webnovel

CHAPTER 2

Now playing: Feels Like You - Faime

Elena POV

Lumipas ang tatlong araw, ganoon pa rin ang nangyari. Wala namang bago. Walang umaga ang hindi ako binu-bully ng mga estedyante na pakana ng magkakaibigan.

Trip na trip talaga nila ako, 'no? Minsan talaga iniisip ko siguro masyado silang insecure sa akin. Hindi ko maiwasan ang matawa sa aking sarili noong maisip ang mga katagang iyon.

Paano naman kasing hindi ko maiisip 'yun? Wala naman silang napapala sa pangbu-bully sa akin. Alam naman nilang walang gustong maging kaibigan ako. Alam naman nilang panget na ako, ang taba-taba ko pa. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, kaligayahan pa rin nila ang i-bully ako.

Seriously, I don't get them. Masyado silang nag-aaksaya ng oras at panahon sa akin.

Gold siguro ako. Worth it paglaanan ng oras at panahon. Natatawa at napapailing na wika ko sa aking sarili.

Katatapos ko lamang ulit magpalit ng uniform, dito pa rin sa paborito kong CR. Mayroon na akong extrang uniform sa dahilang ginamit ko na lang 'yung perang binigay o nilimos ni Kassandra sa akin para makapagpagawa ng bagong unifom noong araw ding iyon.

And speaking of Kassandra.

Biyernes na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya muling nakikita. I mean, nagkikita kami sa klase dahil magkaklase lang naman kami. Pero syempre, hindi ko naman siya pwedeng lapitan sa harap ng maraming tao para lamang isuli 'yung panyong ipinahiram niya para sa akin ano?

Edi lalo akong pinagkainitan ng mga estudyante, lalong-lalo na ng mga kaibigan niyang baliktad ang pag-iisip.

Pero uy, joke lang 'yung sinabi ko. Hehe.

Sakto paglabas ko ng cubicle ay siya namang biglang may napatikhim kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi magulat.

Nanlalaki ang aking mga mata noong mabilis na napatingin sa may pintuan kung saan nanggaling ang boses nito. At gayon na lamang ang laking gulat ko nang makita si Kassandra sa may entrance ng CR. Habang naka sandal pa sa frame ng pintuan ang kanyang katawan at naka-cross arms.

Grabe! Para naman siyang nagmo-model sa tindig at postura niya.

At nandiyan na naman po 'yung seryosong mukha niya at nakakatunaw na mga titig.

Mabilis na napayuko ako at nagmamadaling inihakbang ang aking mga paa upang tuluyang makalabas na ng CR, nang biglang iniharang niya ang kanyang sarili sa aking daraanan.

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa nila sa'yo?" Tanong nito sa akin.

Ngunit hindi ko pinansin ang katanungan nito at lakas loob na nilampasin pa rin siya dahil late na ako sa unang klase. Palagi na lang akong late sa unang klase. Hayst!

"Too bad. Wala si Ms. Santiago. Kaya walang klase." Natigilan akong muli at noon din ay napalingon kay Kassanda.

Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Dahil sa pagkakaalam ko, never pa siyang umabsent o hindi pumasok sa lahat ng klase namin. Siya kasi ang bukod tanging pumapangalawa sa akin sa lahat ng klase.

At oo, siya ang salutatorian namin.

Napalunok ako ng mariin lalo na nung biglang hinawakan nito ang kamay ko at basta na lang akong hinila sa kung saan.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid sa takot na baka may makakita sa aming dalawa na magkasama kami. Tiyak na lalo akong sasabunin at pagkakainitan ng mga estudyante rito sa St. Claire.

Gusto kong bawiin ang kamay ko pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa sakin. Aakalain mong ayaw niya na akong bitiwan habambuhay.

Joke!

Mas malaki ang katawan ko sa kanya. Sigurado akong mas malakas ako sa kanya. Pero bakit parang wala akong magawa kundi ang magpaubaya lamang na paghila niya? Isa pa, bakit nanghihina ang buong katawan at mga tuhod ko ngayong hawak niya ako sa braso?

Para bang may kung anong bultahe ng kuryente akong nararamdaman sa aking tiyan. At may hindi maipaliwanag na narararamdaman sa aking dibdib.

Weird.

Ganito ba kapag aatakihin na sa puso? Tanong ko sa aking isipan.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Awtomatikong gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi noong makita na hawak-hawak ako ng isang Kassandra Morena.

Pero parang bigla rin akong nakaramdam ng sobrang kahihiyan nang ma-realize na napakalayo ng kulay ng kutis naming dalawa.

Jusmiyo! Literal na asin at paminta ang kulay naming dalawa.

Sa mga hindi nakakaalam, ang kaitiman ko po kasi ay sagad sa kaibuturan. Halos mata ko na lang at ngipin ang maputi sa akin. Haha!

Hanggang sa mapansin ko na umikot lang pala kami ni Kassandra. At sa likod ng gym niya ako dinala. Sa paborito kong tambayan kung saan walang masyadong estudyante ang nagpupunta.

Alam kasi nila na dito ako palagi kaya wala talagang pumupunta rito. Wala nga kasing gustong makipagkaibigan sa akin, 'di ba? Nilalayuan ako ng lahat na akala mo'y may nakakahawang sakit lang.

Well, except sa best friend kong si Mae, na kapag may pagkakataon ay sinasamahan niya ako rito kung minsan.

May apat na naglalakihang punong kahoy rito kaya sariwa ang hangin. Malawak ang damuhan na pwede kang mahiga rin, lalo na kapag mainit ang panahon at hindi basa ang mga ito. Medyo masukal sa may unahan pero ayos lang, mas lalo kasi siya itong nagpapapresko sa paligid.

Makikita rin mula rito ang signage ng mall na walking distance lamang mula rito sa St. Claire University. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang dito ginawa ang gate. Umiikot pa kasi ang mga estudyante makapunta lamang sa mall. Habang 'yung ibang mga nagka-cutting class naman ay nag-o-over the bakod. Hahaha!

Katulad na lamang dito banda. Ang dami kong nawi-witness mga estudyanteng umaakyat ng bakod para lang makatakas.

Ano bang napapala nila sa gano'n? Hayst. Anyways, buhay na nila 'yun.

"I think you're safe here." Rinig kong sabi ni Kassandra habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Muli akong napalunok habang mayroong pagtataka sa aking mga mata at lihim siyang pinagmamasdan.

Hindi ko kasi alam kung bakit parang ang bait niya masyado sa akin. Samantalang 'yung mga kaibigan niya ang pasimuno sa pambu-bully sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung nagpapakitang tao lamang ba siya o ano? Iniisip ko rin minsan na baka pinagtitripan lamang ako nito dahil walang ibang naglalakas loob na kumausap sa akin o kaibiganin ako.

Pero ayoko rin namang mang-judge at pagdudahan ang kabutihan ng isang tao sa akin. Kaya mabilis na napailing ako at pilit na iwinaglit sa aking isipan ang mga bagay na iyon.

"Hindi ka ba talaga nagsasalita?" Tanong nito bago ako binigyan ng isang ngiti.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako napatulala sa maganda niyang mukha dahil sa pag ngiti niya sa akin.

Shit! Para siyang isang tunay na anghel na bumaba sa lupa. Palagi kasi siyang naka-poker face at tahimik lang talaga palagi. Pero ngayon, nginitian ako ng isang Kassandra Moreno at kinakausap pa.

Hindi ko tuloy mapigilan ang masinok na naman. Parang kapag kasama ko siya, napapadalas ang pagsinok ko ha?

"Bakit....b-bakit mabait ka sa akin?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya. "Naaawa ka lang sa'kin kaya mo'ko tinutulungan, t-tama ba?" Dagdag ko pa.

Pero napangisi lamang ito habang nakatitig sa mukha ko.

Para namang matutunaw lahat ng fats ko sa init ng titig niya! Harujusmiyo!

"Hindi ka naman mukhang kawawa para kaawaan ko." Komento nito bago naupo sa damuhan, kung saan ang paboritong spot ko. "For me, you're the strongest girl I know in this campus." Pagpapatuloy niya bago pinagpag ang space sa tabi niya.

Gusto niyang tabihan ko siya sa pag-upo pero mas minabuti ko na maupo nang may isang dipang layo mula sa kanya.

"Sa araw-araw na pambu-bully nila sa'yo, ang tibay mo para araw-araw pa rin na pumasok sa University na ito." Pagpapatuloy niya bago muling nagbaling ng tingin sa akin.

Habang ako naman ay muling napaiwas ng tingin at piniling paglaruan na lamang ang mga daliri ko habang nakayuko.

"Hindi ka ba..hindi ka ba naiilang na kinakausap mo ako?" Pagtanong kong muli sa kanya.

Ngunit sa halip sa sagutin ako ay mataman na napatitig lamang ito sa akin.

"I-I mean, kasi mga kaibihan mo sila." Tuloy ko kina Annia, Luna at Cybele.

"So? Bawal na ba akong makipag-usap sa iba at piliin kung sino ang ibang pwedeng maging kaibigan ko dahil kaibigan ko sila?" Dire-diretsong wika nito sa patanong rin na tono.

"I-I mean, hindi ba dapat...binu-bully mo rin ako?" Hindi ko pa rin talaga maiwasang magduda sa kanya.

"And why would I do that? Bakit? Anong kasalanan mo para gawin ko 'yun sa'yo? Hmmm?" Tanong din niya pabalik sakin.

"Eh ikaw? Bakit hindi ka man lang marunong gumante sa mga ginagawa nila sa'yo?" Dagdag naman niya.

Napangiti lamang ako sa katanungan nito. 'Yun din kasi ang madalas na itanong sa akin ng best friend ko at madalas na itanong ko sa sarili ko.

"Sabi kasi ng nanay ko, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Hindi naman maso-solve 'yung problema kung gaganti rin ako eh. Lalo lang magiging malala. At isa pa, ayokong maging katulad nila." Paliwanag ko sa kanya.

Muli itong napangiti bago napahinga ng malalim nung marinig ang sinabi ko.

"Ibang klase ka talaga." Komento nito bago napatingin sa kanyang suot na relo. "So pa'no? Una na ako? Sunod ka lang ha?" Wika nito at agad na rin na tumayo.

Habang ako naman ay naguguluhan ang mga matang sinundan siya ng tingin. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil doon ay muli siyang napangiti.

"Sa second class natin. It's about time." Paliwanag niya na para bang nababasa ang kung anong nasa isip ko. Napatango-tango ako.

Ah! Second class nga pala namin. Ang bilis naman yata ng oras?

"Meron pa tayong 20 minutes. Sunod ka after 5 minutes. Okay? Para hindi ka ma-late." Pagkatapos noon ay muling binigyan na naman niya ako ng ngiti, bago siya tuluyang tumalikod sa akin.

Isang pigil na ngiti naman ang gumuhit sa aking labi habang pinagmamasdan siya papalayo.

Kung magiging kaibigan ko man ang isang Kassandra Moreno, sana Lord 'wag nang mawala pa ang pagkakataon na ganito. Lihim na panalangin ko sa aking sarili.

Kasi sino ba naman ang ayaw na maging kaibigan siya, 'di ba?

Pagdating ko sa aming classroom at habang naglalakad patungo sa aking upuan, ay hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Kassandra kung saan nasa may bandang likuran sila nakapwesto na magkakaibigan.

Pakiramdam ko mabilis na nang init ang buong mukha ko nung makita ko itong nakatingin din pala sa akin bago ako binigyan ng pasimpleng ngiti.

Mabilis akong napaiwas ng tingin mula sa kanya noong maramdaman ang pang iinit ng tenga ko bago tuluyang naupo na rin. Mabuti na lang at maitim ako, kahit na mag-blush ako hindi mahahalata sakin.

---

Pagkatapos nang buong araw na klase ay kaagad na dumiretso na ako sa Eatery namin. Malapit lamang din ang aming pwesto sa St. Claire University kung saan maraming dumadaan na mga estudyante mula sa iba't ibang eskwelahan.

Nagtitinda kasi ang pamilya namin ng street foods, goto, bulalo at beef pares. Madalas nauubos ito kaagad dahil maraming bumibili at talagang nagugustuhan ang luto namin.

Tuwang-tuwa nga ang mga magulang ko araw-araw eh. Ito ang pinakahanapbuhay ng aming pamilya. Ang pagluluto at ang pagbibigay ng ngiti sa mga tao.

Iyon nga lang, walang mga taga- St. Claire University ang nadadalaw dito dahil alam nilang sa amin ang eatery na ito. Nakakalungkot man isipin, pero sa ilang taon namin na nagtitinda rito, kahit isa ay walang napapasyal rito. Mabuti na lang at hindi nagtataka ang mga magulang ko.

Iniisip ko rin na mas mabuti na rin 'yung gano'n. Baka kasi malaman nila mula sa mga estudyante na ako ang number 1 na binu-bully sa school. Ayaw kong masaktan sila, ano?

Malapit na ako sa aming eatery nang makapa ko mula sa bulsa ng aking palda ang panyo na dapat ay isusuli ko kay Kassandra.

Mabilis naman na napatampal ako sa aking noo.

Nakalimutan ko na naman kasi.

Hayst. Hindi na bale, may susunod na pagkakataon pa naman siguro.

Chương tiếp theo