kwarto.
Ayokong mabuko niya ako. Hindi pa ako ready na malaman niyang ako si Piggy. Hayst!
Bahala na nga si Batman.