webnovel

CHAPTER 43 - A SINCERE APOLOGY FROM ETHAN

CHAPTER 43 - A SINCERE APOLOGY FROM ETHAN

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Inaabot lang pala sakin ni Ethan yung phone dahil tumatawag daw si Mica sa akin.

"Beshie ? Hello? Are you there? May tao ba dyan?" naiinip na tanong ni Mica dahil kanina pa naka hang ang phone.

"Ahh, Yes. Beshie why? Sorry ah nakatulog kasi ako e. Ano yun beshie?" tugon ni Penelope.

"Kuya Patrick is calling you daw beshie. Di ka daw matawagan e, may itatanong kasi ata?" wika ni Mica.

"Ah talaga ba? Tulog na tulog kasi ako beshie e. Tsaka actually pinatay ko talaga phone ko, lowbat kasi e. I'll call him nalang mamaya siguro." tugon ni Penelope.

"Okay, pero bakit di ka makicharge dyan kay Ethan?" tanong ni Mica.

"Ahh hindi na beshie, may 5% pa naman ako e kaya mamaya ko nalang icall si Kuya. Sige na beshie end ko na yung call a baka malowbat nako e."

End Call...

After that call, I saw Ethan still holding his check. Kaya napatingin nalang ako sa daanan at medyo nagiguilty sa nagawa kong pagsampal sa kanya.

ETHAN SMITH POV

"Penelope?" mahinahon na tawag ni Ethan kay Penelope na nakatingin sa kabilang side.

As usual, snob pa din ako sa kanya. Pero gusto ko lang naman ioffer yung charger ko kasi I heard na lowbat na pala siya.

"Penelope?"

"Ahm. I heard kasi na lowbat kana? Eto oh may charger ako dito. Pwede ka dito magcharge.

Where's your phone?" pag aalok ni Ethan kay Penelope ngunit snob pa din ito sa kanya.

Hayy. Medyo di na din ako makapag pigil. Tsaka once and for all gusto ko na maayos ang gusot namin na to ni Penelope. Kaya minabuti kong kausapin siya. I think ito lang din ang magiging chance ko lalo pag nakapunta na kami sa hospital.

Minabuti kong itabi muna ang sasakyan at huminto panandalian.

"Penelope, can we talk please?"

"Hmm. Alam mo hindi ko alam kung bakit nilalayuan mo ako at di mo din ako pinapansin pero Penelope alam mo ba hinihiling ko na maging okay na sana tayo. Sana maayos natin to Penelope. Hanggang ngayon kasi clueless ako kung bakit ka nagkaka ganyan sakin e." mahinahon na pakiusap ni Ethan sa dating matalik na kaibigan.

Penelope was still speechless kaya tinry kong ungkatin yung nakaraan namin. At nung time na to hindi ko din alam sa sarili ko kung tama ba tong ginawa ko basta ang nasa isip

ko lang na masabi ko yung mga gusto kong sabihin sa kanya.

"Alam mo ba na sa totoo lang noong lumayo ka sa akin, nahirapan talagaako. Walang araw na hindi kita naiisip dahil alam mo nasanay na kasi ako lagi na nandyan ka lang sa tabi ko.

Masaya ako tuwing nakikita kita. At tsaka yung tungkol naman kay Cheska." Natigilan ako dahil bilga nalang siyang nagsalita.

"Hmm. No Ethan! wag mo nang ituloy please lang. Okay na ako. Kaya manahimik ka nalang.

Ano pang kailangan mong iexplain?" masungit na pananlita ni Penelope sa mga nasabi ni Ethan.

"P-Pero Penelope, gusto ko lang naman na magkaayos tayo. Please lang hayaan mong linawin ko sayo ang lahat." mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Ethan.

"Para saan pa Ethan, nangyari na lahat na nangyari."

"Penelope please hayaan mo akong ipaliwanag sayo lahat. Tsaka gusto ko lang din magkaroon ng mga kalinawan ang lahat. Ang dami ko din kasing tanong sa isip ko e. Na ikaw at ikaw lang din ang makakasagot. Gusto ko din na mapanatag ang isip ko Penelope. Kaya please lang oh." naiyak na sinabi ni Ethan.

"Ayan, ikaw naman? Ayan ang hirap sayo Ethan e. Puro nararamdaman mo nalang ang iniisip mo.

Pero yung nararamdaman ko pano? Naisip mo ba ang nararamdaman ko Ethan? kahit minsan?

Ano? Natahimik ka? Natanong mo ba sakin yan noon? Sumagot ka. Malamang hindi diba?

Kasi manhid ka!" Galit na sinabi ni Penelope kay Ethan habang umiiyak.

"Tsaka pwede ba, masaya na ako Ethan. Wag mo nang guluhin ang buhay ko." dagdag pa nito.

"I'm sorry Penelope. Maaaring tama ka na naging selfish nga ako. Inaamin ko ang pagkakamali

ko na yun. Pero Penelope, gusto ko lang malaman mo na ikaw talaga ang tunay na mahal ko.

Hindi si Cheska, sa maniwala ka man o hinde. Natatakot lang talaga ako na umamin sayo dahil

naduduwag akong ma-reject at mawala ang pagkakaibigan natin. Kaya sana mapatawad mo ako

Penelope." mahinahon na sinabi ni Ethan habang ito'y umiiyak hawak ang kamay ni Penelope.

Pero inalis niya din ang agad ang mga kamay ko.

"Mahal Ethan? Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Ehh kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano ka kasaya sa kanya tapos sasabihin mo sa akin ako ang totoo mong mahal? Wow naman Ethan ibang klase ka din no? Huwag kang magsasalita ng mga bagay na hindi mo naman kayang panindigan."giit ni Penelope habang patuloy sa pag iyak.

At biglang binuksan ni Penelope ang pinto ng kotse ang biglang lumabas at tumakbo. Kaya agad ko din siyang hinabol. Dahil nga sa may injury siya sa paa niya kaya agad ko siyang nahabol at niyakap sa kanyang likuran.

"Penelope please?" pagmamakaawa ni Ethan habang kayakap ang dating matalik na kaibigan na patuloy pa din sa pagluha.

"Alam ko hindi ka maniniwala sa akin kung sasabihin ko sayo na hindi naman talaga ako naging masaya sa kanya. Pano ko nasabi? Dahil nalaman ko lang ang totoong kahulugan ng salitang "Mahal" nung time na umalis ka na." biglang hagulgol ni Ethan gayun din si Penelope.

"At yun ang pinaka pinagsisihan kong bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. That careless decision of mine na i-entertain ang ibang tao habang may taong nandyan pala sa harap ko na tunay na nagpadama sa akin kung gaano ako kaespesyal. Pero huli na ang lahat nung narealize ko yun."

Bigla nalang akong lumuhod sa harap ni Penelope. Wala na akong pakielam kahit na may mga taong

makakita. Hindi na mahalaga sa akin kung anuman ang iisipin sa akin ng tao, basta ang tumatakbo lang sa isip ko ngayon ay yung maipakita ko sa kanya kung gaano ako ka-sincere sa mga sinasabi ko sa kanya ngayon.

"Ethan ano ba yan?" gulat na tanong ni Penelope habang tumitingin tingin sa mga taong nakakakita sa kanila.

"Kaya lumuluhod ako sa harap mo ngayon Penelope. Hayaan mong patunayan kong muli ang sarili ko sayo. Na seryoso na ako sayo this time. Taos puso akong humihingi ng kapatawaran sayo Penelope. Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo." pag mamakaawa ni Ethan.

"Ethan, ano ba naman yan. Halika na nga dun sa loob ng sasakyan!"

PENELOPE THOMPSON POV

Nagulat ako sa ginawang iyon ni Ethan. Sa totoo lang, ramdam ko yung sinseridad niya pero sa ngayon masyado pang madaming nangyayari. Baka hindi na kayanin ng katawan ko kung pati siya ay iisipin ko din. Tsaka na-realize ko na hindi pa pala ako ready mentally.

Chương tiếp theo