webnovel

Chapter 3

"Daddy! Si kuya oh! Ayaw ako ihatid sa school" sigaw ni Penelope sa daddy niya na kasalukuyang nasa hapag kainan at nagbabasa ng diyaryo

"Hello! I'm not a driver of a spoiled brat named Penelope!" sabi ni Aaron sa kapatid habang umuupo sa hapagkainan

"Dad oh!"

"Aaron, bring your sister to school" maawtoridad na utos ng kanyang ama sakanya

"Pero dad nandiyan naman si -"

"My pupuntahan kaming dalawa kaya walang maghahatid sa kapatid mo" hindi parin tumitingin ito sakanya

"Bakit kasi hindi na lang magdriving lessong tong spoiled na to?" naiinis na sabi ni Aaron sa kapatid habang pinandidilatan niya

"Hindi pwede, baka pag matuto yan sa pagdadarive lagi nang wala dito yan, You gonna bring her to school either you like it or not and it is final!" sabi ng kanyang Ama na ngayon ay nakikipagtitigan na sakanya

"So i guess wala na akong magagawa! halika na kung ayaw mong maiwan!" sabi na lang ni Aaron saka tumayo mula sa hapagkainan at nagpatiunang naglakad paalis ng kusina.

"Wait kuya!" dali dali naman tumayo si Penelope

"Goodbye dad!" sabi ni Penelope sa ama saka humalik sa pisngi nito

"Ok! Take Good Care! Huwag mo masyadong iniinis ang kapatid mo baka sa susunod hindi na siya makinig sakin" sabi ng ama nito

"Don't worry dad, kuya is always listening to you! ok Gotta Go!" sabi nito saka tuluyan nang umalis at sinundan ang kapatid.

*****************

"Ate? Totoo ba ito?" Hindi maipaliwanag ni Leila ang nararamdamang saya dahil sa nabasa.

"Yes, you read it right!" nakangiting sagot naman ni Eleonor sa kapatid

"I'm going to Harvard and take the course I want???" excited na tanong nito

"Yes"

"Oh! Thank You Thank You mwah mwah mwah!" sabi ni Leila sa kapatid saka hinalikan ng hinalikan ang mukha ng kapatid

"Wait Leila nakikiliti ako hahahaha" tawa nito

"thank you thank you ate but-" natigilan si Leila saka biglang lumungkot ang mukha

"Oh bakit?" tanong ni Eleonor

"How about you? I mean, hindi pa tayo nagkakahiwalay simula noong bata pa tayo! We never been apart or seperated, diba kung nasaan ako, nandoon ka din?" sabi nito na nakasimangot

"I think this time we need to be separated besides kailangan mo din maging independent, pero one thing for sure, kung kailangan mo ako tawagin mo lang ako, kahit nasaan man lupalop ng mundo ako naroon asahan mo darating at darating ako" sabi niya sabay yakap sa kapatid

"Yes I know! because you are my hero" sabi naman ni Leila saka gumanti ng yakap sa kapatid

"Halika na nga at ihatid na kita sa school niyo at aayusin ko na din ang kailangan kong ayusin sa pagtransfer mo, andoon na din sa school si ate maan mo, kanina pa siguro naghihintay iyon" sabi ni Leila saka inakay ang kapatid palabas ng kanilang bahay.

"Ate kaw na muna bahala dito, aalis na kami" paalam nito sa katulong bago pa sumakay ng kotse niya.

****************

"Goodbye kuya, thanks for the ride!" sabi ni Penelope bago lumabas ng kotse ng kuya

"Thanks for the ride? barkada lang?" sabi naman ni Aaron, tawa lang naman ang sagot ng kapatid nito

"Oh wait kuya!" sabi ni Penelope

"Ano nanaman!" nakasimangot na sabi nito

"Can you please fetch me later? Please pretty please?" said Penelope with puppy eyes

"What!? ayaw ko nga!" sabi ni Aaron

"Please??" sabi pa nito habang nagpapaawa

"Ok! Just text me!" sabi niya, iaatras na sana niya ang kanyang kotse nang . . .

Booggggg!

"Sh*t!!! You must be kidding me!" sigaw ni Aaron saka dali daling lumabas ng kanyang kotse at tinignan kung anong nangyari

"What the!" nasambit na lang niya nang makita niyang my nasagi siyang kotse.

"Hoy! Ikaw! Lumabas ka diyan!!" sigaw ni Aaron sabay turo sa sasakyan, hindi niya makita ang nasa loob dahil tinted ang sasakyan na nakabangga niya

Aaron's POV

Pagtinamaan ka nga naman ng lintik na malas oh! Una, wala akong nagawa nang sabihin ni Daddy na ihatid ang spoiled brat kong kapatid, ngayon naman my nakabanggaan pa ako!

"Lumabas ka sabi eh!" sigaw ko habang tinuturo ang sasakyan na nakabangga ko, kahit tinted ito alam kong sakto sa tinuturo ko ang kinaroroonan ng driver.

Dug dug dug dug

Hindi ko maintindihan kubg bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang buksan ang pinto ng sasakyan sa harap ko at nakita kong nakahigh heels ito.

Dug Dug Dug Dug

Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan nang makalabas ang driver.

Bakit parang nag slow motion ang lahat?

Hanggang sa tuluyan niyang pag labas, habang hinahangin ang kanyang mahabang buhok, hanggang sa pagtingin niya sakin.

"Wow" iyon na lang ang aking nasabi.

Ang ganda niya! Matangkad, bilingkinitan ang katawan, makinis ang balat! Ang ganda ng kanyang mga labi, parang ang sarap halikan.

Lumapit ako sakanya habang kami ay nakatitig sa bawat isa.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang mga pisngi, ang lambot!

Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha at pinikit niya ang kanyang mga mata na palatandaan na siya ay nagpapaubaya na. . .

"Kuya! Naglalaway ka na!" boses ng aking kapatid ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan,

"Halla pinagpapantasyahan mo ata iyong driver" sabi pa nito

"Anong pinagpapantasyahan pinagsasabi mo!?" sabi ko sa kapatid ko at tinignan ko siya ng masama..

Nananaginip pala ako ng gising! Kapatid ko pala ang nasa harap ko, buti na lang hindi ko siya hinalikan!

"Hoy mister! Are you blind? Hindi mo ba nakita ang kotse kong papadaan para umatras ka?" sabi bigla ng babae

Ang ganda ng boses niya, para bang musika sa aking pandinig!

"Hoy Kuya kinakausap ka!"

"Alam ko!" sabi ko sa kapatid ko sabay irap

"Ay akala ko nananaginip ka nanaman ng gising!" sabi pa ni Penelope, pinandilatan ko na lang siya humagikgik muna ito bago yumuko saka nag peace sign .

"Sorry Miss, hindi ko nakita, ito kasing-"

"Bago kasi kayo maglandian ng girlfriend mo tiyakin mo munang nakafocus ka sa paligid mo!" sabi bigla ng babae na medyo kinainis ko

"and one thing, ilang taon ka na ba kumpara sa girlfriend mo bakit parang sobrang bata pa"

"ah teka po" sasabat sana ang kapatid ko pero pinigilan ko siya

"Teka miss masyado ka nama mn judgemental! unang una sa lahat hindi kami naglalandian! Pangalawa, hindi ko siya girlfriend dahil kapatid ko siya K-A-P-A-T-I-D! KAPATID! at pangatlo, hindi ko sinasadya ang pagkabangga ko saiyo, eh diba ikaw ang dadaan bakit hindi mo nakita na paatras na ako!" inis na sabi ko

"Kuya" saway naman sakin ni Penelope

"What!? tignan mo nga iyang tama ng sasakyan ko! Medyo nakadaan na ako bago ka pa nakaatras! Tignan mo nang makita mong tama ako!?" sabi niya

Lumapit siya sakin saka hinawakan niya ang kamay ko na aking kinabigla

Ang lambot ng kamay niya

"Tignan mo, tama ako diba?" tanong niya

"Oo, my tama na ako saiyo" sabi ko habang nakatingin sakanya

"What!?" pasigaw na sabi niya habang nakataas ang isang kilay niya

"I mean. . ."

Wala akong masabi, tumingin ako sa kapatid ko at tinignan ko siya ng "Hingi-Saklolo-Look" pero tumawa lang siya sabay Gusto ko siya ibaon ng buhay! Grrrr

"Ate? Bess? Ano nangyari?"sabay na sabi nang dalawang babae na mukhang kararating lang, doon ko lang napansin na madami na din palang tao ang nakatingin sa amin. Kamukha niya iyong isang babae.

"Leila?"

"Penelope?"

Mukhang magkakilala ang kapatid ko at iyong babaeng kararating lang na tinawag na ate si ateng driver.

"Magkakilala kayo?" sabi nung babae

"Oo ate, kaklase ko at friend ko po siya, siya po iyong kwinekwento ko po sainyo minsan" sabi niya

"Siya ba ang ate mo? Wow! Ang ganda niya! magkamukhang magkamukha kayo, para kayong hindi magkapatid" sabi ni Penelope sabay lapit sa amin

"Hi ate, I'm Penelope, and this is my brother Aaron!" masiglang pakilala ng kapatid ko

"Halla, ito na ba iyong kuya mo na lagi mong iniinis? Hi kuya, I'm Leila, this is my sister Maria Eleonor or M.E for short and this is my ate Maan, my sister's BFF" masiglang pakilala naman ng babae, M.E. pala pangalan niya, ang ganda.

"Hello" sabi naman nung Maan sabay ngiti sakin

"Pagpasensyahan mo na po si kuya, ate hindi niya lang po siguro talaga nakita sasakyan niyo kanina dahil sa kinausap ko siya" sabi ni Penelope

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya hayaan mo ipapaayos ko na labg iyong sasakyan mo" sabi ko naman

"No it's ok, pagpasensyahan mo na din ang inasal ko kanina" sabi niya sabay ngiti

Para siyang anghel na bumaba sa langit sa pagkangiti niya.

"So, ok na ba tayo dito?" singit ni Penelope

"Ok na, sige ialis ko lang itong sasakyan namin, tara na" sabi niya sa mga kasama niya saka sila pumasok sa kanilang kotse

"See you later Pen" sabi ni Leila

Hindi ko maiwasan sundan ng tingin si M.E..

"Hoy kuya!"

"oh?"

"akala ko ba aalis ka na?" sabi bigla ni Penelope

"Mamaya na si-"

"diba papasok ka pa sa office, mamaya mauna pa si daddy at malaman niyang wala ka pa doon magagalit iyon!" sabi pa nito

"edi sabihin ko na kinulit mo ako"

"No way!" sabi niya

"Oo na, aalis na, text mo na lang ako pag susunduin na kita!" sabi ko

"Himala!" sabi pa nito saka tuluyang umalis.

Napatingin na lang ako sa kotse ko na medyo nayupi sa gilid saka napakamot.

"Hindi naman siguro masyadong malas ang araw na ito" sabi ko sabay ngiti habang papasakay sa aking kotse.

"Maria Eleonor"

Umalis ako sa paaralan ng aking kapatid na my ngiti sa aking labi.

*******************

*Hapon*

"Kuya? ang aga mo naman ata?" tanong ni Penelope sa kapatid niya nang madatnan niya ito sa parking lot

"Huh? Hindi ah, kararating ko lang din" sabi nito habang palinga linga.

"Teka, sino ba hinahanap mo?" sabi ni Penelope at tinignan din ang tinitignan ng kanyang kapatid.

"Wa-wala!" sagot niya

"Weh? Hinahanap mo si ate M.E ano?" asar ni Penelope

"uy! hindi ah" tanggi nito

"Eh bakit ka namumula?"

"Huh? ako? namumula?" sabi ni Aaron, agad itong humarap sa salamin ng kanyang kotse at tinignan ang mukha

"hahahaha binibiro lang kita kuya!" sabi ni Penelope

"eerrrr! ikaw talaga!" sabi nito

"Sumakay ka na nga!" sabi pa niya, isang sulyap pa sa paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse si Aaron.

Habang nasa daan pauwi ang magkapatid, napansin ni Aaron ang pagiging balisa ng kanyang kapatid.

"Oh? Tahimik ka ata?" sabi nito

"Nalulungkot ako kuya, aalis si Leila, Magtratransfer daw siya sa Harvard at saka sa isang araw na daw ang alis niya" sabi nito na malungkot

"Harvard? Sa isang araw na? Bakit agad agad? Kasama ba niya ate niya?" tanong na sunod sunod ni Aaron, bigla na lang my kumirot sa kanyang puso,

bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"Hindi, siya lang aalis, hindi naman pwede umalis si ate M.E eh kasi siya ang nagpapatakbo ng negosyo nila dito" sabi nito

"Talaga?" nakangiting sabi ni Aaron, bigla siyang nabuhayan ng loob

"Oo" sabi ni Penelope

"Teka? Bakit ngiting aso ka diyan nung nalaman mong hindi sasama si ate M.E?" dagdag ni Penelope nang makita ang mukha ng kanyang kuya

"Halla hindi naman! Malungkot naman ako oh, tignan mo!" sabi ni Aaron sabay pakita ng sad face sa kapatid

"Hindi ka talaga marunong magsinungaling! Kapangit mo!" sabi ni Penelope saka tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse ng kuya niya.

"Ito naman, malungkot ako kasi mukhang close kayo nung si Leila" sabi ni Aaron pero hindi na sumagot ang kapatid niya,

Wala nang nagsalita sakanilang dalawa hanggang makauwi sila sa kanilang bahay.

*******************

"Good Evening sir, mag isa niyo lang ho ba kayo?" tanong ng isang waitress

"Oo" sagot naman ng lalaki

"Saan niyo po gusto pumwesto sir?" tanong ulit ng waitress

"Gusto ko sa harap mismo ng stage, iyong kitang kita at mahahawakan ko ang dancer niyo" sabi nito habang nakangiti na parang aso

"Sige sir, this way po!"

Malapit sa stage at maliwanag ang pwestong binigay sa customer ng lalaki.

Masaya itong nanonood sa mga babaeng nagsasayawan sa entabladong malapit lang sakanya, mga babaeng walang suot kundi underware lang.

"Hoooh! Sige!" sigaw pa nito, hindi niya alam na my matang galit na galit na ngayon ay nakatitig sakanya, mga matang magbibigay ng kapahamakan sa kanyang buhay!

Nang matapos ang palabras o performance ng mga babaeng nasa entablado, bigla na lang tumahimik ang paligid, nag kanya kanyang usap at inuman na ang mga magkakasama.

My lumapit sa lalaki na dalawang babae, isang medyo my edad na at ang isa ay mukhang dalaga,

Nag usap sila saglit at saka iniwan ng matandang babae ang dalaga sa lalaki. Umupo ito sa tabi niya saka umakbay ang lalaki.

Matapos ubusin ng lalaki ang kanyang inumin, niyaya na niyang lumabas ang babae.

Habang naglalakad ang dalawa hindi napansin ng mga ito na my nakasunod sakanila.

Mga ilang Segundo, napatingin ang lalaki sa kanyang likuran na para bang nakaradaman ng kakaiba, pero napailing na lang ito nang wala naman siyang nakitang kaduda duda.

"Bakit?" tanong ng babae

"Wala" sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa

"Ano pala ang pangalan mo?" tanong ng lalaki sa kasama

"Mae" tipid na sagot nito

"Ikaw?" pahabol na tanong ng babae

"Anton! Anton Fuentabella" sabi ng lalaki sabay ngisi

"Uhmmmm" hahalikan na sana ni Anton si Mae nang . . .

Piiiiiiipppppp!

Liwanag na nagmumula sa isang sasakyan ang sumalubong sa dalawa.

"aaaahhh!" sigaw nila, buti na lang naipreno ng drayber ng kotse ang sasakyan kung hindi nasagasaan na sana ang dalawa.

"Hoy Gago ka ah!Muntik mo na kami masagasaan!Paano kung napatay mo kami huh! ' sigaw ni Anton nang makabawi siya sa gulat

"Halika na, hayaan mo na lang" yaya naman ni Mae sakanya saka sila umalis

"Huwag kang mag alala Anton! Hindi pa ngayon ang oras mo! Hindi sa ganitong paraan ka mamamatay! Hindi! Dahil dodoblehin ko ang pagpapahirap saiyo dahil sa ginawa mo sa kapatid ko! Hanggang ngayon Hayok ka parin sa laman! Bata talaga ang gusto mo! Pero sana magustuhan mo din ang aking alindog dahil ipapalasap ko saiyo ang sarap ng iyong kamatayan! hahahaha!" sabi ni Maria Eleonor sabay tawa ng nakakatakot.

Chương tiếp theo